Kabanata 14

18.3K 416 89
                                    

• ADRIANNA •

"Oh, an'yare? Ba't nakasimangot ka?" tanong ni Ethel.

"Wala," sagot ko. "Ano? Tara na?"

"Si Asher ba hindi sasama?" tanong niya.

"Hindi," simpleng sagot ko bago ilupot ang braso ko sa braso niya. Hindi na nagtanong pa si Ethel at nag kibit balikat na lamang.

Umalis na kami ng campus at nagpunta sa boardwalk. Hindi ko nalang masyadong inisip si Asher para hindi ako mainis. Makikita ko naman siya bukas one way or another.

Bakit kasi kinailangan niya pa mag sinungaling? At sa akin pa. Hay.

Ano bang meron sa Savannah na 'yun na wala ako?

No no no no no! Tigil na, Adi.

"Lalim ng iniisip natin jan brad ah," sabi ni Jared na binagalan ang lakad para matabihan ako. Si Ethel kanina pa ako iniwanan para kay Angelo. Ibinunggo ni Jared ang balikat niya sa akin, "Anong problema natin madam?"

"Jared pangit ba ako?" Bigla nalang lumabas ang tanong sa bibig ko.

Nagtaas siya ng kilay. "Hindi," sagot niya bago idikit 'yung likod ng kamay niya sa aking noo.

"Anong ginagawa mo?"

"Naninigurado lang na hindi ka nilalagnat at nag dedeliryo."

Tinabig ko ang kamay niya. "Bakit pala hindi ako makita kita ni Asher?"

"Ayun," aniya. "Sabi ko na Asher nanaman 'to eh."

"Lahat nalang ng nagugustuhan niya, opposite ko. Maputi, matangkad, mahinhin, tapos may hinaharap. Eh ako? Ma-"

"Maganda, mabait, matapang, nakakatawa, matalino. Insecure minsan pero di pa naman malala. Maaagapan pa." Binigyan niya ako ng isang ngiti at nakita ko nanaman ang napakalalim niyang dimple.

Hindi ako nakasagot at panandaliang nabalot ng katahimikan ang aming lakad. Iniisip ko lang ang mga sinabi niya.

Maya maya ay tumingala na din ako sakanya. Nakatingin na siya sakin na para bang nag a-antay ng isasagot ko. "Tingin mo talaga maganda ako?"

Tumawa si Jared, "Ayun lang ang nakuha mo sa lahat ng sinabi ko?"

"Bilis na. Sagot."

Umiling siya ngunit may ngiti parin sa labi. Napakamot siya sa ulo. "Oo," sagot niya. "Hindi mo ba naisip na baka kaya 'yun ang mga tipo ng babae na pinipili ni Asher ay baka dahil may gusto siyang maalis sa isipan niya?"

"At ano naman 'yun?"

"Na ikaw ang tunay na gusto niya."

• ASHER •

Sabado na at wala parin akong narinig mula kay Adrianna. Napapasabunot nalang ako sa buhok ko sa inis. Napaka tigas talaga ng ulo ng babaeng 'yun. Kaya 'yung noo ang laki laki e.

"Dude, kamusta na nga pala kayo ni Savannah?" tanong ni James. Nasa bahay kami nina Enrico, nakatambay sa tabing dagat. Buong araw kaming naliligo sa dagat at nag iihaw. Nang magsimula nang dumilim ay nagsiga na kami ng apoy para magka bonfire ay naupo sa paligid nito.

A & ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon