Kabanata 45

13.6K 464 234
                                    

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

#STASG

follow: officialstasg
------------------------------------------------------------

TANGA

"Huli ka!" napatili ako ng may biglang humablot sa braso ko at hinila ako patayo. Sinusubukan kong lumaban, o 'di kaya tumili para sana may makarinig sa'kin pero sobrang lakas ng may hawak sa'kin at tinakpan niya pa 'yung bibig ko.

Iyak na 'ko ng iyak at puno na ng takot ang buong katawan ko habang sila naman ay tawa ng tawa.

"Ano kaya suot mo sa ilalim ng jacket na 'to?" tanong nung nasa harap ko at napapikit ako, halos magwala na 'ko pero wala lang 'tong silbi sa laki nung may hawak sa'kin.

Please please please tama na. Sana panaginip lang 'to. Please Jared asan ka na.

Tinanggal nung lalaki 'yung kamay niyang nasa bibig ko kaya naman rinig na rinig na nila 'yung mga iyak ko.

"Please please pakawalan niyo na 'ko..." pagmamakaawa ko sakanila. Sobrang bigat ng damdamin ko at parang hindi na 'ko makahinga. "Please, maawa kayo p-please..."

Bigla na lamang hinila nung lalaki 'yung buhok ko kaya naman napasigaw ako sa sakit. "Manahimik ka." galit na bulong niya sa tenga ko. Amoy na amoy ko 'yung alak galing sa bibig niya at gusto kong masuka.

May lumapit na isang lalaki at hinawakan niya 'yung zipper ng jacket ni Asher. Napasigaw ako habang sinusubukang lumayo pero hinila lang ulit nung lalaki sa likod ko 'yung buhok ko.

"Parang awa niyo na!" sigaw ko sa gitna ng pag iyak ko. Nabasag 'yung boses ko at sumasakit na 'yung lalamunan ko.

"Wag kang maingay!" suway nung may hawak sa'kin.

Sinimulan na niyang ibaba 'yung zipper nung jacket, pakonti konti at lalo akong napupuno ng takot. Nanlalaki 'yung mata ko at parang sasabog na 'yung ulo ko.

Bigla na lamang may sumigaw ng "HOY!" mula sa malayo at narinig ko ang pagmumura nitong mga lalaki.

Hinila nanaman 'yung buhok ko, "Tangina sinong tinawagan mo?" tanong niya pero umiiyak nalang talaga ako.

Naaninag ko 'yung mukha ni Jared na papalapit samin at bumilis 'yung tibok ng puso ko. Halo halong saya at kaba sa p-pwedeng mangyari.

Madami siyang kasama. Sina Roderick at ang tropa niya. Kilala siguro sila nitong mga kumuha sa'kin dahil mukhang kabado na sila.

"Pre alis na tayo!" sabi nung isa sakanila.

"Jared!" sigaw ko at bigla na lamang akong sinampal nung lalaking nasa harap ko. Nagpantig 'yung tenga ko at halos mahilo na 'ko sa lakas ng pagkakasampal niya. Naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko at patuloy lang ako sa pag iyak.

Sinubukan kong manatiling gising at nakita ko na nagsimula na ang away. Pero isang lalaki lang talaga ang dirediretso ang lakad papunta sa direksyon ko. Nag aalab ng galit 'yung mga mata niya at napapa atras na 'yung may hawak parin sa'kin.

Pero 'yung lalaking sumampal sa'kin ang iuna niya. Sinambot niya 'yung kamao na susuntok sana sakanya at inikot niya 'yung kamay nung lalaki bago niya 'to hawakan sa leeg gamit 'yung isa niyang kamay.

A & ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon