I AM NUMBER 10: BOOK I

By hissotto

329K 7.6K 425

Sa gitna ng normal na takbo ng mundo ay biglang may kakaibang pagsabog ang nangyari sa kalangitan. Isang araw... More

NUMBER 000
NUMBER 001
NUMBER 002
NUMBER 003
NUMBER 004
NUMBER 005
NUMBER 006
NUMBER 007
NUMBER 008
NUMBER 009
NUMBER 010
NUMBER 011
NUMBER 012
NUMBER 013
NUMBER 014
NUMBER 015
NUMBER 016
NUMBER 017
NUMBER 018
NUMBER 019
NUMBER 020
NUMBER 021
NUMBER 022
NUMBER 023
NUMBER 024
NUMBER 025
NUMBER 026
NUMBER 027
NUMBER 028
NUMBER 029
NUMBER 030
NUMBER 031
NUMBER 032
NUMBER 033
NUMBER 034
NUMBER 036
NUMBER 037
NUMBER 038
NUMBER 039
NUMBER 040
NUMBER 041
NUMBER 042

NUMBER 035

3.3K 116 6
By hissotto

Mula sa ilalim ng puno ay hingal na nakaupo ang isang lalaki, mariin nitong itinali ang isang punit na tela sa kanyang binti upang pigilan ang patuloy na pag durugo.

Pagod itong napasandal sa puno at dahan-dahang binuksan ang kanyang bibig upang marahang kunin ang isang USB Drive mula sa loob ng kanyang bunganga na naglalaman ng napakaraming konpidensyal na mga impormasyon tungkol sa militar ng bansa.

Nang dahil lang dito ay halos mabaliw na ang sundalo ng bansang 'to?

Matalim nitong tinitigan ang hawak na Drive.

Mariin itong napapikit nang muling maalala ang mukha ng mga tao sa bayang ngayon ay wasak at hindi na mapapakinabangan pa.

Hindi nito maiwasang isipin kung gaano kabait ang mga taga bayan sa kanila. Sa kabila ng pagiging kalaban ay bukas-palad pa rin silang tinanggap at pinatuloy ng mga ito upang doon na ipagpatuloy ang pagpapagaling ng mga sugat na nakuha nila sa militar.

Halos limang buwan din silang namalagi sa bayan upang magpagaling kaya naman napakalaki ng utang na loob ng kanyang grupo sa mga taong tumulong sa kanila. 

Minsan na rin nitong naisip na huwag nang ituloy ang misyon at manatili na lamang sa bayan dahil aminado itong sa maliit na panahong nakilala nito ang mga tao ay lubos nang napalapit ang kanyang loob sa kanila.

Sa kadahilanang masyadong malayo mula sa kabihasnan ang buong bayan at napakahirap din ng daang tatahakin bago makarating ay napakalaki ng kompyansa ng lahat na hindi sila basta basta matutunton ng mga militar.

Isang napakalaking pagkakamali.

Matapos nitong makumpleto ang misyon ay mabilis itong tumungo sa bayan upang ipadala sa headquarters ang mga impormasyon tungkol sa bansa ng Erinaia.

Hindi nito inaasahan ang mabilis na pagkilos ng mga kalaban, huli na bago mapagtanto ng lahat na napapalibutan na sila ng mga sundalo.

Ang malala pa rito ay hindi man lang sila makatawag ng back-up dahil sa kawalan ng signal sa buong bayan at sa patuloy na pag harass sa kanila ng mga sundalo.

Naalala pa nito ang masayang mga batang inosenteng naglalaro sa kalye at ang biglang pagkakaroon ng granada sa lugar na naging sanhi ng kaguluhan sa bayan.

Kagat-labi nitong itinutok ang hawak na baril sa kanyang sintido, handa na itong iputok ang armas ng walang pag alinlangan matapos paulit-ulit na makita ang imahe ng pagkamatay ng mga inosenteng tao sa mismong harapan nito.

Oras na bumalik ang signal at ligtas ang Drive ay awtomatikong ma sesend na sa base ang lahat ng impormasyon kahit wala akong gawin.

"Just let me die peacefully." Bulong nito sa sarili.

"Sadly, we can't let that happened."

Biglang napamulat ang lalaki at napatingin sa nagsalita.

Kita nito ang ulo ng kasamahan na bitbit ng isang dalaga. Gulat na tiningnan ng lalaki ang dalaga mula ulo hanggang paa.

Ang bata pa nito ah, what the fuck?

"Sino ka!" Gulat na wika nito at mahigpit na tinutok ang baril sa kaharap.

"Recka Tuazon, Member of Special Section A. An independent group that specializes in assisting the military throughout its purpose in society..."

Marahang napatingin si Recka sa kanyang relo at napabuntong hininga.

"... We need that Drive as soon as possible, you give it peacefully or not? Pakibilisan ang pag desisyon dahil minuto nalang bago matapos ang misyon namin."

Biglang naningkit ang lalaki sa narinig at pinaputukan ang direksyon ni Recka. Mabilis namang nakailag dito ang dalaga.

Napailing na lamang si Recka at itinapon ang pugot na ulo sa kung saan at kinuha ang maliit na baril nito na nakalagay sa kanyang kaliwang binti.

Mabilis nitong pinaulanan ng putok ang lalaki.

Dahil sa sugat na natamo ng lalaki sa kanyang binti ay wala itong ginawa kundi ang tumakbo at magtago sa mga puno sa paligid, hanggang sa matamaan ng dalaga ang kanyang balikat dahilan upang agad na bumagsak ang lalaki sa lupa.

"Shit!" Galit na itinutok ng lalaki ang baril sa direksyon ni Recka at sunod-sunod itong pinaputukan.

Pilit itong umupo habang di tinitigilan ang pagpapaputok sa punong pinagtataguan ngayon ni Recka.

Ginagamit ng militar ang mga bata sa bansang 'to para makipaglaban sa murang edad? 

Hindi ito makapaniwalang nagpadala ang militar ng mga bata sa mismong battle field. Ang malala pa rito ay ang pagiging bihasa ng dalaga sa paggamit ng armas.

Hindi nito maisip kung gaano kahirap na pagsasanay ang kinailangang madanas ng mga kagaya ni Recka upang maging ganoon ka bihasa sa pakikipaglaban.

Sa gitna ng malalim na pag-iisip ay bigla itong napaluhod at aksidenteng nabitawan ang USB drive matapos matamaan ng bato ang kanyang kamay at tuhod.

Tatalikod pa sana ito nang biglang maaninag ng gilid ng kanyang mata ang isang anino na mabilis na dumaan.

Dahil sa bilis ng pangyayari ay huli na bago nito mapansin na nasa paanan na nito si Recka.

Malakas na ibinagsak ng dalaga ang may kalakihang bato sa mismong USB drive na naging dahilan upang mawasak ito ng tuluyan.

Hindi pa nakakabawi ang lalaki sa nangyayari nang bigla itong matamaan ng kunai sa kanyang likuran.

Wala sa sariling napabuga ito ng dugo nang tumagos ang kunai sa kanyang tiyan. Nalilito nitong sinusundan ng tingin ang mysteryosong sandata na mabilis na bumubulusok palayo papunta sa isang direksyon. 

Bumagsak sa lupa ang kanyang katawan habang pilit na hinahabol ang kanyang hininga.

Gulat na nakatingin lamang ito sa kalangitan at pilit na pinoproseso ng kanyang utak ang nangyayari sa kanyang paligid.

"They say leave no survivors." Mahinang saad ni Recka at mabilis na pinaputukan ang kalaban ng sunod-sunod na bala.







Seryosong tumakbo papunta sa nakatalikod na lalaki si Kent at agad na pumatong sa balikat nito. Di na ito nag aksaya pa ng panahon at parang ahas na umikot pababa sa katawan ng kanyang kalaban.

Dahil sa bilis ng mga galaw ni Kent ay di na naiwasan pa ng lalaki ang bumagsak sa lupa.

Matapos bumagsak ay agad na inabot ni Kent ang isang baril na nakakalat sa gilid nito at walang pagdadalawang isip na tinira ang ulo ng kawawang lalaki.

Matapos nitong makita na wala nang buhay ang lalaki ay mabilis itong tumayo patalikod mula sa pagkakaupo at sunod-sunod na binaril ang mga taong paparating sa kanya.

Bigla namang namataan ng kanyang mga mata ang ilang tao sa di kalayuan, di na ito nag dalawang isip pang itinutok ang suot na gauntlet sa grupo ng mga taong gustong tumakas.

Biglang lumabas mula sa mga palad ng guantlet ang napakalakas na plasma beam, dahilan upang agad na maging abo ang lahat ng natamaan ni Kent.

"This shit is no joke." Humihingal na bulong nito sa sarili habang nakatingin sa gauntlet na ibinigay ni Recka, na ngayon ay punong puno na ng dugo mula sa mga taong napaslang nito simula pa kanina.

Marahang inikot ng binata ang paningin sa paligid habang humihingal, napakadaming bangkay ang nakakalat, bigla nitong nakita ang isang babae na wala nang mga paa ngunit pilit pa ring gumagapang, makaalis lang sa lugar.

Seryosong kinuha ng binata ang isang ligaw na palaso sa kanyang paanan at sinimulan na ang dahan-dahang paghakbang ng kanyang mga paa papalapit sa gumagapang na babae.

Habang papalapit ay rinig nito ang mahihinang ungol ng hinagpis mula sa boses ng babae ngunit diterminado pa rin si Kent sa gagawin nito.

Nang tuluyan na ngang makalapit ay seryoso nitong tiningnan ang babaeng nakadapa, mahigpit nitong  hinawakan ang palaso bago mabilis na ibinaon sa likuran ng babae ang hawak.

Tumagos ito sa dibdib na naging sanhi ng agarang kamatayan ng babae matapos matamaan ang puso nito.

"Sorry." Mahinang bulong ng binata at bahagyang naghanap ng tela sa paligid.

Agad naman nitong namataan ang nakabukas na polo ng isang lalaki sa likurang nito. Mabilis na lumapit dito ang binata.

Malakas nitong pinunit ang polo at muling lumapit sa babae upang takpan ang ulo gamit ang nakuha nitong tela.

Sa muling pagtayo ni Kent ay biglang naningkit ang kanyang mga mata at agad na tumalikod.

Bigla nitong iniluhod ang kaliwang paa kasabay ng pagtaas ng kanyang kamay na may suot ng Clawed gauntlet. Agad na na activate ang plasma shield feature ng sandata.





Mula sa isang mataas na parte ng gubat ay maluwang na huminga sa hangin ang isang lalaki nang makita nito ang malakas na pagsabog sa di kalayuan.

Pabagsak itong napaupo sa lupa at dahan-dahang tumawa habang tiningnan ang mausok na lugar, maluwang nitong ibinaba ang rocket launcher na nakapatong sa kanyang balikat bago malalim na huminga.

Mahina nitong inabot ang isang maliit na pitaka mula sa bulsa nito at kinuha ang nag iisang yosi sa loob, mabilis nito itong sinindihan at malalim na hinithit ang yosi bago nanginginig na ibinuga sa hangin ang usok.

Marahan lamang itong nakatingin sa makapal na usok sa kanyang harapan. Dalawa ang klase ng usok na kanyang nakikita, ang usok na mula sa malakas na pagsabog ng bazooka at ang usok na nanggagaling sa yosing hawak.

Muli nitong isinubo ang dulo ng yosi at marahang ibinuga sa hangin ang usok. Habang nakatangang tinititigan ang usok na nilalabas ng kanyang bunganga, may kakaiba naman itong napansin mula sa usok ng sumabog na bazooka.

Sa kalagitnaan ng pagkalito ng lalaki ay biglang lumitaw mula sa usok ang kinatatakutan nitong binata.

Agad na nanindig ang balahibo nito dahilan upang mabilis nitong mabitawan ang yosi.

Aligaga nitong nilagyan ng panibagong laman ang rocket launcher na hawak, ngunit bago pa man ito makapagpakawala ng bazooka ay tuluyan nang nakalapit sa kanya si Kent.

Malakas nitong sinipa palayo ang Rocket launcher ng lalaki, dahilan upang gulat na napatulala sa kanya ang kaharap habang nakaupo.

"May your god bless you." Seryosong saad nito.

Walang pagdadalawang isip na tinutok ni Kent sa ulo ng lalaki ang Gauntlet nito, di man lang kumurap ang binata nang ma activate ang lazer beam at tamaan sa ulo ang lalaki, dahilan upang agad itong maging abo.

Muling tumalikod ang binata at inikot ang paningin sa paligid.

Dahan dahan itong naglalakad sa gitna ng mga bangkay upang maghahanap ng posibleng mga buhay sa lugar. 

Sa halos dalawa't kalahating oras na pakikipaglaban ay napakarami na nitong napaslang.

Malalim na napabuntong hininga si Kent sa kanyang ginawa, marahan itong lumapit sa dalawang bangkay na nakakalat.

Pagod nitong ipinatong ang dalawang katawan sa isa't isa upang gawing pansamantalang upuan. 

Pabagsak itong napaupo at mahinang napahilot sa sintido habang naghihintay sa mga taong mapapadpad sa kanyang lokasyon.

Ilang minuto rin ang lumipas ng mapansin nito ang ilang mahihinang kaluskos sa paligid. Sa tantya ni Kent ay nanggagaling ang tunog sa isang tao na nasa kanyang likuran.

"Seryoso ka ba diyan?" Walang ganang saad dito ni Kent nang maramdaman ang isang matalim na bagay na nakatutok sa likurang bahagi ng kanyang leeg.

"Matagal-tagal ka ring walang pahinga at sigurado akong wala ka nang natitirang lakas."

Bigla namang napangiti ang binata nang marinig ang boses ng taong nagsalita.

"Nitong mga nakaraan, yung mga babaeng dumadating sa buhay ko, kung hindi weirdo na natu-turn on sa pagpatay o kaya naman eh sobrang yaman at may napakatinding superiority issue, eh gusto naman akong patayin..."

Pagod itong bumuntong hininga.

"... Sana naman maging normal ka man lang, dahil pagod na pagod na akong maka salamuha ng isa pang weirdong babae..."

Tulala itong napatingin sa kanyang mga palad.

"... Ang pangarap kong magka jowa ng kaklase at ang makukulay na senaryong balak kong ikuwento sa mga apo ko balang araw ay bigla na lamang napalitan nang mapasok ako sa SSA..."

Bigla itong napasabunot sa kanyang buhok.

"... Ni hindi ko nga magawang maisip na makasama sa pagtanda ang kahit isa sa tatlong 'yon. Sa tingin ko pa nga, isa mga kasama namin ay isang Hedonistic serial killer. Shit kung talagang totoo ang hinala ko, aba edi awit, patay na kaming lahat sa kamay palang ng taong 'yon..."

Bigla itong naawa sa kanyang sarili dahilan upang pabagsak itong napahilot sa kaniyang sintido.

"... Dalawa pa sa mga 'yon eh may mga superiority issues, ang tataas ng pride. Nahiya pa ang buwan dahil di ko na sila abot, tang ina..."

"... Well at least pantay-pantay ang tingin nila sa lahat. Walang diskriminasyon sa kanila dahil para sa kanila, lahat ng tao ay mga bobo, tanga, inutil at walang kuwenta." Mapait itong napangiti.

"Ano bang pinagsasabi mo!" Galit na saad dito ng babaeng nasa likuran ni Kent, mabilis nitong itinaas ang kanyang kamay upang saksakin ng tuluyan ang binata.

Malalim na napabuntong hininga si Kent at mabilis na gumulong patagilid dahilan upang agad na matamaan ng babae ang katawan ng bangkay na unupuan ni Kent kani-kanina lang.

Napataas ng kilay ang binata nang makita nito ang isang pamilyar na kunai na hawak ng babae.

"Alam mo, dalawang rason lang ang nasa isip ko sa posibleng dahilan kung bakit napasakamay mo ang kunai na 'yan. Una, napatay mo si Sean..."

"... Pero hindi ka naman kagalingan kung lumaban, kaya malaki ang posibilidad na ang pangalawang rason ang dahilan kung bakit nasa 'yo ang bagay na 'yan. Pinaglalaruan ka lang ni Sean, alam mo ba 'yon?"

Sa kalagitnaan ng pagtataka ng babae tungkol sa sinabi ni Kent ay mabilis namang sinipa ng binata ang sikmura ng kaharap dahilan upang agad itong bumagsak sa lupa. 

Takot itong gumagapang papalayo kay Kent habang marahas na umuubo. Sapo sapo ng isang kamay nito ang kanyang sikmura, pilit itong humihinga ng malalim habang nanginginig na itinataas ng babae ang hawak na kunai gamit ang isa pa nitong kamay.

"Takbo." Seryosong saad dito ni Kent habang itinutok sa kaharap ang kanyang sandata.

Kitang-kita ng babae ang unti uting pag recharge ng nakakatakot na lazer beam sa mga palad ng suot na gauntlet ng binata.

Alam nito kung gaano ka mapanganib ang sandatang nakatutok sa kanya dahil halos lahat ng mga namatay sa lugar na ito ay naging abo na dahil lamang sa mismong sandata na pagaari ng lalaking nakatayo sa kanyang harapan.

Nakakatakot lang isipin na ang sandatang nakikita lamang nito sa malayuan habang pinapaslang ang napakaraming tao ay nasa mismong harapan na nito ngayon, 'yon nga lang, mukhang huling beses na rin nitong makikita ang sandata ng malapitan.

"Takbo." Muling usal dito ng binata dahilan upang bumalik sa kasalukuyan ang atensyon ng dalaga. Dahil sa takot at pangamba ay madapa dapa itong tumayo at tumakbo palayo.

Marahang tiningnan naman ni Kent ang relo nito at napabuntong hininga.

Nang tumutok na sa alas dose ang kamay ng orasan ay kitang-kita ng binata ang biglang paggalaw ng sandatang hawak ng babae at ang gulat na pagmumukha nito nang biglang gumalaw ang kunai sa kanyang mga kamay.

Dahil sa higpit ng kapit nito sa sandata ay di na nakakapagtakang parang manikang sumusunod sa malalakas na paghatak ng kunai ang dalaga.

Biglang rumihestro ang takot sa mukha nito ng unti-unting tumututok sa kanya ang patalim ng kunai.

Sa kalagitnaan ng takot at pagkalito sa nangyayari ay nabigla na lamang ang babae ng mabilis na bumulusok ang sandata papunta sa kanyang dibdib dahilan upang agad itong bumagsak sa lupa.

Bigla itong napabuga ng dugo at nalilitong tiningnan ang kalangitan. Kita pa nito ang mabilis na pagbulusok ng kunai papunta sa isang direksyon.

Habang iniisip ang nangyari ay nakarinig naman ito ng mahinang yabag na paparating sa kanyang direksyon.

"Told you, pinaglalaruan ka lang ni Sean." Walang emosyong saad dito ni Kent bago binaril sa ulo ang babae.

Nang makitang wala na itong buhay ay bagot na itinapon na lamang ng binata ang baril sa kung saan.






Mabilis na napabuga ng dugo si Sean at pilit na tumayo habang matalim na nakatitig sa taong nasa harapan nito.

Bigla itong gumulong pakanan dahilan upang maiwasan nito ang isang napakalaking puno na bumubulusok sa kanya.

Habang pinapahiran ang dugo sa bibig ay aksidente nitong nakita ang orasan sa kanyang kamay, agad itong napamura sa saya.

"Putangina, salamat sa kung sino man ang nagbabantay ngayon sa langit." Nanghihinang saad nito at mabilis na kinontrol ang mga kunai na nakakalat sa iba't ibang parte ng gubat.

Continue Reading

You'll Also Like

185K 7.4K 51
Codes. Mystery. Adventure. And a lost city. Curious teenagers venture to the uncertainty. Pack your bags and prepare your travel suits. Buckle your t...
275K 20.9K 57
A new academy opens for the ability-users and a dark twist puts the students in a game of critical thinking and mind manipulation. Serena who becomes...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
56.4M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...