I AM NUMBER 10: BOOK I

By hissotto

328K 7.6K 425

Sa gitna ng normal na takbo ng mundo ay biglang may kakaibang pagsabog ang nangyari sa kalangitan. Isang araw... More

NUMBER 000
NUMBER 001
NUMBER 002
NUMBER 003
NUMBER 004
NUMBER 005
NUMBER 006
NUMBER 007
NUMBER 008
NUMBER 009
NUMBER 010
NUMBER 011
NUMBER 012
NUMBER 013
NUMBER 014
NUMBER 015
NUMBER 016
NUMBER 017
NUMBER 018
NUMBER 019
NUMBER 020
NUMBER 021
NUMBER 022
NUMBER 023
NUMBER 024
NUMBER 025
NUMBER 026
NUMBER 027
NUMBER 028
NUMBER 029
NUMBER 030
NUMBER 031
NUMBER 032
NUMBER 033
NUMBER 034
NUMBER 035
NUMBER 037
NUMBER 038
NUMBER 039
NUMBER 040
NUMBER 041
NUMBER 042

NUMBER 036

3.5K 120 11
By hissotto

|Sean!| 

Hinang-hinang minulat ng binata ang kanyang mga mata matapos marinig ang malakas na sigaw ni Lucy mula sa kabilang linya.

"Ang ingay." Pabirong saad nito

|Sean! Anong kalagayan mo? Palaging nawawala sa vision ko ang kalaban, makakagalaw ka pa ba?|

"Matapos kong makalaban ang isa sa mga nasa danger list. Ano sa tingin mo?" Natatawang bulong ni Sean habang pabigat nang pabigat ang bawat pag hinga nito.

|Anong nangyari?|

Biglang narinig ng lahat ang seryosong boses ni Recka mula sa kabilang linya.

Magsasalita pa sana ang binata nang malakas itong napabuga ng dugo, ramdam na nito ang unti-unting pagkawala ng lakas sa kanyang buong sistema.

Mapait itong napangiti sa sarili at tiningnan ang madilim na kalangitan.

"Nakakahiya 'to, natalo pa ako ng isang bata."

Marahan nitong hinawakan ang kanang balikat na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nagdurugo.

Nakakaawa ang buong kalagayan ng binata kung tutuusin. Dislocated na mga binti at punong-puno na ng sugat ang kanyang buong katawan. Sino man ang makakakita ay alam nang minuto na lamang ang itatagal ng binata sa mundong ibabaw.

Ang malala pa rito, wala na ang buong kanang braso ni Sean. 

Muli nitong naalala na sa huling pagkumpas ng kanyang kamay, upang kontrolin ang mga kunai papunta sa kanyang kalaban, ay kasabay naman nito ang pag bulusok ng puno papunta sa kanyang direksyon.

Nakaiwas naman ang binata ngunit hindi nito nasalba ang kanyang kanang kamay na nahagip ng puno.

Kung tutuusin, hindi na dapat pa nakakapagsalita ang sino mang nasa kalagayan ni Sean. Lalo pa at napakadami nang dugo ang nawala mula sa katawan nito. 

"Pasensya na mukhang hanggang dito nalang talaga ako."





Di na nag aksaya pa ng oras si Recka at mabilis na pumunta sa direksyon ni Sean.

"Kent, Ara at Lucy, siguraduhin niyong walang makakatakas, ako nang bahala kay Sean."

|Roger.|

Matapos marinig ang sabay na sagot ng tatlo ay biglang pinatay ni Recka ang earpiece mula sa kanyang tenga at mas binilisan pa ang pag takbo.





"Sean!" Malakas na sigaw ni Recka nang makarating ito sa lokasyon ni Sean.

Nagkalat ang mga bagkay sa paligid kaya hindi madaling makita ang katawan ng binata lalo pa at sigurado si Recka na hindi nalalayo ang kalagayan ni Sean sa mga nakakalat na katawan.

Sa kalagitnaan ng paghahanap ay biglang naningkit ang mga mata ng dalaga at malakas na tumalon pakaliwa.

Biglang bumagsak mula sa kalangitan ang isang napakalaking puno, kung nahuli pa ng ilang segundo ang dalaga ay baka nadurog na ang kanyang buong katawan dahil sa lakas na pagbagsak ng puno sa kinatatayuan nito kanina.

Seryoso napatingala si Recka sa likuran nito. Agad nitong nakita ang isang batang lalaki na tahimik na nakaupo sa sanga ng isang puno habang pinapanuod ang bawat galaw ng dalaga.

Kung titingnan ang buong anyo ng batang lalaki ay masasabing nasa onse anyos na taong gulang pa lamang ito.

"Yow!" Nakangiting bati sa kanya ng batang lalaki, marahan nitong tinatanggal paisa-isa ang lahat ng mga kunai na nakabaon sa kanyang katawan.

"Kid." Seryosong saad dito ni Recka.

"Alam mo bang nakakatakot makipaglaro sa kasama mo? Kung di pa napuruhan eh di pa titigil ang isang 'yon na atakehin ako ng paulit ulit. Kung nahuli pa ako ng ilang segundo ay baka ako na ngayon ang walang buhay..."

Matalim na tiningnan lamang ni Recka ang kaharap. Walang pagdadalawang isip na hinugot ng batang lalaki ang kunai na nakabaon sa kanyang kaliwang mata, naging sanhi ito upang malakas na umagos ang dugo mula rito.

"... Oh shit." Gulat na saad ng batang lalaki at mabilis na pinahiran ang kanyang mukha.

Ngunit sa patuloy na pagdaloy ng dugo sa kanyang kaliwang mata at ang paulit-ulit na pagpunas nito sa mukha, naging sanhi lamang ito upang mas lalong kumalat ang pulang likido.

Muli itong lumingon kay Recka at tinuro ang isang puno sa di kalayuan.

"Nga pala, nandoon ang kasama mo." 

Di na nagdalawang isip pa si Recka at mabilis na tinungo ang lugar.

Nang makita nito ang duguang katawan ni Sean na nakaupo sa ilalim ng putol na puno ay mabilis nito itong nilapitan at sinubukang hanapin ang pulso mula sa leeg ng binata.

Bigla itong tumigil sa pagkapa sa leeg ni Sean nang makaramdam ng napakahinang pintig mula rito. Agad na inilabas ng dalagaang isang syringe at mabilis na itinurok sa balikat ng walang malay na binata.

Maya-maya pa ay may kakaibang likido ang bumalot sa buong balikat ni Sean, dahan dahan itong tumigas upang magsilbing pansamantalang balat na babalot sa nakabukas na sugat ng binata nang sa gayon ay mapigilan ang patuloy na pag agos ng dugo mula rito.

Agad na kinuha ni Recka ang isang flare gun, seryoso nito itong itinutok sa kalangitan bago tuluyang hinila ang gatilyo. 

Kitang-kita ang mabilis na paglabas ng matingkad na berdeng usok mula sa flare na pinakawalan ni Recka kaya sigurado itong nakuha na ng militar ang senyales.

Muli nitong hinarap ng batang lalaki sa di kalayuan.

Nakasuot ito ng kaswal na kasuotan, isang simpleng polo at pantalon, kaya kung sino mang makakakita sa batang lalaki ay iisiping isang musmos na tagabayan lamang ito at nadamay lang sa nangyayari sa paligid.

"Sa pagkakaalam ko di ka naman nakatira sa bayang ito o isa sa mga espiyang mula sa kalabang bansa, kaya wala kang rason para makisali sa alitan. Bakit ka nandito, Kid?" Seryosong tanong ni Recka.

Matamis na ngumiti lamang ang batang lalaki sa kanya, bigla itong tumalon mula sa mataas na punong inuupuan nito. Nakangiti nitong tiningnan ang buong pagkatao ni Recka, mula ulo hanggag paa.

"Nagbabago ka na, tumatanda ka na rin, lucky for you huh. Though mas matanda ako sayo." Masayang saad nito.

Unti-unting naghilom ang lahat ng sugat ni Kid sa kanyang buong katawan.

 "Di mo pa rin ako sinasagot."

Marahang napakibit balikat lamang ang batang lalaki at ngumiti.

"Who knows."

Mahina nitong inilabas ang isang cellphone mula sa kanyang bulsa at tinawagan ang isang tao.

"Tapos na ako, tara na..."

Nakangiti nitong ibinalik ang tingin sa seryosong nakatayong si Recka.

"... Aalis na ako, wala naman akong laban sayo, mamamatay lang ako pag nagkataon."

Biglang bumukas ang isang portal sa likuran ni Kid.

"Sa uulitin. Ah, muntik ko nang makalimutan, pinaparating nga pala sayo ni Mikhael ang kamusta niya. Jaa ne, Ten." Masayang saad ni Kid bago tuluyang pumasok sa portal.




"Cap ang senyales."

Biglang humarap ang isang lalaking nakasuot ng uniporme ng sundalo sa kanyang mga kasamahan dahilan upang mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat.

"Kayo, siguradohin niyong wala nang naiwan dito sa bayan, kayo na rin ang bahala sa mga katawang naiwan dito..."

Mabilis nitong kinasa ang hawak na baril bago tumalikod.

"... Yung iba sumunod na sa akin." Seryosong saad nito at nagsimula nang maglakad.

Nagmamadaling kumilos ang lahat upang gawin ang inatas sa kanila ng kanilang kapitan.



Habang patuloy na naglalakad sa kagubatan ay marahan nitong pinukulan ng tingin ang isang sundalong mabilis na tumabi sa kanya.

"Hindi pa rin ako makapaniwalang nagpadala ng mga kabataan ang nakakataas para iatas sa kanila ang napaka importanteng misyon. Sana lang wag mabolalyaso ang lahat." Rinig nitong saad ng katabi habang inaayos ang pagkakabit ng baril sa balikat nito.

"Tagumpay man o sa hindi ang misyon, malalaman natin 'yan oras na makarating na tayo sa lugar." 

"Nga pala Cap, kailangan ba talaga nating ubusin ang lahat ng mga tagabayan? Hindi ba napakatindi naman non?"

"Warning."

"Huh?"

"Gusto ng militar na maging babala ito sa mga bayang may planong tumanggap ng mga tagalabas. It is actually not necessary to kill lalo na at pupwede namang i run yung system para awtomatikong ma terminate ang nanakaw na impormasyon..."

"... Lahat ng mga foreign devices na kokonekta sa atin via online or not ay malalagyan ng virus, kaya oras na kokonekta ulit ito sa iba pang device. Lahat ng impormasyong nandoon ay kakalat at masisira..."

"... Isa pa hindi ganoon katanga ang buong militar para hindi mapansing may dagang nakapasok sa kampo lalo pa kung napaka linaw na ng galaw nito simula pa lang."

Mabilis nitong tinutok ang hawak na baril sa damuhan nang makarinig ng mahihinang kaluskos. Biglang lumabas mula rito ang isang maliit na halimaw, napailing na lamang ang kapitan at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Oh, eh bakit di nalang sila nagbigay ng order na shoot-to-kill para don sa espiya?" Nagtatakang tanong ng kasamahan nito.

Sa tono ng pag uusap ng dalawa ay halatang matagal na itong magkakilala lalo pa at kilala ang kapitan sa pagiging tahimik, na tipong magsasalita lamang ito kung magbibigay na ng order sa kanyang mga kasamahan.

"Kaya lang naman hinayaan ng militar na makuha ang mga impormasyon para magkaroon sila ng sapat na dahilan para umatake." Walang ganang saad ng kapitan.

"Cap, yung bibig mo baka may makarinig. Isa pa, wala pa namang ebidensya na totoo nga 'yang kumakalat na balita. Hindi naman siguro ganoon ka disperado ang bansa natin para gumamit ng nakakahiyang taktiko para lang balaan ang nakararami."

"Oh but it is, kaya nga siguro nila pinadala ang mga batang 'yon dito dahil wala silang pakealam kung magtagumpay man o hindi ang misyon..."

"... Rowan itong nakikita mong 'to? Itong gyera at ang tinatawag nilang hustisya? Hindi para sa lahat 'yon dahil 'yong mga naka upo sa itaas. Karamihan sa kanila, ang tingin sa nangyayari ngayon ay laro lang..."

"... They command, we follow. It's a game of chess, a real-life monopoly for the rich. They don't care for your life. Yes, they honor us once we die for serving the country but then what? The war will still continue, killing won't stop..."

"... Pupurihin at bibigyan ng pabuya ang sundalong buhay pa, tapos pag di na mapapakinabangan ay hahayaan na lamang sa kung saan..."

"... It's true that those who died will receive honors and gratitude but except for their family and friends, do the whole country really give a crap?..."

"... Because damn, give everyone a couple of days and they will completely forget your existence. Ni hindi na nga nila maalala ang pangalan mong kamakailan lang ay puro papuri ang natatanggap sa big screens at telebisyon dahil sa sakripisyo nagawa mo sa bansa."

Biglang natahimik ang kasama nito at malalim na napabuntong hininga, kitang kita nito ang hamog na marahang lumalabas sa kanyang bunganga, dahilan upang mapait itong ngumiti ang tiningnan ang katabing kapitan.

"But Cap, most of us don't really do it for the whole country. Karamihan sa atin dito eh nag enlist lang naman para maprotektahan ang mga mahal nila sa buhay. We just want to give our family a comfortable life, dahil sa panahon ngayon, military are known as heroes, but we are no heroes. We are selfish idiots who kill and get haunted by deaths in order to bring honor and glory."

Biglang tumigil ang buong grupo ng mga sundalo nang makita ang napakaraming bangkay na nagkalat sa paligid.

Matalim na inikot ng kapitan ang paningin sa paligid. Biglang sumipol ang katabi nito dahilan upang mapatingin sa kanya ang kapitan.

"Woah, this kids got no chills huh." Pabirong saad ng katabi.

Biglang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril ang dalawa mula sa kanilang likuran dahilan upang mabilis na tinutok ng mga ito ang armas.

Agad na naningkit ang mga mata ng kapitan nang makitang hawak ng isang dalaga ang ulo ng isa sa kanyang mga sundalo, nakatutok sa leeg nito ang isang putol na espada.

Punong-puno na ng dugo ang buong kamay ng dalaga, lalo pa at wala nang handle ang armas na hawak nito kaya wala itong iba pang pagpipilian kundi ang hawakan ang sirang blade na napulot nito sa kung saan.

Mahigpit na tinutok ng mga sundalo sa dalaga ang kanilang mga sandata, ngunit wala itong balak na sumuko.

"Easy soldier, put that down." Seryosong saad dito ng kapitan dahilan upang agad na tiningnang mabuti ni Ara ang suot ng mga taong nasa kanyang harapan.

"Huh? Ah, my bad akala ko kalaban." 

Mabilis na binitawan ng babae ang leeg ng hawak na sundalo bago tinapon ang sandata sa kung saan.

"May panyo ba kayo diyan? Hindi na kasi ako nakakita ng maayos dahil dito sa dugong nakabalot sa buong mukha ko, pasensya na. Ako nga pala si Ara ng Special Section A ng akademya. Nice meeting you."

Matamis itong ngumiti sa kanyang harapan.

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
32.4M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...
2025 By boss ni wawie

Science Fiction

593K 38.5K 55
⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill t...
850K 25.9K 68
Si Stella Franz ay isang typical na unemployed fresh graduate ng Advance Information Technology sa taong 473 G.E.. Due to her frustration to find a...