Kabanata 22

15.4K 438 101
                                    

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

------------------------------------------------------------

GAGO

Kanina ko pa pinagmamasdan 'yung anim kong kaklase na mukhang mga bangag. Lalo na si Adrian na kanina pa napapagalitan dahil nakakatulog. Anong oras na ba sila umuwi galing doon sa birthday ni Jared na hanggang ngayon e absent parin?

Mga lutang sila, kala mo naka drugs. Ma-stalk nga si Ethel mamaya sa facebook at instagram dahil panigurado maraming upload 'yon.

May in-upload naman si Adrian kagabi sa IG pero isa lang. Ang dami nila nakatayo sa harap ng swimming pool tapos 'yong si Jared ang nasa gitna. Puro icing ng cake 'yung mga mukha nila at may caption pa na "Happy Birthday Boss!"

Tss. Korni. Daming alam.

"For today, you guys are dancing!" pag announce ni Sir Lance. Last subject na kasi namin at mga naka P.E kami. Agad na pinaulanan si Sir Lance ng mga reklamo. Isa na 'ko doon.

Ba't kami sasayaw? Eto 'yung ayoko e!

"Everyone get your partners, and paki tabi lahat ng upuan."

Inuna naming gawin 'yung pagtabi ng upuan bago kami naghanap ng kapartner. Si Jessa ang napunta sa'kin dahil kumapit siya sa braso ko.

"Dito tayo sa likod." ani ko sakanya at masaya naman siyang tumango. Tss, crush yata ako neto eh.

May isang grupo ng mga lalaki ang naglakad sa harap ng classroom namin kaya nag iritan 'yung mga babae. Pati si Jessa, kinurot pa 'ko! Parang ewan. Lalaki lang e, ampapangit naman!

Hinanap ng mga mata ko si Adrian. Tinitignan niya ba 'yung mga dumaan?

Hindi.

Dahil nakasandal ang ulo niya sa balikat ni Angelo at mukhang parehas silang inaatok. Ano ba kasing mga ginawa netong mga 'to?

"Adrian!" tawag sakanya ni Kei kaya agad siyang napabalikwas. "Nasa labas ata sila Link?"

"Sino?" tanong niya.

Kilala niya ba 'yung mga dumaan?

"Oh my gosh! Gusto ko sila silipin sa labas!" sabi nung katabi ko kaya naman napasimangot ako. Landi. "Parang mga artista!"

"Okay! Umayos na kayo ng pila! 4 na partners bawat isang linya. Bilis!" sigaw ni Sir Lance kaya naman kumilos na kami.

Nakita kong naglakad nanaman 'yung isang grupo sa harap ng classroom namin kaya ayun nanaman 'yung mga babae dito sa likod. Tss! Porket 'di kayo naririnig nang mga 'yan?

"Ang ingay!" reklamo ni Roderick. "Mas gwapo naman ako jan!"

"Manahimik ka bungal!" sigaw ng isa naming kaklase kaya naman nagsitawanan sila. Maski si Sir Lance e natatawa.

"Does anyone here know who those boys are? Mukhang may hinahanap." ani Sir Lance kaya tumahimik ang buong klase.

Tapos biglang may kumatok sa pintuan na pinagbuksan naman ni Clyde. "Sino hinahanap niyo?" tanong niya doon sa tao sa labas. "Sir si Adrian daw po."

Napasimangot ako lalo sa sinabi niya. Anong kailangan nung mga kutong lupa na 'yon kay Adrian? Kung hampasin ko kaya sila ng lamesa?

"Adrian, you're excused. Ten minutes." ani Sir Lance.

A & AWhere stories live. Discover now