Loving The Cold Blue (GxG)

leonloves_blue

763K 21.7K 2.6K

All rights reserved Еще

Intro
CHAPTER -1
CHAPTER-2
CHAPTER-3
CHAPTER-4
CHAPTER-5
CHAPTER-6
CHAPTER-7
CHAPTER-8
CHAPTER-9
CHAPTER-10
Chapter-11
Chapter-12
Chapter-13
Chapter-14
Chapter-15
Chapter-16
Chapter-17
Chapter-18
Chapter-19
Chapter-20
Chapter-21
Chapter-22
Chapter-23
Chapter-24
Chapter-25
Chapter-27
note :)
Chapter-28
Chapter-29
Chapter-30
Chapter-31
Chapter-32
Chapter-33
Chapter-34
Chapter-35
Chapter-36
Chapter-37
Chapter-38
Chapter-39
Chapter-40
Chapter-41
Chapter-42
Chapter-43
Chapter-44
Chapter-45
Chapter-46
Chapter-47
Chapter - 48
Chapter - 49
Chapter - 50
Chapter - 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62⚠️
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66

Chapter-26

11.7K 395 50
leonloves_blue

Blue

Right after ko maihinto ang sasakyan ay agad kong niyakap si Alexa. I want to protect her dahil sa katangahan ko. Nagpakain ako sa hindi ko maipaliwanag na galit na naramdaman ko kanina habang nasa loob ako ng bar at pinapanood sila ng lalaking hindi ko kilala.

Ilang segundo ay mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko, naghihintay sa pagbangga ng truck sa sasakyang kinapapalooban namin. Naghihintay sa pagtama ng basag na salamin sa mukha at katawan ko. Pero makalipas pa ang ilang segundo ay wala pa rin hanggang sa nakarinig kami ng katok na nagmula yata sa bintana.

Iminulat ko ang mga mata ko at tiningnan si Alexa na mariing nakapikit pa rin ang mga mata. Sa hindi na namang maipaliwanag na dahilan ay pumintig ng mabilis ang puso ko. Kinakabahan yata ako dahil baka galit siya at sampalin na lang ako bigla. Sino ba naman kasing hindi magagalit kung bigla ka na lang hinatak nang walang dahilan.. at ano nga bang idadahilan ko?

"Tok tok tok" umayos ako ng upo at inayos din ang bag ko at tiningnan an nasa labas. Nakagilid ang likod ng truck sa kotseng may sakay sa amin, isang dipa lang siguro ang pagitan. "Ligtas kami..." hindi makapaniwalang sabi ko sa isip ko.

Ilang katok muli ang narinig ko, inatras ko muna ang sasakyan bago lumabas dala ang bag ko. Sumulyap muna ako kay Alexa na bukas na ang mga mata at tulala lang. Hindi ko alam kung babalikan ko pa siya sa loob at pumunta na ako sa lalaking kumakatok sa kotse namin kanina.

"Boss, sorry po. Ano po bang pwede kong gawin para makabawi" wag lang sana manyak itong taong ito kundi bubugbogin ko siya hanggang sa mapagod ako.

"Wala naman po ma'am, gusto ko lang ho sana humingi ng dispensa dahil muntik ko kayong mabangga. Medyo mabilis kasi ang pagmamaneho ko at nakainom ako. Baka pwede pong wag na 'to umabot sa presinto" tiningnan ko muli ang truck na nasa likod ni kuya, siya pala ang driver nito. Nakaslant ang puwesto ng truck sa kalsada at nakataas ang isang parte ng gulong nito sa sidewalk, medyo may tama rin ang harap nito dahil nakadikit ito sa puno, buti na lang at hindi basag ang windsheild nito. Hindi na ako nag-isip pa at kinuha ang tseke at ballpen sa bag ko, naglagay ako ng sa tingin kong amount para pampaayos sa truck ni kuya at para sa personal niyang gastusin.

"Wag na po kayong mag-aalala kuya. Kundi rin naman dahil sa inyo, wala ako rito sa harapan ninyo. Eto po kaunting tulong" alam ko kasing hindi kanya ang truck na dinadrive niya, sa tingin ko rin ay mawawalan na siyang ng trabaho.

"Pitompo't limang libo? napakalaki ho nito" hindi naman makapaniwalang sambit niya at pilit na ibinabalik sa akin ang tseke.

"Sa inyo na ho iyan, panimula ninyo. Tiyak na tatanggalin kayo ng boss niyo sa nangyari eh. Sige po, salamat ulit" binitiwan ko ang kamay nito matapos ko isiksik doon ang tseke na bigay ko. Tumalikod na rin ako at lumampas sa kanya.

"Pagpalain ka ng panginoon hija" rinig ko pang sabi niya sa likod ko kaya napangiti ako. Akala ko sisigawan at sisisihin niya ako sa nangyaring aksidente, iyon pala ay pareho rin kaming may sala.

Nagpara ako ng taxi sa gitna ng traffic na nagawa namin ni manong driver, hindi ko kayang harapin ngayon si Alexa dahil sa kahihiyang nagawa ko. Muntik ko pa siyang ipahamak. Hindi ko alam kung magpapakita pa ako sa kanya sa kagaguhan ko. Kung hindi lang siguro nasaktan ang ego ko nung may mangahas angkinin ang labi niya ay hindi mangyayari ito.

Nang makauwi ako ay agad akong nagtungo sa banyo para magshower. Nang dumausdos sa katawan ko ang tubig ay napayakap na lang ako sa sarili ko at napapikit. At sa pagpikit ko mismo ay bigla kong naalala ang eksena kanina.

"Lei, kilala mo ba 'yong kasama niya?" tanong ko sa katabi ko rito sa counter ng bar. She's one of my bestfriends at dakilang chismosa sa school. Tamang tama na siya ang inaya ko rito matapos kong sundan sila Alexa.

"No, i've never seen him before" sagot nito at nalaglag naman ang balikat ko. Hindi ko alam pero inis na inis ako tuwing magagawi ang paningin ko sa kanilang dalawa. Paano ba naman, yung ginagawa namin ni Alexa kapag kumakain kami sa resto ay ginagawa nila ngyayon rito sa bar kung saan medyo madaming tao. Nagtatawanan pa sila habang nakaakbay sa kanya yung lalaking... hmp! Wala akong maipintas, gwapo eh. Kainis. Uminom na lang uli ako ng drink ko at lumagok rin ng cola.

Nang may iplay na slow music ang bandang nagpeperform ay tumingin muli ako sa direksyon nila Alexa pero wala iyon doon, nakita ko sila sa dulo ng table nila na nagsasayaw? Ewan kung sayaw yun dahil nakayakap si Alexa sa lalaking iyon habang ang mga kamay naman nito ay nakapulupot sa beywang niya. Ang sweet-sweet nilang tignan. Naiinsulto ako na ewan dahil ang sweet niya sa 'kin tapos sweet rin naman pala siya sa iba.

"Wag mo na tingnan, dadagdag lang 'yan sa selos mo. What you don't know will not hurt you" napapitlag naman ako sa sinabi ni Lei.

"Anong selos na pinagsasabi mong gago ka?" pagtuon ko sa kanya na nakakunot ang noo pero ngumisi lang siya na ikinapikon ko pa. Siguro ang pangit ko na ngayon dahil sa kunot ng mukha ko. Naiinis na nga ako sa nakikita ko tapos may asungot pa akong kaibigan sa tabi.

Ibinalik ko na lang muli ang tuon ko kila Alexa. I think I cussed in different language when I saw the guy cupped her face.

"Sugod na, hahalikan niya 'yan" at hindi ko rin alam kung bakit ko sinunod ang tukso ng kaibigan ko. Ang nasa isip ko lang ay akin iyang hahalikan ng lalaking iyon. We had an agreement.

"Go lover girl" rinig ko pang asar nung asungot. Grrr! Papatayin ko siya bukas din!

Nang makalapit ako sa kanilang dalawa ay kita ko pang nakapikit si Alexa na ikinainis ko, lahat naman ng inis ko ay ibinunton ko sa lalaking hindi ko kilala, dahilan para kumalabog ang dibdib niya nang itulak ko siya. Tiningnan ko ito sa sahig bago hinablot ang kamay ni Alexa. Napatigil pa ako nang may maramdaman akong dumaloy na kuryente pababa sa spine ko nang mahawakan ko siya. Ramdam ko rin ang init ng palad niya, komportable ako sa init na iyon at parang ayaw ko nang bitiwan ang kamay niya pero nanggagalaiti talaga ako at hindi ko kayang kumalma kaya nang mahanap namin ang kotse niya ay hindi ko sinasadyang pabalya ko siyang naipasok sa kotse niya---

"Ate? Andyan ka ba?" hindi ako sumagot sa kapatid ko at inilagay na lamang ang dalawa kong kamay sa tiles wall ng banyo ko na animo'y may kinocorner. Nanlalambot ang mga tuhod ko habang inaalala ang mga nangyari kanina. Naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko. Pero lumalakas naman ang pakiramdam ko tuwing sumasagi sa isip ko ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko kanina, yung hawak ng kamay niya at init ng katawan niya nung yakapin ko siya sa kotse... ewan pero feeling ko ay bawing bawi ang lahat ngunit nang maisip kong galit siya sa 'kin ngayon ay bawing bawi rin ang mga hindi ko maipaliwanag na magandang nararamdaman ko sa isip at kalooban ko.

"Ate, are you there? Daddy wants to talk to you"

"Tell him that I'm not in the mood, I'm tired!" sigaw ko habang nasa banyo pa rin ako. Nang marinig ko ang pagsarado ng pintuan ng kwarto ko ay lumapit ako sa tiles wall at tumalikod rito bago dumausdos pababa para makaupo. I hug my knees habang paulit-ulit iniuuntog ang ulo ko sa dito. Bukas pa rin ang shower at hinahayaan ko lang ang ito, gusto ko ang tunog nito habang pumapatak sa sahig.

Hanggang sa magsawa ako kakaoverthink ay lumabas na rin ako at nagbihis saka nagpatuyo ng buhok.

Ilang araw rin ang lumipas, ni hindi niya man lang ako tinatawagan. Time to time chini-check ko ang cellphone ko pero kahit message ay wala siya. Kahit nga good morning niyang may kiss emoji wala akong natatanggap eh. Marahil ay nagalit ko talaga siya.

"Ang haba na naman ng nguso mo dyan" sa boses pa lang ay kilala ko na at hindi ko na kailangan magsayang ng oras para lumingon rito. "Ngit naman dyan, dito na nga yung crush na crush mo eh"

Sa sinabi niyang iyon ay sumilay na ang ngiti sa mga labi ko, lalo na nung binigyan niya ako ng isang pack ng milo para papakin. "Stella ang conceited mo" balik asar ko sa kanya. Kahit kailan gumagaan talaga agad ang mood ko kapag nang-aasar siya. Hindi kasi nakakapikon since hindi naman siya marunong mambully.

"Eh kasi naman tuwing makikita kita rito sa bench na 'to nakaduck face ka. Parang gusto mo yatang magselfie, halika rito selfie tayo" inakbayan niya naman ako kunwaring kinuhanan kami ng litrato gamit ang ID niya. Loko-loko talaga siya, isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya. Napangiti na lang ako habang nakayuko.

"Ano ba kasing problema mo?" tanong niya pa at hindi ko alam kung ano namang sasabihin ko. Baka kasi asarin niya akong nagselos ako doon sa lalaking muntik mahalikan si Alexa. Mawalan pa ako ng pag-asa sa kanya.

"Nako, si Alexa problema niyan" napalingon naman ako sa nagsalita at pinandilatan ito ng tingin. Bwisit na Lei 'to! Panira ng magiging diskarte ko kay my love!

"What?" tanong naman ni Stella kay Lei, umikot si Lei sa kabila ni Stella at parang may ibinulong na ikinangisi nung binulungan niya. Ano naman kaya ang binulong ng asungot na iyon?!

"Why hon? Anong ginawa ni Alexa baby hmm?" inuuyog niyang balikat ko habang nakaakbay siya sa 'kin. "ano? Papaabangan ko na ba siya?" patuloy pa rin ang mabagal na pag-uyog niya sa 'kin habang papalapit naman ang mukha niya sa 'kin, parang inaakit ako. "Ano nga?" Mas lumapit pa ang mukha niya sa 'kin at ilang centimeters na lang layo ng mga labi namin sa isa't-isa. Namumungay ang mga mata niyang tumingin sa mga labi ko. "Hindi mo talaga sasabihin?" nakaka-akit niya bang bulalas at bumaba ang pagkaka-akbay niya sa 'kin sa beywang saka inilapit pa ang labi niya sa 'kin. Bigla naman akong nakaramdam ng hindi pagkakomportable sa gagawin niya at bigla ko siyang itinulak at umalis nang marealized ko ang nagawa ko.

"Masama ito..." rinig kong anas ni Lei pero nagdire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang matumbok ko ang washroom. Ilang beses akong naghilamos rito, paulit-ulit kahit malinis na naman ang mukha ko.

My god Williams! Si Stella na 'yon! You long waited for that to happen right!? Ano bang nangyayari sa 'yo!?

Iyan ang mga tanong na kumakawala sa isip ko habang pinakatititigan ang mukha ko sa salamin.

Nang maikalma ko ang sarili ko ay lumabas na rin ako ng washroom. Para akong tanga na palinga-linga dahil baka andyan si Lei sa paligid at asarin na naman ako. Hanggang sa maka-akyat ako sa floor kung saan ang classroom namin ay palinga-linga pa rin ako. Napaparanoid. Basta ayaw kong inaasar ako ng asungot na 'yon tungkol sa gabing iyon, kung pa'no ko tinabig sa dibdib--- ay ayoko naaa!

Sa katangahan ko naman at sobrang pagmamasid sa paligid na animo'y kada segundo ay tumitingin ako sa kanan at kaliwa, naglalakad patalikod para icheck kung nandoon ba si Lei ay may nakabanggaan ako at nahulog ko ang mga gamit nito. Hindi ko ugaling tumulong kapag may nakakabanggaan ako pero dahil sa taranta ko ay mabilis pa sa alas kwatro kong pinulot ang ilang abot kong gamit. Sumabog kasi iyon sa corridor.

Nang mapansing cookbook ang hawak ko ay dumagundong ng malakas ang puso, parang gusto kong itapon iyong hawak ko at tumakbo palayo nang mag-angat ako ng tingin sa kung sinong may-ari. Parang gusto kong tumalon ngayon sa hagdan at tumakbo ng tumakbo.

"Sabi ko 'yong libro ko" parang natameme pa ako nang magsalita 'yong anghel sa harap ko pero binigay ko pa rin ang libro niya. "Blue, ayos ka lang ba? Bakit namumutla ka, may sakit ka ba?" dagdag pa niya pero pinakatitigan ko lang 'yong mata niya habang sumisikip ang dibdib ko. Kinakain ako ng hiya ngayon and that delight feeling dahil nasa harap ko siya ngayon. Miss na miss ko na siya, lahat sa kanya.

"Blue..." pag-uulit niya sa pangalan ko na nagpakalma naman sa akin.

"A-ayos lang p-po" ano 'yon?!

"Pwede ba tayo mag-usap, tutal ikaw naman talaga ang ipinunta ko rito" sa sinabi niyang iyon ay kinabahan naman ako. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong maidadahilan sa kanya. Pero sige kung iyon ang gusto niya, kahit na hindi siguro ako magsalita ay okay lang. Pero paano naman kaya kami magkaka-ayos nun? Papalipasin ko na lang siguro 'yong galit niya.

"dito na lang tayo sa gilid" iginiya ko siya sa likuran niya. Buti at lunch time ngayon kaya wala masyadong taong dumadaan sa place namin.

"I'm sorry.." panimula niya at nagulat naman ako. Para siyang maiiyak at nakayuko lang.

Hindi ba dapat ako ang magsorry?

Pero baka naman sinasabi niya iyon dahil bubuwagin na niya yung agreement namin at do'n na siya sa lalaking iyon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nangyari iyon. Hindi ko maimagine na may ibang hahawak sa kanya.

"I'm sorry kung hindi ko natupad yung sinabi kong sa 'yo lang ako. Nadala lang talag ako no'n. Kaya please... forgive me" tumingin siya sa 'king luhaan. Niyakap ko lang siya at hinalikan sa noo. Wala naman siyang dapat ipagpatawad pero naiinis talaga ako sa sweetness niya do'n sa lalaking iyon.

"I'm sorry din. I put your life in danger" mas humigpit pa ang yakap ko sa kanya at ilang saglit lang matapos namin sulitin at pagsawaan ang sandali ay humiwalay na kami.

"Okay na tayo?" parang bata niyang sabi, ngumiti naman ako at tumango. All these days ay nasayang dahil akala namin ay galit kami sa isa't-isa. "Kumain ka na ba? Nagugutom kasi ako eh, tinakbo ko lang 'tong building mo after ng class ko" ang sweet naman...

"Hindi pa nga eh, nagugutom na rin ako" inikot ko pa ang palad ko sa tummy ko at umaktong malungkot na ikinatawa niya.

"Tara sa canteen, tinatamad akong lumabas eh" pag-aya niya sa 'kin at hinawakan ang kamay ko. Once again I felt that thing called.. sparks?

WEIRD!!!

_____

Also read Skate-43

Продолжить чтение

Вам также понравится

43.5K 2.1K 23
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...
HE'S INTO HER Season 1 maxinejiji

Любовные романы

373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
Secretly Yours meggy 🌸

Любовные романы

395K 27.2K 232
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...
South Boys #5: Crazy Stranger Jamille Fumah

Любовные романы

3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...