Kabanata 32

15.6K 427 124
                                    

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

#STASG
------------------------------------------------------------

TANGA

"Tingin ko aamin dapat siya sa'yo." kumento ni Ethel. Sabado ngayon at nandito sila sa bahay dahil sabay sabay kaming nangopya ng kanya kanyang assignment pero ngayon nagk-kwentuhan nalang kami. "Pero tama na rin na 'di mo siya pinatapos. Kawawa si Jared kung ganun."

Natigilan ako, "Bakit?" tanong ko sakanya.

"Hindi pa ba obvious?" aniya. "Kung pinatapos mo si Asher, posibleng bibigyan mo siya ng second chance."

"Hindi rin."

"Sus," pagsingit ni Tris. "Aamin 'yung taong minahal mo ng ilang taon, 'di mo pagbibigyan? Sinong niloko mo Aids?" umirap siya. "Kaibigan kita pero kapag sinaktan mo si Jared sisipain ko mukha mo."

"Brutal.." bulong ko.

"May sasabihin kami pero 'wag mo sabihin kay Jared na alam mo?" tumango ako kay Kei. "Promise ah?" tumango ulit ako. "He likes you." bumilis tibok ng puso ko. "Sinabi niya sa'min nung birthday niya."

"Alam mo bang takot siya nun?" sabi ni Tris at hindi ako makasagot. "Alam niya kasing wala siyang laban kay Asher."

"Kaya ba... sweet siya? Para mahulog ang loob ko sakanya?" hindi ko maiwasang itanong, napakunot ang noo ko tapos bigla akong hinampas ni Ethel ng unan.

"Gaga!" sigaw niya. "Mabait si Jared sa lahat! Ano ka? Nung iniwan kaya ako nung ex ko siya din 'yung nagcomfort sa'kin." umirap siya.

"Sorry naman.." mahinang sabi ko. Agad akong na-guilty dahil pinagdudahan ko si Jared.

"Nahulog lang loob niya sayo along the way." paliwanag ni Tris. "May text pa nga siya sa'kin e, teka." kinuha niya 'yung cellphone niya at hinanap 'yung sinasabi niya text. "Eto.. oh." inabot niya sa'kin phone niya.

From: Leo Pangit

I didn't wanna fall for her, because I knew she was already inlove with someone else. But then she smiled and holy shit, I blew it.

received 07/03/14 11:47pm

"Daming alam diba?" ani Tris. "Bakla 'yan e."

May bumabalot na init sa puso ko at talaga namang hindi na 'ko makapag salita.

"Parang suicide mission 'yung ginawa ni Jared." sabi ni Kei bago yakapin 'yung isang unan ko. "Kasi alam niyang malaki ang posibilidad na masaktan siya sa huli."

"Kaso nga ayun diba? Parang naging sweet ka na din sakanya kasi nga crush mo siya? Or like na?" tanong ni Ethel.

Napakagat ako sa ibabang labi ko, "I like him."

"So may chance siya?" tanong ni Tris at agad akong tumango.

"Alam mo?" sabi ni Kei. "Hindi naman sa ano ah, pero 'wag kang magpapadala sa peer pressure. Syempre gusto na namin na si Jared ang piliin mo pero desisyon mo parin 'yun sa huli." umayos siya ng pwesto at umupo. "Pero kung mas matimbang parin 'yung nararamdaman mo para kay Asher... kung pwede.. pakonti konti.. tigilan mo na 'yung kay Jared bago pa mas lumalim ang nararamdaman niya."

"Mas maganda kung diretsuhin niya." sabi naman ni Tris. "Parang band-aid na tinatanggal. Isang sakitan lang. Kesa 'yung aasa siya."

"Mas masakit kapag na-realize mong pakonti-konti kang nawawalan ng pag asa." sabi ni Ethel. "Tsaka ano ba? Si Jared na 'yan oh."

A & AWhere stories live. Discover now