Kabanata 42

13.4K 388 135
                                    

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

#STASG

follow: officialstasg
------------------------------------------------------------

TANGA

Wala ako sa sarili buong byahe papuntang school. Tulala lang ako at sinusubukang isipin kung nangyari ba talaga 'yung nangyari.

Bakit ganun? Bakit siya gumanon? Gusto niya bang mag... mag ANO kami?!

"Kanina ka pa tulala." ani Ethel, nasa likod kasi kami ng stage ngayon at nagtatago sa teachers dahil baka isabak kami sa isa sa mga laro nila e ang init init. "May problema ba?"

"Kasi ano..." hindi ko maiwasang sabihin. Kailangan ko ng may mapagsasabihan at mga kaibigan ko lang ang mapagkakatiwalaan! "Si Asher."

"Oh? Ano meron?" ipinatong niya 'yung siko niya sa lamesa tapos nilagay 'yung gilid ng ulo niya sa kamay niya. "Nag away kayo?"

"Hindi, hindi naman sa ganun." napakagat ako sa ibabang labi ko. "Kasi ano, diba may sakit siya?"

"Oh tapos?"

"Edi pinuntahan ko siya kaninang umaga."

"Oh?" nagtaas siya ng kilay. "Okay na siya? Ano nangyari?"

"Ano kasi..." hindi ko matuloy 'yung sasabihin ko kaya naman napatakip nalang ako sa mukha ko at pumadyak padyak na parang ewan.

"Ano nga?" itinulak niya 'yung balikat 'ko at nung tinignan ko siya ay nakita kong natatawa pa siya. "Nag kiss kayo?"

Napatakip ako sa mukha ko at tumango tango.

"Oh?" tumaas ang boses niya na parang hindi siya makapaniwala pero in a good way naman. "Tapos? Ikaw ah, gumaganyan ka na. Ano nangyari?"

"Parang ano... ewan ko ba para kasing naramdaman ko na gusto niyang i-ano.."

"Next level?" sumimangot siya. "Pumatong ba sa'yo?" napanguso ako at tumango tango. "Aba gago 'yun ah! Gusto niya bang maputulan ng ari? Ako mismo magtatanggal, hihilain ko tas tatapon ko sa ilog pasig."

Naibagsak ko nalang 'yung ulo ko sa lamesa. Tris the second din 'to eh.

"Sino?" tanong ng isang tao na nakapag paupo sa'kin ng diretso para matakpan 'yung bibig ni Ethel.

Pero nahablot ni Ethel 'yung kamay ko at sinabi na niya, in her own way. "Gusto siyang rape-in ni Asher."

"Ano?" kinabahan ako bigla sa tono ng boses niya. Mahina lang 'to at parang ibinulong niya lang pero mas nakakatakot ang dating niya kesa sa mga banta at pagbubunganga ni Tris o 'di kaya ni Ethel. Napayuko na lamang ako. "What did he do to you Adrian?" diretsong tanong niya at napailing lang ako.

"Wala lang 'yon 'Red. Nagbibiro lang si Ethel."

"Asus! Nako Jared, bugbugin mo nga 'yong si Asher at--"

"Manahimik ka nga Ethel." inis na sabi ko bago tumayo at maglakad paalis.

"Oy eto naman joke lang e!" pahabol ni Ethel pero umirap nalang ako at naglakad papunta hagdanan at umakyat.

Tumigil ako sa hagdan paakyat ng fourth floor at umupo nalang doon. Tinakpan ko 'yung mukha ko gamit 'yung dalawa kong kamay at nag rest doon sa dalawang tuhod ko. Ang kaso e nakalugay ako kaya naman umupo ulit ako ng maayos at kinuha 'yung ipit sa wrist ko at nag ponytail.

A & ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon