Kabanata 11

18.9K 437 50
                                    

• ADRIANNA •

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Asher. Hawak niya parin ang kamay ko at binitawan lang 'to nung nasa sidewalk na kami at umandar na'yung jeep na sinakyan namin.

Jared Lionel Gordon. Natatanaw ko pa siya nakadungaw sa papalayong jeep, nakangiti. Pinlano niya 'to. Sinadya niya. Alam niyang maiinis si Asher.

"Ano ba, Asher? Bakit tayo bumaba? Hindi pa ako nakabayad!"

Nakahawak ang dalawa niyang kamay sa baywang niya at kinakagat kagat 'yung gilid ng ibabang labi niya. Hindi niya ako sinagot.

"Ano? Magtititigan lang tayo dito? Alam mo pwede sana natin 'yun gawin kanina sa jeep habang ka-holding hands mo si Savannah!"

"Boyfriend mo ba 'yon?" Tanong niya.

Nangunot ang noo ko. "Sino?"

"Walang gaguhan, Adrian." ADI, gusto ko sana isigaw pero kinagat ko ang dila ko. "Si Jared."

"Si Jared? Sira ka ba?"

"Bakit ka-holding hands mo?"

"Bakit? Si Savannah ka-holding hands mo din diba? Syota mo na ba 'yun?"

"Pinopromahan ko siya. Ikaw? Pinopormahan ka ba ni Jared? Hindi diba?"

Gusto kong sabunutan 'yung sarili ko sa inis. O kaya siya 'yung sabunutan ko. 'Yung malakas, para mapoknat.

"Ano bang pakielam mo?"

Huminga siya ng malalim at inilabas 'to sa ilong niya. Hindi nanaman niya ako sinasagot. Bigla nalang akong nakaramdam ng pagod at naihilamos ko yung kamay ko sa mukha. "Naii-stress na ako sa'yo. Ano ba? Ano bang gusto mong mangyari?" Tinignan ko siya ng diretso, ang mga balikat ko nakabagsak na.

"Hindi ko alam," sagot niya.

Napabuntong hininga ako bago iniipit 'yung dulo ng palda ko sa likod ng tuhod ko upang hindi ito sumayad sa concrete pagka upo ko. Hindi ko na siya tinignan at pinanood nalang ang mga dumadaang sasakyan.

Napaka maldito talaga ni Asher. Lahat ng gusto niya ay dapat nasusunod at wala siyang pakielam sa mga taong mababangga niya. Akala ko sanay na ako pero hindi pa din pala. Lalo na kapag sakin siya nagmamaldito.

May tumigil na pulang jeep sa harapan ko at nakita ko ang kamay ni Asher na naka abot sakin para tulungan akong tumayo. Dahil inis parin ako, hindi ko 'to pinansin at tumayo mag isa.

Sa loob ng jeep, hindi kami magkatabi pero nasa tapat ko lang siya at 'yung sapatos niya ay nasa gilid ng sakin. Nilayo ko 'yung paa ko at tumingin lang sa labas.

Kalagitnaan ng byahe ay nabawasan na ang mga pasahero. Naramdaman ko si Asher na tumabi sakin bago ipatong 'yung noo niya sa balikat ko. "Sorry na."

Ginalaw ko 'yung balikat ko. "Wag mo nga akong dikitan."

Inilayo niya sarili niya. "Eto naman, sorry na Adrian."

"ADI."

"Adi, sorry na. Gago ako. Mali 'yung ginawa ko. Alam ko 'yun. Sobrang nagsisisi ako."

A & AHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin