SAPPHIRE: Battle Of A Heiress...

Da red8hearts

3.4K 322 65

Siya si Sapphire, ang matagal nang nawawalang Mafia Heiress. Ngunit ang totoo niyan ay hindi naman talaga siy... Altro

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Author's Note..
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Author's Note
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Author's Epalogue

Epilogue

53 2 2
Da red8hearts

Makalipas ang isang taon. May kaniya-kaniya na silang pinagkakaabalahan sa buhay.

Si Jade ay naging isang ganap na assassin na. Inisinasama na siya ng mga magulang sa mga bawat mission nito. Masaya siyang nakakatulong sa pag-e-elimanate ng mga toxic na mga tao sa mundo.

Si Sapp naman ay naging focus sa pagpapatakbo ng organisasiyong at mga negosyong naiwan sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Naging maayos na rin ang pakikitungo niya kay Theodor, at paminsan-minsan ay nagkikita sila sa labas para pag-usapan ang mga storya nila ng mama niya at kung ano'ng klase bata noon ang mama niya. Minsa ay kinukumbensi pa rin siya nito sa balak niyang pag-ampon kay Sapp, ngunit lagi lang ito walang napapala sa babae.

Masaya na ring naninirahan sa ibang bansa ang mga magulan ni Steff. Sa tulong ni Theodor ay nagkaroon sila ng negosyo sa States. Paminsan-minsan ay umuuwi sila ng Pilipinas para bisitahin si Steff, lalo na kapag namimiss nito ito.

Si Olivia ay tuluyan na ngang nabaliw. At ngayon ay nasa isang Psychiatric Facility na pagmamay-ari rin ng kaniyang mga magulang. Araw-araw itong sumisigaw, habang paulit-ulit na binabanggit ang pangalan nina Theodor at Kyle. Minsan naman ay bigla nalang itong iiyak at sasabihin ang mga salitang, 'I'm sorry, Elena'. Mukhang wala na rin itong pag-asang pang gumaling at bumalik sa kaniyang katinuan. Isang nga namang napakabigat na parusa ito para sa kaniya hanggang sa oras ng kaniyang huling paghinga.

Dahil dito, tuluyan na ngang naging tahimik ang gulo sa pagitan ng dalawang mafia organization.

Pasikat palang ang araw ay nasa labas na ng bahay nila Jade si Sapp. Nakatayo siya sa labas ng gate nila at tila may iniisip.

"Hmm~ Magdo-doorbel pa ba 'ko, o aakyatin ko nalang?" tumingala siya sa mataas na bakod nito. "Bahala na si Batman." mabilis siyang umakyat at tumalon sa loob. Pagkatapos ay tumayo siya sa tapat ng pinto ng bahay at muling nag-isip. "Hmm~ Kakatok pa ba 'ko, o sisirain ko nalang?" At nang nakapag-isip ay bigla niyang sinuntok ang pinto, sakto namang bumukas ito at tumambag sa kaniyang ang mukha ni Haden na mabilis din namang nakailag sa suntok ni Sapp. Nagulat silang pareho.

"Oops, sorry." agad na binawi ni Sapp ang kaniyang kamao.

Napahawak naman si Haden sa kaniyang dibdib 'saka bumuntong hininga. "Sapphire, darling. Ano'ng ginagawa mo rito nang ganito kaaga?"

"'O nga 'no? Ang aga pa." saklit itong tumawa. "Gising na po ba si Jaden?" pag-iiba niya nalang ng usapan. Si Jade naman kasi talaga ang pakay niya sa bahay.

"Hindi pa, pero gisingin mo nalang. Alam mo naman paano matulog 'yon." ngumiti nalang siya. Pinapasok na siya ni Haden at dumeretso naman siya sa kwarto ni Jade.

Pagpasok niya ay nakaharap ito sa pinto at mahimbing pang natutulog. Umupo siya sa sofa sa tabi ng pinto at tahimik na tinititigan ang natutulog na kaibigan. Mayamaya ay bahagyang nagmulat si Jade nang maramdaman na parang mayroong pares ng mga mata na nakatitig sa kaniya. Halos mapatalon siya sa kaniyang higaan nang makita ang mga mata na matalim na nakatitig sa kaniya.

"Sht! Sapp! Ano ba?!" sigaw niya nang ma-realize na si Sapp nga nakaupo sa sofa.

"Ang aga mong nagising, ah."

"Pa'no namang hindi ako magiging nararamdaman kong may nakatitig sa akin tapos magmulat ko gano'n klaseng mata pa 'yong makikita ko?!"

"Hindi mo ba ako naramdaman pumasok?"

"Hell, no. It's you, Sapp. Malamang hindi kita mararamdaman. You know how to control your movements. You damn girl."

"Ang aga ko namang nakatikim ng mura." tumawa pa ito. "Get up, you know what date today." at lumabas na ito ng kwarto.

Pagkalabas ni Sapp ay parang hinihingal na humihinga si Jade habang mahinang sinusuntok-suntok ang dibdib niya. "Fck that girl. Kailan pa ba ako masasanay sa kaniya. Hindi ako sa labanan mamamatay, sa atake sa puso pa yata ako babawian ng buhay, dahil sa kaniya."

Unang nilang pinuntahan ang columbarium kung na saan namamahinga ang mga abo ni Steff. Ngayon kasi ang Death Anniversary ni Steff.

"Hi, Steff. I miss you. Magpakita ka naman." sabi ni Jade na biglang nagpalingon kay Sapp sa kaniya.

"Sigurado ka?" nanunukso tanong nito.

"Ah, 'wag na pala." atsaka tumawa ito.

"Akala ko ba namimiss mo si Steff, bakit ayaw mo na siyang makita? Sige ka, kilala mo naman si Steff. Siguradov mumultohin ka niyan."

"Ano ba, Sapp, hindi gano'n si Steff, 'no. 'Di ba nga sabi nga huwag daw natin siyang mamiss kaya sigurado akong maiintindihan niya ang ibig kong sabihin."

Biglang kumindat ang isang mata ni Steff na nasa litrato niya sa loob kasabay ang pag-ihip ng malamig na hangin sa kanilang likuran na animo'y mayroong dumaan. Naramdaman 'yon ni Jade kaya bigla siyang kinilabutan at napahawak sa braso ni Sapp. "Bakit?" nagtatakang tanong ni Sapp.

"Naramdaman mo ba 'yon?"

"Ang alin?"

"May biglang dumaan na malamig na hangin." sagot nito habang palinga-linga sa kaniyang likuran. "'Tapos," dagdag niya 'saka itinuro ang nakangiting litrato ni Steff. "Parang nag-wink ang isang mata ni Steff sa picture." sabi pa niya at mas lalong humigpit ang kaniyang pagkakahawak sa braso ni Sapp. Natatawang pinapanuod lang siya ni Sapp.

"Pwede ba, Jade, bitawan mo nga ako." habang pilit na binabawi ang kaniyang braso sa mahigpit na pagkakakapit ng kaibigan.

"Ayaw." mas lalo pang humigpit. "Steff, alam mo namang mahal na mahal kita, 'di ba? 'Top na, please. Hindi na 'ko natutuwa, Steff. Saranghae." pagkatapos ay nagfinger-heart pa.

"Aigoo, Alexander Jade. Hindi takot mamatay, pero takot sa patay." nakangising komento ni Sapp. "Oh siya, Steff, aalis na kami at baka matanggalan na 'ko ng isang braso dahil dito sa kaibigan mo. Huwag kang mag-alala sa amin dito, we're living our lives 'gaya ng gusto mo, and always be happy kung na saan ka man. We miss you, Steff,"

"Yeah, we miss you, Steff."

"I hope that we're still friends in our next life."

"Saranghae." sabay nilang huling sinabi.

Pababa na sila ng hagdan mula sa loob ng Columbarium, ngunit hindi pa rin binibitawan ni Jade ang braso ni Sapp.

"Jade, pwede mo na 'kong bitawan." sabi ni Sapp.

"Uy! Alexander! Sapphire!" biglang sigaw ng isang pamilya na boses mula sa hindi kalayuan. Paglingon nila ay bigla ay agad nilang nakita si Spencer na masiglang kumakaway, at kasama niya rin si Kyle may hawak na mga bulaklak.

Tumakbo si Spencer sa kinaruruonan nila Sapphire habang iniwanan niya naman ang kaniyangs kaibigan. Saglit itong napatigil sa pagtakbo nang mapansin ang naka-angklang kamay ni Jade sa braso ni Sapphire. Bigla itong ngumisi at mas naging excited na tumakbo papunta sa kanila.

"Ako rin." sabay pulupot ng kamay niya sa braso ni Sapp.

"Ano'ng ginawa mo rito?" kunot ang noong tanong ni Sapp habang tinatanggal ang kamay nito sa kaniyang braso.

"Ah, dadalawin lang naman si Steff. 'Di ba ngayon 'yong 'Death Anniversary' niya?" sagot nito habang nakakamot sa kaniyang ulo.

"Naisip lang namin na dumaan to pay our respect." biglang sabi ni Kyle nang makarating na sa kinaruruonan nila. At habang inilalayo si Spencer sa tabi ni Sapphire.

"Kaibigan niya ba kayo, 'saka hindi niyo naman kayo magkakilala personally, ah. Bakit niyo kailangang mag-pay ng respect?" sabay na napaubo ang dalawang lalaki.

"Ah, nandito na rin lang naman sila, palampasin mo nalang, Sapp." biglang pagtatanggol ni Jade nang mapansing medyo naging awkward ang awra sa pagitan nila. Tumango-tango naman si Spencer habang nakadikit ang kaniyang mga palad na animo'y nagmamakaawa kay Sapp.

'''Saka, paano niyo nalaman na nandito si Steff?" naniningkit ang isang mata na tanong ni Sapp. Napansin niyang pasimple nilang tiningnan si Jade pagkatapos ay umiwas. Nilingon niya ang kaniyang kaibigan na nasa kaniyang tabi.

Biglang nitong tinanggal ang kanina pang nakaanklang kamay niya sa braso ni Sapp at sabay itong itinaas. "Sorry. Tinanong kasi nila ako kahapon kung may pupuntahan ba ako ngayon, kaya sinabi ko sa kanila 'yong tungkol sa 'Death Anniversary' ni Steff, 'tapos tinanong nila ako kung saan kasi gusto rin nilang bumisita kay Steff, kaya sinabi ko. Mian."

"Kaya nga maaga tayong pumunta rito, di ba, kasi ayaw kong makakita ng ibang tao."

"Promise, hindi ko sinabi kung ano'ng oras tayo pupunta. 'Saka malay ko ba na ganito kaaga mo gustong pumunta. Kita mo, oh, pasikat palang 'yong araw." turo niya sa langit.

"Tss!" agad itong tumalikod at iniwan sila.

Nang medyo makalayo na si Jade at bigla siyang nakahinga ng maluwad. "Muntik na 'ko do'n. Akala ko ba mamaya pa kayo pupunta pagkaalis namin?" halos pabulos na usisa nito sa kanila.

Hinawakan siya ni Kyle sa balikat. "Sorry, ito kasing si Spencer, gusto raw makita si Sapphire." pabalik na bulong nito na narinig naman ni Spencer.

"Hoy! Ikaw kaya 'tong gumising sa 'kin ng pagkaaga-aga para pumunta ri-" mabilis na tinakpan ni Kyle ang bunganga ng kaibigan, at ngumisi kay Jade.

Nang maabutan nila si Sapp ay nakaupo na ito sa tapat ng dalawang magkatabing lapida.

"Wow, 'yan ba si Elena?" nanlalaki ang mga matang lumapit nang makita nga picture ng mama ni Sapp. Umupo siya sa tabi ni Sapp at palipat-lipat na tinitigan ang litrato ni Elena at ang mukha ni Sapp. "Unbelievable. You looked liked the version 2.0 of your mom. Wow." dahan-dahan na pagpalakpak nito. Tahimik lang si Sapp habang binubunot ang mga damong tumubo sa bawat gilid ng mga lapida.

"I'm sorry in behalf of my mom." mahinang sabi ni Kyle habang nakatayo sa likod nito. Saglit na nilingon at tiningala siya ni Sapp, pagkatapos ay muling bumalik sa ginawa niya.

Umupo si Kyle at nakibunot na rin ng mga damo sa gilid ng lapida. "Hi, Mr. and Mrs. Monteverde. I'm Kyle Clynton Hadenburgh. I'm sorry kung sa ganitong paraan ko po kayo nakilala. I'm so sorry po sa mga nagawa ng mom ko. I know, kahit na ilang paghingi ng tawag pa ang gawin ko, hindi ko mababawi ang nagawa ng mom ko sa inyo at sa pamilya niyo. But in your behalf, if you allow me to protect your daughter. I will."

"Huh?" sabay na pag-react nina Jade at Spencer na napalingon sa kaniya.

"Tss." napangisi nalang si Sapp sa sinabi ng katabi. "No, thanks. Kaya kong protektahan ang sarili ko. Masiyado mo 'ata akong minamaliit, Mr. Hadenburgh."

"Uh? No, of course not. Agh, I'm sorry,  na-misunderstood mo 'ata ang ibig kong sabihin." tumayo ito at muling tumayo sa likod niya kaya ang dalawa pang binata.

"Whatever you mean, I don't need your protection. I can protect myself." matapos niyang ayusin ang mga bulaklak ay tumayo na rin siya at iniwan na naman sila.

"Sapp, hintayin mo 'ko." paghabol ni Jade sa kaniya. Sumunod namang tumakbo si Spencer at sinundan sila. "Sorry na." nakaakbay na sabi ni Jade habang papalayo na sila. Samantalang sinusubukan naman siyang patawanin ni Spencer na nasa kanilang harapan.

Ang naiwan na si Kyle ay nakatayo pa rin at sinusundan nalang sila ng tingin. Hindi siya makapaniwala na iniwan siya ng sarili niyang kaibigan na mag-isa. Bagaman, napangiti nalang siya nang maalala ang mga katagang binitawan ni Sapp bago sila nito iniwan.

"Po-protektahan pa rin kita kahit hindi mo sabihin."


"The End.."

Continua a leggere

Ti piacerà anche

146K 11.2K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
8.4K 589 22
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.8M 75.6K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...