Kabanata 38

13.7K 407 150
                                    

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

#STASG
------------------------------------------------------------


TANGA

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at tingin ko mahihimatay na 'ko.

"JAREEEEEED!!" malakas na sigaw ni Tris na siyang nakapagpabalik sa'kin sa sarili kong wisyo. Tumayo silang tatlo at nagunahan makapunta kay Jared na inaabangan ang yakap ng kung sino sakanila.

Syempre si Tris ang nauna. Tinalunan niya si Jared na madali lang siyang nasambot. Natawa pa nga 'tong si Asher dahil sa itsura ni Tris na nakayakap 'yung mga kamay sa leeg ni Jared tapos 'yung binti e nasa bewang niya. Si Jared naman e hindi nakahawak sakanya dahil niyayakap niya din sina Ethel at Kei na nasa gilid niya.

"I missed you guys too." aniya sa mga 'to. Ayan nanaman 'yung boses niya. Kelan ba 'yung huling beses na narinig ko 'yan?

"Sasama nalang ako sa'yo." bulong ko kay Asher na agad sumimangot.

"Bakit?" tanong niya. "Sige na sumama ka na sakanila."

"Saiyo nalang ako samama!" nag pout ako para isama na niya 'ko. Pero naagaw ng boses ni Tris ang atensyon namin.

"Bakit itim na buhok mo? Tsaka kumapal ah! Grabe bagay sa'yo! Tsaka ano 'to?" tinanggal niya 'yung shades ni Jared. "Taas ng araw ah! Tsaka bakit parang may... dark aura ka sa paligid mo ha?"

Tumawa si Jared sa sinabi ni Tris at inakbayan nalang 'to bago maglakad papunta sa table namin.

"Bro!" bati niya kina Angelo at nakipagkamayan dito. Tapos tumama ang mata niya saming dalawa ni Asher at mas lalong lumawak 'yung ngiti niya.

"Are you two together now?" tanong niya na para bang tuwang tuwa siya. Tapos kumindat siya kay Asher at nag apir sila. "Nice man."

Kung titignan mong mabuti, mapapansin mo ang sabay sabay na pangungunot ng noo ng mga kaibigan namin. May mali dito e.

"Hindi pa nga ako sinasagot e." sabi ni Asher bago tumingin sa'kin. "Kelan mo ba 'ko balak sagutin babe?"

Napasimangot ako at agad kong kinurot sa braso si Asher. Napaawang ang bibig niya sa sakit. "Sinabing hindi ako baboy!" natawa sila at medyo na awkward ako dahil maski si Jared ay nakitawa.

"So Jared, how's London?" tanong ni Angelo na hinila ni Ethel patayo at siya ang umupo sa tabi ni Asher. Si Tris at Kei naman ay pinagitnaan si Jared sa harap namin.

"It was awesome but I only stayed there for three days because of school and shit." sagot niya.

"Eh bakit ngayon ka lang pumasok?" nagtaas ng kilay si Kei at nagkibit balikat lamang si Jared.

"Tinatamad ako e."

"Hindi mo man lang kami kinontact!" reklamo ni Ethel at napakamot nalang si Jared sa ulo niya.

"Sorry."

"Bakit hindi mo na suot bracelet mo?" tanong ko sakanya. Oo, ako ang nagtanong at nakita ko ang panandalian na pag awang ng bibig niya pagkatingin niya sa'kin.

Sumandal siya sa upuan at nagsmirk bago ako sagutin ng nakataas ang noo.

"This bracelet reminds me of how important life is..."

A & ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon