Sightless Love [COMPLETE]

QueenV301996 द्वारा

143K 3.3K 618

[ROMANCE/ MYSTERY /THRILLER STORY] An accident change Chloe Nacional's life. It stole something in her. It to... अधिक

Sightless Love
Chapter 1: His Voice
Chapter 2: His Name
Chapter 3: Her Shield
Chapter 4: His Scent
Chapter 5: His Vow
Chapter 6: His Agenda
Chapter 7: His Song
Chapter 8: His Gift
Chapter 9: The Call
Chapter 10: Her Value
Chapter 11: His Wish
Chapter 13: His Silence
Chapter 14: Her Fight
Chapter 15: Her Reason
Chapter 16: Her Fear
Chapter 17: His Girlfriend
Chapter 18: The Voices
Chapter 19: His Story
Chapter 20: His Surprise
Chapter 21: Her Savior
Chapter 22: The Return
Chapter 23: The Confession
Chapter 24: The Evidence
Chapter 25: His Proof
Chapter 26: Her Safety
Chapter 27: Her Superman
Chapter 28: The Voicemail
Chapter 29: The Killer
Chapter 30: Her Plea
Chapter 31: Her Rescue
Chapter 32: His Loss
Chapter 33: Her Trust
Chapter 34: Her Lovers
Chapter 35: Her Challenge
Chapter 36: Her Promise
Chapter 37: His Past
Chapter 38: The Message
Chapter 39: His Proposal
Chapter 40: The Apology
Chapter 41: The Revelation
Chapter 42: The Invitation
Chapter 43: Her Life
Chapter 44: His Life
Epilogue

Chapter 12: The Suspect

3.5K 84 29
QueenV301996 द्वारा

CHAPTER 12: THE SUSPECT

“Oh, the boyfriend is here.”

Napangiwi ako ng ibulong niya sa’kin ang mga katagang iyon. Buti na nga lang at pabulong niya sinabi sa’kin kundi sobrang nakakahiya talaga kapag narinig ni Harvey!

“Kung may bahay man siyang tutuluyan, sa akin ‘yon.”

Napalunok ako pagkarinig ko sa medyo naiirita niyang tono.

“Hindi naman ako pum-“ pagsisimula ko pero pinutol niya ang sasabihin ko.

“Sino ka ba sa kanya?”

Lumingon ako sa direksyon niya ng nakakunot-noo.  How dare he! Konti na lang puputok na ang buste ko sa sobrang- ARGH! Ano bang klaseng tanong ‘yan?!

“B-bestfriend niya.” Pautal-utal na sagot sa kanya ni Harvey. Yung boses niya parang napipilitan pero pagalit. “Ba’t ko ba sinasabi sa’yo ito?!”

“You’re just bestfriends?”

Napasapo ako sa aking noo. Oo nga pala, hindi alam ni Harvey na nagsisinungaling ako dito sa doktor na’to.

Hinintay ko ang sagot niya at nung wala akong marinig galing sa kanya, ako na ang sumalo. “A-ano naman sa’yo?”

He chuckled. Shoot. Paniguradong alam na niya na nagsisinungaling ako.

“I’m your doctor, Chloe. I know what’s best for you.”

“At hindi ko alam yun?!” sabat naman ng isa. Medyo lumakas na ang boses niya. Tatayo na sana ako para lapitan siya pero marahan akong pinaupo ulit ni Martin. Bagkus, siya ang naramdaman kong tumayo.

“I don’t think we’re formally introduce. I’m Martin Cristobal. DOCTOR of your BESTFRIEND.”

Ano ba ‘tong nararamdaman ko? Bakit parang ang bigat ng hangin dito? Nakakasuffocate yung aura. Parang gusto ko na lang na lumabas at iwan sila dito sa loob.

“Tapos ka na ba sa kanya? Kasi ang alam ko, hanggang ospital lang ang trabaho ng mga DOCTOR.”

“Ano bang meron sa inyo?!” Hindi ko na napigilang sumingit sa usapan nila. Bakit ganyan na agad sila? Ngayon lang naman sila nagkausap pero bakit parang ang iinit na ng dugo nila sa isa’t-isa?

“Wala naman.” Sa kanilang dalawa, si Martin ang mas kalmado. “Guess, I’ll better leave now. Think about it, Chloe.”

Nakarinig ako ng mahinang pagsara ng pintuan at malalim na pagbuntong-hininga na alam kong galing kay Harvey.

Tumayo ako at sinundan ang kanyang amoy.. amoy na naging sobrang pamilyar na sakin. Nang alam kong nasa harapan ko na siya, hinanap ko ang kanyang balikat at pinisil ito. “Pagpasensyahan mo na siya, Harvs. Suplado talaga ‘yun.”

Kinuha niya ang kamay ko at pinisil-pisil din ito. Wala pa din siyang sinasabi. At kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, alam kong nalulungkot siya. Siguro dahil ayaw niyang sumama ako sa taong hindi ko pa naman gaanong kilala.

“B-bakit ka nga pala bumisita dito? Akala ko ba-“

“Tumakas ako.” mahina niyang sabi.

Gamit ang isa ko pang kamay, hinampas ko siya ng pabiro sa braso. “Kapag ikaw napagalitan na naman ng bakla mong boss nako!”

I expect to hear a chuckle from him ngunit isang buntong-hininga lang ulit ang narinig ko. At kasunod nun ay ang mga salitang nagpatigil ng mundo ko.

“They found a new suspect.”

Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. This time, dalawang kamay ko na ang nakahawak sa balikat niya.

“T-totoo ba ‘yan, Harvey? After all this years.. meron na ulit..”

Gusto kong maiyak sa sobrang tuwa, ngunit walang lumalabas sa mga mata ko. Ito na ang matagal ko nang hinihintay. Sa wakas.. sa wakas.. magiging masaya na rin ako.

Bakit nga ba hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung sino ang gagong gumawa sa’kin nito? After six long years, bakit hindi ko pa siya nahahanap?

Because he left with no evidence. Yung kotseng ginamit niya? Ninakaw lang pala ‘yun. Inaresto namin ang maling tao. Inosente yung taong iyon dahil ninakaw lang daw ang kotse niya at wala siyang kaalam-alam sa pangyayari.

Sinubukan naman naming hanapin ang records ng bawat ospital na pwedeng pagdalhan sa lalaking iyon. Hinanap namin ang lalaking sinugod ng araw na iyon na kapareho kong nadisgrasya dahil sa banggaan. Pero lahat ng naging suspek namin ay may ebidensyang naaksidente sila sa lugar na hindi kaparehas ng sa akin.

The progression of the case was not that good. To the point na unti-unti na itong binibitawan ng bawat imbestigador na humahawak dito. Hanggang sa tuluyan na itong hindi binigyang pansin.

Bakit nila binuksan ulit ang kaso ko?

Sino ang nagbukas nito?

Sino ang panibagong suspek na sinasabi nila?

Sabay-sabay na rumagasa ang mga tanong sa utak ko ngunit isa lang ang lumabas sa bibig ko.

“Pupunta na ba tayo ngayon?”

“Yes, my baby.”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagyakap sa kanya. ‘Eto na ba? Magiging kumpleto na ba ang kasiyahan ko kapag nalaman ko na ang lalaking winasak ang buhay ko? Yung taong winasak ang pagkatao ko? ‘Eto na ba ang oras para makamit ko na ang matagal ko nang inaasam na katarungan.

Hinigpitan niya ang pagyakap sa’kin. Sobrang higpit na parang nagsasabing ayaw niya akong pakawalan. Binabaha niya rin ng maliliit na halik ang tuktok ng ulo ko. Tuwang-tuwa rin siguro ang bestfriend ko para sa’kin.

Humiwalay na ako sa kanya at nginitian siya ng ubod ng lawak. This is it, Harvey. This is it.

“Ayaw mo bang tawagan muna sina Tita?”

“Ay! Oo nga noh!” Agad kong kinuha ang phone ko na nasa bulsa lang lagi ng pantalon ko pero pinigilan niya ako.

“Dito na lang.” Kinuha niya ang kamay ko at pinatong doon ang sarili niyang phone.

Nagriring na siya nung nilapat ko sa aking tenga ang phone niya. Pagkatapos ng pang-apat na ring, tinapos ko na agad ang tawag.

“Oh? Bakit?” puno ng pagtataka ang boses niya.

Binalik ko na ang phone sa kanya kasabay ng pag-iling. “Gusto kong ako muna ang makaalam. Ayoko na muna silang guluhin. Alam mo.. problema na naman kasi ‘to. Paano na lang kung mali na naman yung suspek na sinasabi nila? Paano na lang kung false alarm lang pala ang lahat?”

Ginulo-gulo niya ang tuktok ng ulo ko. “You’re being mature now, my little sister.”

Pabiro kong inalis ang kamay niya sa ulo ko. “Bakit?! Isip-bata ako dati?!”

“Oo!” he chuckled. Medyo gumaan-gaan na din ang hangin sa loob dahil sa pagtawa niya. Napangiti na din ako.

“LOKO KA AH!”

Binatukan ko siya na ginantihan na naman niya ng kiliti. Hindi ko na namalayan na nakapunta na kami sa kama dahil sa sobrang kakulitan namin.

“Hahaha! Tama na nga! Maiihi ako sa’yo eh!” hinampas-hampas ko pa siya sa braso.

“Chloe..” naging seryoso na naman ang pananalita niya. Yung seryosong may pagkatotoy pa din ang tono. “Hindi mo alam kung gaano ka kaganda.”

“I know right!” Tumawa-tawa pa ako. Napahinto ako nung napagtanto ko na hindi siya tumatawa. So, hindi ‘yun joke?

“Kahit nawalan ka ng paningin, ang ganda mo pa rin. No, you look even more beautiful. You look so fragile.. so innocent. Which made me think of giving my whole life just.. taking care of you.”

“A-ano ba yang sinasabi mo?” Ayan na naman yung mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Gusto ko siyang pigilan sa pagsasalita. Gusto kong takpan ang tenga ko sa mga sinasabi niya. Natatakot ako.. natatakot akong may masabi siya na magpapaiba ng LAHAT.

He caught my trembling hand. “I love you, Chloe.”

I shoved the malicious thought that kept on springing up from my mind. ‘Wag mong pag-isipan ng masama ang pagkakaibigan niyo, Chloe. Hindi ka na ulit dapat maniwala na may magmamahal sa’yo higit pa sa kaibigan.

“M-mahal  din kita, Harvs.” Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. “Alam mo yan diba? I lab lab youu! Big brother kita eh!”

Pagkasabi ko nun, lumuwag ang hawak niya sakin. Tumawa siya ng sobrang lakas. May nakakatawa ba sa sinabi ko? I mean, oo nakakatuwa ‘yun pero hindi siya yung tipong mapapatawa ka ng ganyan kalakas. Ang weird talaga nito ni Harvey.

“Uy! Baliw na ba!” Inabot ko ang mukha niya para ihilamos ang kamay ko at nang mapatigil siya sa pagtawa niya. Pagkadapo ng kamay ko sa pisngi niya, nakaramdam ako ng basa. Basa? Nagulat ata siya sa ginawa ko dahil bigla niya na lang iniwas ang mukha niya sa’kin.

 

“Huy! Ba’t basa yung pisngi mo? Ano na? Sobrang pagtawa kaya yung mga laway mo, napunta na dyan sa mukha mo?!”

“Oo.” Medyo garalgal din ang boses niya.

Umiyak ba siya o.. umiiyak ba siya ngayon? B-bakit?

 

“Umiiyak ka ba?”

“Tears of joy.”

Nakahinga ako ng maluwag. Tears of joy naman pala eh. “Halika na, Harvey! Punta na tayo sa imbestigador na nagbukas ng kaso ko!”

Inunahan ko na siyang tumayo sa kama pero bago pa sumayad ang paa ko sa sahig, hinila niya ako pabalik sa kanya at tanging naramdaman ko na lang ay ang malambot.. ma.. malambot niyang labi.

He kissed me… on the cheek.

 

“Good luck kiss.” He whispered and planted, yet again, a kiss on the other side of my face.

***

Nasa loob kami ngayon ng opisina ng imbestigador na humahawak sa kaso ko. Hindi daw talaga siya ang nagsuhestiyon na buksan ito kundi ang pulis niyang kaibigan na ipapakilala na lang daw niya sa’min sa susunod na araw.

Medyo kabado ako kaya hinanp ng kamay ko ang braso ni Harvey at kumapit dito. “May alam ka na ba, Harvs?”

“Wala eh.” Hinawakan niya ang kamay ko na nasa braso niya at tinapik-tapik ito.

Nakarinig ako ng isang tikhim. “Are you ready to know our suspect, Ms. Nacional?”

“Opo.” Handa mo na ba talagang marinig, Chloe?

“Dahil sa nakalap naming impormasyon… sa kanya tayo magsisimula.”

“S-sino po siya?” Hindi na ako mapakali. Gusto ko nang malaman kung sino ang lalaking nagnakaw… kumuha ng lahat sa akin.

“Our suspect is.. you. Harvey Angeles.”

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

7.5M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.6K 424 52
SWEAT BOYS SERIES 01 COMPLETED- DECEMBER 25, 2020- MAY 3, 2021 By Tatterdemalion
I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1) Levelion द्वारा

सामान्य साहित्य

804K 16.1K 52
Matapos silang iwan na mag-iina ng kanyang ama para sumama sa ibang babae, at maanakan naman ng isang lalaking walang paninindigan ang kanyang ate. L...
314K 16.3K 75
Alabang Boys Series #1 Jaesie Rosenthal knows what she brings to the table, and love is just another luxury she doesn't have any plan to buy. But a m...