Kabanata 47

12.9K 510 358
                                    

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

#STASG

follow: officialstasg
------------------------------------------------------------

TANGA

Dinaluhan ako ng kaba ng itigil na ni Jared 'yong sasakyan at nang patayin na niya ang makina. Nakita ko si Asher na nakaupo sa dulo ng sea front kung saan walang masyadong tao. Mula dito, parang tulala lang siya at wala sa sarili.

"Andito lang ako," ani Jared, "I'll wait right here."

Tumango ako sakanya at tinanggal na 'yung seatbelt ko. Binuksan ko 'yung pinto at bumaba na, at nang tumama 'yung dalawang paa ko sa lapag ay naramdaman ko ang pag bagsak ng puso ko papunta sa tyan ko.

Nanlalambot ang tuhod ko habang naglalakad ako papalapit kay Asher. Gustong kumawala ng puso ko. Gusto ko siyang yakapin. Pero kinakabahan ako sa maaaring mangyari ngayon, dahil alam kong hindi ko 'to magugustuhan.

Nahigit ko ang hininga ko nung nakatayo na 'ko sa likod niya. Eto na, kaya mo 'to Adrianna.

"A-Asher..." pagtawag ko pero hindi siya gumalaw, para bang hindi niya 'ko narinig. "Uhm.. Ash--"

"Umupo ka." aniya at kinilabutan ako sa tono ng boses niya dahil parang hindi siya ang nagsasalita. Hindi ito... ang Asher ko.

Hindi na lamang ako umimik at umupo sa tabi niya. Nag iwan nga lang ako ng kaunting distansya dahil hindi ko alam kung gusto niya ba akong malapit sakanya.

Sumulyap ako sakanya at halos maiyak na 'ko sa nakita ko. Sobrang pumayat siya at ang lalim na ng mga mata niya na para bang ilang araw na siyang walang tulog.

"A-Asher.. a-anong nangyari sa'yo?" tumayo ako sa harap niya kaya naman imbis na grass ang tinatapakan ko ay naging sand na. Pero wala akong pake kahit na ba pumasok pa 'to sa sapatos ko.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tinignan siyang mabuti. 'Yung itim niyang shirt na lagi niyang suot ay lumuwag na sakanya.

"Anong nangyari sa'yo Asher?!" mangiyak iyak kong tanong. "Saan ka nang galing? Bakit... Bakit ganyan na itsura mo? May sakit ka ba ha?"

Hindi niya 'ko tinitignan kahit na nakaharap ang mukha niya sakin. Tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko.

"Magsalita ka naman..." pagmamakaawa ko sakanya bago punasan 'yung luha ko.

Napalunok siya at napayuko bago tumingin sa gilid niya at kumurap kurap, "M-Maghiwalay na tayo Adrian." nabasag ang boses niya.

Napatakip ako sa bibig ko at nawasak ang puso. 'Yung mundong ginawa ko sa loob ng isip ko ay gumuho na.

Nakahawak lang siya doon sa sementong inuupuan niya, tapos pinunasan niya 'yung luhang tumulo mula sa mata niya. Napahikbi na lamang ako.

"Ginago kita Adrianna," aniya at hindi na pinunasan 'yung sumunod pang luha. "Maling mali ako para sa'yo. Masama akong tao. Sobrang sama ko." mahinang sabi niya at napayuko nalang siya, gumagalaw pa 'yung balikat niya dahil sa pag iyak niya. "Nakikipagkita ako kay Hannah habang nililigawan kita." napaawang ang bibig ko at napakagat naman siya sa ibabang labi niya. "M-May nangyari na samin."

Oh my God.. hindi ko 'to kaya. Hindi ko akalain na umabot na sila sa ganun. Mas masakit 'to kesa sa may harap harapan siyang dini-date. Napahagulgol nalang ako. "Asher!" nagmamakaawang sabi ko at nanghina na 'ko. Napaluhod ako sa harap niya. Expected ko na eh! Pero hindi ko akalain na ganito pala kasakit! "Pano mo nagawa sa'kin 'to?!"

A & AWhere stories live. Discover now