Kabanata 30

15.6K 371 55
                                    

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

#STASG
------------------------------------------------------------

TANGA

Araw na ng competition at talaga namang kinakabahan kaming lahat. Mabuti nalang at nasa convery hall kami ng College Department dahil mukhang uulan sa labas. Aircon pa dito. Katabi ko si Jared na naka school uniform tapos sa kabila ko naman e isang audience lang. Kalat kalat kaming mga sasayaw at sinusubukang maki blend in tutal medyo naka dim ang lights dito.

Kaming mga babae ay nakasuot ng itim na dress habang ang boys naman ay naka tux. Mayroon din kaming mga maskara pero mamaya pa namin 'yon susuotin.

Magaling ang ibang section at pangatlo kami. Lumalakas ang tibok ng puso ko at nagpapawis 'yung kamay ko. Grabe talaga! Kami lang ata ang naiiba dahil lahat sila galing sa backstage. E kami? Nagtatago sa audience!

"Next we have IV-Elijah! Let's all give them a warm round of applause!" kumabog ng malakas ang dibdib ko at nanlalamig 'yung paa ko. Bakit kasi kailangan naka paa kami? Kainis!

"Kaya mo 'yan." ani Jared bago pisilin 'yung kamay ko tapos inabot niya sa'kin 'yung maskara ko.

Dahan dahang bumukas 'yung kurtina at rinig mo ang pagkabigla ng audience nung makitang walang tao doon. Nagsimula na ang intro ng kantang Yugto kaya sinuot ko na 'yung maskara ko at dahan dahang tumayo. Nagulat 'yung katabi ko at pati na rin 'yung ibang tao nang sabay sabay kaming maglakad papunta sa gitnang aisle.

Diretso ang mga likod namin at lahat ay tago ang mukha. Walang gumagalaw. Nang magiba 'yung beat ng kanta ay mabilis kaming naglakad papuntang stage. In-sync at naghiyawan naman 'yung mga kaklase namin bilang suporta. 'Di ko mapigilang mapangiti.

"Let's do this!" ani nung katabi ko. Nung nakapwesto na kami, saktong sakto doon sa kanta at nagsimula na kaming sumayaw.

Lumakas 'yung hiyawan ng mga tao at mas lalo kaming na energize. Grabe! Pinapanood ako ni Jared! Nakakahiya!

Nako Adrian! Focus at baka makalimutan mo 'yung steps!

Grabe, sabay sabay kami at pakiramdam ko ang angas angas naming tignan ngayon. In-enjoy ko lang 'yung buong sayaw. Alam kong nanjan din sina Ate Skylynn kaya naman nagpakitang gilas talaga ako.

Si Sarah ang pinaka magaling samin. Siya ang nasa gitna at nakaputing dress siya. May kwento din kasi ang sayaw namin. Siguro para sa iba kami ang demonyo at si Sarah ang anghel. Halata naman sa mga kaklase kong enjoy din sila.

Nako Ma'am Madrigal! Kapag ikaw hindi mo pa tinaasan grade ko, iiyak talaga ako.

Nang matapos ang kanta, sobra ang palakpakan ng mga tao. Hindi ko maiwasan isipin na sure win na kami. Nagsitayuan naman 'yung mga kaklase namin at nagsitakbuhan sa backstage habang sumisigaw ng "IV-ELIJAH!!"

Mga baliw.

Sumara na ang kurtina at niyakap ko nalang bigla ang kung sino. Tinanggal namin 'yung mga maskara namin at nagpuntang backstage.

Nagulat kaming mga sumayaw nung may banner 'yung mga kaklase namin na 'Congratulations! We are proud of you!' tapos may balloons pa sila. Siguro pakana 'to ni Sir? Kasi wala siya sa audience kanina e.

Niyakap ko 'yung mga kaklase ko. Andun din 'yung ibang magulang na nagpipicture. Tapos na kita ko na atlast si Jared at niyakap din siya. Napasigaw pa ko nung bigla niya akong buhatin habang nakayakap.

A & AWhere stories live. Discover now