Kabanata 20

19.6K 438 127
                                    

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

------------------------------------------------------------

GAGO

Nakita ko siyang pumasok ng may malawak na ngiti noong lunes habang nakatingin sa cellphone niya. Pasikreto ko siyang sinusulyapan habang naglalakad siya papunta sa upuan niya.

Inilapag niya 'yung bag siya sa upuan ni Lionel at tinignan ulit cellphone niya.

"Sinong ka-text niya?" nakakunot noo kong tanong sa kung sino ang makakarinig.

"Ba't 'di mo itanong?" ani Gail.

Sinimangutan ko siya, "Di nga kami nag uusap diba?"

"At sinong may kasalanan doon?" ngumuso siya. "Suyuin mo na habang mahal ka pa."

"Anong ibig mong sabihin?"

Tinignan niya si Adrian na kanina ko pa pinagmamasdan. "Alam mo, madaling mahulog ang babae sa iba kapag broken hearted sila. Kita mo 'yang ngiti niya? Hindi para sa'yo 'yan."

"Isang linggo palang ah?" nakaramdam ako ng inis, hindi ko maintindihan kung bakit.

"Kahit na. Mabilis mawawala 'yang nararamdaman niya sayo lalo na't sa mga pinag gagawa mo."

"Eh hindi ko nga kasi mahal?"

"Sigurado ka jan?"

"Oo," hanggang kaibigan lang kasi talaga.

"Eh bakit lagi mo siyang tinitignan?" tanong niya. "Miss mo?"

"Oo."

"Bakit kasi sinabi mong mag iwasan kayo? Pa-chiks ka din e."

"Ayoko nga kasing masaktan siya!" ginulo ko 'yung buhok ko sa inis.

"Sinaktan mo na nga e."

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Gusto ko?" tumaas ang kilay niya. "Gusto ko tumigil ka na jan sa kaartehan mo at aminin mo sa sarili mong mahal mo siya bago pa mahuli ang lahat. Gusto ko habulin mo siya at suyuin hanggang maging kayo. Gusto ko maging masaya kayong dalawa. Eh ikaw? Anong gusto mo?"

Hindi ako makasagot. Tinignan ko nalang ulit si Adrian.

Ano ba ang gusto ko?

Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sakin at nagtama ang mata namin. Hindi ako nag iwas at ganun rin siya. Tumaas ang dalawang kilay niya at napakagat siya sa labi niya. Agad akong napatingin doon at bumilis ang tibok ng puso ko. Lalo na nung ngumiti siya.

P*tangina.

Adrian! Putaragis. Bakit mo ako nginitian?! Sumimangot ako at napawi ang ngiti niya. Inirapan ko siya sa inis at nag iwas.

Hoy puso! Punyeta ka, bakit ka nagpupukpok jan ah?! Umayos ka bubugbugin kita!

"Shit!" mura ko na lamang.

Napatalon si Gail sa gulat. "Anyare sayo?"

"Wala!"

Pakinginashitbadtripnyetanes.

------------

Araw araw ko siyang pinagmamasdan. Tapos kapag filipino time e nagpapalit kami ng upuan ni Alec para 'di niya makitang tinitignan ko siya. Hay! Badtrip!

A & AWhere stories live. Discover now