Chansingan mo 'ko? (Stasg Deleted Scenes)

15.8K 546 169
                                    

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

#STASG

follow: officialstasg
------------------------------------------------------------

ADRIANNA

Kung ano 'yung pwesto namin noong retreat, ganun nanaman pwesto namin ngayong Fieldtrip. Ang pinagkaiba lang ay may nadagdag.

Sa upuan sa kabilang side ay nakaupo si Asher at Gail at parehas silang tulog tutal madaling araw pa naman.

Nakataas ang dalawang binti ko at nakapatong 'yung paa ko sa legs ni Jared. Naka akbay siya sa'kin at suot suot ko 'yung jacket niya. Tulog na tulog ang loko habang ako ay nag t-twitter.

"Oy bruha @imadriannagomez, gising ka?" -@ItsTrisMendoza

"@ItsTrisMendoza hindi, nagt-tweet lang ako ng dilat." -@imadriannagomez

Agad kong naramdaman 'yung pagsipa niya sa may upuan ko dahil saktong doon pa siya nakaupo sa likod namin ni Jared. Hindi naman ako makalingon sakanya dahil nakapatong ulo ni pogi sa ulo ko.

"@ItsTrisMendoza pakyu ka, 'wag ka magulo baka magising si Jared." -@imadriannagomez

Sumipa ulit si Tris at narinig ko na ang pag suway ni Kei sakanya.

"Oy unggoy, gising." ani Tris habang ginagalaw 'yung upuan ni Jared.

"Tris 'wag!" suway ko pero huli na dahil alam kong nagising na si Jared.

Bumuntong hininga siya at tinanggal 'yung pagkakapatong ng ulo niya sa ulo ko. "Sino 'yung magulo?" inaantok niyang tanong.

"Sino pa ba?" tanong ko sakanya kaya naman tumaas kilay niya at nilingon niya si Tris.

"Gago ka talaga." sabi niya dito pero walang halong galit. "Wag ka magulo, puputulan kitang paa."

"Dito ka nalang oh," ani ko sakanya. Umayos ako ng upo at pinat 'yung lap ko. "Para 'di ka magulo nung buang sa likod."

Agad na hinila ni Tris 'yong ponytail ko. "Aray!" naiinis kong sabi. "Isa pa talaga Tris, 'di ka na nakakatuwa."

"Pikon." pang aasar niya kaya naman inirapan ko nalang siya.

"Tris ang gulo mo, hahagis kita sa labas." ani Kris na nakaupo sa gitna nilang lima.

Ba't kasi hindi nalang nila gayahin 'yung mga syota dun sa sulok? Tulog na tulog din talaga si Angelo at Ethel at mukhang walang makakagising sakanilang dalawa.

"As if namang kaya mo?" hamon ni Tris sakanya.

Napabuntong hininga nalang ako at pinabayaan silang magbangayan doon. Ang dami na din sumusuway sakanila at ayoko nang madamay pa kami.

Inihiga ni Jared 'yung ulo niya sa lap ko at nilagay ko 'yung isang kamay ko sa may braso niya at 'yung isa naman ay sa ulo niya.

Nilingon niya 'ko at tinignan. "Bakit?" tanong ko sakanya.

Ngumisi siya bago nagpout kaya naman tumaas ang isang kilay ko. "Chansingan mo 'ko?"

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa parang bata niyang pagkakasabi. Umiling ako, "Ayoko nga."

Kumunot noo niya at mas lalo siyang nag pout, "Bakit?"

"Boyfriend ba kita?" tanong ko sakanya at agad siyang umiling. "Oh, 'di naman pala e."

Natahimik siya at titingin na sana ako sa labas nang bigla siyang magsalita. "Pero... mahal mo 'ko?"

Bumilis 'yung tibok ng puso ko at napa awang 'yung bibig ko. Hinawakan ko 'yung makabila niyang pisngi gamit lang ang isang kamay hanggang sa magmukha na siyang isda. "San mo naman nakuha 'yang idea na 'yan?" tanong ko sakanya.

"Sha swisher moh," sagot niya. "Nog indaywheck kah."

"Kelan?" ngumuso ako.

"Kahabi." sagot niya at tumaas ang kilay ko. "Shabi moh haylabyu."

Tinanggal ko na 'yung kamay ko. "Pano mo naman nalaman na para sa'yo 'yun?"

"Bakit?" tumaas ang kilay niya. "Hindi ba?"

"Para kay Daniel Padilla 'yon." pagsisinungaling ko.

"Ah, okay." tapos iniharap niya na 'yung ulo niya sa harap kung saan 'di ko masyado makikita ekspresyon niya.

"Galit ka?" mahinang tanong ko.

"Hindi." agad niyang sagot tapos tumawa niya. "Hindi ko akalaing pagseselosan ko 'yung artistang 'yon."

Pumikit na siya at hindi na nagsalita pa. Agad namang sumama ang loob ko sa pagsisinungaling sakanya. Talaga namang para sakanya 'yung I love you na tweet ko kagabi dahil napag usapan na namin ni Asher 'yung tungkol dito at naamin ko na sa sarili ko na mahal ko nga 'tong matampuhing pogi.

Pero ayoko pang sabihin sakanya dahil hindi naman ako manhid, alam kong masasaktan si Asher kung sakaling magsimulang manligaw si Jared... kung sakali lang naman. Nangangarap lang ako.

Kaso kasi...

"Pst," kinalabit ko sa balikat si Jared at iniwas niya lang 'yung katawan niya. "Huy." tawag ko pero nanatili siyang nakapikit. "Pogi."

Nagkunwari siyang humilik at napa ismid ako. 'Tong lalaking 'to talaga may topak nanaman e.

Hinawakan ko siya sa balikat hanggang sa humarap na ulit siyang mukha niya sa'kin. Tulog tulugan parin.

Tinapik ko pisngi niya, "Hoy sleeping beauty."

"Hinahalikan 'yon para magising." bulong niya habang nakapikit at nasapo ko nalang 'yung noo ko.

"Prinsesa si Sleeping beauty." pang aasar ko habang nagl-lean down para matignang mabuti 'yung mukha niya at mahuli ang pagkurap niya. "Sabi ba nga ba bakla ka e."

Bigla niya na lamang itinaas 'yung isang kamay niya at hinawakan ako sa batok tapos hinila pababa hanggang sa maglapat ang labi naming dalawa.

Mabilis lamang 'to, isang peck lang pero sobrang nagulat talaga ako at halos magwala na 'yung puso ko.

"Naka chansing din sa wakas." nakangiting aniya habang tinitignan ako.

Kumindat siya at sumimangot ako. "Nagnanakaw ng halik." sabi ko sakanya at nawala na 'yung ngisi niya.

"Sorry--"

Hinalikan ko siya sa labi, "Ayan, nabawi ko na." agad kong sabi at kahit medyo madilim dito ay kitang kita 'yong pamumula ng pisngi niya.

"So...." mahinang aniya. "Mahal mo 'ko?"

Tumango ako, "Oo, mahal kita." tumawa siya sa sinabi ko kaya naman napakunot noo ko. "Bakit?"

"Kinikilig ako."

Natawa nalang din ako sabay hinawakan niya ulit 'yung batok ko. Tinignan niya 'ko ng seryoso at ganun din ako sakanya.

"Mahal kita." bulong niya at napakagat ako sa ibabang labi ko. Parang gusto kong lumipad. "Pa-chansing ah? Isa pa?"

Tumango ulit ako.

Ano magagawa ko? Mahal ko 'tong matampuhing pogi na 'to.

A & AWhere stories live. Discover now