Kabanata 4

19.3K 508 121
                                    




ASHER

Humiga na ako sa kama ko at binuksan ang cellphone ko. Madaming akong natanggap na text galing sa tropa at mga kakilala at ang text ni Adrianna ang nasa pinaka tuktok.

Adrianna ko: You make my heart race <3 Good evening! Survived the first day of school. Kamusta kayo? GM.

Napangiti ako at naisipang replyan siya.

'Uso pa ba GM? Haha. Baduy mo.'

Adrianna ko: Lul

'Hahaha. Sino naman 'yang pinapatamaan mo jan?'

Adrianna ko: Wala

'Ows? Baka si ano nanaman 'yan HAHAHAHA.'

Adrianna ko: Sino? -_-

'Sino ba pinaka crush mo sa buong mundo?'

Adrianna ko: Si Brad Pitt :P

'Oh? Hindi si Enrico? HAHAHA.'

Adrianna ko: Leche ka

Adrianna ko: Namo

Adrianna ko: Hindi ko na nga gusto 'yun!!

'Eh sino na pala? Haha. Ako? :D'

'Di maka reply agad oh.'

'Ako ba? Hahaha.'

Adrianna ko: Slr. Naghuhugas akong plato

Adrianna ko: Yuuuuck!!! As if!! Kadiri ka.

Adrianna ko: Kilabutan ka nga Martinez.

Natawa ako sa text niya kaya naisipan kong asarin lalo.

'Sus. Baka 'di ka lang nagsasabi sakin ah? Ayos lang naman sakin kung ako crush mo eh.'

Adrianna ko: Hindi ikaw!!

'Aww haha. Bakit?'

Adrianna ko: Basta!

'Sino pala gusto mo?'

Adrianna ko: Bakit ba gusto mong malaman?

Adrianna ko: Selos ka ba?

Tinitigan ko 'yung reply niya at saglit na nag isip ng isasagot. Baka nagseselos! Lakas tama din nitong babaeng 'to eh. Ngumisi ako at nagsimulang mag-type.

'Pa'no kung oo?'

Adrianna ko: WEH

Adrianna ko: Ikaw magseselos?

Adrianna ko: Maniwala sa'yo tanga

'Hahahaha! Hard.'

Adrianna ko: Joke lang 'yun noh?

'Malamang hahaha.'

'Bakit? Umasa ka ba?'

Inayos ko 'yung higa ko at nagbukas na muna ng ibang messages. May text galing dun sa babaeng hiningan ko ng number kanina sa school. Savannah pangalan niya at magre-reply na sana ako sa text nyang 'Hi' nang makita kong may reply si Adrian.

Adrianna ko: As if

Ngumiti ako at hindi na maka isip ng ire-reply kaya sabi ko nalang, 'Labyu'

Adrianna ko: Lul

'Galit ka nanaman? Hahaha.'

Adrianna ko: Hindi naman hahaha

Adrianna ko: Ano ginagawa mo?

'Wala. Higa lang. Kaw? :)'

Adrianna ko: Hugas parin plato

'Multi tasking haha. Tapusin mo na muna 'yan.'

Adrianna ko: Eh. Gusto pa kita i-text.

Mas lumawak 'yung ngiti ko. Kung 'di ko lang kilala 'tong si Adrianna masasabi ko talagang crush ako neto eh. Pero alam kong kaibigan at kapatid lang tingin niya sakin at ganun din tingin ko sakanya.

'Tapusin mo muna 'yan. Hindi pa naman ako matutulog.'

'Mahulog pa 'yang cellphone mo sa lababo.'

Adrianna ko: Hindi ka pa matutulog?

'Hindi pa. Hintayin kita :D'

Adrianna ko: Pramis?

'Peksman po Adrianna kong makulet :P'

Adrianna ko: Haha okie :))

'Sige'


ADRIANNA

Napa upo ako sa sahig at napa irit sa kilig. Kahit hindi niya ni-reply ang mga gusto kong i-reply niya kanina, bawing bawi naman siya sa huli! Adrianna kong makulet... Ayy nakaka kilig talaga! Gusto ko lang maglumpasay sa sahig dahil sa kilig.

Hay Asher, anong ginagawa mo sakin?

"Hoy, Adrianna. Cellphone ka ng cellphone jan tapos na ka na ba maghugas jan?" tanong ng Ate ko mula sa sala.

"Ay," bigkas ko bago iipit 'yung cellphone ko sa may shorts ko. Binuksan ko ulit 'yung gripo. "Patapos na 'Te."

"Wag mo kalimutan 'yung kaldero ha."

"Opo," pakanta kong sagot dahil umuulit ulit nanaman sa isipan ko ang mga text ni Asher. Abot langit ang ngiti ko.

Adrianna kong makulet...

Hay, ang sarap ma inlove.

A & ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon