Kabanata 25

15.3K 395 96
                                    

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

------------------------------------------------------------


TANGA

Alam mo 'yung feeling na parang, finally nakakahinga ka na?

Dalawang araw na ang nakalipas. At for the first time, magaan na 'yung pakiramdam ko. Pakiramdam ko, kaya ko ng harapin si Asher. Wala ng bitterness.

Ang alam ko e hindi pa papasok si Jared ngayon, mukha namang nag enjoy sila doon sa Pundaquit. Iniinggit pa 'ko nung loko. Kala mo naman! Hmp!

Hinihingal na 'ko ng makarating ako sa classroom, ba't ba kasi fourth floor kami?

Agad kong napansin ang mga upuan na nakagilid tapos nandun 'yung grupo ni Jade malapit sa teacher's table, may speaker sila tapos nagpapatugtog. "Anong meron?" tanong ko kay Clyde.

"Yung para sa filipino month? Wala kasing teachers buong umaga kaya ayan, practice daw mamaya." tumango ako sa sinabi niya at hinanap 'yung upuan ko. Alam ko itsura nun e, naka carve kasi 'yung pangalan ni Jared doon. Ang gago nilagay doon nung na bored siya sa klase ni Ma'am Madrigal.

Nilapag ko 'yung bag ko doon nung nahanap ko na tapos naglakad papunta sa grupo nina Angelo. "Morning." bati ko sakanila.

"Be, alam mo na?" tanong ni Ethel.

"Yung ano?" nakakunot noo kong tanong.

"Si Asher," tumaas ang kilay ko. "May nililigawan na."

At ganun lang, pakiramdam ko babagsak na 'ko. Lumunok ako at tumabi kay Angelo.

May nililigawan na si Asher? Ibig sabihin magseseryoso na ulit siya?

Ang bilis ng mga luha, nararamdaman ko na ang pagipon nito sa gilid ng mata ko.

"T-Talaga?" nabasag ang boses ko kaya pasimple akong umubo. "Sino?"

"Hala..." ani Kei. "Wag kang iiyak!"

Pinilit kong ngumiti tapos umiling ako at nagpekeng tawa. "H-Hindi." ani ko bago ngumiti. Kumikirot 'yung puso ko at hindi ako makahinga.

Akala ko ba Adrian okay na? Bakit ganito parin?

Bakit ang sakit sakit?

Naramdaman ko ang paghagod ni Angelo sa likod ko. "Adrian, okay ka lang ba?" napahikbi ako. "Shit."

"Ethel kasi!" inis na sabi ni Kei. "Sabing wag muna, ayan tuloy!"

"Di, o-okay lang." pilit kong sinabi at pinunas punasan 'yung luha ko. "A-Ang ganda balita tangina." napatayo ako. "Punta lang akong CR."

Mabilis akong naglakad papunta ng pinto. May ilang tumawag pa sa'kin para tanungin kung bakit ako umiiyak pero umiling lang ako sakanila. Pinilit kong kumalma bago ko buksan ang pinto ng classroom, ayokong mahalata pa 'ko ng iba na umiiyak ako.

Pero alam niyo kung ano nakita ko paglabas ko?

Si Asher may hawak na bulaklak at inaabot 'to kay Savanna. 'Yung kaklase ni James.

"Puta!" hindi ko napigilang maibulaslas tapos hinampas ko 'yung pintuan ng classroom.

"Andy?" boses niya. Punyeta! Ano? Bakit mo 'ko tinatawag ngayon? Ha?

A & ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon