Loving The Cold Blue (GxG)

De leonloves_blue

763K 21.7K 2.6K

All rights reserved Mai multe

Intro
CHAPTER -1
CHAPTER-2
CHAPTER-3
CHAPTER-4
CHAPTER-5
CHAPTER-6
CHAPTER-7
CHAPTER-8
CHAPTER-9
CHAPTER-10
Chapter-11
Chapter-12
Chapter-13
Chapter-14
Chapter-15
Chapter-16
Chapter-17
Chapter-18
Chapter-19
Chapter-20
Chapter-21
Chapter-22
Chapter-23
Chapter-24
Chapter-25
Chapter-26
Chapter-27
note :)
Chapter-28
Chapter-29
Chapter-30
Chapter-31
Chapter-32
Chapter-33
Chapter-34
Chapter-35
Chapter-37
Chapter-38
Chapter-39
Chapter-40
Chapter-41
Chapter-42
Chapter-43
Chapter-44
Chapter-45
Chapter-46
Chapter-47
Chapter - 48
Chapter - 49
Chapter - 50
Chapter - 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62⚠️
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66

Chapter-36

11.5K 402 26
De leonloves_blue

Alexa

Matapos ang pakikipaglaro ni Blue ng basketball sa mga kaibigan niya ay napagpasiyahan na naming umuwi. Niyayaya pa siya ng inuman ng mga ito pero hindi na ako pumayag. Tama nang may sugat siya ngayon, pero 'yong posibilidad na delikado ang buhay niya kasama ang mga iyon ay hindi ko kaya.

"Love?" tawag pansin niya sa 'kin.

"Ako na magdadrive" pinilit kong pasiyahin ang boses ko dahil ayaw kong malaman niyang naiinis ako, naiinis sa sarili kong pinaglaro ko siya kasama yung Rodrigo na yun kahit alam kong walang magandang pupuntahan ang paglalaro nila.

Matapos kong kunin ang susi niya ay pumasok na kami ng sasakyan. Rinig ko pa ang paghugot niya ng hininga dahil sa sakit ng tuhod niya. Napailing na lang ako at nagmaneho na ng mabilis.

Nang makarating kami sa unit ko ay pabagsak siyang humiga sa sofa, pagod na pagod at hindi na yata kayang magtanggal ng sapatos kaya ako na ang gumawa.

"Five minutes ka lang magpahinga dyan ah?" nang tumango siya ay pumunta naman ako ng kwarto para magbihis.

"Bangon na dyan Blue" tinapik-tapik ko siya dahil mukhang nakatulog na yata. Kailangan niya pang maligo dahil ang dungis niya. Pati jersey niya ay puro alikabok, buti na lang at leather ang sofa ko, kahit dumikit doon ang dust ay pupunasan ko lang.

"Uhmmm" nakabaon ang mukha niya sa unan at parang ayaw pang bumangon.

"Up" muli ko siyang tinapik at ilang saglit lang ay bumangon na siya. "Here's the towel, love" kakamot-kamot pa niyang kinuha ang inabot ko sa kanya bago tumingin sa 'kin.

"Hindi naman ako mabaho ah" reklamo niya and then pout like a kid. Inamoy-amoy niya rin ang sarili bago tumingin sa 'kin.

"Amoy baby ka pa rin naman, but you still have to take a bath kasi ang dungis mo" she look at herself sa mirror at nang makita ang sarili, she mockingly nod her head at me.

Akala ko aalis na siya pero maya-maya ay bigla namang yumakap sa 'kin, 'yong tipong dinidikit sa 'kin ang dumi niya. "Williams!" inis na saway ko sa kanya nang makawala ako. Tawa niya lang ang natanggap ko and later on, she bit her lower lip and look me in the eye. What a sexy move. I told myself habang lumalaban sa titig niya.

"You're dirty na rin, kaya let's take a bath na" kasabay niyon ang paghila niya sa 'kin patayo.

"No" tugon ko at pilit na kumakawala. Hindi naman kasi masyadong dumikit yung dumi niya sa 'kin eh.

"You know me, love. I don't take no as an answer" she put her arms around my waist. Desidido talaga siyang maligo kasama ako at patuloy lang siya sa pagpapacute. So I arched my brow and sighed deeply.

"Monthly period.." kung kanina ay todo ngiti siya at pagtataas-baba ng kilay niya dahil sa pang-uudyok sa 'kin, ngayon naman ay parang nabuhusan siya ng malamig na tubig.

"Now I know the reason why you were so wild yesterday, fertile ka" sa sinabi niya ay bigla ko na lang siyang naitulak, pa'no kasi ay sinundan niya pa iyon ng mapang-asar na tawa.

"Maligo ka na nga" umirap ako bago pumunta ng kusina para magluto. Akala ko hindi na siya mangungulit pero maya-maya lang ay narinig ko ang pagsipol niya.

"Nice butt" komento niya kaya nang makuha ko ang kutsilyo ay saglit na itinutok ko iyon sa kanya mula sa pwesto ko, sinasabing tumigil na siya. "Don't you want to try it kahit may period ka?"

"Yuck!" Agad kong react at natawa naman siya saglit.

"Wala namang problema sa 'kin, love" tumaas baba pa ang kilay niya na ikinaikot ko ng mata.

"Blue, ayaw ko nga" tanggi ko kahit nakucurious ako sa kung anong feeling makipagmake love habang may period.

"Bahala ka..." pahapyaw niyang sabi saka tumalikod. "I won't lock the door incase you wanna know what it feels like"

"Che!" and again, bago sumara ang pinto ng banyo ay isang malutong tawa niya na naman ang narinig ko.

Habang nagluluto ng pagkain ay hindi ko naman maiwasang maisip ang nangyari kanina sa laro niya. I thought it was just a simple game pero pustahan pala at walang foul ang basketball nila kaya ang ending ay puro siya sugat sa tuhod at siko. Everytime na magsta-stumble siya ay parang gusto kong umalis sa bench na kinauupuan ko at sugudin ang bumangga sa kanya kaya lang ay natatakot rin ako dahil mukhang normal lang sa mukha nila ang gumawa ng masama. I never thought na nakikipagsalamuha ang baby ko sa mga gano'ng klaseng tao.

"Bango naman niyan" puri niya sa luto ko matapos kong mailapag sa mesa. Sa kakaisip ko ay hindi ko na namalayang tapos na siyang maligo at nakaupo na sa upuan sa dining table ko.

"Did you clean your wounds well?" pagcheck ko at tumango lang siya. Tiningnan ko naman kung nagsasabi siya ng totoo at nang makampante ay pinaghanda ko na siya ng makakain.

"What are you doing?" taka kong tanong nang makita siyang may kinakalikot sa siko niya. Ginagalaw niya 'yong sugat niya. "Blue" lumapit ako at kumuha ng tissue at pinanood kung anong ginagawa niya.

"May maliit na bato" sabi niya at pinakita sa 'kin ang nakuha niya sa sugat niya. Balot pa iyon ng kaunting dugo pero hinawakan ko pa rin. One forth siya ng isang kuko sa tantya ko.

"Hindi ba masakit?" pag-aalala ko. Sa susunod talaga hindi ko na siya hahayaang maglaro, what if hindi na maliit na bato ang tumusok sa kanya. Naman kasi!

"Sanay na ako" balewalang sabi niya lang at kinuha ang tissue na hawak ko.

"Pa'no kung hindi lang 'yan ang abutin mo sa paglalaro ha?"

"Like?" nagsisimula na naman umibabaw sa damdamin ko ang inis, nag-iinit ang ulo ko na makitang hindi siya nagseseryosong kausap ako ngayon about her safety.

"Kanina nagkakapisikalan na kayo, what if umabot 'yon sa pikunan? Do you even know what those girls or les are capable of?"

"Aaah.. don't worry sanay na kami nila Gray doon" paeasy-easy niya lang na sagot. She even chuckled kahit alam niyang nagagalit na ako.

"Blue hindi ako nakikipagbiruan. Pinupunto ko 'yang kaligtasan mo" pagtataas ko ng boses at bigla namang nawala ang ngiti sa mukha niya.

"Look, I said I'm used to it. Tsaka kasama ko naman sila Gray kaya walang mangyayari sa 'kin" napansin ko ang panlalamig niya't ilang segundo lang ay kumunot na ang noo niya, nagiging iritable na siya at mukhang naiisip na kung sa'n patungo ang usapan namin.

"Eh kaya nga may nangyayaring masama sa 'yo dahil kasama mo 'yong grupo niya-"

"So anong pinupunto mo? trouble maker sila Gray?"

"Bakit hindi ba?" madiin kong pahayag at nakipagsukatan ng titig sa kanya.

"Hindi talaga. Hirap sa 'yo porke ayaw mo sa grupo nila ayaw mo na 'kong pasamahin do'n eh"

"Blue, hindi naman sa gano'n gusto ko lang maiwas ka sa gulo. Kaya please kapag niyaya ka nila sa gano'ng game umiwas ka"

"Ayaw ko nga" what a brat.

"Isa" warning ko nang 'di siya sumunod.

"Oh anong gagawin mo?" kung tingnan niya ako ay parang ang liit-liit ko dahil sa pagkakatingala ko sa kanya. Parang sinasabi niyang siya ang dominante sa 'ming dalawa kaya siya ang masusunod.

Tahimik lang ako habang nakikipagtitigan sa malamig niyang mata. Hinihintay na bawiin niya ang sinabi.

I heard her sigh, akala ko marerealize niya na ang mali niya pero hindi pala. "Come on, let's just eat" pinaghila niya pa ako ng upuan sa tabi niya pero umikot ako at naupo sa harap niya. Halos hindi ko galawin ang pagkain ko dahil hindi ko kayang ngumuya pero siya ay sige lang sa pagsubo at mauubos na ang pagkain. I should be happy 'cause she likes what I prepared pero hindi makuha ng sarili ko dahil sa sama ng loob ko sa kanya.

"Bakit hindi yata nababawasan 'yang pagkain mo?" pansin niya sa 'kin kaya napatigil ako sa paggalaw ng kutsara at tinidor ko. "Kumain ka dyan" utos niya at pinanuod ako at nang hindi ako gumalaw ay uminom lang siya ng tubig saka tumayo. "Bahala ka nga dyan ang arte mo" at walang pasensya niyang ibinalik sa ayos ang upuan, pinanuod ko siyang maglakad papuntang sofa hanggang sa mabuksan niya ang tv at tuluyan lang na nanuod. Napahawak na lang ako sa sentido 'ko at hinilot-hilot ito habang nakatingin sa kanya na prente lang na nakaupo sa sofa. Nakadekwatro pa siya at animo'y wala talagang pakialam sa nararamdaman ko. Pinunasan ko na lang ang ilang luhang pumatak sa pisngi ko at iniligpit lahat ng nasa lamesa.

Matapos kong mailigpit lahat at mahugasan ang mga ginamit namin ay dumiretso ako sa kwarto nang hindi siya tinitingnan. I tried to sleep by blinking my eyes fast pero nanatiling gising pa rin ang diwa ko dahil sa pagtatalo namin kanina. It's actually the first time na nagtalo kami and I realized na wala akong laban sa pagka-childish niya. Kung sagutin niya ako ay hindi man lang niya pinag-iisipan iyon.

Ilang minuto na akong nakatitig lang sa kisame bago ko maisipang gumamit na lang ng social media para madivert ang nararamdaman ko sa iba. Iko-close ko na lang sana ang twitter ko pero may nakita naman akong nakapagpa-ikot lang ng mata ko. Tweet ni Blue twelve minutes ago, saying "mi amor is mad😞"

I clicked her icon para maview ang profile niya, maliban sa tweet niyang iyon ay wala nang iba pa ngayong araw pero nagscroll pa rin ako sa profile niya.

I'm smiling like an idiot sa mga nababasa ko 'cause I know it's all about me. Para sa 'kin nga ba? Sa 'yo 'yan!

"I rlly lv t sqz mi amor's btt"

"Sunday morning, buns morning"

"Best thing to see in the morning is her face, tapos tulog ulit kasi nakakadala siya"

Marami pa akong nabasa na tweet niya pati mga reply from her fans kung sino daw ba 'yong mi amor niya. Nakangiti na tuloy ako ngayon habang nagsko-scroll pa rin sa profile niya until bumukas ang pinto kaya agad kong inalis ang app sa list ng 'recently used apps' ko at tiningnan muna siyang pumasok ng pinto bago inilagay sa bedside table ang phone ko.

Bitch mode muna ako ngayon at hindi siya pinansin kahit medyo natutuwa ako sa kanya.

"Love?" tawag niya sa 'kin pero hindi ako tumingin. Instead, tumalikod ako sa kanya. "Love" tawag niya ulit at ramdam ko ang pag-upo niya. "Sorry na po" parang batang sabi niya pa. Para namang may mainit na kamay na humawak sa puso ko dahilan para humarap ako sa kanya.

Nagulat man sa pagyakap niya bigla sa 'kin ay gumaan pa rin ang pakiramdam ko. Nakasubsob lang ang ulo niya sa leeg ko ng ilang minuto bago humarap sa 'kin ulit. "Sorry na" nagsusumamo ang mga mata niya at alam ko naman sa sarili kong hindi ko 'iyon kayang baliwalain.

"For what?" hindi ko man siya kayang baliwalain but I want her to learn a lesson. Kaya gusto kong sabihin niya kung anong mali niya.

"Sa pagsagot ko sa 'yo ng pabalang" sagot niya sa 'kin habang hinahaplos ko ang buhok niya.

"Ano pa?" she seems uneasy at medyo naawa naman ako.

"Wala na.." hindi niya sure na sagot kaya napairap naman ako na nakita niya.

"Hindi, may sinabi ka kanina bago mo 'ko iniwan sa mesa eh"

"Kasi sabi ko ang arte mo, kahit 'di naman" sumubsob siya ulit sa leeg ko at yumakap muli. "Sorry kasi ang childish ko kanina" pagsabi niya ng gusto kong marealize niya. Gumanti ako ng yakap sa kanya bago siya hinalikan sa noo. "Bati na tayo?" tumango lang ako bago siya tinitigan sa mga mata.

"I love you so much" ngumiti siya na parang kinikilig pa at napakagat bigla sa ibabang labi niya.

"I love you" sagot niya na nakapagpangiti sa 'kin.

---

comment down your thoughts, di magandang itago 'yan. Jk❤


Continuă lectura

O să-ți placă și

1.7M 79K 53
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...
383K 10.8K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
2.6M 102K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
84.2K 55 41
R18