Kabanata 8

21.3K 462 77
                                    

• ADRIANNA •

"Ipasa mo! Ipasa mo!" sigaw ni Jared kay Kris na agad namang ipinasa ang bola kay Angelo.

"Go Angelo!" Sigaw ng mga katabi ko.

P.E namin ngayon. Nasa quadrangle kami ng mga kaklase ko. Wala pa si Sir Lance kaya malaya pa kaming nakakapag tambay at laro ng kung ano ano lang.

"Crush ko na talaga siya!" Tinulak tulak ako ni Ethel at halos mangisay na siya sa kilig.

Nagtinginan kami ni Beatrice bago tumawa. "Sino?" Tanong ko.

"Si Angelo," Mahinang sagot niya. "Ang gwapo gwapo!"

"Hala, lahat na may gusto sakanya!"

"Ang gwapo kasi." Sagot ni Ethel. Bumuntong hininga siya habang pinapanood si Angelo na maglaro. Napailing ako.

"Ako hindi ako ganun na gwa-gwapuhan sakanya," Sabi ni Beatrice. "May itsura siya oo, tsaka maputi. Pero mas may dating pa si Jared sakanya e."

"Si Jared?" Tinignan ko ang seatmate ko. Nakatayo siya sa isang gilid, pawis na pawis, naka pameywang at pinapanood kung nasaan na ang bola. Nasambot niya kaagad 'to nung pinasa sakanya at mabilis siyang lumapit sa ring, tumalon, shoot.

"Wooo!" Sabay sabay naming sigaw. Tinignan kami ni Jared at nginitian.

Kasali din si Asher sa laro. Inipit ko 'yung buhok niya kanina, mahaba kasi 'to sa bandang harap at humaharang sa mga mata niya. Kitang kita mo 'yung pawis sa noo niya at isa ako sa mga natutulala tuwing itataas niya ang t-shirt niya para punasan ito.

Hindi ko na nasundan ang direksyon ng bola. Napansin ko nalang 'to nung gumugulong na papunta sa paanan ko. Dinampot ko 'to at inikot ikot sa kamay ko.

"Bes, pasa mo." Sabi ni Asher na nakatayo sa hindi kalayuan. Bes. Pinigilan kong hindi sumimangot at hinagis ng malakas 'yung bola.

Eto ha. 'One of the boys' ako pero bulok ako sa basketball, maski sa pagpasa lang bola. Imbis na si Asher ang tamaan, lumihis ito ng landas at tumama sa binti ni Angelo na naka talikod.

Gulat na napalingon siya. Napatakip ako sa bibig ko. "Sorry!"

"Ang layo naman ng inabot ng bola," Sabi ni Beatrice. "Nasa kabilang side si Asher, 'te!"

"Lumihis e," Sagot ko sakanya bago mag peace sign kay Angelo na nakatingin parin. Ngumiti siya at tumango.

"Adi, namumula ka." Bulong ni Ethel sakin.

"Ha?" Napahawak ako sa magkabila kong pisngi. "Mainit kasi."

"Don't tell me pati si Angelo bet mo?" Tinaasan ako ng kilay ni Ethel. "May Asher ka na ha, pa isa isa lang."

Namilog ang mga mata ko. "Alam mo?"

Sinimangutan niya ako. "Anong alam ko?"

"Yung... kay Asher?"

"Anong meron kay Asher?" Tanong ni Beatrice.

Alam din ba nila tulad ni Jared? O sinabi ni Jared sakanila? Sila ang close, kaya hindi imposibleng hindi nila alam. Pero sa mga nakakunot nilang noo, parang wala silang idea. Hindi ako chinismis ni Jared. Hindi niya sinabi sa mga kaibigan niya na mahal ko si Asher.

A & AWhere stories live. Discover now