I AM NUMBER 10: BOOK I

By hissotto

328K 7.6K 425

Sa gitna ng normal na takbo ng mundo ay biglang may kakaibang pagsabog ang nangyari sa kalangitan. Isang araw... More

NUMBER 000
NUMBER 001
NUMBER 002
NUMBER 003
NUMBER 004
NUMBER 005
NUMBER 006
NUMBER 007
NUMBER 008
NUMBER 009
NUMBER 010
NUMBER 011
NUMBER 012
NUMBER 013
NUMBER 014
NUMBER 015
NUMBER 016
NUMBER 017
NUMBER 018
NUMBER 019
NUMBER 020
NUMBER 021
NUMBER 022
NUMBER 023
NUMBER 024
NUMBER 025
NUMBER 026
NUMBER 027
NUMBER 028
NUMBER 029
NUMBER 030
NUMBER 031
NUMBER 032
NUMBER 033
NUMBER 034
NUMBER 035
NUMBER 036
NUMBER 037
NUMBER 038
NUMBER 039
NUMBER 041
NUMBER 042

NUMBER 040

3K 107 1
By hissotto

"It's still morning, should we go?" Kalmadong tanong ni Lucy habang nakatingin sa malayo gamit ang hawak nitong binocular.

"No, we don't even know what's happening there, how was their security, the whole facility or even how strong the people are." Seryosong saad naman dito ni Ara habang hinahanda ang mga gamit nito.

Kasalukuyan silang nasa tuktok ng isang bangin habang pinagmamasdan ang establisyimento na nakatayo mula sa malayo.

Maingat na pinagaaralan ni Ara ang topograpiya ng lugar na papasukin nila, inoobserbahan din ng dalaga ang kilos at ang mga armas na gamit ng mga kalaban. 

Malinaw na nakikita ng apat ang isang lumang pabrika ng mga laruan. Malaki ang kabuoan ng lugar at napakarami ring bantay sa paligid.

"Ara, hubad." Mabilis na napalingon kay Recka ang lahat nang banggitin nito ang dalawang salita.

"Huh?!" 

Agad na binigyan ni Recka ng binocular ang dalaga tsaka iginaya ang isang maliit na lawa malapit sa kinatatayuan ng apat na sundalong rumoronda sa labas ng pabrika. 

"See that pond right there?" 

Marahang tumango rito si Ara ng makita nitong kasali sa rutang nirurondahan ng apat na kalalakihan ang maliit na lawa.

"Just go there and do everything to infiltrate the area. Lucy, you'll be our vision from the outside, tell us what's happening, even the smallest unusual thing you'll see..."

"... and Kent..." Mahinang tiningnan ni Recka ang binata mula ulo hanggang paa.

"Just blend with them and keep everything quiet as much as possible..." 

"... We need to fully infiltrate the whole building, be one of them and find our person as clean as possible. We only have so little information about this mission so we need to be careful..."

"... The only thing that is useful right now was the information about a door. It was fully sealed, locked in a very guarded area of the building..."

"... A Blue metal door with so many guards outside. Kailangan nating makita ang pintuan na 'yon pero kung nasaan ang lokasyon? Wala tayong alam. The building seems to be completely secure. There were too many drones patrolling the area outside, guards shifted too perfectly, and the patrolling was too tight."

"Bago ko nga pala makalimutan, kailangan niyong ibigay sa akin ang mga armas niyo. I'll be watching you all from the shadow kaya ako na rin mismo ang magsasaayos kung saan ko itatago 'yang mga 'yan." Seyosong tiningnan ni Recka sina Ara at Kent.

Agad na napalingon naman si Kent upang tingnan ang lawak ng lugar. Tansya nito ay nasa 4,500,000 square feet ang lawak ng pabrika.

"Sleep, alam kong di pa kayo nakakatulog simula kahapon. Bukas na natin simulan ang misyon. We need energy to continue our façade" Seryosong saad ni Recka bago pumasok sa isang maliit na kweba.

Marahan itong naglatag ng mahihigaan at pumikit. Agad na sumunod naman ang tatlo at mabilis na nakatulog.

Sa kalagitnaan ng mahimbing na tulog ng lahat, biglang bumukas ang mga mata ni Recka at seryosong inoobserbahan ang paligid.

Nang masigurado nitong mahimbing na nga ang tulog ng tatlo ay bigla itong tumayo dahilan upang agad na lumipad papunta sa kaniya ang isang pamilyar na paniki.

"May nahanap ka na bang impormasyon?" 

Marahang umiling lamang dito ang paniki dahilan upang seryosong tiningnan ni Recka ang labas ng kweba.

"What do you want?" Seryosong saad ni Recka.

Dahan dahang lumabas mula rito si Kid, ang batang nakalaban nila kaninang madaling araw.

"Nothing. Bawal bang makita ang isang kaibigan?"

"Huling alam ko wala akong kaibigang traydor."

Agad na tumawa rito si Kid at marahang umupo sa isang malaking bato malapit sa bukana ng kweba.

"Mikhael was trying to find the others, kaya kung saan mo man sila tinatago. Mas mabuting itago mo sila ng maayos. Kilala mo naman si Mikhael, he will use any means just to get whatever he wanted." 

Seryosong tiningnan ni Recka ang batang nasa kanyang harapan bago ngumiti.

"Let him hunt ghost then."

Agad na inilipat ni Kid ang paningin nito sa paniking kasama ni Recka at inis na ngumiti.

"Traitor..."

"... By the way Ten. Others will also pay their visit now that your location is so transparent."

 Mabilis na itinapon ni Recka ang isang dagger papunta sa kinalalagyan ni Kid ngunit agad na nawala ang batang lalaki na parang bula.

Mariin na bumaon ang dagger ng dalaga sa pagitan ng maliit na bitak ng malalaking mga bato sa kweba.

"I guess living a normal life is not a choice anymore huh? Talking about consequences in going public." Natatawang saad ng dalaga bago biglang nawala sa lugar, isang malakas na hangin lamang ang naiwan sa kaninang kinatatayuan ni Recka.




Mula sa isang payapang karagatan ay may grupo ng mga Seagulls, ngunit hindi kagaya ng nakagisnang istura, may roon na itong antena sa ulo na karaniwang ginagamit upang makapang-akit ng isda sa kagaratan.

Tahimik lamang ang grupo ng makabagong mga ibon na ito, kumakain ng mga nahuhuli sa karagatan at nag tatampisaw sa tubig. May mga nag-aaway pa sa isdang nakukuha, isang normal at disenteng panahon para sa lahat.

Sa kalagitnaan ng mapayapang araw ay biglang bumulusok ang isang katawan, mula sa kung saan, pababa sa tubig dahilan upang mabilis ding nagsialisan ang mapayapang mga ibon dagat.

Agad na nabitawan ng dalawang seagulls ang isang isdang kanina pa nila pinag-aawayan.

Laking pasalamat ng isda sa kung sino man ang naging dahilan ng kaguluhan bago mabilis na lumangoy pailalim ng dagat ngunit agad din itong nakain ng mas malaki pang uri ng isda.

Matapos bumagsak ang katawan ng isang lalaki sa tubig ay mabilis itong tumilapon papunta sa kalapit na isla.

Biglang nagimbala ang paligid ng mga oras na iyon, dala na rin ng malakas na pagtilapon ng isang katawan sa dalampasigan.

Di nito magawang makagalaw dahil hawak hawak ng kalaban nito ang kanyang leeg. Mabilis na dumausdos ang katawan nito sa buhangin habang pilit na inaalis ang kamay na mariing nakakapit sa kaniyang leeg.

Tumigil lamang ang dalawa ng tumama na ito sa isang niyog,  agad na nahulugan ito ng matitigas at bilugang bunga ng puno.

"The fuck, Ten?!" Gulat na saad dito ng batang lalaki.

Mariin na nakaluhod sa lupa ang dalaga habang mahigpit nitong sinasakal ang nakakaawang katawan ng batang si Kid.

"Sabihin mo kay Mikhael, I will get all of you back." Seryosong saad dito ni Recka.

"You should've just call, alam mo ba 'yon?!" Inis na saad ng batang lalaki at muling nagpupumilit na makawala.

"I also have reasons maliban kay Mikhael..." Seryosong saad sa kaniya ng dalaga.

"... This is for crippling that kid."

"Who?" Nalilitong tanong dito ni Kid.

"Kaninang madaling araw."

Mapait na napatawa na lamang ang batang lalaki bago gulat na mapasigaw ng balian ito ng kamay ni Recka. 

"What the fuck Ten!" Malakas na hiyaw nito nang wala na itong maramdaman sa kanang kamay nito.

"This is for hurting my friend."

"Sino na naman 'yan?"

"The bat."

"Fuck you Ten!" Galit na sigaw dito ng bata, malakas na tumalsik pa ang laway nito sa mukha ng dalaga dahilan upang muling idiniin ni Recka ang pagkakasakal nito rito.

"Call me Ten again at di lang ito ang mararanasan mo."

Biglang napabuga ng dugo si Kid at pilit na inaalis ang pagkakasakal sa kaniya gamit ang kaliwang kamay ngunit tila hindi man lang natinag ang dalaga sa pinanggagawa ng batang lalaki na nakahiga sa lupa.

Bagot na tiningnan lamang ito ni Recka habang nagpupumiglas ang kawawang bata.

"Stop it, alam nating parehong di mo kailangan ng hangin para huminga. Do this same stunt again and you're dead." Seryosong saad ni Recka.

Mabilis na tumigil sa paghihingalo si Kid at natatawang tiningnan si Recka.

"Hindi na rin masamang sumubok."

Agad na binitawan ni Recka ang leeg ng batang si Kid at tumayo. Tatalikod na sana si Recka ng bigla nitong apakan ng malakas ang kanang binti ng batang si Kid dahilan upang muli na naman itong humiyaw sa sakit.

"What the fuck is it this time!!!" Malakas na saad nito.

Seryosong napa kibit balikat na lamang si Recka at biglang nawala na parang bula.

"Fuck you Ten!" Galit na sigaw ng bata sa kalagitnaan ng kawalan.

Gustuhin mang gumalaw ay di na nito kaya, tanging mahinahon ngunit malalim na paghinga na lamang ang kaniyang nagagawa ng mga oras na iyon.

Biglang nagkaroon ng portal sa ilalim ng lupa kinahihigaan nito dahilan upang agad na mahulog dito ang batang lalaki.




"Oh shit."

Gulat na napatalon palayo sa isang mesa ang tatlong bata nang biglang lumitaw sa harapan nila ang duguang si Kid. 

Nakakaawang tingnan ang kalagayan nito.

Nasa loob ng isang pamilyar na kusina ang batang si Kid ngunit hindi katulad nung nakaraan, tatlong bata lamang ang natitira sa loob na kumakain.

"Ten?" Manghang saad ng batang babae habang  inaayos ang mga kobyertos na nasagi ni Kid.

"Probably Ten." Siguradong ganti naman dito ng lalaki habang tumatango at natatawa sa kalagayan ng batang nasa kanilang harapan.

"Yep, it's Ten." Iling na wika ng isa pang babae, maingat na inaayos nito ang kaniyang damit na bahagyang nagusot.

"Shut up." Mahina ngunit may halong inis na saad ni Kid.

Unti-unting gumagaling ang mga sugat nito, sa kalagitnaan ng proseso ay inis itong tinulak paalis sa mesa ng kararating pa lamang na batang lalaki dahilan upang walang awa itong bumagsak sa lupa.

"We're eating." Seryosong saad nito at umupo.

Bigla namang nagsiratingan ang ilang mga babaeng kasambahay, nakabalot ng itim na tela ang mukha ng mga ito habang nakasuot ng kulay gintong bestida.

Isa isang inayos ng kasambahay ang mesa at pinalitan ang mga natapong pagkain. Mabilis ang mga kilos ng mga ito kaya hindi gaanong naghintay ang lahat.

Matapos maayos ang mesa ay mabilis na hinawakan ng dalawa sa mga kasambahay ang braso ni Kid na ngayon ay maayos na.

Malakas nila itong hinila paitaas dahilan upang tumaas din ang buong katawan ng bata. Agad na kinaladkad ng mga ito ang nakakaawang kalagayan ni Kid palabas sa kusina, walang bahid ng pag-iingat ang bawat galaw, kung tutuusin, ni hindi nga makikitaan ng emosyon ang mga naninilbihan sa buong gusali.

Napayukom na lamang ng kamao nito si Kid habang rinig na rinig ang papalayong tawanan ng mga kasamahan nito mula sa kusina. Inis nitong sinumpa at walang awang pinatay ang lahat sa kaniyang isipan.




Isang grupo ng mga lalaki ang seryosong naglalakad sa isang hallway. Nakapila ang mga ito habang bitbit ang kani-kanilang malalaking mga baril. Lahat ay nababalot ng pulang tela at tanging ang mga mata lamang ng mga ito ang nakikita.

Mula sa kung saan ay mabilis na nakihalo rito ang isang lalaki, walang ni isa ang naghinala rito dahil parehong pareho rin naman ang kaniyang suot sa iba at masyadong malinis ang pagpasok nito na parang sanay na sanay na ito dahilan upang hindi ito mabilis na mapansin.

"Late ka pre?" Natatawang bulong mula sa likuran ni Kent.

Marahang napatango lamang dito ang binata dahilan upang marinig nito ang mahinang tawa ng kasama.

Wala itong ideya kung saan pupunta ang buong grupo ngunit nagpatuloy lamang ito sa paglalakad.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ay may nakasalubong ang grupo na isang janitress. Bahagyang pinukulan lamang ito ng tingin ng lahat at nagpatuloy na sa paglalakad. Ni hindi nga ito binigyan pa ng pansin ni Kent na dire-diretso lamang sa paglalakad.



Sa kabilang banda naman, seryosong naglalakad sa labas ng napakalawak na gusali ang dalawang lalaki habang bitbit ang dala-dalang mga armas, parehon nakasuot ng tela na nakabalot sa buong mukha ang dalawa, tanging mga mata lamang ng mga ito ang nakikita, ang kanilang bughaw na maypagka kulay abong mga mata.

"Bakit kasi tayong dalawa lang ang rumoronda ngayon." Bagot na tanong ng isang lalaki ngunit napakibit-balikat lamang ang kasama nito.

Agad na napakunot-noo naman ang lalaking nagsalita nang may mapansin ito sa di kalayuan.

Mabilis nitong kinuha ang atensyon ng katabi at itinuro ang parte ng isang maliit na lawa.

Mula sa kanilang kinalalagyan ay makikita ang palutang lutang na tila isang katawan dahilan upang agad na makuha nito ang kuryusidad ng dalawang lalaki. Maingat na dumausdos paibaba sa lawa ang dalawa at dahan dahang nilusong ang malamig na tubig upang tingnan kung ano nga ba ang bagay na nakikita nila.

Nang makasigurado ang mga ito sa natuklasan ay madaling iniahon ng dalawa ang katawan ng isang babae at kinapa ang pulso. Ni hindi nga napansin ng mga ito na hubo't hubad ang walang malay na katawan.

Mas itinuon na lamang ng dalawa ang buong atensyon sa kalagayan ng dalaga.

"May pulso naman, kaso mahina." Pagkumperma ng isa sa kanila.

Bahagyang napahinga ng maluwag ang dalawa bago mapansing walang ni katiting na saplot ang babae. Dali-daling hinubad ng isang lalaki ang suot nitong pangitaas at maingat na isinuot sa babae.

"So what now?" Nagtatakang tanong ng isa.

"Tanga ka ba? Edi dalhin natin sa kampo, di tayo ganoon ka gago para iwan na lamang sa labas ang isang sibilyan." Seryosong sagot ng lalaki.

"Pero may patakaran tayo."

"Patayin ang sino mang kahina-hinala, eh kulang nalang ibalik natin sa lawa ang katawan nito para mamatay ehh. Mamaya na natin isipin 'yan. Tulungan mo ako bilis." Agad na tinulungan ng lalaki ang kasamahan nito na buhatin ang katawan ng dalaga.

Malakas na bumwelo ang dalawa at maingat na inilagay ang katawan sa likuran ng isa sa kanila bago nagsimulang maglakad.




"Let's start finding our target." Seryosong saad ni Recka bago mahinang pinihit ang lock ng pinto ng isang banyo.

Nakasuot ito ng itim na sando at bughaw na janitor pants, magulo rin ang pagkakatali nito sa kaniyang kayumangging buhok.

Litaw na litaw din mula sa mukha nito ang malalaking eyebags na nakapalibot sa kaniyang mata, maitim na labi at sirang ngipin.

Wala na rin ang makinis at kulay puting balat nito, Sa halip ay punong puno na ito ng tattoo na siyang dahilan kung bakit halos di na makita ang totoong kulay ng kaniyang balat. Tanging ang mukha lamang ng dalaga ang parte na hindi pa nababahiran ng tinta.

May dala-dala itong isang timba na punong puno ng maduming tubig at isang mop.

Seryoso itong tumayo sa harap ng salamin habang napaka gulo ng buong paligid, napakaraming dugo at ilang basura ang nakakalat sa loob ng banyo pati na rin ang tatlong katawan na wala nang buhay.

Ni hindi nga nito makilala ang sarili nang tingnan nito ang repleksyon sa salamin.

Mahinahon itong tumalikod at nilagyan ng maliit na headphone ang tainga bago pinaandar ang masayang musika mula sa cellphone na nakita lamang nito mula sa kung saan. 

Seryoso itong naglinis sa paligid. Bawat dugong nalilinis nito ay dumidiretso sa inidoro. Paulit-ulit na proseso ang ginagawa ng dalaga, map, spray, piga, hanggang sa wala na ni katiting na dugong makikita sa banyo.

Nilingon naman nito ang tatlong katawan. Mahina itong napa buntong-hininga at inalisan ng suot ang mga bangkay. Lumabas ito sa banyo, maya-maya pa ay mayroon na itong dalang malaking basurahan, pilit nitong pinagkakasya sa loob ang tatlo.

Nang maisilid na ang tatlo ay agad nitong inilagay sa itaas ng mga bangkay ang mga damit  na nakuha nito upang matakpan ang mga katawan.

Mabilis ding kinuha ni Recka ang maliliit na mga basura sa loob ng tatlong cubicle at tinapon ang laman nito sa loob bago walang ingat na kinalat para magmukhang makatotohanan.

Bigla itong nakarinig ng papalapit na mga yabag kaya marahan nitong inikot ang paningin sa paligid bago kinuha ang isang disinfectant spray mula sa cleaning belt nito at marahang inispray sa kaniyang harapan.

Malinis itong lumabas sa banyo kasabay ng pagpasok ng limang kalalakihan.

"Wow, ngayon ko palang nakitang malinis ang banyo na to ah."

"Teka, may janitor ba tayo?"

"Baka bagong salta?"

"Wala tayong janitor diba? Di ko lang alam ha, bakit antapang naman ata ng amoy ng disinfectant dito?"

"Tumigil ka na nga Ricky, ayan na naman yang pagka paranoid mo, buti nga nilinis pa to eh."

"Nagsasabi lang naman ako noh."

Napailing na lamang si Recka sa narinig at maingat na ibinalik ang dagger mula sa pantalon nito at nagpatuloy na sa paglalakad.

Habang papunta sa tambakan ng mga basura ay may nakasalubong itong grupo ng mga lalaki, may pulang tela na nakabalot sa buong mukha ng mga ito.

Biglang napangisi ang dalaga ng may mapansin itong pamilyar na lalaki. Mukhang hindi ito nakilala ng lalaki base na rin sa reaksyon nito ng magkasalubong ang kanilang mga mata.

Nang pumihit ito pakanan ay agad din nitong nakita ang isang babae na karga ng dalawang lalaki habang tumatakbo. Aligaga ang dalawa habang marahang nakapikit ang dalagang karga-karga nila.

Good, everything is flowing smoothly.


Continue Reading

You'll Also Like

146K 5.1K 52
Fight for your life. Yourself is your only ally.
5.4M 165K 39
Maria Sigrid Ibarra has exceptional memory. She's already an achiever at such a young age, which is why she's sent to study at a prestigious Atlas U...
446K 39.3K 139
Rogue Wars Online (RWO) is an all-out action-adventure game that invites the top streamers, pro-gamers, and even newbies in their official beta-testi...
32.4M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...