Kabanata 46

13.3K 388 173
                                    

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

#STASG

follow: officialstasg
------------------------------------------------------------

TANGA

Maaga kong pinapunta sina Tris dito, 'yung tipong tulog pa talaga sina Ate Sky at Tita. Tutal doon daw sila natulog lahat kina Ethel, pwera sa mga boys syempre. Nakalimutan kong nakapark nga pala kasi 'yung kotse ni Jared sa labas at baka mapagalitan ako dahil nagpatulog ako ng lalaki sa kwarto ko.

Walang malisya samin ni Jared ang pagtulog niya sa tabi ko. Sadyang kailangan ko lang talaga ng kasama, pero hindi naman 'yon maiintindihan nina Ate. Magkakaroon lang ng gulo, lalo na kapag nalaman nila ang nangyari. Sabay hindi parin nagpaparamdam si Asher. Ayokong magtanong tanong sila.

Alas sais dumating sina Ethel at mga nakapambahay pa sila, saktong sakto. Halata din sa mukha nila ang pagtataka ng makita ang sasakyan ni Jared sa labas.

"Bakit andito kotse ni Jared?" mahinang tanong ni Kei habang naglalakad kami papasok.

Hindi ko sila sinagot at binuksan nalang 'yung pinto ng kwarto ko. Bukas 'yung aircon at medyo nabuhayan pa si Tris sa lamig na tumama saming apat pero nalaglag din panga nila nang makita si Jared.

'Di pa ganito itsura niya nung bumangon ako kanina pero ngayon e nakatalukbong na 'yung kalahati ng pink kong kumot ko sakanya at nakadapa siya sabay nakayakap doon sa unan na ginamit ko.

"Dito siya natulog?" pabulong na tanong ni Tris. Tumango naman ako at pinapasok na sila sabay ini lock ko 'yung pinto ng kwarto ko. "Bakit?"

Sakop na ni Jared 'yung kama ko kaya naman inusog ko siya konti at umupo. "Diba nga kasi 'yung kagabi?"

"Wala na 'kong maalala sa nangyari kagabi." sagot niya.

"Ako din." sabay na sagot ni Ethel at Kei na nakahanap ng mauupuan sa lapag.

Wala sa sarili akong napahawak sa likod ni Jared at itini-trace 'yong mga kurba ng muscle niya. Ano kayang ginawa nito sa halos isang buwan niyang bakasyon doon sa manila...

"Tanong niyo nalang sina Angelo." ani ko sakanila dahil ayoko ng balikan 'yung mga alaala kagabi.

"Ay tangi, may binanggit si Henry kagabi diba?" sabi ni Ethel. "Kasi hindi sila nakapag perform."

Malungkot akong ngumiti, "Dahil sa'kin."

"Bakit nga kasi?" nagkamot ng ulo si Tris at umiling lang ako. "Parang tanga 'to, sinimulan mo na e."

Medyo gumalaw si Jared dahil sa ingay ni Tris, "Magising si Jared." suway ni Ethel sakanya.

"Bakit nga kasi?" pangungulit ni Tris pero ngayon e naiiritang pabulong nalang ang boses niya.

Alam kong hindi talaga ako titigilan nitong si Tris kaya naman napag dedisyunan kong sabihin nalang talaga.

"Pag sinabi ko na wala ng mga tanong kung anong nangyari ha? Please?" kumunot ang mga noo nila pero tumango sila. Huminga akong malalim at napasulyap pa sa natutulog na Jared. "Muntik na 'kong ma-rape..." mahinang sabi ko.

"WHAT?!"

Napapikit nalang ako sa pagsigaw nila, sana lang ay hindi sila narinig nina Ate na nasa katapat na kwarto lang. Noong tignan ko na ulit si Jared ay nakadilat na 'yung mata niya at nakatingin sa'kin.

A & ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon