I AM NUMBER 10: BOOK I

By hissotto

328K 7.6K 425

Sa gitna ng normal na takbo ng mundo ay biglang may kakaibang pagsabog ang nangyari sa kalangitan. Isang araw... More

NUMBER 000
NUMBER 001
NUMBER 002
NUMBER 003
NUMBER 004
NUMBER 005
NUMBER 006
NUMBER 007
NUMBER 008
NUMBER 009
NUMBER 010
NUMBER 011
NUMBER 012
NUMBER 013
NUMBER 014
NUMBER 015
NUMBER 016
NUMBER 017
NUMBER 018
NUMBER 019
NUMBER 020
NUMBER 021
NUMBER 022
NUMBER 023
NUMBER 024
NUMBER 025
NUMBER 026
NUMBER 028
NUMBER 029
NUMBER 030
NUMBER 031
NUMBER 032
NUMBER 033
NUMBER 034
NUMBER 035
NUMBER 036
NUMBER 037
NUMBER 038
NUMBER 039
NUMBER 040
NUMBER 041
NUMBER 042

NUMBER 027

4.2K 159 22
By hissotto

Mahinang iminulat ni Gene ang kanyang mga mata.

Agad na bumungad dito ang napakalapit na mukha ni Ara, halos magdikit na ang mukha ng dalawa sa isa't isa.

Malakas na napasigaw ang binata dahil sa gulat. 

"Alam mo napaisip ako, nakikita niyo rin ba ang tubig, diba dun kayo humihinga? Kami kasi di namin nakikita ang hangin."

Nakapatong sa dalawang kamay ni Ara sa kanyang baba habang matamis na nakangiti sa harapan ng binata.

Gulat na napatayo mula sa isang maliit na kahon si Gene. Gawa ang kahon sa isang uri ng kahoy na makikita sa gubat ng isla, maingat ding nakalublob ang buong katawan ng binata sa mainit-init na tubig na siyang laman ng maliit na kahon.

Mabilis na inikot nito ang paningin sa paligid, agad na tumalim ang mga mata ni Gene oras na makita nito ang nag-iisang pintuan papunta sa labas.

Agad na napatayo mula sa kinalalagyan nito ang binata. Sa pag tayo nito ay malakas na nagsitalsikan ang ilang malalaking butil ng tubig, mula sa kahon papunta sa sahig, dahilan upang inis na mapasinghal sa hangin si Recka.

Tahimik na nakamasid lamang ito sa gilid habang nakasandal sa pader.

Kakalinis lang nito sa buong kubo matapos makahuli ng makakain sa gubat.

"Tch."

Pagkaapak na pagkaapak pa lamang ng mga paa ni Gene sa malamig na sahig ay agad na nakaramdam ito ng hirap sa paghinga.

Buong lakas na sinapo ni Gene ang kanyang dibdib at sinubukang makakuha ng sapat na hangin upang makahinga ng maayos.

I can't breathe. 

Mariin na kinagat nito ang kanyang ibabang labi at nagpatuloy sa paglalakad. Nakatuon lamang ang buong atensyon nito sa pinto sa kabila ng nararamdaman nitong paninikip ng dibdib.

Sa bawat mabibigat na hakbang na tinatahak ng binata ay mas lalo lang nitong nararamdaman na para bang mas lumalayo ang pintuan mula sa orihinal na pusisyon nito.

"O-oy, wala ba kayong planong tulungan yan?" 

Kabadong tiningnan ni Kent ang mga kasama nito ngunit ni isa sa kanila ay walang planong gumalaw.

"Why don't you?"

Maang na tiningnan lamang ni Kent si Lucy at galit na napamura sa kanyang isipan bago inis na pinigilan ang tatlong galit na malalaking hayop sa kanyang harapan, isa sa kanila ay may balak pang kagatin sa kamay si Kent.

Malakas na sinipa lamang ito ng binata bago sinubukang pabalikin ang mga ito sa orihinal na pusisyon gamit ang tali na halos maputol na sa sobrang pagpupumiglas ng tatlong mababangis na hayop.

Nakaka pitong mabibigat na hakbang pa lamang si Gene ngunit pakiramdam nito ay pitong milya na ang kanyang natahak. Hirap na hirap na ang binata dahilan upang lumabas ang pawis, sa unang pagkakataon, sa kanyang katawan.

Kakaiba sa pakiramdam ang maranasan nito kung paano pawisan lalo na at ito ang unang beses na lumabas ang kakaibang likido mula sa kanya.

Seryoso lamang ito habang nakatingin sa nagiisang bagay na kanyang nakikita, ang pinto sa di kalayuan. Pilit na inaabot ng kamay nito ang pintuan, di na nito pinansin ang luhang dumadaloy mula sa kanyang mga mata, tumutulo na rin ang laway mula sa bibig nito tuwing pinipilit nitong huminga. 

Sa kabila ng sinapit ay patuloy parin sa paghakbang ang binata. Ramdam nito ang mabigat na enerhiyang humihila sa kanya pababa. Ngayon lamang nito naintindihan kung gaano nga ba katindi ang gravity na tinatawag nila.

Sino man ang makakakita sa kalagayan ng binata ay iisiping inagrabyado at binugbog ito ng limampung demonyo. Padapa-dapa itong naglakad papuntang pintuan habang sunod-sunod ang malalalim na paghinga.

Sumigaw man ito ngunit di na kaya ng kanyang lalamunan, himala na nga lang at may maliliit na boses pang lumalabas mula sa kanya.

Biglang bumagsak ang binata sa sahig dahilan upang maagaw nito ang atensyon ni Lucy na kumakain sa di kalayuan. Nakita nito ang mariin na pagkagat ni Gene sa kanyang labi at ang unti-unting pagtulo ng dugo mula rito hanggang sa ang ilang patak ng dugo ay umabot na sa sahig. 

Nakita rin nito ang pilit na paggapang ng binata dahilan upang mas lalong kumalat ang pawis, luha, laway at dugo nito sa sahig.

Napabuntong hininga na lamang si Lucy at nagpatuloy sa kinakain.

Pilit na inaabot ng kamay ni Gene ang doorknob ng pinto. Nasa mismong harapan na ito ng bagay na kanina pa nito gustong mahawakan ngunit dahil bumagsak na nga ang kanyang katawan sa malamig na sahig, wala itong magawa kundi ang titigan ang doorknob habang unti-unting nawawalan ng pag-asa.

Mamamatay na ba ako sa lugar na 'to?

Natatawang tiningnan lang ito ni Ara at natutuwang naglakad papunta sa binata, kinuha nito ang kwelyo ni Gene. Malalim na bumuntong hininga si Ara at malakas na inihagis ang katawan ng binata palabas sa pintuan na parang nagtatapon lang ng isang mabahong sako ng basura.




Tahimik na nakatingin si Sean sa dalawang taga Oceana na seryosong nakaupo habang nakapikit sa maputik na lupa.

Lahat ng patak na nagmumula sa ulan ay naiipon sa kanilang buhok.

Nagkaroon naman ng may kalakihang waterball na sumasakop mula sa kanilang anit hanggang sa pinaka dulo ng bawat hibla ng kanilang mga buhok dahilan upang gumalaw ang mga ito na parang nasa ilalim ng dagat.

Bagot na nakapatong ang baba ni Sean sa kanyang kanang kamay, marahang sinubo nito sa kanyang bibig ang karne na nahuli nito kasama sina Kent at Recka sa gubat gamit ang isa pa nitong kamay. 

Nakaupo ang binata sa sahig ng maliit na balkonahe sa kanilang kubo. 

I'm bored.

Malalim na napabuntong hininga sa hangin ang binata. Kakagat pa sana ito sa karneng hawak nang biglang bumukas ang pintuan sa kanyang likuran.

Di na nagawa pang makagalaw ni Sean. Nakaramdam na lamang ito ng malakas na bagay na tumama sa kanyang batok dahilan upang bumulusok ang walang kamalay-malay na si Sean papunta sa dalawang taga Oceanang tahimik na nakaupo.

Sagad na sagad ang buong katawan ni Sean sa putikan matapos na umilag sina Andrew at Jonas ng makita nila ang bumubulusok na katawan ni Sean papunta sa kanilang direksyon.

Akmang tatayo na sana si Sean mula sa putikan nang bigla niyang maramdaman ang isang mabigat na kamay na nakadagan sa kanyang ulo.

"Gene!"

Masayang sigaw nina Jonas at Andrew sa kaibigan na ngayon ay sunod-sunog ang paghahabol ng hininga na parang tumakbo ng ilang libong metro.

"What the fuck!" 

Labis na nagulat ang tatlo sa biglang pagtayo ni Sean sa putikan. Halos di na ito makilala dahil sa kapal ng putik na bumabalot sa buong katawan nito.

Tuloy-tuloy ang pag ulan sa lugar dahilan upang ganoon na lamang kakapal ng putik na bumabalot sa buong katawan ng kawawang binata.

"Anyari sayo, ba't balot ka ng putik?" 

Nagtataka itong tiningnan ng kalalabas lamang na si Ara.

Galit na itinapon ni Sean, ang hawak nitong karne sa lupa. Halos hindi na mapapansin ang bitbit nitong karne dahil sa putik na nakabalot sa kanyang buong kamay.

"Kurva tento život!"

Galit na sigaw ng binata at umalis. 

Nagtatakang tiningnan lamang ni Ara ang galit na naglalakad na si Sean.

Rinig na rinig nito ang pagalit na sigaw ni Sean, may sinasambit itong mga salita ngunit ni isa ay walang maintindihan si Ara.

"Ano raw?"

Napakibit-balikat na lamang si Jonas at Andrew.

"Umalis na tayo rito." 

Mabilis na kinuha ni Gene ang kamay ng kanyang mga kasama at hinila papunta sa direksyon ng dalampasigan.

Agad na gumuhit ang pagtataka sa mukha nito ng maramdaman nitong ayaw sumama sa kanya ng dalawa.

"Anong problema?"

"Kasi, nung nawalan ka ng malay, may... may mga tinuro sila sa amin na hindi naituro ni chief, gusto pa sana naming matutunan ang mga bagay na yun?"

Kabadong kinuha ni Andrew ang kamay nito na hawak ni Gene.

"Huh?"

"Alam mo ba kung ilang araw kang walang malay?" 

Agad na napalingon si Gene kay Ara, sarkastiko itong tiningnan ng dalaga at nginitian.

Dahil sa naranasan kanina ay wala sa sariling napaatas si Gene ng makita nito ang paghakbang papalapit sa kanila ni Ara.

"Two days, alam mo ba kung anong perwisyo ang nabigay mo, di lang sa amin kundi pati na rin sa mga kaibigan mo? Yung tinatawag niyong chief, pumunta rito para hanapin kayo, eh anong sasabihin namin, di naman pala kayo nagpaalam. In fact bawal palang malaman ng kahit na sino sa Oceana na nanggaling kayo rito. Syempre tinago namin sa mga taga rito kasi nakiusap ang mga kaibigan mo. Ngayon yung buong lugar ninyo halos di na magkandaugaga kakahanap sa inyo."

Matamis na sabi rito ni Ara, pumalakpak pa ito sa binata.

Nabigla naman sa narinig si Gene. Mabilis nitong tiningnan ang dalawang kaibigan ngunit agad na inilihis lamang ng dalawa ang tingin palayo kay Gene.

"Diba kayo rin naman ang dahilan kung bakit ako nawalan ng malay, you attacked me." 

"Huh!"

Nabigla ang tatlong binata nang magbago ang boses at ekspresyon sa mukha ni Ara.

Galit itong dumura sa harapan ng tatlo bilang pag insulto sa sinabi ni Gene.

"Kung hindi ka mahina, di ka mahihimatay, ni hindi nga ganon kalala ang pagsaksak sa 'yo ni Recka. Anong kagaguhan na naman yang rason mo. Kung di kayo pumunta rito edi sana di kayo mapapahamak. Idiot, always making some excuses to blame someone."

"Did anyone know why Sean was mumbling some Slovac back there?" 

Agad na napalingon ang lahat kay Lucy nang dumungaw ito sa bintana. Napakibit balikat na lamang si Ara at lumingon sa tatlo.

"Anyway, tutal gising na itong kaibigan niyo at hinahanap na rin kayo sa inyo. Umuwi na kayo bago pa kami ma ban sa lugar na ito dahil sa kagaguhan ninyo."

Matamis na ngumiti sa kanila si Ara habang tinataboy ang tatlo gamit ang kamay nito.

"Tara,"

"No!"

"Gusto ko rito."

Mabilis na nagkatinginan ang tatlo matapos magsabay-sabay ang kanilang pagsasalita.

"Whatever, pabigat lang kayong tatlo sa mga dapat pa naming gagawin. Mind you, may training pa kami kaya pwede ba, shuu." Muling pagtataboy dito ni Ara.

"Pero hinayaan naming eksperimentuhan niyo ang kakayahan namin." Pagsusumamo rito ni Jonas.

"And nakinabang naman kayo dun, see you can even walk in dry places base na rin sa teoryang binigay sa inyo ni Kent nung isang araw, kung ako sa inyo turuan niyo na lang yang kaibigan niyong nahimatay."

Agad na tumalikod sa kanila si Ara at pumunta na sa loob ng kubo. Muli itong humarap sa tatlo bago pa nito isarado ng tuluyan ang pinto.

"Don't you dare do that same trick again. Baka sa susunod, ako na ang makakapulot sa inyo, see that volcano there? Baka pagising niyo nasa bukana na kayo nun." Matalim na tiningnan nito ang tatlo bago pabagsak na sinarado ang pinto.

Tahimik na nagtinginan ang tatlo.

"Anong ibig niyang sabihin, nakakapaglakad kayo sa lugar na walang tubig?" Nagtatakang tiningnan ni Gene ang mga kaibigan.

"Nagkaroon sila ng interes sa kakayahan natin tapos biglang nagpropose ng isang teorya si Kent. Dahil wala siyang makitang hasang sa katawan natin, kagaya ng sa isda, inisip niya na baka ang pores natin ang pumupuna sa nawawalang gills. Baka raw sagana sa maliliit na capillaries itong mga pores natin kaya natin nakukuha ang hangin na nadi-disolve sa tubig. Pero teorya lang yun ni Kent. "

Mahinang saad dito ni Jonas.

"Nung nakita ka nilang bumuo ng waterball nung gabing nahimatay ka, napag isip-isipan nilang kaya nating kontrolin ang tubig."

"Wait, waterball? Kailan?"

"Nung gabing nahimatay ka nga,"

"Ginawa ko yun?" Nagtatakang tiningnan ni Gene ang dalawa, mahinang tumango lamang ang mga ito sa kanya.

"Diba tatlong kubo ang meron dito sa isla? Kahapon, nilagay nila kami sa loob ng isa sa mga kubo na nandito. Sabi ni Lucy, binubuo ng maliliit na particles ng tubig itong hangin, kaya pinasubok nila saamin na kunin ang maliliit na mga particles na yun at ipunin. Nung ginawa namin yun..."

"... Nakakahinga na kami sa loob ng kubo, binalot namin ang buhok namin ng tubig tapos paunti-unti ay dinidistribute namin ang bawat particles papunta sa pores ng katawa namin."

Biglang pagputol ni Andrew sa sinabi ni Jonas.

"Ano pang ginagawa niyo rito?" Gulat na napalingon ang tatlo sa nagsalita.

"Recka!" Masayang lumapit na parang bata sina Andrew at Jonas sa dalaga.

Takot na napalunok lamang si Gene at wala sa sariling napaatras. Di parin nito makakalimutan ang nangyari. Kahit na wala itong ideya kung ano nga ba talaga ang nangyari nung gabing yun.

Tiningnan lamang ito ni Recka, agad na iniwas ng binata ang kanyang paningin sa dalaga, di nito kayang matitigan sa mata ang kaharap lalo pa at nakakaramdam ito ng hindi kaaya ayang presensya mula sa dalaga.

"Ikaw, you're not a, how do they call that, ah tama. You're not a Glosya, aren't you?"

Biglang tumaas ang gilid ng labi ni Recka, bigla namang nakarinig ng mahinang tawa si Gene dahilan upang mapatingin ito ng diretso sa dalaga.

"Bakit, di mo ba kayang isipin na kaya kang matalo ng Glosya?" 

"No, di lang yun, the wave..."

Marahang itinaas ni Gene ang kamay nito at tinuro ang itaas ng ulo ni Recka.

"... The wave that's roaming around you, Wala niyan ang mga kasama mo. Nakikita ko lang yan sa paligid ng mga dumadayo ritong Mahistya."

Biglang umihip ang malakas na hangin dahilan upang mapapikit ang lahat.

"What are you talking about?" Pagmulat ni Gene ay agad na tumatak ang pagtataka sa mukha nito.

Nakita nito ang matamis na ngiti ng dalaga, maliban dito, wala na.

Wala na ang lumulutang na bagay sa paligid ni Recka.

Namamalikmata lang ba ako?

"Alam mo, sabi nila, oras na magkulang ang oxygen na dumadaloy sa utak mo, it can cause severe hallucinations and delusion. Be careful, mukhang naapektuhan yata yan kanina habang nagpupumilit kang makalabas sa kubo."

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.1K 58
A girl comes to destroy his world. A boy vulnerable for her existence. Their worlds collide and their fates are chained. Her existence is his destr...
594K 17.9K 58
Reese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa...
32.4M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...
5.1M 195K 44
Akala ni Jill Morie ay tapos na ang laban, matapos nilang matalo ang Memoire ay payapa na silang namumuhay ngayon sa Isla Ingrata. Subalit biglang ma...