SAPPHIRE: Battle Of A Heiress...

By red8hearts

3.4K 322 65

Siya si Sapphire, ang matagal nang nawawalang Mafia Heiress. Ngunit ang totoo niyan ay hindi naman talaga siy... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Author's Note..
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Author's Note
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Author's Epalogue

Chapter 32

52 6 0
By red8hearts

Binuksan na ni Sapphire ang kahon. Tumambad sa harap nila ang maraming papel at ilang mga notebook.

Napukaw ang tingin ni Sapphire nang makita ang pangalan niya na nakasulat sa isang puting envelope, gano'n din naman kay Jade. Agad namang dinamput ni Jade ang envelope na may pangalan niya at binuksan ito. Agad naman tumabi si Sapphire sa kanya.

"Jade. Masaya ako na nakilala kita at naging malapit na kaibigan. Thank you sa mga panahon na nagtiwala ka sa akin bilang kaibigan mo. Isa ka sa mga dahilan kung bakit naging masaya ang mga araw ko at paminsan-minsan ay nakakalimutan ko ang mabigat kong pinapasan sa loob ko.
No'ng una kitang makita na binubully nila Max, alam mo bang natawa ako no'n? Haha. Napansin ko kasi na parang umaarte ka lang na maging kawawa sa ginagawa nila. And yes, over the years na magkasama tayo ay alam kong alam mo na isa 'yan sa mga katangian ko- ang makapansin ng maliliit na mga bagay. Kaya naman, 'gaya ng ginawa mo ay umarte rin ako na ipagtatanggol kita mula sa kanila. Sa mga oras na 'yon ay naisip ko nang magiging weird ang buhay ko sa oras na makialam ako sa inyo. Sincere ako na maging kaibigan ka, Jade. Kaya ano man ang itinatago mo ay nangako akong hindi magbabago ang pagkakaibigan nating dalawa.

A year later, mas marami akong napapansin na kakaiba sa mga ikinikilos mo. Out of curiosity ay nag-background check ako tungkol sa 'yo. And I found out na isa kang assassin under the Hadenburgh Clan. Sa mga oras na 'yon, nakaramdam ako ng matinding pagsisisi, Jade. Sana pala hindi ko na inalam kung sino ka talaga.

Pero hindi. Nangako ako na hindi magbabago ang pagtingin ko sa 'yo. Nararamdaman ko rin na iba ka sa kanila, kaya pinili ko na magtiwala nalang sa 'yo. I know someday, sasabihin mo rin sa akin ang tungkol sa 'yo. Kung sakaling mali man ang naging desisyon ko, ako na ang bahala do'n. Basta, maghihintay ako, Jade. I know someday sasabihin mo rin sa akin ang totoo mong pagkatao, at may tiwala ako na darating ang araw na 'yon. Hopefully, sana buhay pa ako. Haha. Dongdam!"

"Ibig sabihin ay matagal na niya palang alam kung sino at ano ako?" gulat na napangiti ni Jade pagkatapos mabasa ang nilalaman ng sulat ni Steff para sa kanya.

Pagkatapos mabasa ang sulat ni Steff para kay Jade ay bumakas sa mga mukha nila ang magkahalong gulat at pagkalito. Si Sapphire naman ang kumuha ng envelope at agad itong binuksan.


"Sapp. Alam mo bang mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko? Hehe. Kahit na pinahirapan mo ako na pagsalitain ka noon, worth it naman, dahil naging kaibigan ko ang pinakamaganda, pinakamatalino, pinakasexy, pina-amazing at pinaka-the best na tao sa buong mundo. Walang makapapantay sa 'yo, kahit si Jade pa. Pst. Secret lang natin 'yan ha, alam mo naman si Jade, medyo seloso 'yon. Hehe. Gusto ko ring sabihin sa 'yo na sa mga araw na nakakasama kita at unti-unting nakikilala, lagi kong naiisip, 'Subrang swerte ko kasi nabigyan ako ng pagkakataon na makilala ka at maging kaibigan kahit sa maikling panahon lang'. Subrang maraming thank you sa mga araw na naging masaya ako habang kasama kita. Subrang maraming thank you sa pagtitiwalang ibinigay mo sa akin. Sa lahat-lahat, subrang maraming thank you, Sapp. Sorry kung magiging selfish ako sa desisyon kong ito, pero gusto kong maging kaibigan ka nalang habambuhay, Sapp, pwede ba 'yon? 'Di bali na, alam ko namang hindi mangyayari 'yon, at darating din ang araw na mababayaran kita para sa lahat-lahat, pero bago 'yon, gusto ko munang sulitin ang mga araw na 'to .Saranghe, chinguya. :) "

This time ay pareho na silang napangiti sa nabasa nila. Ngunit mayroon pa ring mga parti na nalilito sila sa mga isinulat ni Steff.

Napatingin si Jade sa envelope na pinaglagyan ng sulat at mayroong siyang napansin sa loob nito. "Sapp, may isa pa." sabi niya pagkatapos ilabas ang isa pang papel mula sa loob ng envelope.

"Sapp, Sapphire, Alexa, Heiress. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Ikaw ang naging dahilan ng pagbabalik ko dito sa Pilipinas. Una para hanapin ka. Pangalawa, para humingi ng tawad sa 'yo, at pangatlo, para protektahan ka mula kay Olivia bilang kapalit ng kasalanan namin sa 'yo.

Hindi ko inaasahan na makikita kita kaagad. Nakaupo ka sa ilalim ng puno at nakapikit. Sa unang tingin ko palang ay alam ko nang dala mo ang galit sa pumatay sa mama mo. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na 'yon. Bigla akong nakaramdam ng takot at inihanda ko na rin ang sarili kong mamatay ano mang oras.

Natataranta na ako sa loob ko, hanggang sa narinig ko nalang ang sarili ko na kinakausap ka at nasa mismong harap na kita, subrang lapit. Napaka-cold mo. Nanginginig ako no'ng mga oras na 'yon, alam mo ba 'yon, Sapp? Haha. Syempre, alam mo 'yon, ikaw si Sapphire, eh. Mga ilang araw pa ay napansin kong mukhang hindi naman pag-aaral ang ipinunta mo sa eskwelahan na 'yon, kasi matalino ka na, kahit hindi ka na mag-aral alam mo na lahat. At naisip ko, 'Disguise'. Siguro ay nagpapanggap ka na estudyante para malaya mong maha-hunting si Theodor, tama ba? Pero mali, Sapp. Maling tao ang kinamumuhian mo. Hindi siya ang talagang pumatay sa mama mo.
Alam mo bang nagi-guilty ako kapag nakikita kita? Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko ano mang oras. Dating police officer ang papa ko at kilala siya bilang 'Sharp Shooter' sa team nila. Isang araw, bigla akong isinugod sa ospital at kailangan ko ng emergency heart transplant. Malaki ang gagastosin para sa operasyon ko at wala kaming pera nang mga panahon na 'yon. Nang araw na 'yon, may umalok sa papa ko ng isang mission. Shoot to kill. Si Olivia ang tumawag na 'yon. Hindi ko alam kung paano sila nagkakilala, basta ang alam ko, ni minsan hindi pa sila nagkita at hindi alam ni Olivia ang itsura ng papa ko. Tanging ang dalawang tauhan niya lang ang nakakakilala kay papa, dahil silang dalawa lang ang nagdala ng baril at pera sa kanya pagkatapos.
Ako. Ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang naging dahilan kung bakit namatay ang mama mo. Kung hindi dahil sa pesteng sakit ko ay hindi sana magagawa ng papa ko ang kasumpa-sumpang ginawa niyang 'yon. Please, Sapp. Sa akin ka nalang magalit."

Hindi maipinta ang emosiyong nararamdaman ni Sapphire matapos mabasa ang confession ni Steff.
Hindi siya makapaniwala na alam lahat ni Steff ang tungkol sa kanya at ang mas lalong nagpagimbal sa kanya ang totoong pumatay sa mama niya.

Nanatiling tahimik lang si Jade at hindi niya alam kung anong gagawin niya sa mga oras na ito. Hindi niya rin alam kung paano siya magri-react sa nalaman niya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 56.2K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
16.6M 719K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
1.2M 53.8K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...