Kabanata 41

13.2K 388 219
                                    

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

#STASG

follow: officialstasg
------------------------------------------------------------


TANGA

Pumikit ulit ako at sinubukang i-blanko at utak ko pero paulit ulit lang 'tong sumisigaw ng BLAH BLIH BLUH BALALA SHALABALABUMBA kaya naman hindi ako madalaw ng antok.

Napatingin ako doon sa orasan ko at nakitang alas tres na ng madaling ako. Nilagay ko 'yung mga kamay ko sa mata ko, "Matulog ka naaaaaa." pero ayaw talaga.

Naramdaman ko 'yung hangin sa paa ko. Alam niyo masarap isipin ngayon? Multo.

"Shit." mura ko sa sarili ko bago magtalukbong.

Wag ka mag isip ng nakakatakot. Walang bata sa paanan mo. Walang duguang babae sa tabi mo. Tinakpan ko 'yung tenga ko. Pakshit! Bakit ko ba tinatakot sarili ko?! Kainis naman!

Kinuha ko 'yung phone ko sa ilalim ng unan ko pero nakita kong nakapatay na 'yung wifi. Halos ihagis ko na 'to sa inis.

Tapos napatingin ako sa contacts ko. Tawagan ko kaya si Asher? Siguro naman mabuti na pakiramdam niya diba? Baka sakaling mawala na 'yung takot ko....

Calling Ashy <3...

Nag ring na siya kaya naman napakagat ako sa ibabang labi ko.

Call Ended.

Napasimangot ako... napindot ko ba? Hindi naman e. Binabaan niya 'ko?

From: Ashy <3

Hoy, matulog ka na nga.

received 3:14am

Kumunot ang noo ko at sumama 'yung loob. Tss! Edi 'wag! Kainis. 'Di ko nga nireplyan. Badtrip e.

From: Ashy <3

Alam kong galit ka, sorry na. Pero anong oras na kasi e. Bukas nalang. Love u.

received 3:17am

Hindi parin ako nagreply at inirapan nalang 'yung text niya. Nag scroll down nalang ako sa contacts ko. Sino bang pwedeng tawagan? Ugh! 'Di talaga kasi ako makatulog tsaka kung ano ano na naiisip ko.

Si Tris kaya? Kaso bubungangaan lang ako nun dahil ginising ko siya. Napakagat ako sa kuko ko nang makita ko 'yung name niya. Pinindot ko 'to at nag appear 'yung picture niya sa contacts ko. Hindi ko parin pala 'to napapalitan? Siya kasi ang naglagay nito e. 'Yung sa sakayan ng jeep, 'yung nakahalik siya sa noo ko. Dapat siguro palitan ko na? Kasi wallpaper ko napalitan na... pero...

Calling Jarhead....

Oh my shit. Oh my shit! Napindot ko! Hala! Tangina nag r-ring!

"Adrianna?" OH. MY. SHIT. "Hey? You there?" DYING. DYING. DYING. "Are you okay?" WEE WOO WEE WOO.

"I can't sleep." bulong ko. SHET ADRIAN LUPET MAG ENGLISH. BIGYAN NG AWARD.

"Oh."

"Nagising ba kita?"

"I wasn't sleeping." sagot niya. "Hindi din kasi ako makatulog."

"Uhm... pwede mo ba 'kong kantahan? Medyo natatakot kasi ako dito..."

A & AWhere stories live. Discover now