Loving The Cold Blue (GxG)

By leonloves_blue

763K 21.7K 2.6K

All rights reserved More

Intro
CHAPTER -1
CHAPTER-2
CHAPTER-3
CHAPTER-4
CHAPTER-5
CHAPTER-6
CHAPTER-7
CHAPTER-8
CHAPTER-9
CHAPTER-10
Chapter-11
Chapter-12
Chapter-14
Chapter-15
Chapter-16
Chapter-17
Chapter-18
Chapter-19
Chapter-20
Chapter-21
Chapter-22
Chapter-23
Chapter-24
Chapter-25
Chapter-26
Chapter-27
note :)
Chapter-28
Chapter-29
Chapter-30
Chapter-31
Chapter-32
Chapter-33
Chapter-34
Chapter-35
Chapter-36
Chapter-37
Chapter-38
Chapter-39
Chapter-40
Chapter-41
Chapter-42
Chapter-43
Chapter-44
Chapter-45
Chapter-46
Chapter-47
Chapter - 48
Chapter - 49
Chapter - 50
Chapter - 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62⚠️
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66

Chapter-13

13.2K 391 26
By leonloves_blue

Blue

Ilang gabi na rin akong kulang sa tulog kakagawa ng plates and now
hihikab-hikab akong naglalakad habang dala ang kapeng nakastyro.

Habang papunta sa building ng room ko ay may bigla namang tumawag sa 'kin mula sa likod. "Ellise" parang bigla naman akong nagising nang makilala kung kaninong boses iyon.

Nakangiti akong humarap rito at binati siya. "Good morning Stella" ngumiti rin siya sa 'kin bilang tugon saka sumabay sa 'kin sa paglalakad. "You look good today" sabi ko at tiningnan siya sa mga mata, na-conscious naman siya kaya napaiwas siya ng tingin sa 'kin.

"Thanks" tipid na sabi niya lang at saka humikab. "Oh sa 'yo na 'to" alok ko sa kanya ng kanina ko pa pinalalamig na kape ko pero tinanggihan niya lang. "Mas kailangan mo yan" sabi niya pa kaya tumahimik na lang rin ako. Tama nga naman kasi siya.

"Nga pala gusto ko lang ibalik 'tong panyo mo" she said and smiled then  took out a hanky from her bag and gave it to me. Tinanggap ko naman ito at nilagay sa back pocket ko. Sa pagkakaalam ko ay 'yon yung panyong pinahiram ko sa kanya matapos matapon yung juice niya nung nagkekwentuhan kami nung isang araw.

Di ko man inaasahan ay makakasalubong pala namin si Alexa. "Good morning" nakangiting bati ko rito nang magkalapit kami. I also kissed her right cheek. "Ang bango" sabi ko sa sarili ko matapos maamoy ang strawberry scent niya. "Bakit parang palabas ka ng school?" Tanong ko pa sa kanya. Nakatingin siya sa kasama ko at ilang saglit pa'y itinuon na rin sa 'kin ang atensyon.

"Hmm... may dadaanan lang ako sa labas. Sige na I have to go. Bye" nagmamadaling paalam nito at wala na rin akong nagawa para pigilan at tanungin pa sana kung san siya papunta.

"Hmm.. close kayo ano?" pagsisimula niya ulit ng usapan.

"Alexa, Steve's soon to be fianceé" I saw hurt in her eyes kaya nagsorry rin ako agad. Nasaktan rin naman ako nang makita ko yung lungkot niya kanina pero pinalakas ko na lang ang loob ko at nagsalita muli. "Well she's my friend" I also smiled to bring back our light atmosphere awhile ago and I can say na nagtagumpay ako.

"Di mo ba siya type?" usisa niya at napatawa naman ako. Wala sa mukha at tono niya ang nagsiselos at pawang kyuryosidad lang.

"Hindi, bakit mo naman natanong?" I admit, Alexa's girlfriend material. Pero di pumasok sa isip ko na magiging girlfriend ko siya. Kay Stella pa rin naman kasi ako eh.

Mukhang di naman naniniwala sa 'kin si Stella. "Bagay kaya kayo" "nang-aasar ba 'to?" Sakit kaya ng sinabi niya.

"Bakit mo naman nasabi?" tanong ko rito at tumingin sa kanya saglit bago itinuon ang tingin sa daan. Malayo pa pala kami sa building namin.

"Pag nakikita ko kasi kayong magkasama, ang saya saya ng mga mata mo" seryosong tugon niya at napatawa ulit ako.

I admit, I admire Alexa dahil pasado siya sa standards ko. She has my respect and komportable ako when she's around and again... di ko maisip na magkarelasyon kami. Tsaka... malapit na ang engagement party nila kaya di ko talaga naiisip ang bagay na yun.

Pero may bigla naman pumasok sa isipan ko. Di kaya... "Stella are you doing this para mapasayo ulit si Steve?" lakas loob na tanong ko sa kanya.

"What are you saying?" takang tanong niya naman.

Huminga ako ng malalim bago inilahad ang suspetsa ko. "Itinutulak mo ako kay Alexa para kapag may mamagitan sa 'min ay matitigil yung engagement nila"

Tumigil siya sa paglalakad at ganun rin ako. "No. Wala yan sa isip ko. What I mean is... I think, nakikita ko yung dating Ellise kapag magkasama kayo" makahulugang sabi niya at naguluhan naman ako. Dati? "Simula kasi maghiwalay tayo hindi ko na nakita yung totoong ngiti mo" parang sinagot niya naman ang tanong sa isipan ko kanina. Napailing lang ako sa kanya. Kay aga-aga kung anu-anong sinasabi. Siya naman kasi dahilan kung bakit ganun eh.

"I'm sorry kung pinagdudahan kita... hmm treat na lang kita ng lunch later para makabawi" nakangiti kong alok pero naging alanganin naman siya bigla.

Nagsimula ulit siya maglakad kaya sumunod naman ako. "Maglalunch kasi kami ni Steve mamaya" nagtatanong ang mga matang tumingin ako sa kanya kaya mas lalo siyang naging uneasy. "May pag-uusapan daw kami" sagot niya sa 'kin.
"Mag-uusap kayo?" usisa ko.

Yumuko siya at hindi makatingin sa 'kin. "Oo, magpapaliwanag daw siya"

"Para saan pa? To get you back? Di ba dapat kung mahal ka talaga niya hindi ka niya iiwan at ipaglalaban ka niya sa parents namin?" Hindi naman kasi gaano kayaman sila Stella at maliit lang rin ang kompanya nila kaya hindi kumbinsido si dad sa kanya para kay Steve. At nung iannounce naman ni dad na makikilala niya na si Alexa ay nakipaghiwalay agad ito kay Stella. Ni hindi niya man lang pinaglaban.

"Hindi ko alam kung anong gusto niyang pag-usapan namin. Pero kailangan kong pumunta para sa ikakatahimik ng loob ko" napahinto siya sa paglalakad dahil nasa tapat na kami ng building niya. "Siguro naman may mas matino siyang rason kung bakit siya nakipaghiwalay" dagdag niya pa.

"Tuta siya ni dad and kahit anong sabihin ni dad ay susunod siya. Yun lang yung point ng pag-uusapan niyo mamaya" sabi ko at inipit ang ilang strands ng buhok niya sa likod ng tainga niya. "Be strong okay?" dagdag ko pa at niyakap siya dahil alam kong masasaktan lang siya mamaya.

"Thanks Ellise" tumango lang ako at nagpaalam na rin siyang umakyat sa building niya.

Binuksan ko naman ang kape kong medyo lumamig na at iwinaksi lahat ng nasa isip ko nang makapasok na ako sa classroom namin.

After ng classes ko ay napagdesisyunan kong puntahan si Alexa sa building niya't yayain itong lumabas para kumain. Dalawang araw na rin kasi kaming hindi nagkikita at miss ko na rin siya, yung yakap niyang mainit at pati yung... labi niya. She's a damn good kisser kaya naman kapag magkasama kami ay hindi ko mapigilang magcrave sa halik niya at hihilahin ko nalang siya kapag may pagkakataon.

Hinintay ko lang ang dismissal nila at nang makita niya ako sa labas ng kitchen kung saan sila nagpapracticum ay nagulat pa yata ito.

"I bet you're starving na" ngumiti ako sa kanya habang nakaupo sa baluster.
Ngumiti rin siya pero mukhang pilit naman. Parang may problema siya at ang wala sa sarili. "Anong ginagawa mo rito?" she raked her hand through her hair and I swear parang natuyuan ako sa ginawa niya. Ang hot naman kasi ng chef na nasa harap ko.

"Sinusundo ka" simpleng sabi ko at hinawakan ang kamay niya't hinila papunta sa kotse ko. Wala nga siya sa sarili dahil nagpatangay lang ito sa 'kin.

Nang makarating kami sa resto na lagi naming tinatambayan ay naupo na kami at nag-order. Walang tao masyado sa resto na 'to kaya dito kami palaging kumakain dahil tahimik.

Pagkaserve ng food ay nagsimula na rin kaming kumain. Di niya 'ko kinikibo at parang wala naman siyang gana kaya tumabi ako sa kanya dala ang plato ko. "What's bothering you?" may pag-aalalang tanong ko rito. Hindi kasi ako sanay sa inaakto nito, she's here pero parang ang layo ng mundong ginagalawan niya. "Are you okay?" tanong ko pa at napayuko naman ito. Well, she's not okay.

"Mauurong kasi yung date ng engagement" I should be happy right now dahil mas magiging maaga rin siguro ang kasal at mapapadali ang pagsisimula namin ni Stella but my lips can't form a smile in my face knowing na malungkot si Alexa para sa balita.

"You can back out naman" hindi ko alam kung san galing yun, parang bigla nalang lumabas sa bibig ko. Siguro dahil sa lungkot na nakikita ko sa mga mata ni Alexa.

Niyakap ko siya at ilang saglit pa'y gumanti rin siya at biglang umuga ang mga balikat niya. She's crying. "Di na daw pwede sabi ni dad. Desidido talaga siya and yung pera ko at ilang properties babawiin niya kapag hindi ako pumayag" hinihimas ko lang ang likod niya habang patuloy pa rin siyang umiiyak. "I'll be nothing kapag nangyare yun"

"After naman ng marriage at maging maayos ang merging ng company niyo at namin, pwede na rin kayong magfile ng divorce ni Steve after siguro ng ilang years. Maybe four" pagpapagaan ko ng kalooban niya habang patuloy lang ang paghagod ko sa likod niya.

"Dito raw sa Philippines ang kasal" mas lalo pa siyang humagulgol sa 'kin at buti nalang ay walang tao sa kabilaang table namin. "Blue ayaw ko, mahirap ang process sa annulment" tila nanghihingi siya ng tulong sa 'kin pero alam naman naming dalawa na wala rin akong magagawa.

"Kailan naman yung kasal?" tanong ko rito.

"3 months from the date of engagement party"

"Sshh stop crying. Hindi ako sanay na mahina ka" sabi ko rito at ginawaran siya ng halik sa noo. Mamula-mula ang matang tumingala siya sa 'kin habang yakap ko pa rin. Dinikit niya ang mga noo namin at pumikit. Nakatingin lang ako sa kanya as her warm hand cupped my cheek, inilapit niya pa ang mukha namin habang pikit pa rin. After few seconds, her thumb starts moving in slow pace, minamasahe niya ang cheek bone ko. Ako na mismo ang naglapat ng labi naming dalawa, masuyo ko siyang hinahalikan, dahan dahan, pinaraparamdam sa kanyang magiging ayos din ang lahat habang nasa tabi niya ako.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay natauhan naman siya at inilibot ang paningin sa resto. Wala namang nakapansin sa 'min dahil nasa medyo tagong lugar kami pumwesto. Nag-ayos siya ng sarili saka itinuloy ang pagkain.

"You okay na?" umiling lang siya sa 'kin at hindi tumitingin. Nahiya yata sa nangyari kanina. "Alexa" sabay hawak ko sa kamay niya na nakapatong sa table. "You have me okay? Dito lang ako and if you want, I'll be your cheerleader everyday wag ka lang makitang ganyan" seryosong sabi ko habang nakatingin sa mga asul niyang mata.

"Thank you" tipid niyang sabi at mukhang maluluha nanaman.

"Hey don't cry. Ayoko pumanget yung dyosa ng buhay ko" hinapit ko siya sa beywang at nginitian para gumaan ang loob niya. Lumabas na rin ang ngipin niya and somehow, I think nabawasan na yung lungkot niya.

"Kinikilig ka nanaman" pang-aasar ko sa kanya para mabawasan ang heavy atmosphere at yung bigat ng nararamdaman niya.

"Blue naman eeeeh" natawa naman ako sa reaksyon niya at mas lumakas ang tawa ko nang kurutin niya ako sa beywang.

"Alexa masakit" daing ko dito at buti tumigil naman. "Ang hot mo kapag nakachef attire ka" bagay na bagay kasi sa kanya ang suot at nakapusod pa ang buhok nito.

"Alam ko" may pagkapilya ang ngiti niya at masaya na rin ang mata niya. Hanggang maihatid ko siya pauwi ay sinigurado kong nakangiti lang siya. Lahat na yata ng kacornyhan ko nailabas ko sa katawan makalimutan niya lang saglit ang dinaramdam.

---

AN: Awee poor Sapphire :(

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
1.7M 79K 53
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...