Kabanata 34

14.1K 385 266
                                    

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

#STASG
------------------------------------------------------------

GAGO

Ito ang araw na pinaka hihintay ko. Ilang araw din kaming nag prepare nina AJ. Sakanila kasi ako humingi ng tulong dahil wala namang alam sa ganito 'yung mga ugok kong kaibigan.

Sementado parin 'yung kaliwa kong kamay pero nakuha ko paring mag effort para sa preparation. Ano bang meron?

Birthday niya.

At isang tao nalang ang kailangan ko para maayos na ang plano.

Hinarang ko siya sa hagdanan at nagtaas siya ng kilay. Wala akong gustong gawin kundi itulak siya pero kailangan ko siya ngayon araw.

"Anong kailangan mo?" tanong niya bago sumandal sa pader sa gilid niya.

"Birthday ni Adrianna ngayon." diretso kong sabi sakanya at itinaas niya ang noo niya bago tumango.

"Alam ko." sagot niya. "Bakit?"

"May surpresa ako para sakanya at gusto ko siyang masolo ngayong araw."

Agad siyang umiling sa sinabi ko, "May party sakanila at obviously, may klase tayo. Hindi pwedeng buong araw."

Kung sapakin ko kaya 'to? Sarap iumpog sa pader e.

"Hindi ganun ang ibig kong sabihin," inis na sabi ko. "Gusto kong ibigay mo siya sa'kin ngayong araw. Dumistansya ka."

Napa awang ang bibig niya sa sinabi ko, "Anong tingin mo kay Adrian? Isang bagay na pwede mo nalang basta kunin kapag gusto mo?"

Nag alab ang galit sa loob ko at nilapitan ko siya, "Akin siya."

Umiling siya at tumawa at mas lalo akong nainis, "She's not an object. You're crazy."

Nilagpasan niya 'ko at pakiramdam ko wala na 'kong pag asa. Kaya sinabi ko nalang ang nasa isip ko. "Mahal ko siya." bigla siyang natigilan at nakahinga ako ng maluwag.

Siya ang pinaka close ni Adrian ngayon at panigurado gusto niyang sumaya 'to.

"Mahal ko siya and I want her back." nilapitan ko siya at napasandal na lamang siya sa pader sa tuktok ng hagdanan. "Umaasa ako na kahit papano mahal niya parin ako kaya pwede ba, tulungan mo 'ko?" halos nagmamakaawa na ang tono ng boses ko. "Please?"

"Kelan pa?" mahinang tanong niya at medyo naguluhan ako. "Kelan mo pa siya mahal?"

"Matagal na panahon na." hindi ko lang talaga narealize kaagad.

Napaawang ang bibig niya sabay lumunok siya at tumango bago nag iwas. Akala ko aalis nanaman siya, pero nilingon niya ko at tinanong, "Anong kailangan kong gawin?"

Napangiti ako, "Salamat Jared."



TANGA

"Teka lang." pagpigil ni Jared. Pabalik na kasi kami sa classroom dahil tapos na ang flag ceremony pero ngayon, natigil kami sa hagdanan.

"Bakit?" tanong ko sakanya.

"Anong meron?" tanong naman nina Tris.

"Mauna na kayo," aniya. "May sasabihin lang ako kay Adrianna."

A & ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon