I AM NUMBER 10: BOOK I

By hissotto

328K 7.6K 425

Sa gitna ng normal na takbo ng mundo ay biglang may kakaibang pagsabog ang nangyari sa kalangitan. Isang araw... More

NUMBER 000
NUMBER 001
NUMBER 002
NUMBER 003
NUMBER 004
NUMBER 005
NUMBER 006
NUMBER 007
NUMBER 008
NUMBER 009
NUMBER 010
NUMBER 011
NUMBER 012
NUMBER 013
NUMBER 014
NUMBER 015
NUMBER 016
NUMBER 017
NUMBER 018
NUMBER 019
NUMBER 020
NUMBER 021
NUMBER 022
NUMBER 023
NUMBER 024
NUMBER 025
NUMBER 026
NUMBER 027
NUMBER 028
NUMBER 029
NUMBER 030
NUMBER 031
NUMBER 032
NUMBER 033
NUMBER 034
NUMBER 035
NUMBER 036
NUMBER 037
NUMBER 039
NUMBER 040
NUMBER 041
NUMBER 042

NUMBER 038

3.5K 108 2
By hissotto

Biglang lumitaw ang isang portal mula sa kung saan, marahang lumabas dito ang isang pamilyar na batang lalaki.

"Yow Five! Kamusta ang misyon?" 

"Shh, ano ba, di nga raw kasi 'Five,' siya nga raw kasi si Kid."

Bagot na nilingon ni Kid ang dalawang batang babae.

Nakatayo sa gilid ng refrigerator ang isa sa mga ito habang nakaupo naman sa counter ang katabi, muling pinagpatuloy ng dalawa ang pag kain ng tsokolate.

Naparolyo na lamang ng mga mata nito si Kid at tiningnan ang kabuoan ng marangyang kusina.

Maliban sa dalawang batang babae, may dalawa pang batang lalaki ang kumakain sa mesa.

Bagot itong napatingin sa isang sulok kung saan tahimik na naka upo sa sahig ang isa pang batang lalaki, nilalaro ng mga daliri nito ang isang maliit na ibon.

"Nagkita kami ni Ten."

Biglang tumigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa, apat sa mga batang nandoon ay mabilis na lumapit kay Kid at nagkumpulan upang tingnang mabuti ang kaniyang kalagayan.

"Buhay ka pa?" Gulat na tanong ng isang batang lalaki habang iniinspeksyong mabuti ang kaniyang kanang braso.

Balewalang itinaas ni Kid ang kaliwang kamay nito dahilan upang agad na lumutang ang isang baso ng tubig papunta sa kaniya.

Pabagsak itong umupo sa sahig at mahinang tumawa.

"Akala ko talaga mamamatay na ako, buti nalang hindi na ako nilabanan pa ni Ten. Takte kinabahan ako dun ahh."

Marahan nitong ininom ang isang basong tubig bago tuluyang humiga sa sahig.

Agad na nagsialisan ang lahat sa paligid nito at muling bumalik sa kani-kanilang ginagawa kanina.

"Ulol, may pakiramdam ka ba, ha?" Natatawang saad dito ng kasamahan.

"Alam na ba 'to ni Mikhael?" Seryosong tanong ng isa sa kanila.

"Dunno, wala rin naman akong balak na sabihin pa. He sends me there in order for Ten to kill me. That bastard."

"Glosya pa rin ba ang papel ni Ten sa lugar nila?" Seryosong tanong ng isang batang lalaki.

"Malamang, ano bang klaseng tanong 'yan?" Bagot na sagot nito at marahang ipinikit ang kaniyang mga mata.

Bigla napaupo si Kid ng may maalala ito at interesadong tiningnan ang limang batang kasama.

"By the way, alam niyo bang 'Recka' na ngayon ang tawag ng lahat kay Ten? She has her own name now, amazing right? Oh and guess what..."

Maloko nitong tiningnan ang batang lalaking kanina pa tahimik sa sulok habang nakikipaglaro sa isang ibon na nakapatong sa daliri nito.

"... She's now a teenager, an appearance that we cannot have. Ten is so beautiful than what you guys expected." 

Agad na nagsitinginan ang lahat sa batang lalaking nakaupo sa sulok, lahat ay naghihintay sa maaaring reaksyon nito.

Mabilis na tinupok ng apoy ang buong katawan ng ibong hawak ng batang lalaki. Walang emosyon nitong itinapon sa gilid ang wala nang buhay na hayop at seryosong nilingon si Kid.

"Masyadong matalas 'yang bibig mo para sa isang matandang nasa anyo ng isang bata."

"Shut up, makapagsalita 'to, bakit tumatanda ka rin ba? Pareparehas lang naman tayo ditong nasa ganitong kalagayan ah."

"Yeah, I also want to grow up." Malungkot na saad ng isang batang babae habang kumakain ng tsokolate.





"Uy tol, andiyan na ata 'yong mga kasama mo." Marahang napalingon si Kent sa kaniyang likuran.

Ganon na lamang ang gulat ng binata nang makita ang kalagayan ni Ara, halos maligo na ito sa dugo.

Mabilis nitong tiningnan si Lucy upang tanungin ngunit agad nitong binawi ang balak nang makita ang madilim na ekspresyong bumabalot sa pagmumukha ng dalaga.

"Nasaan si Recka?" Seryosong saad dito ni Lucy habang matalim na tiningnan si Kent.

Wala sa sariling napaturo sa kanan nito ang binata.

Nakita nito si Recka na tahimik na nakatingin sa kalangitang habang nakasandal sa isang sasakyan. Mukhang may malalim itong iniisip kaya walang ni isa sa mga sundalo ang nagbalak na lumapit dito.

"Boy, ito na ang sasakyan niyo." Mabilis na napalingon sa nagsalita si Kent.

Nakita nito ang isang sundalo na tinuturo ang isang sasakyan sa di kalayuan.

Sabay na naglakad papunta rito ang tatlo habang di pa rin inaalis ni Recka ang tingin sa kalangitan.



"Anong nangyari sa kaniya." Mahinang bulong ni Kent kay Lucy habang nakatingin sa madugong katawan ni Ara.

"You know, the usual weird personality of hers." Seryosong saad naman ng dalaga.

"Alam mo, matagal ko na talagang iniisip to eh, hedonistic serial killer ba 'yang taong 'yan?" Bulong dito ni Kent habang tinitingnan si Ara.

Marahang napakibit-balikat na lamang si Lucy at nagsimula nang pumasok sa loob ng sasakyan, sumunod naman dito si Kent habang sinusubukang lumayo kay Ara.

"God, you stink." Inis na saad ng binata nang umupo sa harapan nito si Ara.

Marahang inamoy-amoy ng dalaga ang sarili at nagtatakang tiningnan si Kent.

"Di naman ahh, baka bunganga mo lang 'yon na malapit sa ilong mo."

Sasagot na sana rito ang binata nang biglang pumasok sa loob ng sasakyan si Recka at tumapat sa kinauupuan ni Lucy.

"Kamusta si Sean?" Nag aalalang tanong dito ni Lucy.

"Malala, Naputol na ang buong kanang braso nito."

"Huh?" Gulat na napatayo sa narinig si Kent, bigla itong bumagsak sa kaniyang upuan ang biglang umandar ang kanilang sinasakyan.

Malakas na tumawa rito si Ara dahilan upang inis itong tiningnan ng binata bago hinagisan ng isang tela na nakuha nito galing sa mga sundalong nakasalamuha nito kanina bago pa dumating sina Ara at Lucy.

"Alam kong pare-perehas lang tayo ritong nakabalot sa dugo, maliban kay Lucy of course, but the heck! Anong ginawa mo at parang  sumali ka naman ata sa swimming Olympics? Ni wala na nga akong makitang balat sayo na hindi nababahiran ng dugo."

"Well, I have fun kanina, what's wrong with that?"

"Fun? Gago, nakikita mo ba 'yang sarili mo?"

"Minura ba kita ha?" Inis na wika rito ni Ara.

Pagod na napabuntong-hininga na lamang si Lucy at di na pinansin pa ang patuloy na pagbabangayan ng dalawa.

I'm amazed by how everyone seems to forget that nearly ninety-five percent of the people they killed were innocents. I mean, the only reason why we are not heavily injured was the fact that the majority of them don't know how to fight.

Marahan nitong tiningnan ang kaniyang mga palad na walang bahid ng kahit na isang patak ng dugo, ganun pa man, hindi pa rin maiaalis ni Lucy ang pakiramdam na nababalutan ng malapot na dugo ng mga inosenteng tao ang kaniyang buong kamay.

Mariin itong napapikit at mahigpit na iniyukom ang kanyang mga palad.

"Anong nangyari kanina? Hindi ko gaanong makita ang lahat dahil nanatilig nakatago sa vision ko ang kalaban, paano ka nakatakas?" Seryosong tanong dito ni Lucy habang hindi tinitingnan si Recka.

Napakibit-balikat lamang dito si Recka at marahang sumandal sa kinauupuan nito bago nagdekwatro. Tahimik nitong ipinikit ang kaniyang mga mata at di na pinansin pa ang mga nasa paligid.

I need to know what they're up to.

Palihim na napayukom ng kamao nito si Recka.





Pagkababa ng lahat sa sasakyan ay agad na hinanap ng apat kung saan dinadala ang mga sundalong nagtamo ng malalang pinsala.

"Tara." Seryosong saad dito ni Recka at nauna nang naglakad, sumunod naman sa kaniya ang tatlo.

Nang matagpuan ang lugar na kanilang hinahanap ay agad na nag hiwa hiwalay ang lahat upang mas mapadali ang paghahanap kay Sean.



Sa kalagitnaan ng paghahanap ay di maiwasang mapangiwi ni Lucy sa kaniyang nakikita.

May isang sundalo itong nakita na tahimik na naninigarilyo habang pinuputol ng mga doktor ang paa nito sa kaniyang harapan. Bahagya pa itong tumango kay Lucy nang makita nito ang tingin ng dalaga sa kaniya.

Mabilis namang inalis ng dalaga ang tingin sa sundalo at nagpatuloy na lamang sa paghahanap.

|Nandito si Sean.| 

Mabilis na tinungo ng lahat ang lokasyong binigay ni Ara.




"Shit." Hindi makapaniwalang saad ni Kent pagkarating na pagkarating nito sa lugar na sinabi ni Ara.

Biglang natahimik ang lahat matapos makita ang napakaraming tubo na nakaturok sa iba't ibang part ng katawan ni Sean.

Nababalutan din ng napakakapal na benda ang buong katawan ng binata dahilan upang hindi madali ang paghahanap ng lahat sa kaniya kanina.

Habang iniinspeksyon ng lahat ang kalagayan ng binata ay hindi maiaalis ng mga ito ang tingin sa balikat ni Sean na nababalot sa benda, nawawala na kasi ang parte ng katawan na kalimitang nakakabit dito, nakaramdam naman ng biglaang pagkalumo sa nakikita si Kent.

"Buhay pa siya sa lagay na 'yan?" Hindi makapaniwalang komento rito ni Ara dahilan ubang mabasag ang katahimikan sa grupo nila.

"He's one hell of a fighter eh?" Natatawang saad ng isang military doctor habang tahimik na nagyoyosi sa gilid.

"Puwede kayong gumamit niyan dito?" Nagtatakang tanong dito ni Lucy.

Malokong tumawa lamang ang doktor at tinapon sa sahig ang yosi bago inapak-apakan.

"Coma pa 'yang isang 'yan, wala ring kasiguraduhan ang paggising. Pag umabot pa ng mahigit dalawang buwan na walang pagbabago ay mapipilitan na kaming iuwi ito sa kanila. We need more room for injured soldiers." Bale walang saad nito at umalis na nang tawagin ito ng kasamang doktor.

Ilang sigundo pang nanatili ang lahat bago nagdesisyon na umalis, lalo pa at pasikip na nang pasikip ang lugar dahil sa patuloy na pagdagdag ng mga sugatan.

"Bakit andami naman atang injured na hindi naman gaanong kalakas ang nakalaban kanina?" Nagtatakang tanong ni Ara habang iniikot ang paningin sa mga katawang nadadaanan nila

"Hindi lang naman 'yon ang laban na nangyayari rito sa norte. May iba't ibang misyon at gyera ring kinakaharap ang iba't ibang sundalo rito." Balewalang saad dito ni Kent.

"Magpahinga na muna kayo, magsusulat lang ako ng report tungkol sa nangyari kanina." Seryosong saad dito ni Recka at umalis.

Kaniya kaniya nang nagsialisan sina Kent at Ara papunta sa iba't ibang parte ng kampo na parang walang problema. Tanging si Lucy na lamang ang naiwan, mahina itong napatingin sa kalangitan at napabuntong hininga.

"This is war huh? Ibang iba 'to sa binabanggit sa akin ni Dad."


Continue Reading

You'll Also Like

5.4M 165K 39
Maria Sigrid Ibarra has exceptional memory. She's already an achiever at such a young age, which is why she's sent to study at a prestigious Atlas U...
32.4M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...
5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
594K 17.9K 58
Reese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa...