Kabanata 15

16.7K 401 62
                                    

• ADRIANNA •

From: (Unknown Number)

Adi, alam ko na na alam mong alam ko yung nararamdaman mo para sakin. Hindi tama ang naging reaksyon ko. Hindi mo deserve ang ginawa ko. Ikaw pinaka close ko sa lahat at sa totoo lang, ayokong masira yung friendship na binuo natin.. pasensya na. Pinag isipan ko 'to ng mabuti.. Alam kong marami akong pagkakamali, umabot tayo sa punto na nakalimutan na natin ang hangganan ng pagiging magkaibigan. Mas mabuti siguro kung umiwas muna tayo sa isa't isa para makapag move on ka. I'm sorry.

Ayan ang pinaka unang mensahe na natanggap ko pag kagising ko. Hindi ako umiyak. Hindi rin ako nag-reply. Dinelete ko nalang number niya, kahit saulo ko ito, at nagdasal na sana wag na niya akong i-text ulit.

Sinasaktan niya ako. Sinasadya niya ito dahil hindi ko sinagot ang mga tawag niya kagabi. Gusto niyang mag-react ako at hindi ko ibibigay 'yon sakanya.

Masakit oo, pero anong magagawa ko? Eto na, nandito na tayo. Kasalanan ko 'to dahil nagka feelings ako. Iniwasan ko dapat. Kung ginawa ko 'yun, edi sana okay pa kami ngayon.

"Sino ba kasi nagsabi sakanya?" tanong ni Tris.

"Hindi ko alam," sagot ko at halos iuntog na ang ulo ko sa lamesa ko dahil sa stress.

"Hay! Kay James ka nalang talaga! O kaya kay papa Enrico! Pogi yun ah?" ani Tris.

Sinamaan ko ng tingin si Tris. "Patingin nga ulit ako nung text," ani Kei bago ilahad yung kamay niya.

"Dinelete ko na," matabang na sagot ko.

"Ay ako meron, eto Kei oh," sabi ni Tris. "Finorward ko sa phone ko kanina eh." Humagikgik siya.

"Gaga."

Kami kami lang mga babae ang nasa classroom ngayon. Lunch break at nagsi alisan ang lahat. Maski si Hannah ay nandito.

"Naiinis ako kay Asher," sabi niya. "Hindi niya ba naisip yung maidudulot neto sa grupo natin? Nakaka-stress."

"Okay lang naman kung ako lang ang lalayo sainyo eh," mahinang sabi ko.

"Hoy! Hindi mo ko iiwan sa mga ketong na 'yon!"

"Kasama ba si Troy sa mga ketong na yan?" nakangising tanong ni Ethel sakanya.

Napa awang ang bibig ni Hannah at agad siyang namula, "Hindi ko alam kung anong sinasabi mo." Tinawanan lang namin siya at nung tumigil na kami ay muli siyang bumaling sa akin. "Pero seryoso Adi, ikaw ang hihiwalay?" malungkot niyang tanong.

"Alangan namang si Asher, Hannah? Magb-bestfriend na kayo mula Kinder at ako 'tong umextra nung Grade Five."

"Ano naman?" tanong ni Hannah. "Ang sakit naman nun, 5 years din yun Adrianna. Pantay lang kayo sa paningin namin."

Pinilit kong ngumiti. Alam kong hindi totoo ang sinasabi niya. Kahit na ba gusto ko itong paniwalaan. Idinaan ko nalang 'yung kirot sa puso ko sa biro. "Hindi mo nga ako gusto noon e, bago kasi ako isinali ni Asher sainyo ikaw lang nag iisang babae."

"There can only be one supreme ganon?" Sabi ni Ethel.

Tumawa si Hannah, "Maldita ako noon. Pero tignan mo naman kung gaano na tayo ka-close ngayon."

"Haaaaay nakakalungkot naman," biglang sabi ni Kei. "Solid AshDy pa naman ako..."

"Anong AshDy?" kunot noong tanong ko.

"Ay ako JaDrian!" pagsapaw naman ni Kei. Tumaas ang kilay namin ni Hannah tapos si Ethel naman e sumimangot.

"JaNa ang James and Adrian, hindi JaDrian," ani Ethel.

A & ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon