I AM NUMBER 10: BOOK I

By hissotto

328K 7.6K 425

Sa gitna ng normal na takbo ng mundo ay biglang may kakaibang pagsabog ang nangyari sa kalangitan. Isang araw... More

NUMBER 000
NUMBER 001
NUMBER 002
NUMBER 003
NUMBER 004
NUMBER 005
NUMBER 006
NUMBER 007
NUMBER 008
NUMBER 009
NUMBER 010
NUMBER 011
NUMBER 012
NUMBER 013
NUMBER 014
NUMBER 015
NUMBER 016
NUMBER 017
NUMBER 018
NUMBER 019
NUMBER 020
NUMBER 021
NUMBER 022
NUMBER 023
NUMBER 024
NUMBER 025
NUMBER 026
NUMBER 027
NUMBER 028
NUMBER 029
NUMBER 030
NUMBER 031
NUMBER 032
NUMBER 033
NUMBER 034
NUMBER 035
NUMBER 036
NUMBER 037
NUMBER 038
NUMBER 039
NUMBER 040
NUMBER 042

NUMBER 041

3.5K 97 13
By hissotto

Mula sa isang mataas na lugar ay may isang dalagang seryosong nakatingin sa isang lumang pabrika gamit ang binocular nito. 

Isang linggo na ang nakakalipas matapos na matagumpay na makapasok ang mga kasama nito sa loob ng malaking gusali ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin itong contact mula sa loob.

Marahang ibinaba ng dalaga ang binocular na hawak at seryosong inilihis ang tingin sa handle ng pana at sa gwantes na nasa kaniyang harapan.

Marahan nitong iniluhod ang kanang paa at kinuha ang katawan ng pana gamit ang kakasuot pa lamang nitong gwantes, dahan-dahan namang namuo mula sa nock ng pana ang lazer string.

Marahang hinila ng dalaga ang string at tinutok sa isa sa mga ibong nasa itaas ng sanga ng kalapit na puno.

Agad na namuo mula rito ang arrow, akmang bibitawan na sana ng dalaga ang hawak nitong string ngunit nararamdaman nito ang unti-unting pagsikip ng kaniyang pag-hinga at ang pangininig ng mga kamay nito.

Biglang bumalik sa kaniya ang eksenang nakita nito kahapon.

Presko pa sa alaala nito ang iba't ibang imahe at tunog ng pagpaslang ng kanilang grupo sa mga inosenteng tao sa bayan, lalong lalo pa nang magpaulan ito ng sandamakmak na mga palaso sa mga taga roon.

Mabilis nitong ibinaba ang hawak at inis na hinubad ang gwantes na suot nito.

Pabagsak itong umupo, galit na napasabunot sa kanyang buhok bago malakas na napamura.

Kasalukuyan itong nasa tuktok ng isang malaking bato habang minamatyagan ang buong gusali. 

"Lucy you need to get your grip." Seryosong saad nito sa sarili at malakas na napabuntong hininga bago inilabas mula sa bulsa nito ang isang kahon ng yosi. May tatlong piraso na lamang ang natitira.

Mabilis na kinuha ng dalaga ang isa sa mga ito at sinindihan gamit ang pendant ng kwintas nito na isa rin palang maliit na lighter.

Malalim na humigop dito ang dalaga, kitang kita nito ang panginginig ng kaniyang mga daliri na ngayon lamang nito napansin.

Mabilis na ibinulsa ng ni Lucy ang kahon ng yosi at malakas na huminga nang palabas dahilan upang makita nito ang makapal na usok na nagmu-mula sa kaniyang bunganga.

Nililimitahan nito ang sarili sa paggamit ng yosi, sa loob ng isang taon ay isang kahon lamang ang nauubos ng dalaga. 'Yon lamang ang nakikita nitong paraan upang hindi ito maging dependent sa yosi, ginagamit lamang nito ang bagay sa tuwing nakakaranas ito ng stress.

Napatingin lamang ito sa kawalan at pinagpatuloy ang tahimik na pagyosi nito habang marahan na tinatangay ng hangin ang bawat hibla ng kaniyang buhok. 

Habang nakatanaw sa kawalan ay may naramdaman itong maliit na bagay na bumangga sa kaniya, pagkatingin nito rito ay isang maliit na halimaw.

Nagtataka itong kinuha ng dalaga at seryosong tiningnang mabuti ang halimaw.

"Anong ginagawa ng batang  shabeelka sa ganitong klaseng lugar?" Seryosong saad ni Lucy habang di inaalis ang tingin sa kulay pula at mabalahibong halimaw, may tatlong dilaw na sungay din  ito at itim na mga mata.





"Tigil." Biglang napatigil si Kent sa paglalakad at mabilis na itinaas ang dalawang kamay nito.

"Bawal kang lumagpas dyan, piling tao lang ang maaring pumunta dito sa parte ng building na ito." Seryosong saad ng may kalakihang lalaki habang seryosong nakatingin sa binata

Marahang nilingon lamang ni Kent ag paligid, nang makita ang tatlong CCTV na nakatuon sa kanilang direksyon ay napabuntong hininga na lamang ang binata, ngumiti ito sa mga guwardya at nahihiyang kinamot ang ulo.

"Pasensya na boss, may iniisip lang ako kanina kaya di ko nakita kung nasaan na ako."

Pinukulan na lamang ito ng tingin ng dalawang gwardya kaya nahihiyang tumawa na lamang ang binata at dahan dahang tumalikod at umalis.

Nang makalayo na ito sa mga gwardya ay biglang naging seryoso ang kaniyang mukha.

Pangatlong lugar na ito na hindi pupwedeng mapuntahan, It's been a week pero wala pa rin akoang makuhang lead, idagdag pang hindi ko mahagilap kahit saan sina Ara at Recka.

Habang nasa kalagitnaan ng malalim na pagiisip ay bigla itong nakabangga ang isang babae. Agad na kinuha ng binata ang kamay ng nakabangaan nito dahilan upang di ito lumagapak sa sahig.

"Okay ka lang miss?" Gulat na saad dito ni Kent. 

Agad na tinulungan ito ng binata na tumayo, marahang inayos ng dalaga ang damit nito at masayang ngumiti sa harapan ni Kent.

"Kent!!" Masayang niyakap ng dalaga ang binata.

"Ara?" 

"The one and only, kamusta ka na?" 

"Why are you dressed like that?" Nagtatakang tanong dito ng binata matapos mapansing nakadamit pang kusina ito.

"Ayon na nga, diba nga dapat eh kumukuha ako ng impormasyon doon sa mga lalaking nakapulot sa akin, base na rin sa napagplanuhan natin noon. Pero guess what, those boys are not that kind of boys, well I might as well call them 'men'..."

"... When they  didn't do anything after they find me I realy do think that my body was ugly, I was mad at first pero sinabi rin naman nila pagkatapos nilang makita na 'gising' na ako, na hindi nila ugaling pagsamantalahan ang mga katulad ko..."

"... They say that I am precious, as well as my body, and given that they saw me bare naked in the lake. Doing that kind of thing to a woman is like eating ice cream from the bottom of the cone to the top..."

"... Nakaka ingganyo pero hindi practical and magmumukha kang gago..."

Marahang tumawa rito ang binata at tumango.

"Touché, can't argue with that. Anyway, what's with the outfit?"

"Ahh ito ba, ganda no? They hire me to help the kitchen. Masaya nga ehh napakadami kong impormasyon na nakukuha. Pero wala parin tungkol doon sa misyon natin..."

"... Di ko rin alam ang nangyayari sa inyo since tanging si Recka at Lucy lamang ang may earpiece sa ating apat, kind of unfair to be honest."

Bago pa buksan ni Kent ang bunganga nito ay agad na tumalim ang mga mata ng dalawa at mabilis na naglakad ng diretso, di na lumingon pa ang ang mga ito sa isa't isa. Parang walang nangyaring paguusap sa pagitan ng dalawa ng mga oras na iyon.

Biglang lumabas mula sa isang gilid ang dalawang lalaki habang maayos na minamatyagan ang paligid.

"Sabi sayo walang tao."

"Pero sigurado akong may narinig akong mga boses sa banda rito."

Napailing na lamang ang kasama nito sabay talikod. Di na pinansin ng dalawa ang isang janitress na pumasok papuntang hallway kung saan di pinayagang makapasok si Kent.




"Uy Ara kamusta na ang pinapahanap namin sa iyo?"

Nakangiting lumapit dito si Ara sabay suot ng hairnet at apron nito.

"Nakakita ako, ito oh." Nakangisi nitong saad sabay abot ng ilang gulay na kakapitas pa lamang nito mula sa labas, ito ay bago sila magkasalubong kanina ni Kent.

"Ayos!" Masyang saad ng matandang babae, marahan nitong tinapik ang dalaga sa balikat.

Sa kalagitnaan ng seryoso nitong pag slice ng ilang gulay ay bigla itong napalingon ng tawagin ito ng ilang kasamahan sa kusina.

"Ara may naghahanap sayo!" Biglang dumungaw mula sa labas ng kusina ang isang lalaki.

Malawak na napangiti rito si Ara at kumaway, marahan nitong tiningnan ang matandang babae upang humingi ng pahintulot, ng tumango ito kay Ara ay mas lumawak ang ngiti ng dalaga.

Masaya itong lumapit sa lalaki at niyakap.

"Kamusta na?" Nakangiting tanong sa kaniya ng lalaki.

"Masaya naman, mula ng makita niyo ako sa labas at bigyan ng pagkakataong makapasok dito, madami na akong natutunang lutuin at nakilalang mga tao." Matamis na ngumiti rito ang dalaga dahilan upang ilang na mapaubo ang binata at mabilis na iniwas ang tingin sa kaharap.

Nagtatakang inobserbahan ng dalaga ang kinikilos ng kaharap.

"May problema ba, Jacob?" 

Mabilis na napatingin sa kaniya ang binata at umiling.

"Wala, mas bagay sayo ngayon yung buhok mo kesa sa nung una ka namin nakita." Wala sa sariling napahawak si Ara sa malinis na nakatirintas na nitong buhok.

"Hay nako Jacob, yung mga style mo nako napaka bulok, wala na bang mas matindi pa dyan?" Natatawang kantiyaw sa kaniya ng kalapit na cook.

"Ako nga na nandito at nakikinig lang halos romolyo na ang mga mata ko sa sobrang normal ng mga banat eh, kahit anak ko nga ay mas kaya pang bumanat ng malakas dyan, biruin mo nasa pitong taong gulang palang 'yon." Dagdag pa rito ng isang babae habang naghahalo ng ilang putahe.

"Wait, that's flirting?" Nagtatakang tanong dito ni Ara.

"Huh, hindi ahh, nga pala pumunta lang ako para ipaalala na magkikita tayo nina Gab mamaya dun sa puno." Di na nagawa pang rumesponde ni Ara sa mga sinabi ng binata dahil dali-dali na itong umalis.

"Nako Ara, pagnagkataon swerte ka dyan kay Jacob, biruin mo mabaitn na, magalang, maalalahanin, gwapo at higit sa lahat malakas, kayang-kaya kang ipagtanggol." Nakangiting saad sa kaniya ng kasama.

Ngumiti lamang dito si Ara, di na ito umimik at bumalik an sa kaniyang pwesto at pinagpatuloy ang ginagawa.

I hate the comfort that I felt in this place. 

Seryoso lamang ito sa paghihiwa at di na inintindi pa ang palitan ng makahulugan at kinikilig na tingin ng mga kasama nito sa kusina para sa kaniya at kay Jacob. 

I need to finish this, but at the same time, I don't want to.





"Tol,"

Mabilis na napalingon si Kent at wala sa sariling itinaas nito ang kanang kamay sa harap ng kaniyang mukha dahilan upang agad na masalo nito ang bottled juice initsa ng kasama nito papunta sa kaniyang direksyon.

Masaya itong inakbayan ng isa pang lalaki at tinuro ang harapan, kung saan may isang grupo na panay tingin sa kanila.

"One game daw sabi sa kabila. Ano, game?" 

"Kakatapos lang natin kanina, di pa ba kayo napapagod." Nagtatakang tanong dito ng Kent bago binuksan ang juice nito at ininom.

"Pero nakakaengganyo ang pabuya."

"Ano naman?"

"Isa sa mga kalaban natin ay may  kilalang gwardya sa isa sa mga restricted area sa lugar, di ko lang alam kung saan. Sabi nya isa sa mga silid doon ay may kwarto na puno ng ginto, makabago at mamahaling kagamitan, pool, at iba pa. Ang maganda doon, pwede nya tayong ipasok sa silid ng dalawa hanggang tatlo't kalahating oras."

Mabilis na napatigil si Kent sa paglalakad at seryosong tiningnan ang katabi. 

Biglang napangisi ng malaki ang katabi ni Kent ng makita nitong nakuha na nito ang buong atensyon ng binata.

"Walang daya 'to, kinomperma na mismo ng isa sa mga kailala ko." 

"Tara."  Seryosong saad ni Kent at mabilis na inubos ang laman ng juice nito. Malakas nitong itinapon sa lupa ang plastic bottle tsaka seryosong humakbang papalapit sa mga kalaban nito.

Biglang lumakas ang hiyawan ng mga kasamahang nakikinuod sa kanila. Lahat ay may kaniya-kaniyang pambato.

Nagsitayuan naman ang grupo ng makakalaban ni Kent nang makita ng mga ito ang malokong ngisi ng binata habang papalapit sa kanila. Lahat ay puro malalaki ang pangangatawan, puno ng muscle sa bawat braso, binti at higit sa lahat sa kanilang likuran.

Kumukulo na ang dugo ng lahat ng mga nandoon, halos hindi na kaya pang makapag hintay sa magaganap na labanan, lahat ay kaniya-kaniyang sigaw. Ngunit sa kalagitnaan ng mainit na nakakasabik na atmospera ay biglang may sumigaw na isang lalaki dahilan upang mapatingin ang lahat dito.

Dali-dali itong tumakbo papalapit kay Kent at ibinigay sa isang bote ng plastic.

"Pre, basura mo!" 

Inis na napapikit na lamang si Kent at mabilis na tumalikod upan kunin ang lalagyan ng juice na tinapon nito kani-kanina lang mula sa kamay ng lalaki.

"Alam mo pre, napaka galing mo talagang hayop ka." Inis na saad dito ni Kent.




Mula sa isang liblib na iskinita ay may mahihinang ungol na maririnig. Hindi ito ganoon ka lakas upang marinig kaagad ng sinong dumadaan, sa halip ay marahan lamang itong nakihalo sa tunog ng  malumanay na hangin at mahihinang huni ng ilang hayop.

Biglang tumigil ang mahihinang ungol at lumabas mula sa nasabing iskinita ang isang babae. Mabilis nitong sinuot ang sumbrero at umalis dala ang isang eyeglasses na syang marahan nitong sinuot.

Wala pang trenta minutos ang lumipas ay biglang tumunog ang malakas na alarma ng buong gusali dahilan upang mapatigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa. Maya maya pa ay napuno na ng  kulay pulang ilaw ang lugar.

"Pang-apat nato ngayong linggo ahh." Biglang tiningnan ni Ara ang katabi nito  habang nakatingin sa kulay pulang ilaw na nakadikit sa gusali.

"Hindi pa rin ba nakikita kung sino man ang nakapasok?" Walang ganang saad ng isang lalaki habang  hinuhubad ang suot nitong apron.

"Baka hindi mo napapansin, tumigil ba ang patayan, hindi diba? Malamang di pa nakikita." Sarkastikong sagot naman sa kaniya ng kausap.

Tahimik lamang na inoobserbahan ni Ara ang mga kasama sa kusina. Marahang lumabas ang lahat upang dumeretso sa field ng pabrika.




Pagdating dito ng grupo nina Ara sa field ay agad na nahagip ng mata nito si Kent habang kausap ang ilang mga kalalakihan. Marahang naglakad papalapit rito sina Ara ngunit bahagyang nagtinginan lamang ang dalawa bago lumagpas rito ang grupo nina Ara.

Di rin ito pinansin ng binata at nagpatuloy lamang sa pakikipag usap sa mga kasama nito.

Sa kabila ng hindi pagpansin ng dalawa sa isa't isa ay bakas ang pagtataka sa mukha ni Ara.

"Bakit pati ang ilang gwardya at patrol ay nandito? Hindi ba tayong mga taga kusina at mga nasailang piling sektor lang ang obligadong pumunta rito?"

"Hindi ko rin alam ang nangyayari." Malakas na naririnig ng bawat isa ang bulungan sa paligid. 

Biglang tumahimik at napalingon sa harapan ang lahat nang biglang lumabas ang sampung robot mula sa kung saan.

| Please enter your identification card and stand still for face scanning. Any movement is prohibited. |

Matapos marinig ang ilang robot ay maingat na napalingon si Ara  sa direksyon ni Kent.

Sigurado itong wala pa itong ID lalo pa at ninakaw lamang nito ang identidad na meron ito ngayon.



"Shit." Mahinang bulong ni Kent sa sarili.

Hindi ito madalas na nangyayari dahil unang beses pa lamang na dumalo ang kanilang grupo sa inspeksyon ngunit panigurado nitong hindi maganda ang kalalabasan oras na malaman ng lahat na hindi ito taga roon. 

Continue Reading

You'll Also Like

5.4M 165K 39
Maria Sigrid Ibarra has exceptional memory. She's already an achiever at such a young age, which is why she's sent to study at a prestigious Atlas U...
594K 17.9K 58
Reese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa...
56.3M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
206K 11.9K 59
TAGLISH | COMPLETED | A Sci-fi/Action Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Years after the first outbreak transpired, a mysterious virus occurred...