Kabanata 43

12.9K 396 255
                                    

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

#STASG

follow: officialstasg
------------------------------------------------------------

GAGO

Isang malakas na sapak. 'Yan ang natanggap ko kay James nung sinabi ko na sakanya ang totoo. Sinuntok niya ulit ako pero hindi ako lumaban.

"Tangina!" nanginginig siya sa galit at namumula 'yung mukha niya. Halata sakanyang nagpipigil siya. "Tangina pare, si Hannah? Si Hannah pa?! Sa dinami dami ng babae mo?!" napahawak ako doon sa nagdudugong kong labi. "Pano si Troy? Pano si.. pano si... shit ka Asher!" umambang susuntok nanaman siya at napaiwas ako ng tingin. "Si Adrianna, Asher!"

Nag init 'yung gilid ng mata ko. Dinuro duro ni James 'yung ulo ko dahil siya nakatayo habang ako e nakaupo lang sa kama ko. "Anong pumasok jan sa isip mo?!"

Umiling ako at kumurap kurap, "H-Hindi ko alam."

"Hindi mo alam?!" tumaas nanaman ang boses niya. "Ang dami mong oras para pag isipan kung ano 'yang ginagawa mo! Ash, alam kong gago ka pero hindi ko akalain na aabot ka sa puntong ganito." napaupo siya sa sahig at napayuko nalang ako. "Bestfriend kita Asher," naiiyak niyang sabi. "Tangina kababata natin 'yun si Troy. Naalala mo ba? Nagawa mo ba siyang isipin Asher?"

Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok. Hindi ko inakalang ganito ang magiging usapan namin ni James. Gusto ko lang sabihin sakanya dahil kinakain na 'ko ng konsensya pero hindi ko akalain na mapaguusapan namin si Troy.

"Si Troy, Asher." aniya. "Isa sa mga tumanggap sa pagkatao mo. Parating nandyan para sa'yo. Pati ba naman babaeng mahal niya 'tol? Wala ka na bang awa?"

"Si Hannah naman 'yung--"

"KAHIT NA!!" sigaw niya. "Wala akong pakielam kung sino pa ang nauna! Tangina niyong dalawa! Mangangatwiran ka pa?!" hindi ako nakasagot at napa awang ang bibig ko sa sunod niyang sinabi. "Itigil mo na kung anong meron sainyo ni Adrianna."

"T-Teka.. mahal ko si Adrian--"

"Mahal?" tumawa siya. "Anong klaseng pagmamahal 'yan? May sira ka na sa ulo! Binigyan ka na nga ng pangalawang pagkakataon pero sinayang mo! Sinayang mo Asher!"

Nag tagis ang bagang ko, "Ititigil ko na kung anong meron samin ni Hannah--"

"At ititigil mo na din 'yung pekeng relasyon niyo ni Adrianna." itinuro niya 'ko. "Dahil kapag hindi, kalimutan mo ng nagkakilala tayo." tumalikod na siya at padabog na ibinagsak 'yung pinto ko pagkalabas niya.

Napahiga nalang ako sa kama ko at itinakip 'yung unan sa ulo ko bago sumigaw ng pagkalakaslakas. Inilabas ko lahat ng inis na nararamdaman ko.

Nagsimula 'tong kalokohang 'to nung dumaan si Hannah dito sa bahay at may dala siyang alak. Nag away kasi sila ni Troy kaya naman sa'kin siya umiyak at dito kami sa kwarto ko nag usap. Naglabas na din ako ng sama ng loob, mahal ko si Adrianna, pero bakit kasi pinapatagal niya pa? Kaya nag inom din ako at parehas kaming nalasing.

Nung hinalikan ako ni Hannah, dapat itinulak ko nalang siya palayo. Pero si Adrianna ang nasa isip ko nung mga panahong 'yon at nawalan na 'ko ng kontrol sa sarili ko.

Kadiri, alam ko. Una namin ni Hannah ang isa't isa. Nag away kami pagka dating ng umaga at sising sisi talaga kami nun, pero ilang araw lang ang nakalipas ay naulit nanaman. Hanggang sa nagkasundo kami na 'No strings attached' 'yon. Sabi pa ni Hannah, "What they don't know won't hurt them."

Tama siya, hindi naman kailangan malaman nina Adrianna. Mahal ko naman talaga siya... sadyang.. ganito lang talaga.

Gabi na nung dumating si Adrian sa bahay. Ilang linggo na din ang nakalipas mula nung huling punta niya dito. Medyo naiilang pa siya sa'kin nung mga naunang araw pero ngayon ay komportable na ulit siya.

Nag iingat na 'ko tuwing nakapaligid si Gordon dahil pakiramdam ko sinusundan niya ang bawat galaw ko. Hinihintay na magkamali ako para maagaw niya na 'yung kung ano ang sa'kin. Hinding hindi ako papayag na mapunta si Adrian sakanya.

Kahit na ba sasabihin ko na kay Adrian na titigil na 'ko sa panliligaw.

Sa ilang oras na pag iisip ko, narealize ko na tama nga si James. Mahal ko si Adrianna, pero peke ang relasyon na 'to. Mas mabuti sigurong bumalik nalang kami bilang magkaibigan. Kahit masakit. Eto ang tama.

Pero tangina talaga ang tadhana.


TANGA

"Sinasagot na kita." lumabas na lamang 'yan bigla sa bibig ko habang nanonood kami ng movie sa laptop ni Asher.

Nandito kami sa kwarto niya at patay 'yung mga ilaw. Tanging liwanag lang galing sa laptop ang dahilan kung bakit nakikita ko pa si Asher. Nakasandal 'yung ulo ko sa balikat niya at naka upo kaming dalawa sa kama niya.

Gulat na napatingin siya sa'kin ng naka awang ang bibig. Nagkamali ako. Hindi ko siya makita masyado, hindi ko mabasa ang ekspresyon niya sa mata pero alam kong nagulat siya sa biglaan kong pag sagot sakanya.

Nagkibit balikat ako, "Dalawang buwan na ang nakalipas," mahinang sabi ko. "Mahal kita... mahal mo din naman ako diba?" bahagya siya tumango at ngumiti ako kahit na kinakabahan ako. "Edi tayo na."

"Tayo na?" pag ulit niya na para bang hindi siya makapaniwala.

Natawa ako, "Oo, boyfriend na kita Asher Martinez."

Matagal pa bago ako nakakuha ng reaksyon sakanya. Nagsimula pa 'kong kabahan pero nang makita ko 'yung ngiti niya na isa sa dahilan kung bakit ako nahulog sakanya dati ay nakahinga ako ng maluwag.

Hinawakan niya 'yung pisngi ko at dahan dahang lumapit. Binigyan niya 'ko ng isang matamis na halik. "At girlfriend na kita Adrianna Gomez... thank you. Hindi ko 'to deserve pero thank you. Napasaya mo 'ko."

Kumunot ang noo ko, "Bakit hindi mo deserve?" natawa ako pero hindi na siya sumagot. "Wag mo kong sasaktan ah?" tumango siya. "Pramis?"

"Peksman."

---------

"Kami na ni Asher."

"ANO?!" sabay sabay na sigaw ng tatlo kong kaibigan.

"Kelan pa?" tanong ni Ethel.

"Finally though.." mahinang ani Kei.

"Sigurado ka ba dyan sa desisyon mo?" tanong naman ni Tris habang nakahawak sa bewang niya.

"Kahapon lang.." ani ko sakanila. "October 4... and oo," kumunot ang noo ko. "Bakit?"

Napakagat siya sa ibabang labi niya, "May napapansin kasi ako? Parang may mali."

"Naramdaman ko na din 'yan a few weeks ago Tris. Pero wala namang problema." napag usapan na din kasi namin ni Asher 'yung nangyari sa kwarto niya at pinaliwanag niyang hindi niya sinasadya.

"Hindi eh," umiling iling si Tris. "Bakit palagi siyang wala? Laging may pinupuntahan?"

"Sila James diba? Nagpapaalam siya?"

"Bakit ba Tris? Anong problema?" tanong ni Kei. "Mukhang okay naman."

"I don't trust him." bigla akong nakaramdam ng inis sa sinabi ni Beatrice. "Seryoso ako--"

"Ewan ko sa'yo Tris." inirapan ko siya at humalukipkip ako. "Kung ano ano nanaman 'yang problemang iuungkat mo. Maging masaya ka nalang pwede ba?"

"Hindi ako plastik Adrianna." galit na sabi niya. "Kung ayaw mong maniwala," tumayo siya mula sa inuupuan niya. "Maghahanap ako ng ebidensya at isasaksak ko 'yon sa ngalangala mo." tapos umalis na siya.

A & ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon