Kabanata 3

22.8K 514 32
                                    

• ASHER •

"Gusto ko, iba ang seating arrangement niyo sa klase ko." paliwanag ni Ma'am Madrigal.

"Daming alam," mahinang sabi ko.

Natawa 'yung katabing kong si Gail at sinabing, "Malay mo si Adrianna makatabi mo."

"Sana," sagot ko bago mapatingin sa direksyon ni Adrianna. Nakatingin na siya sakin at nakangiti at naramdaman ko ang gilid ng labi ko na umaangat. "Sana tayo papiliin ni Ma'am ng katabi."

"Wow ha, hindi naman halata na ayaw mo akong makatabi noh?" sabi ni Gail pero halata sa boses niya na nagbibiro lang siya.

Mahina akong tumawa. "Hindi naman sa ganon," sabi ko sakanya bago ako mapatingin ulit kay Adrianna. "Iba lang kasi talaga si Adi."

"Ano bang meron sakanya?"

Nagkibit balikat ako. "Bestfriend ko 'yan si Adrianna eh."

"I want you to all stand. Bring your bags with you tapos tumayo kayo dun sa likod," utos ni Ma'am Madrigal.

Nagsimulang magligpit ng mga gamit na nasa lamesa nila 'yung mga tao sa paligid ko habang ako naman ay ibinulsa lang 'yung ballpen ko at dinampot 'yung bag ko.

Pagkadating ko sa likod ay nasa tabi ko na kaagad si Adrianna. "Sana magkatabi tayo," sabi niya.

"Bakit? Boring ba 'yung katabi mo?" tanong ko sakanya.

"Hindi," sagot niya. "Gusto lang kita makatabi."

"Alphabetical na ang seating arrangement niyo diba?" tanong ni Ma'am.

"Opo."

Ngumiti si Ma'am. "Alphabetical din 'to pero sa first name niyo naman."

Inakbayan ko si Adrianna. "Alam na." Tumingala siya at nginitian ako.

"So 'yung mga A, umupo na dito sa first row."

"Ma'am by order parin po ba?" tanong ni Alec kaya naman lahat kami ay napatigil. Hinihintay ang sagot ni Ma'am Madrigal.

"Yes, ofcourse."

Mahina akong napamura at inalis na ang pagkaka akbay ko kay Adrianna.

"D, E, F, G, H, I, J, K, L..." mahinang sabi ni Adrianna. "L.. Alec." Tinignan niya ako at nakita kong naka nguso nanaman siya. "Hindi parin tayo tabi."

Napailing nalang ako at naglakad na papunta doon sa row. Apat lang kaming A. Sa pinakaharapan ng row si Adrianna at katabi niya si Alec. Ang katabi ko ay 'yung transferee na si Angelo.

"Brad," sabi ko nung uupo na sana siya sa likod ni Adrianna. "Ayos lang ba palit nalang tayo? Gusto ko sa likod nitong si Adi eh."

"Oh yeah sure that's fine," sagot niya.

"Salamat." Tinapik ko siya sa balikat at naupo na.

"Yay!" sabi ni Adrianna bago abutin ang kamay ko at pisilin. "Thank you, Angelo."

"You're welcome.. uhhh.."

A & AWhere stories live. Discover now