Kabanata 17

17.3K 416 52
                                    

• ADRIANNA •

"Tita, 'di ba parang masyado 'tong revealing?" tanong ko habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin.

"Ano ka ba! Long sleeves 'yan oh?" aniya.

Napangiwi ako at itinuro 'yung likod ko. "Backless oh?"

"Psh! Uso 'yan!" pagpilit niya. Inirapan ko nalang siya at tinignan ulit ang sarili ko sa salamin.

Nakasuot ako ng isang short black dress na lace ang sleeves tapos backless din siya. Hindi ako pala bihis ng ganito pero mapilit ang Tita at Ate ko. Sabi nila last year ko na 'to sa highschool kaya sulitin na.

"Tara na dito Adi, ayusin ko na buhok mo" sabi ni Ate Skylynn mula sa kwarto niya. Bumuntong hininga ako at naglakad na papunta doon.

"Anong gagamitin kong sapatos dito?" tanong ko at umupo na sa harap ng salamin.

Sumimangot ang ate ko bago sumagot, "Sapatos ka jan? May heels ako doon na pwede mong gamitin."

"Ayoko mag heels Ate!" angal ko.

Hinila niya yung buhok ko na kukulutin niya, "Manahimik ka nga jan Adrian."

"Ayoko nga e," reklamo ko.

"Ano gusto mo isuot jan? Rubber shoes?"

"Yung vans ko!"

"Nagmana ka talaga kay mama, parehas kayong baduy."

"Isusumbong kita" banta ko sakanya at maarte niya lang na inulit ang sinabi ko. Inirapan ko siya.

Sa huli ay wala din akong nagawa. Suot suot ko ang black heels ni Ate Sky at sinusubukang hindi tumumba habang naglalakad papuntang gate ng school kung saan may naghihintay na guard.

"I.D tsaka Waiver?" tanong niya ng makalapit ako. Kinuha ko sa clutch bag ko yung I.D tsaka Waiver na may pirma ni Tita dahil siya ang guardian ko. Tinignan ito ng guard at isinoli yung I.D ko bago siya tumabi para maka daan ako.

Nakalugay yung mahaba kong buhok at medyo nakakulot ang dulo. Kahit papano e kumportable ako sa suot ko dahil natatakpan ng buhok ko yung likod ko.

Marami ng tao sa quadrangle dahil medyo late na din akong dumating pero hindi gaanong late dahil hindi pa naman nagsisimula ang program. Namangha ako sa design na ginawa ng theater arts club, ang galing talaga nila!

Nilagpasan ko ang maingay na klase ng IV-Jonah. Kinawayan ko si Enrico nang makita ko siya doon at nakitang napa awang ang bibig niya. Napangisi ako, ganda ko noh? Hahaha!

Hindi naman ganoon kahirap hanapin ang klase ko dahil sabi ni Sir Lance e basta daw ang pwesto namin ay malapit sa stage. Inirapan ako nina Sharmaine nang makita nila ako at napataas ang kilay ko. Pwe! Saang punerarya kaya nagpa make up 'tong mga halimaw na 'to?

"Adi! Dito!" lumipat ang tingin ko kina Jared at agad akong dinala ng mga paa ko papunta sakanila.

"Aba! Naka backless!" malakas na pagkakasabi ni Tris.

"Bhe ang ganda mo!!" bati naman ni Ethel.

"Ah, haha." agad akong pinalibutan ng hiya ng makitang halos lahat sila e nakatingin sakin dahil ako nalang yata ang wala. "Thank you, ikaw din." mahinang sabi ko.

"You can sit beside me," nakangiting sabi Angelo habang tinuturo yung bakanteng upuan sa gitna nila ni Jared.

"Lover boy's staring at you," bulong ng isang katabi ko na siyang nagpatayo ng balahibo ko. 'Yung accent.. jusko po.

"H-Ha? Sino?" mahinang tanong ko kay Jared.

Hinarap ko siya at pasimple siyang tumango sa direksyon ng isa pang klase sa kabilang dulo ng stage. Napatingin ako doon at agad na nagtama ang mata namin ni James. Sumikip ang dibdib ko at medyo nahigit ko ang hininga ko.

A & ADove le storie prendono vita. Scoprilo ora