I AM NUMBER 10: BOOK I

By hissotto

328K 7.6K 425

Sa gitna ng normal na takbo ng mundo ay biglang may kakaibang pagsabog ang nangyari sa kalangitan. Isang araw... More

NUMBER 000
NUMBER 001
NUMBER 002
NUMBER 003
NUMBER 004
NUMBER 005
NUMBER 006
NUMBER 007
NUMBER 008
NUMBER 009
NUMBER 010
NUMBER 011
NUMBER 012
NUMBER 013
NUMBER 014
NUMBER 015
NUMBER 016
NUMBER 017
NUMBER 018
NUMBER 019
NUMBER 020
NUMBER 021
NUMBER 022
NUMBER 023
NUMBER 024
NUMBER 025
NUMBER 026
NUMBER 027
NUMBER 029
NUMBER 030
NUMBER 031
NUMBER 032
NUMBER 033
NUMBER 034
NUMBER 035
NUMBER 036
NUMBER 037
NUMBER 038
NUMBER 039
NUMBER 040
NUMBER 041
NUMBER 042

NUMBER 028

4.1K 135 1
By hissotto

"Nakita namin sila sa gitna ng gubat habang nagsasanay kami ng mga kasama ko kanina. Wag kayong mag-alala, di kami lumapit sa kanila..."

"... Kagaya ng napagkasunduan ng dalawang lugar natin, di namin sila hinawakan sa kahit saang parte ng katawan nila at higit sa lahat, di kami nakipag usap." Mahinang kinindatan ni Lucy ang babaeng nasa harapan nito.

Nakasuot ang babae ng napakanipis na damit, tanging ang mga maseselang parte lamang ng katawan nito ang natatakpan ng makapal na tela.

Sabay na napasinghal sa hangin sina Kent, Sean at  Lucy habang nakatingin sa harapan.

Ang galing talagang umarte ng babaeng 'to.

Galit na lumingon ang babaeng nakasuot ng manipis na pananamit kina Andrew, Gene at Jonas. Makahulugan nitong tiningnan ang tatlong binata na halos tatlong araw nang nawawala. Napalunok na lamang sina Gene at kabadong napalihis ng tingin mula sa babae.

Patay na talaga kami nito panigurado.

Marahang yumuko ang babae sa harapan ng limang SSA bilang pagbigay galang bago tumalikod.



Sa kalagitnaan ng maulan na gabi ay makikita ang sampung tao na bumabalik patungo sa karagatan. Katulad ng kasuotan ng babae, halos lahat sa mga kasama nito, maliban kina Andrew, Gene at Jonas, ay nakasuot din ng napakanipis na mga damit na tila di ramdam ang lamig ng paligid na dala ng araw araw na pag-ulan.

Marahas na hinila ng anim na tao sina Gene patungo sa dagat.

Rinig na rinig mula sa kinaroroonan ng mga SSA ang pagsusumamo at ang sunod-sunod na pagpapaliwanag ng tatlong binata tungkol sa nangyari ngunit di man lang pinakinggan ang mga ito.



"Di man lang ako pinansin." Walang ganang saad ni Ara at tumalikod.

"Paano ka papansinin eh di nga sila pwedeng makipag usap sa mga taga labas."

Mahinang kinuha ni Lucy ang isang maliit na piraso ng papel mula sa bulsa nito, marahan nitong dinura rito ang nginunguyang bubblegum bago tuluyang sumunod kay Ara papasok sa kubo.

Napailing na lamang si Kent bago sumunod sa dalawa.

Tahimik na naiwan sa lugar sina Recka at Sean, walang nagsasalita sa mga ito. Tanging malakas na tunog ng ulan at ang paghampas ng alon lamang ang tunog na maririnig sa paligid.

"Anong kaylangan mo?" Seryosong saad ni Recka habang hindi inaalis ang tingin sa dalampasigan.

Parehong nakatanaw sa malawak na karagatan ang dalawa na tila hindi ramdam ang malamig na paligid. Basang basa na rin ang kanilang buong katawan ng ulan ngunit walang ni isa sa kanila ang may pakealam.

"Di ka ba nababahala?"

"Saan?"

"Two days ago, you intentionally provoked Gene with your words."

"So?"

"It's not like you..."

Napakibit balikat lamang dito si Recka. Bahagyang itinaas nito ang kanyang palad dahilan upang makita ng dalaga ang iilang patak ng ulan na patuloy na dumadapo sa kanyang kamay.

"... Their Chief set the rules for some reasons. Pero sa ginagawa mo, you wanted them to rebel against the rules." Dagdag pa rito ni Sean.

"They need to learn how to fight. Kung hindi sila matututo, mapapareho lang ang kapalaran nila sa kontinente ng Riego. Nasa kanila na ang malalakas na kakayahan ng mga hayop sa kalikasan pati na rin ang kakayahang makalipad kagaya ng Agila but they refuse to fight..."

"... Dalawang taon nang nakalipas mula nung matalo at tuluyang makuha ang lupain nila ng mga normal na Mahistiya at Glosya, na mula rin naman sa kontinenteng ito..."

Mahinang ibinaba ni Recka ang kanyang mga kamay at seryosong lumingon kay Sean na nanatiling nakatayo sa kanyang likuran.

"...Tingnan mo saan na sila ngayon, most of them were slaves, selling stuff on the roadside, working hard but only to get the lowest wage. Lahat 'yon nangyari sa mismong tiretoryo nila. Ironic right?..."

Ibinalik ni Recka ang kanyang paningin sa maingay na dalampasigan. Rinig na rinig mula sa kanilang kinalalagyan ang malalakas na paghampas ng alon na tila tatangayin ang ano mag sasagabal sa dadaanan nito.

"...Mali ang sinasabi nilang nag e-evolve na ang panahon. Sa nakikita ko, sa bawat araw na dumaraan parang bumabalik lang rin ang lahat sa masamang kultura. Ang pananakop, ang pang-aalipin, ang hierarchy..."

"... No, nothing has changed." 

"Kahit pa 'yan ang tingin mo, you don't have to be involved in their affairs. May dahilan kung bakit ganoon na lamang kahigpit ang Chief nila. Mas lalaki lang at mawawala sa ayos ang lahat oras na mangialam pa tayo, lalo ka na..."

"... Tama na ang pagbigay natin sa kanila ng konting kaalaman,  delikado na ang pagkakaroon ng sobra. Lahat nagsisimula sa pakonti-konti hanggang sa hindi mo namamalayan, nagkanda leche-leche na pala ang lahat at mahirap nang isaayos katulad ng dati."

Seryosong nagtitigan ang dalawa, walang nagsalita, nagsusukatan lamang ng tingin ang mga ito. Sino man ang unang maglilihis ng tingin ay magsisilbing talunan sa maliit na diskusyong kanilang isinagawa.

"Maglalaro kami, sasali kayo?"

Biglang napalingon sa likuran sina Recka at Sean nang marinig ang malakas na sigaw ni Kent mula sa kubo, masayang nakadungaw ito sa bintana habang nakataas ang cellphone na hawak sa ere.

Sarkastikong napataas ng kilay nito si Sean at matalim na tiningnan ang cellphone na hanggang ngayon ay iwinawagayway pa rin ni Kent sa ere.

"Ganadong-ganado ang laro natin diyan ahh, palibhasa bago yung phone." 

Malakas na tumawa lamang dito si Kent at dumila.

"Kasalanan ko bang tanga ka, ano sasama ka sa laro?"

Napakamot na lamang si Sean sa ulo nito at nagsimula nang humakbang patungo sa kubo.

"Siguraduhin mo lang na mananalo tayo diyan Kent, nung nakaraan pa sunod sunod ang talo ko simula nung sumasama na ako sa inyong mag laro."

"Kami pa nasisi, kung magaling ka edi ikaw magbuhat, di yung sisisihin mo pa kami sa kabobohan mong hayop ka."

"Di ka sasama Recka?" Muling lumingon sa dalaga si Sean habang hawak-hawak ang doorknob ng pinto.

Napailing dito si Recka dahilan upang mapakibit-balikat ang binata bago tuluyang pumasok sa loob.




Bumalik ang katahimikan sa paligid, nanatiling nakatingin ng seryoso si Recka sa pintuan ng kubo kung saan pumasok kani-kanina lamang si Sean.

Matapos ang ilang segundo ay muling humarap sa karagatan ang dalaga, tahimik lang ito, ni hindi na nito pinansin ang masasakit at malalakas na pagpatak ng ulan sa mga balat nito at ang malamig na simoy ng hangin na yumayakap sa kanyang buong katawan.

Dahan-dahang inilagay ni Recka ang kanyang kaliwang palad sa kanyang bibig at yumuko. Hindi pa nakakasampung segundo ng magsimula nang manginig ang mga balikat nito.

"Pfft." 

Nang oras na iyon, mula sa nakakabinging ingay na sanhi ng malakas na ulan at ihip ng hangin sa paligid, ay rinig na rinig ang isang hindi pamilyar na tawa mula sa bibig ni Recka.

"Hoc est malum, I can't stop laughing."

Dahan-dahan nitong inalis ang kamay na nakatakip sa kanyang bibig. Kitang kita sa labi nito ang nakasilay na ngiti, kasabay nito ay ang pagtalim ng mga mata ng dalaga habang nakatingin sa kawalan.

Gaano man kagandang pagmasdan ang bihirang ngiti sa mga labi ni Recka ay ganoon na lamang ang takot na mararamdaman ng sino mang makakakita nito dahil habang patagal nang patagal ay palamig nang palamig ang awrang nakapalibot sa dalaga.

Napahilot ito sa kanyang sentido at mas lalong lumaki ang ngisi na nakapaskil sa kanyang labi.

"Sinong mag-aakalang makakatagpo ako rito ng taong kayang makita ang kakayahan ng iba."

Muli nitong naalala ang gabing may nakakita sa kanyang kakaibang awra, ang nakakamangha pa rito ay nagmula ang binatang ito sa Oceana kung saan kulang nalang ay bumuo ang mga taga rito ng sariling planeta sa labas ng mundong kinagagalawan nilang lahat.

Malakas itong napatawa sa kalagitnaan ng madilim na gabi. Dahil din sa lakas ng tunog ng ulan ay di na nagawa pang mapansin ng mga kasama nito sa loob ng kubo ang nangyayari sa dalaga.

"I couldn't help but think of that man's face once he found out that we were the reason why his people are rebelling..."

"... Ahh yes, that would be fun!"  

Makahulugang ngumisi ito sa hangin habang iniisip ang magiging mukha ng dakilang Chief ng Oceana at ang unti unting pagbagsak ng pinoprotektahan nitong panuntunan sa lugar.

Ang kawalan ng pag-asa, ang galit na paligid, ang diterminasyon sa mga mata ng mga tao, ang sigawan, ang pagtataka, ang unti-unting pagbagsak ng patakaran at pamamalakad ng Oceana, ang pagkakaroon ng dalawang panig na umiiral sa lugar.

Haaah~ That would be great.

Mahina nitong sinuklayan ang kanyang basang buhok gamit ang kanyang mga daliri at malalim na napabuntong hininga bago marahang ngumiti.

"I can't wait."






"Jonas?"

"Oo, recording na."

"Andrew?"

"Nakabantay na."

"Good."

Muling ibinalik ni Gene ang pagmamatyag nito sa limang SSA na kasalukuyang nagsasanay sa dalampasigan. Di alintana ng limang kabataan ang marahas na hampas ng malalaking alon sa kanilang mga paa, patuloy lamang ang mga ito sa pagbitaw ng kanilang malalakas ng sipa at suntok.

"Magbantay kang mabuti diyan Andrew kung ayaw mong mapagalitan na naman tayo ni Chief buong magdamag."

Mahinang saad dito ni Gene habang di inaalis ang paningin nito sa mga kabataang nagsasanay sa dalampasigan.

Bakit di ganyan kalakas ang sipang nagagawa ko nung sinubukan ko silang gayahin nung isang araw?

"Sigurado ka ba sa ginagawa natin Gene?"

Nababahalang tiningnan ni Jonas ang katabi nitong si Gene na seryosong nakamasid sa lima na nasa di kalayuan.

"Oo, oras na umalis sila rito, malaya na nating maiikot ang buong isla at pag nangyari yun, may pagkakataon na tayong pag-aralan ng maayos ang mga ginawa nilang pagsasanay. Kaya ikaw Jonas, ayusin mo ang pagkuha ng video sa kanila."

"Napabuntong hininga na lamang si Jonas at inayos ang camera na hawak nito."

Kasalukuyang nagtatago ang mga ito sa likod ng napakalaking bato. Sa kabila ng maalong karagatan ay nagawang kontrolin ni Andrew ang alon, sampung metro mula sa kanila. Ito rin ang dahilan kung bakit nakakapagmasid ng mapayapa ang tatlo sa kabila ng marahas na sitwasyon ng karagatan.

"May nararamdaman akong lumalangoy papunta rito, hindi ito isda kaya sigurado akoang taga Oceana ang isang 'to." Kabadong usal ni Andrew dahilan upang magtinginan ang tatlo at nagsitanguan na tila alam na alam na ang susunod na mga gagawin.

Mabilis na itinaas ni Jonas ang kanyang kamay dahilan upang magkaroon ng waterball mula sa dagat, agad na inilagay ng tatlo ang mga kagamitan sa loob nito. Maya-maya pa ay biglang itinapon ni Jonas papunta sa kabilang bahagi ng malaking bato ang waterball.

"Anong ginagawa niyo rito?"

Gulat na napalingon ang tatlo sa pamilyar na babae nang bigla itong lumabas mula sa ilalim ng tubig.

Ito ang babaeng sumundo sa kanila nung araw na mahanap na sila at sapilitang pinauwi sa Oceana, ayon na rin sa kautusan ng kanilang Chief.

"Wala ate Caine, nagmamasid lang kami rito."

"Wow, tingnan niyo may pagong."

Agad na tinaas ng babae ang kilay nito matapos mapansin ang kaduda-dudang kilos ng tatlo.

"Pinapaalala ko lang, wag kayong lumapit sa mga taga labas kung ayaw niyong kayo na mismo ang pagbabawalan ni Chief na dumayo sa dalampasigan panghabang buhay."

Pilit na ngumiti ang tatlo sa kanya at sunod-sunod na tumango.

Seryoso nitong tiningnan ang mga binata dahilan upang mas lalong kumabog ang dibdib nina Gene sa takot na baka mahuli sila sa kanilang kasinungalingan, lalo pa at hindi magaling na sinungaling ang mga ito.

"Bumalik na kayo sa Oceana."

"Maya maya na ate, magbibilang pa kami ng isda." Matamis na ngiti rito ni Andrew.

"Wag niyong sagarin ang pasensya ni Chief." 

Seryoso itong tumalikod at muling lumangoy papunta sa Oceana na nasa pinakailalim ng karagatan.

Naghintay pa ng ilang segundo ang tatlo, nang masiguradong wala ng ibang tao ay malakas na napabuga ng hangin ang mga ito.

"Muntikan na 'yon ah."

"Buti na lang ."

"Jonas, kunin mo na ang camera."

Agad na itinaas ng binata ang kanyang mga kamay, unti-unting lumapit papunta sa kanya ang waterball na nasa kabilang bahagi ng malaking bato.

Mabilis na kinuha ng mga ito ang camera at pinagpatuloy ang kanilang ginagawang pagmamasid.

"They're really good." Wala sa sariling komento ni Gene habang muling nakamasid sa limang SSA.





"Andoon pa rin ba ang mga 'yon?" Nagtatakang bulong ni Sean kay Ara.

Palihim na lumingon sa likuran ang dalaga upang silipin ang isang malaking bato sa di kalayuan.

Nasa ilalim ng mataas na bangin ang batong pinagtataguan nina Gene, maliban dito ay malabo rin itong malapitan ng normal na tao lalo pa at may matataas at may madudulas na mga puno na tumutubo sa lugar.

Idagdag pa na may mangilan-ngilan ring matatalas na mga batong nakatago sa ilalim ng tubig na maaring maging sanhi ng pagkadisgrasya ng sino mang tanga ang lalapit sa parteng iyon ng isla.

Kitang-kita ni Ara mula sa kanyang kinalalagyan ang dalawang pamilyar na binata na panay ang silip sa kanila, may dala pang makalumang camera ang isa sa kanila dahilan upang mapabuntong hininga si Ara at mahinang tumango kay Sean.

"Wow, di ko alam kung matatawag ko silang mahusay o mahusay na tanga." Natatawang saad ng binata nang makita nito ang kakaibang pangyayari sa lugar na pinagtataguan ng tatlong pasaway na taga Oceana.

Natural nang malakas ang hangin at ulan sa lugar kaya di na kataka-takang magkakaroon din ng malalakas na alon na humahampas sa kalupaan, ngunit di ito ang bagay na nakaagaw ng pansin sa paningin ni Sean.

May malaking water wall na nakaharang sa tatlo upang hindi tumama sa kanila ang lakas ng paghampas ng alon. 

Ito rin ang dahilan kung bakit maayos na nakikita nina Ara at Sean ang tatlo kung saan sila nagtatago.

"They should know why curiosity killed the cat. Wala bang nagturo sa mga 'yon? Parang mga bata. Kahit yung kasama nilang babae nung nakaraan di man lang napansin ang napaka importanteng detalye sa paligid, like dude hello, may malaking harang ng tubig sa harapan mo. Red flag na po." 

Desmayado napailing na lamang si Lucy matapos marinig ang mahihinang bulong ng dalawa nitong kasama.



Habang nasa kalagitnaan ng pagsasanay ay biglang lumitaw si Hera sa gilid ni Kent.

Mabilis na sumuntok ang binata sa gilid nito kung nasaan nakatayo si Hera, nang mapagtanto nito kung sino ang bigla na lamang lumitaw sa kanyang peripheral vision ay mabilis nitong pinigilan ang sarili at gulat na tiningnan si Hera na ngayon ay nanlalaking mga matang nakatingin sa kawalan.

"Nakakagulat ka naman." Kabadong nilapitan ni Kent ang kaharap at maiging sinuri ang kalagayan ng babae.

Nang bumalik na sa sarili nito si Hera ay agad nitong kinuha ang mga kamay ni Kent at seryosong inabot ang isang bilog at itim na bagay. Nagtataka itong tiningnan ni Kent, marahang binitawan ni Hera ang mga kamay ng binata bago tuluyang dumistansya mula rito.

"Mahalaga ang laman niyan." 

pagkatapos noon ay bigla na lamang nawala sa kanyang harapan si Hera.

Nagtatakang tiningnan ni Kent ang pabilog na Holographic phone sa kanyang kamay.

"Ano 'yan?" 

Agad na nilingon ng binata ang apat nitong kasama at itinaas ang bagay na inabot sa kanya ni Hera.

"Mensahe."













Continue Reading

You'll Also Like

594K 17.9K 58
Reese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa...
5.1M 195K 44
Akala ni Jill Morie ay tapos na ang laban, matapos nilang matalo ang Memoire ay payapa na silang namumuhay ngayon sa Isla Ingrata. Subalit biglang ma...
32.4M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...