Kabanata 5

20.9K 482 70
                                    

• ADRIANNA •

Wala pa sila Asher pagdating ko sa sakayan ng jeep pero nang sumilip ako sa loob ay nakita ko si Enrico.

Enrico Montero, ang tagal din naming naging mag-M.U,  buong third year hanggang sa simula ng bakasyon. Siya ang first kiss ko. Isang mabilis na peck lang so hindi ko alam kung counted ba 'yon. Naalala ko palagi pa kaming magka holding hands at siya lang ang nag iisang lalaki na pumasa kay Asher.

Kaso ayun, nung nagbakasyon at nagkahiwalay kami, naging busy, nawala ang kung ano mang meron kami. Minsan naiisip ko nagkagustuhan lang kami noon dahil palagi kaming inaasar sa isa't-isa at palagi din kaming magkasama, hindi kami nagkaroon ng malalim na feelings para sa isa't-isa.

Hindi tulad ng nararamdaman ko para kay Asher ngayon na parang mababaliw na ako sa pagka gusto sakanya.

Tinitignan ako ni Enrico ngayon at nakangiti siya. "Hindi ka pa ba sasakay?" tanong niya.

"Wala pa sila Asher eh."

"Kumatok ako sakanila kanina," sabi ni Enrico. "Na-late daw siya ng gising sabi ni Mama niya. Mamaya pa 'yun lalabas."

"Ahh.. eh si James?"

Nagkibit balikat si Enrico. "Hindi ko alam." Tumango siya. "Sakay ka na, mauna na tayo. Aalis na 'to oh."

Wala na akong nagawa. Pagka sakay ko, umandar na 'yung jeep at halos thirty minutes kaming naka upo ni Enrico sa harap ng isa't-isa at nag iiwasan ng tingin.

Panigurado uulanin nanaman ako ng pang-aasar mula kay Asher mamaya.

Naghiwalay agad kami pagdating sa gate. Nagpunta siya ng canteen habang ako ay dumiretso na sa building namin. Ni hindi kami nagpaalam sa isa't-isa. Obviously, malakas parin talaga ang awkwardness saming dalawa.

Pagdating ko sa classroom, may kumpulang nagaganap. Nang lumapit ako, nakita kong nag ja-jamming pala sila at si Angelo ang may hawak ng gitara. You and Me by Lifehouse ang tinutugtog nila.

Nilagpasan ko ang kumpulan at nagpunta na sa upuan ko kung saan nakita kong natutulog ang seatmate kong si Jared. "Palagi nalang tulog," mahina kong sabi habang ibinababa ang mga gamit ko. Pagkatapos ay bumalik ako doon sa kumpulan at umupo sa isang bakanteng upuan.

"'Cause it's you and me, and all of the people with nothing to do and nothing to lose," pagkanta ni Angelo at isa ako sa mga nakisabay sakanya. "And it's you and me, and all of the people and I don't know why.. I can't keep my eyes off of you."

"Adrianna!" sigaw ni Asher mula sa pinto. Tinignan ko siya at nakitang nakangiti siya ng malawak. "Lika dito, may bibigay ako sa'yo."

Tumayo ako mula sa inuupuan ko. "Ano 'yun?" tanong ko sakanya habang naglalakad papalapit. "Kadarating mo lang?"  

"Oo." Isinandal ni Asher ang ulo niya sa may pinto at nginitian ako. "Magugustuhan mo 'yung ibibigay ko sa'yo."

'Yung puso mo?

Kinagat ko ang dila ko at ikinunot ang noo ko. "Ano naman 'yun?" tanong ko sakanya.

Lumawak ang ngiti niya bago ipakita ang nasa kamay niya. Isang bar ng Cloud 9.

"Wooow, para sakin?"

"Peace offering sa kahapon."

Kinuha ko 'to sakanya. "Kahapon? Wala na 'yun. Bati na tayo eh." Sabi ko. "Pero thank you!"

A & ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon