Kabanata 24

17K 412 107
                                    

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

------------------------------------------------------------

TANGA

Kanina pa kami paikot ikot sa Harbor Point, wala namang mabili at nagtitingin tingin lang. Tapos nakita ko si Angelo at Ethel na nag uusap na para bang may sariling mundo. Aba, kanina pa 'to ah--

Nanlaki 'yung mata ko at napatakbo ako kay Jared na kausap si Isaac. Walang pasabing inakbayan ko siya at hinila pababa para mabulungan.

"Red! May naalala ako!" excited na sabi ko sakanya.

Medyo nakabend parin ang katawan niya para marinig ako. "Ano 'yun?" tanong niya.

"Diba crush ni Ethel si Angelo?! Tignan mo sila!" tumayo siya ng diretso tapos tinignan 'yung dalawa.

"Oo nga noh?" aniya.

"Ano 'yun?" nagtatakang tanong ni Isaac tapos itinuro ni Jared sina Ethel.

Pinitik ko 'yung daliri niya, "Wag ka nagtuturo!" suway ko.

"Sorry," sabi niya bago bumaling ulit kay Isaac. "Crush ni Ethel 'yon si 'Gelo." tapos inakbayan niya 'ko.

"Really? Kaya pala lagi silang magkasama." ani Isaac. "Lena told me they look good together."

Hinawakan ko 'yung kamay ni Jared na naka akbay sakin tapos tinignan si Isaac. "Talaga?" tumango siya kaya nilingon ko si Lena na nakikipag daldalan kay Cassidy. "Nice. Cute nga sila, maliit tapos matangkad."

"Akala ko dati kayo ni Angelo magkakatuluyan e." ani Jared sakin.

"Luh?" nakanguso kong sabi. "Bakit naman?"

"Crush ka kaya niya mula nung first week."

"Aba, ganda talaga ni Adrian oh! Daming nagkakacrush!" pang aasar ni Isaac. Inirapan ko siya.

Napansin kong palabas na pala kami ng Harbor, "Kain na tayo?" lumingon si Jared sa mga kasama namin at dahil naka akbay pa siya e napalingon na din ako.

"Tara." ani Six. "Gutom na 'ko."

"ETHEL!" napalingon kaming lahat doon sa tumawag.

"Uy si Hannah." ani Jared. "Kasama sila...."

"Hannah!" tawag ni Ethel bago hilain si Angelo papalapit sa grupo nila. "Ano ginagawa niyo dito?"

"Wala, gala gala lang." sagot ni Hannah. Napakapit ako sa bewang ni Jared ng makita ko siya na nakatayo sa likod ni Enrico habang nagtetext. "Sino sino kayo? Uy A!! Andito ka din pala hindi ka nagsasalita gaga ka."

Nag angat ng tingin si Asher kaya agad kong nilipat ang atensyon ko kay Hannah. "Huy, hi. Long time no talk?"

"Oo, loka loka. Huling usap pa yata natin nung Mobile Party." tinignan niya si Jared pati yung mga kamay namin tapos ngumisi siya. "Hi Red! San kayo punta?"

"Sa Expresso, kakain lang." nahihiyang sagot ni Jared. Hindi parin talaga siya kumportable kapag hindi niya ka-close 'yung isang tao.

"Uhm," nilingon ko 'yung mga kasama namin na nagkukumpulan sa likod namin nina Jared at Isaac. "Guys," pagtawag ko sakanila. "This is my friend, Hannah." kumaway 'yung iba at ngumiti habang si Link e poker face parin. Parang Troy 'yan e, pero mas malala ang pagka snob.

A & AWhere stories live. Discover now