Kabanata 16

16.8K 426 209
                                    

• ADRIANNA •

"Kris pahingi din akong one fourth!" pabulong kong sabi dahil baka marinig ako ni Sir Caleon.

"Wala na, si Garret yata meron?"

"Ayoko! Madamot 'yun eh!" reklamo ko.

"Eto o, Adi" ani Jared habang hinahati sa apat 'yung one whole. "Hati hati tayo nina Kei."

Tinanggap ko yung inabot niya na papel at nag thank you bago isinulat yung pangalan ko. May quiz kasi kami sa math at kailangan naming i-solve yung limang problem sa board bago makapag recess.

Tinignan ko 'yung papel ni Jared.

Jared Lionel S. Gordon, 'yon ang buong pangalan niya.

"Ano yung S sa name mo?" mahinang tanong ko.

"Snow," sagot niya.

"Seryoso nga, ano?"

"Snow nga," natatawang sagot niya.

"Seryoso?"

"Seryoso."

"So ano ka half 'kano?"

"British."

"Ay weh parang 'yung Queen ganon?"

Natawa ulit siya at tumango tango, "Oo parang ganun."

"Bakit ka nandito?"

Tumaas ang isang kilay niya. "Sa pinas?" tanong niya. Tumango tango ako at mas lumapit sakanya para marinig ang buong kwento. May feeling na ako noon pa na may halo siya dahil sa kutis niya at mata pero hindi naman kasi siya pala kwento tungkol sa buhay niya kung hindi mo siya tatanungin mismo. "Yung great great grandfather ko nagtayo ng school dito sa Philippines. Tapos yung anak niya, Lola ko sa.. tuhod? -nag asawa ng pinoy. Tas ayun, dito na kami."

"Anong school yun?" tanong ko.

"Maliit na private school lang, baka 'di mo pa narinig. Nasa Manila."

"Alin nga?" pangungulit ko.

"Lake View."

Nanlaki yung mata ko. Narinig ko na nga 'yun. Pang mayaman lang ang Lake View, parang Brent pero anak lang ng mga elite ang natatanggap. Hindi ko alam kung ginagago lang ba ako ni Jared o seryoso siya dahil kung totoo 'yun, anong ginagawa niya dito?

Sinabi ko sakanya ang mga iniisip ko at ang sagot niya lang ay "Bakit hindi?"

"Tagalog na tagalog ka, bihira lang kita marinig mag-english. Nilibre kita ng chippy nung recess kahapon! At nag share pa ako ng chuckie ko sa'yo! Tapos mayaman ka?" Mas lumalim ang dimple niya sa kanyang pagtawa. "Walanghiya ka!"

"Naiwanan ko nga 'yung wallet ko kanina," katwiran niya. "Di bale ako na bahala sa pamasahe mo mamaya."

"Dapat lang."

"Tapos na ba interrogation mo Ma'am?" Ngayon na alam ko na na half brit siya, naririnig ko na 'yung accent. Taray Harry Potter.

"Bakit hindi ka pala doon nag highschool?" tanong ko pa.

"Masyado ng crowded doon. Halos lahat ng pinsan ko nandun kaya mas gusto ko dito. Peaceful at normal."

"Kaya andito ka sa Olongapo?"

"Oo, 'yung step-dad ko taga dito. Kaya nung kinasal sila ng mama ko lumipat na kami."

"Ahhh gets... sabihin mo nga Wingardium Leviosa-"

"No," mabilis niyang sagot. Nginitian niya ako sabay ngumuso sa papel niya. "Tulungan mo ako dito, hindi ko ma-gets yung number 2..."

A & ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon