Loving The Cold Blue (GxG)

leonloves_blue

763K 21.7K 2.6K

All rights reserved Еще

Intro
CHAPTER -1
CHAPTER-2
CHAPTER-3
CHAPTER-4
CHAPTER-5
CHAPTER-6
CHAPTER-7
CHAPTER-8
CHAPTER-9
CHAPTER-10
Chapter-11
Chapter-12
Chapter-13
Chapter-14
Chapter-15
Chapter-16
Chapter-17
Chapter-18
Chapter-19
Chapter-20
Chapter-21
Chapter-22
Chapter-23
Chapter-24
Chapter-25
Chapter-26
note :)
Chapter-28
Chapter-29
Chapter-30
Chapter-31
Chapter-32
Chapter-33
Chapter-34
Chapter-35
Chapter-36
Chapter-37
Chapter-38
Chapter-39
Chapter-40
Chapter-41
Chapter-42
Chapter-43
Chapter-44
Chapter-45
Chapter-46
Chapter-47
Chapter - 48
Chapter - 49
Chapter - 50
Chapter - 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62⚠️
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66

Chapter-27

14.7K 412 39
leonloves_blue

Alexa

Pagkahawak ko ng kamay ni Blue ay bigla naman itong napapitlag at agad binawi ang kamay niya. Nagtataka akong tumingin sa kanya ngunit umiwas lang ito. "Okay ka lang ba?" concern kong sabi rito. Nag-aalala ako dahil nang makita ko siya kanina ay parang wala ito sa sarili at tarantang taranta pa. Yung tipong kapag hinawakan mo siya ay tatalon talaga siya. Hindi ko na nga sana siya papansinin kaya lang nung magkabanggaan kami ay naalala kong siya ang ipinunta ko rito at kailangan talaga naming mag-usap. Tadhana na siguro iyong nagkabanggaan kaming dalawa para gawin iyon.

"Uhm.. ano.. si-cr lang ako.. di-dito ka lang" hindi pa nga ako nakakatango man lang sa kanya ay agad na itong tumakbo papuntang banyo sa dulo ng floor kung nasaan kami. Umiling-iling na lang ako saka siya sinundan.

"Blue?" tawag ko rito. May narinig naman akong tunog na parang natamaang trash can sa loob ng isang cubicle kaya dali-dali akong nagpunta roon. "Blue, okay ka lang?"

"I'm good! I'm good love" parang tarantang sabi nito. Medyo rinig ko rin ang paghingal niya. Hindi kaya sumasakit ang dibdib niya at nahihirapan siyang huminga ngayon? Pansin ko kasi bago siya tumakbo ay nakahawak siya sa dibdib niya.

"Are you really okay?" sabi ko pa, nakadikit rin ang mukha ko sa pinto para kahit papaano ay malaman ko ang nangyayari sa kanya.

Hindi siya sumasagot at ilang saglit lang ay narinig ko ang tunog ng pagflush niya sa bowl. Inilayo ko na rin ang sarili ko sa pinto at lumapit sa sink. Hinihintay siyang lumabas.

"Ano bang nangyayari sa 'yo?" agad na tanong ko sa kanya nang makalabas siya.

"Nawiwiwi na talaga ako eh" alinlangan niyang sabi. Tumango tango naman ako bago humarap sa salamin sa itaas ng lababo para mag-ayos saglit. "Ako na magdadala nito" hindi pa ako nagsasabi ng kung ano ay basta niya na lang kinuha ang mga libro ko na ipinatong ko sa gilid ng sink.

"Let's go" aya ko sa kanya. This time ay hinawakan kong muli ang kanang kamay niya. Pansin kong huminto siya bigla at nagtuloy na naman sa paglalakad. Something's wrong with my love...

After namin maka-order ng pagkain ay agad na naghanap kami ng mauupuan. Pinili namin sa bandang likod ng canteen kung saan ay natatamaan kami ng hangin na nagmumula sa aircon.

"Dapat sa labas na lang tayo kumain eh" sabi niya nang matapos naming kumain. Naramdaman ko rin ang pagpulupot niya ng kamay niya sa beywang ko bago sumandal sa upuan niya.

Ako naman ay kinuha ang dalawang slice ng rainbow cake ko saka sumandig sa balikat niya. "Why? Don't you like it here?" Tanong ko naman sa kanya habang kumukuha sa cake ko gamit ang tinidor. Habang tinitingnan ko ang cake ko ay napangisi ako... hashtag, love wins (#lovewins) ang peg hahaha!

"Hindi naman, ang dami kasing tao" sagot niya naman sa 'kin. Kalagitnaan kasi ng lunch break ngayon kaya medyo maraming tao sa loob.

"Gusto mo paalisin ko?" biro ko bago tumingin sa kanya ng nakakaloko.

"Sige nga, istorbo sa buhay ko eh" sakay niya rin sa biro ko na ikinatawa naming dalawa. Tinikman ko na ang cake ko at nang malasahan ay kumuha ulit ako, ipapatikim ko kay Blue.

"Eat" sabi ko nang maitutok ko sa bibig niya ang tinidor na may nakatusok na cake. Tinanggap niya rin at nginuya, sa isip-isip ko ay ang sexy niyang magchew ng pagkain. Kita ko rin ang paglunok niya na ikinatuyo ng kalooban ko.

"Dapat name niyan lovewins cake" she chuckled and so do I at her joke. Medyo kinikilig pa ako dahil pareho kami ng nasa isip.

"Namiss kita.." lambing ko sa kanya at iniyakap din ang free hand ko paikot sa batok niya. I even kissed her cheek nang mapansin kong walang nakatingin sa 'min, pero kung mayroon man ay wala rin akong pake.

"Mukhang hindi naman eh" nakapout niyang sabi at tumingin pa sa 'kin ng malungkot. "Ni hindi mo nga ako tinatawagan man lang or text, namiss tuloy kita" parang bata niyang himutok sa 'kin. I forced myself to refuse a smile, ayaw ko kasing isipin niyang natutuwa ako ng sobra.

"Naisip ko kasing baka iignore mo lang ako, kaya nag-ipon pa ako ng lakas ng loob para kausapin ka sa personal" sukat doon ay ngumiti na lang siyang bigla. Tuwang-tuwa ang loko.

"Totoo?" she said with a hopeful look, as if naman itu-turn down ko siya.

"Yeah, and what made you think I'm lying?"

"I.. I.. uhm just... I just can't believe it. Akala ko kasi galit ka sa 'kin. Alam mo namang muntik tayong mapahamak dahil sa 'kin" ngumiti siya sa 'kin at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko na parang pusa.

"Forget it. Ayaw kong nagkakaroon tayo ng hindi pagkakaintindihan. Hmm?" ramdam ko ang pagtango niya sa balikat ko at maya maya ay inialis niya na ang pagkakasiksik niya. "Ang cool ng porma mo ngayon" puri ko sa kanya. Pano kasi ang pogi ng dating.. naka-black longback tee siya, black pants at nakasuot ng classic vans old skool BnW. May suot rin siyang snapback na puti, terno sa bag niya.

"Ngayon lang?" nakakalokong tanong niya. Well, hindi kasi ako sanay na nakashirt siya ng ganyan, pansin ko kasing mahilig siya sa sweaters, polo, crop top at collar shirt. Madalang rin siyang magsuot ng t-shirts.

"Hindi naman, pero ang astig mo kasi ngayon. Nakakainlove" I heard her chuckled at napakagat pa ng labi. Kinikilig ba siya? Sana...

"Kala ko ba love mo na ako? Sabi nga ni Clarise Ate loves blue" sukat doon ay tumawa na rin ako dahil ginaya niya pa kung paano magsalita ang kapatid ko. Parang gusto ko tuloy amining mahal na mahal ko siya kaya lang sumagi sa isip ko 'yong sinabi sa 'kin ni Steve. Na lalayo si Blue kapag sinabi ko 'tong nararamdaman ko.

"Mag long tee ka na lang lagi, baka sakaling mahalin talaga kita" biro ko at tumawa.

"Makabili nga ng marami... hashtag how to win Alexa's heart" ini-motion niya pa ang mga kamay niya na parang nakagawa siya ng title ng isang movie at tumawa. Lakas rin sumakay sa biro ko nitong si Blue eh, paasa much. Kung alam niya lang na hindi niya na kailangan magdamit ng ganoon, eh panalong panalo na siya sa 'kin.

"Wala ka na bang exam?" tanong ko sa kanya para maiba kami ng topic. Masyado niya akong pinapakilig at napapaasa sa usapan naming iyon.

"Meron pa, hindi ko alam kung anong subject. Basta alam ko last exam ko na 'yon" sagot niya naman. Baka mamaya hindi na naman siya nagreview kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Why are you looking at me like that?" taka niya namang tanong.

"Nagreview ka ba sa lahat ng subjects mo?" naku talaga 'tong taong 'to. Hindi siya dapat bumagsak ngayon sa finals dahil delikado siya sa ibang subjects. Matalino naman si Blue pero super tamad nga lang, mahilig magcramming kaya minsan ay wala siyang tulog at hindi kami nakakapagkita.

"Nagreview naman hehe" ngingiti-ngiting sabi niya kaya nakurot ko siya na ikinangiwi niya. "Aray naman" nakasimangot siya ngayon pero naiinis pa rin ako sa kanya.

"Kapag ikaw bumagsak.." inirapan ko siya at tiningnan ng masama. Kapag hindi talaga siya nagbago ay hindi siya makakagraduate on time.

"Hindi 'yan, tiwala lang"

"Kita mo mga rason mo!" inis kong sabi na ikinatawa niya lang. Naiinis na ako pero sige lang siya sa pagtawa. Asar!

"Eto naman, asar agad. Nagreview ako ng todo ngayon para mabawi 'yong mga tres ko nakaraan. Wag ka na po magalit" pag-aassure niya sa sa 'kin at inilapit ang mukha niya sa mukha ko at kiniskis iyon na parang pusang naglalambing. Ako naman ay biglang natempt when I see her red glistening lips. I cupped her face and hahalikan sana siya nang umiwas naman siya.

"Alexa.. ang daming tao" pagsagot niya sa tanong sa isip ko. Hindi rin siya makatingin sa 'kin habang hawak ko pa ang mukha niya.

"Since when ka pa naconscious?" nangingiti kong asar sa kanya. Lumabi lang siya at tumingin sa mga mata ko bago sa labi ko.

"Loko ka talaga eh" at mas lalo pa siyang lumabi na mas ikilaki ng ngiti ko.

"Pakiss na ako.." I bit my lips to suppress a smile, mamaya ay sabihin niyang nakikipaglokohan na naman ako sa kanya. Nang hindi siya tumanggi sa mas lalo kong paglapit ng mukha ko sa kanya ay itinuloy ko na ang gusto kong mangyari. I crushed my lips to hers at dahan-dahan niya namang tinanggap ang bawat halik ko. Nung una ay pahinto-hinto pa kami at ngingiti sa isa't isa pero nang tumagal ay halos ayaw na naming tumigil. Napamoan pa ako nang magsimula siyang makipaglaro sa dila ko at marahang minamasahe ito gamit ang kanya. "That was good" sabi ko nang matapos kami sa session namin. Ako naman ang sumiksik sa leeg niya na parang pusa sa hiya. Hindi kasi ako sanay na ako ang nag-iinitiate sa ganoong bagay.

"Good luck sa exam, don't pressure yourself pero dapat mataas ang score mo" paalala ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa tapat ng classroom niya.

"Kapag mataas score ko?" She placed her both hands on the side of my body and smiled mischievously.

"Ano bang gusto mo?" Sakay ko naman sa kanya. Alam ko namang gusto niya ng reward eh. And if it's the only thing para ganahan siya sumagot sa papel niya ay willing akong gawin kung ano iyon.

"Stay with me sa hideout for three or more days ngayong sem break" tinaas baba niya pa ang kilay niya sa 'kin. Mukhang may iba pa siyang balak gawin doon kaya kunwari ay nag-isip ako at nag hum. "Dali na love..." pagmamakaawa niya pa sa 'kin.

Umirap muna ako bago sumagot. "Basta galingan mo ngayon sa exam mo, ilang subject ba 'yan?"

"Tatlo yata" kakamot-kamot sa batok niyang sabi.

"Hmm sige na, pumasok ka na. Pinagtitinginan na tayo eh" sumunod naman siya ngunit bago siya pumasok ay hinalikan muna niya ako sa pisngi at sinabing sabay kaming umuwi dahil coding daw siya ngayon.

Makalipas ang ilang oras ay natapos din ang exam ni Blue. Heto siya ngayon at nakangiting papalapit sa 'kin.

"Easy nung tests" nakangisi niyang sabi.

"Hmm.. ang bilis mo naman. Minadali mo yata eh" nagtataka kong sabi. Supposed to be one hour pa akong maghihintay sa kanya since wala na rin naman akong gagawin pagkatapos kong manggaling sa classroom ko.

"Lahat kasi nung nireview ko nasa tests kaya madali lang, chineck ko pa 'yon ah" proud niyang sabi at ngumiti ng malawak.

"Saan pala tayo?" tanong ko sa kanya habang patungo kami sa kotse ko.

"Ayaw ko pang umuwi"

"Blue, maglilinis pa kasi ako sa unit ko eh. Hinintay lang talaga kita dahil wala kang kotse ngayon" nag-inuman kasi kami doon nila Ericka.. girls bonding lang tsaka naglabas ako ng problema namin ni Blue sa kanila kagabi.

"doon ka ba matutulog?" usisa niya.

"Yes--"

"Pwede ba 'kong makitulog doon?" Lambing niya sa 'kin nang makapasok kami sa loob ng kotse. "Wala kasi sila mama at papa sa bahay, ayaw kong kumain ng luto ni Steve kaya pumayag ka na pleeease?" nagmamakaawa siyang nakatingin sa 'kin ngayon. Hindi niya naman kailangan magpaawa dahil gustong-gusto ko talagang matulog kasama siya ngayon. Gusto kong maramdaman 'yong init habang yakap niya ako.

"okay.." sabi ko na lang at ngumiti.

"Is it really okay with you?" tanong niya pa na hindi makapaniwala kaya I cupped her right cheek and kissed her lips.

"Yep" maigsi kong sagot saka pinaandar ang sasakyan.

Once we get inside our unit ay dumiretso agad si Blue sa banyo para makaligo daw siya. Ako naman ay nagbihis ng pambahay saka nagsimulang maglinis ng mga kalat namin kagabi.

Sa gitna ng paglilinis ay naisipan ko na lang mag-general cleaning. Sinabihan ko rin si Blue na matulog muna after niyang maligo.

Nagluto na rin ako kaya nang magising si Blue ay ready na lahat.

"Sarap naman nito, love" puri niya sa sinigang na baboy ko.

"Kaya kumain ka ng marami" bilin ko naman sa kanya.

"Ikaw dapat kumain ng marami kasi alam kong pagod ka maglinis, eto oh dagdagan natin rice mo" sa pag-aasikaso niya sa 'kin ay bigla na lang sumilay ang ngiti sa labi ko. Hindi ko mapigil lalo na't feel na feel niya ang ginagawa niya. Ang sweet sweet niya talaga.

Masaya kaming kumain na dalawa at nang matapos kami ay nagpresinta siyang siya na ang magliligpit ng pinagkainan naming dalawa.

Pagkalabas ko ng banyo dahil naligo ako ay agad naman siyang lumingon. Sinipat niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa saka tumingin sa mga mata ko. Hindi ko na lang pinansin kung paano niya ako titigan at kinuha ko na lang sa bedside table ang lotion ko saka nagsimulang mag-apply sa katawan.

Pansin kong pinapanood niya ako sa ginagawa ko. Nasa upuan kasi ako naglalagay sa tapat ng bedside table at siya naman ay nakasandal sa headboard ng kama. Muli, hindi ko siya pinansin at tinuloy lang ang ginagawa ko hanggang matapos. Hinubad ko ang robang suot ko at nagpalit ng t-shirt lang saka umakyat sa kama at humiga.

"Goodnight, Blue" humalik ako sa pisngi niya at tumango naman siya sa 'kin bago humiga katabi ko. Nakatalikod siya sa 'kin na ikinadismaya ko, gusto ko pa naman siyang kayakap. Tss...

Ipinikit ko na lang ang mata ko at pinilit na matulog. Makailang saglit ay umuga ang kama at nang tingnan ko ay siya lang pala. Nakaupo siya sa kabilang side ng kama at nakatalikod pa rin sa 'kin.

"Okay ka lang?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

"Yeah" nag-aalinlangan niyang sabi na ikinakunot naman ng noo ko.

"Humiga ka na rito sa tabi ko" utos ko sa kanya at hinila siya pahiga. Nang makahiga siya ay agad akong yumakap sa kanya at pumikit na nang maramdamang ipinulupot niya rin ang kamag niya sa 'kin.

Ilang minuto na akong nakapikit pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Feeling ko rin ay hindi komportable sa 'kin ang kayakap ko kaya ibinukas ko ang aking mga mata at nag-angat ng tingin sa kanya. Nagulat pa ako ng kaunti nang makitang nakatitig lang siya sa akin. Kagaya ito ng pagkakatitig niya sa akin kanina nang lumabas ako sa banyong maikling roba lang ang suot.

Unti-unti niyang inilapit ang mukha sa akin kaya napapikit na lang ako upang hintaying madama ang labi niya. Siguro kaya hindi siya mapakali ay dahil ramdam niyang pareho kaming nag-iinit.

Mabagal at maingat sa isa't isa ang aming naging pagtatalik. Parang feeling namin ay napakahaba ng oras at dinahan-dahan lang ang lahat. Feeling ko ang special ng gabing ito.

"Uhm.." bigla kong ungol nang madako ang bibig niya sa leeg ko, humahalik doon habang ang mga kamay ko naman ay nakapaikot sa batok niya, nakayakap din ang mga hita ko sa beywang niya at nakikiliti kapag gumagalaw siya sa itaas ko.

"What time is it?" tanong niya sa 'kin at napatawa naman ako nang makitang alas dos na pala ng madaling araw.

"2:18am" sabi ko habang dinadama ang iginagawad niyang halik kung saan-saang parte ng katawan ko.

"Nagugutom ako.." nakatukot ang kamay niya bilang suporta na huwag akong madaganan. Medyo basa rin ang buhok niya dahil sa pawis that makes her look hotter.

"Hindi ka ba nabusog sa 'kin?" kunwari ay nagtatampo kong sabi saka hinila siya pababa sa 'kin para magkalapit ang mga mukha namin.

"Alexa pang-asar ka rin eh.." pag-iinarte niya naman sa 'kin.

"Sige na nga kakain tayo, nagugutom na rin ako eh" hinimas-himas ko ang buhok niya saka ngumiti ng matamis.

"Ano bang gusto mong kainin?" tanong niya sa 'kin habang pahalik-halik sa labi ko. Napapangiti tuloy ako nang wala sa oras.

"Ice cream" I said in between responding in her sweet little kisses.

"Kasing sarap ko naman 'yong ice cream ah.. ako na lang ulit" panunukso niya sa 'kin. Ang sarap niya tuloy sipain.

"Ang kapal ng mukha mo, tumayo ka na nga. Nilalandi mo na naman ako eh" pero sa halip na sundin ako ay bumaba siya sa ilalim ng kumot na kumo-cover sa amin. Napunta sa tiyan ko at tatanungin ko pa lang sana siya kung ano bang gagawin niya pero agad na niyang hinalikan ang tummy ko.

"Blue.." tawag ko sa kanya habang sinasabunutan siya. "Blue, wag mo 'ko lagyan ng mark please?" pagmamakaawa ko. Mag siswimming kasi kami nila Ericka at Janice bukas sa rooftop ng building na ito.

"Too late.." sabi niya nang makaakyat siyang muli at mahalikan ako sa labi.

"Naman eh..." nagtatampo kong sabi. Umalis na rin siya sa top ko at nagsimulang magbihis.

"Tara na Ice cream na tayo sa convenience store sa baba" inilahad niya ang kamay niya sa 'kin matapos kong magbihis.

"Nakakainis ka Williams, tama bang lagyan mo akong marks?!" Sa sinabi kong iyon ay tumawa lang siya at inakbayan ako.

"Para hindi ka makapagswimsuit bukas. Dahil ayokong pinagpepyestahan 'yang katawan mo ng iba maliban sa 'kin" hinalikan niya ako sa pisngi at bumaba ang kamay niya sa isa kong kamay para hawakan iyon. Blue talaga...

----

ADVANCE HAPPY NEW YEAR!! HOPE YOU LIKE THIS CHAP...

Продолжить чтение

Вам также понравится

South Boys #5: Crazy Stranger Jamille Fumah

Любовные романы

3M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
The Demon General's Young Wife Ms. Thaiii

Любовные романы

239K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
1.5M 34.9K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
41.9K 2K 23
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...