Huling Kabanata

15.9K 588 350
                                    

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

#STASG

follow: officialstasg

------------------------------------------------------------

TANGA

Ang sarap sa pakiramdam ng hangin dito sa Sea Front, wala masyadong tao at malapit ng lumubog ang araw. Huminga akong malalim at pumikit habang pinapakinggan ang tunog ng alon.

May dalawang pamilyar na kamay na tumakip sa mata ko at agad akong napangiti. "Guess who?" aniya.

Natawa ako, "Asher." hula ko. Hinawakan ko 'yung kamay niya at dahan dahang inilayo sa mata ko. Lumingon ako para tignan siya, "Kulit mo."

"Mahal mo naman!" masayang sabi niya bago umupo sa tabi ko. May iniabot siyang plastic sa'kin, "Binilan kitang Snickers."

"Yehey!" parang bata kong sinabi at agad na kinalkal 'yung plastic at kinuha 'yung bar ng snickers doon. "Thank you Bes!"

Bumuntong hininga siya pero ngumiti din naman bago ako hawakan sa ulo at guluhin 'yung buhok ko.

"Uy 'wag naman." suway ko sakanya bago siya itulak sa braso.

Aaminin ko, naging mahirap para saming dalawa ang ibalik ang dati naming tratuhan dahil medyo nagasgasan na 'yung tiwala at natapunan ng feelings 'yong friendship namin pero sa simula lang 'yon dahil ngayon ay medyo okay na.

Dalawang buwan na ang nakalipas mula nung Retreat namin last November. Bumalik na si Asher sa school at walang ginawa ang grupo kundi tulungan siyang malagpasan ang pinagdadaanan niya. Sobrang saya ko nang tanggapin siya nina Henry, Kris at Angelo sa grupo. Palagi nila 'tong sinasama at inaaya na lumabas, pero pinaka naging ka close ni Asher ay si Jared.

Sobrang awkward at first para saaming tatlo, pero nagawa parin namin.

Pero kahit ganun na, na tanggap na namin siya, alam kong namimiss niya parin ang dati niyang tropa. Masakit makita na nasasaktan siya tuwing itinataboy siya nitong mga 'to at hindi siya magawang patawarin. Si Troy maiintindihan ko pa, pero maski si James at sobrang galit parin talaga. Sarap na ngang sapakin minsan e.

Napatawad ko na si Asher, hindi dahil sa awa, kundi dahil alam kong sincere siya. Naniniwala akong nagbabago na siya for the better at susuportahan ko siya. He's my bestfriend after all. Pero minsan ay hindi ko parin maiwasang sumbatan siya o 'di kaya'y magduda, alam kong nasasaktan siya kapag ganun pero anong magagawa ko? Tao lang din naman ako.

"Bes" pagtawag niya kaya naman naputol ang pag iisip ko.

"Hmm?"

"San ka mag c-college?"

Panandaliang tumigil sa pagtibok ang puso ko at napalunok ako. Hindi ko naisip na tatanungin niya 'to pero siguro oras na para sabihin ko. "Nag offer sa'kin ng scholarship 'yung Lake View..."

Hindi siya umimik kaya naman napatingin ako sakanya at nakitang tulala lamang siya.

"Maganda doon... haha.." nag aalinlangan kong sabi at bigla na lamang akong nawalan ng gana na kainin 'ying snickers.

"Doon din si Jared diba?" tanong niya. "Nai-kwento niya sa'kin..."

"Ah, talaga?"

"Oo," napakamot siya sa batok niya. "Nag offer 'yung mommy niya ng scholarship, hindi ko alam kung tatanggapin ko ba dahil ayoko namang iwan si Kuya."

A & ADonde viven las historias. Descúbrelo ahora