Kabanata 35

14.4K 397 301
                                    

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

#STASG
------------------------------------------------------------


TANGA

Naunahan ng puso ko ang isip ko. Sa isang ganun lang, nakalimutan ko lahat ng taong pwedeng masaktan.

Ang bilis ng pangyayari at hindi ko na kayang bawiin ang sinabi ko. Pakiramdam ko hindi ko na din kayang bawiin pa.

Ano ito Adrianna? Balik ka nanaman sa pagpapakatanga?

Sunod ko nalang nalaman ay binubuhat na 'ko ni Asher habang niyayakap ang nag hihiyawan ang mga kaklase namin. Wala akong ibang naririnig kundi ang malakas na kabog ng puso ko na para bang may nakalimutan siya at sinusubukan niyang sabihin.

Nalaman ko kung ano 'to pagkapasok ko ng classroom. Noong makita ko siya doon sa upuan niya, pinaglalaruan 'yung bracelet niya. Noon ko lang nalaman ang ginawa ko ng hindi niya man lang ako tinignan.

Ang sama sama mo Adrianna.

Paano mo nakuhang saktan 'yung taong nandyan lang para sa'yo? 'Yung taong hinding hindi ka sasaktan? Paano mo nasikmurang gawin sakanya 'yon Adrian?

"J-Jared..." nauutal kong sabi ng malapitan ko siya. Tulala lang siya at nakatitig doon sa bracelet niya.

"Wag mo siyang kausapin." galit na sabi ni Tris sa'kin at kumirot ang puso ko.

Napatingin ako kay Kei na nag iwas ng tingin, "Just leave him alone Adrian."

Wala na akong masabi kaya naman tumahimik nalang ako. Bahagyang umatras pa si Jared para makadaan ako dahil 'yung upuan ko ay 'yung nasa dingding.

Hindi lang si Jared ang nawala ko. Pati na din ang mga kaibigan ko. Sa isang iglap nawala ang mga taong importante sa'kin. Maski sina Angelo ay hindi ako matignan. Masakit, pero may karapatan silang maging ganyan.

Dahil lumuhod lang at nagsorry ang si Asher, kinalimutan ko na sila.

Kahit na halos dalawang buwan na ang lumipas, narealize kong niloloko ko lang talaga ang sarili ko tuwing sinasabi kong naka move on na 'ko. Isa lang ang sigurado akong totoo.

'Yun ay 'yung nararamdaman ko para kay Jared.

Ang lalaking nagustuhan ako kahit sirang sira ako. Ang lalaking tinanggap lahat ng flaws ko at ni kelan hindi nagreklamo. Ang lalaking kahit na out of way niya, basta kailangan ko siya ay nandyan agad siya.

Pero bakit ko pinili si Asher?

Dahil malalim na ang pagmamahal ko sakanya kahit na pilit ko 'tong kinalimutan.

Eto na kasi e, ilang taon ko hinintay ang pagkakataong ito. Ang masabi na mahal ako ng taong mahal ko. Palalagpasin ko pa ba? Tama ang sinabi ni Tris. Isang 'Mahal kita' lang ay babalik na 'ko kay Asher.

Dumating ang uwian at sabay sabay nagsitayuan ang mga kaibigan ko at umalis na bago pa 'ko makapag paalam. Ano nangyari nung recess at lunch? Bumalik ako kina James. Sila na ulit ang kasabay ko. Parang dati lang.

Tuloy parin ang party ko at maraming dumalo. Maraming handa at may karaoke pa para mabulabog ang kapit bahay. Pero alam mo 'yung pakiramdam na para bang may puwang sa puso mo? Na kahit gaano ka dapat kasaya ay hindi mo maiwasang malungkot. Lalo na't dahil ni isa sakanila ay wala dito.

A & AWhere stories live. Discover now