I AM NUMBER 10: BOOK I

By hissotto

328K 7.6K 425

Sa gitna ng normal na takbo ng mundo ay biglang may kakaibang pagsabog ang nangyari sa kalangitan. Isang araw... More

NUMBER 000
NUMBER 001
NUMBER 002
NUMBER 003
NUMBER 004
NUMBER 005
NUMBER 006
NUMBER 007
NUMBER 008
NUMBER 009
NUMBER 010
NUMBER 011
NUMBER 012
NUMBER 013
NUMBER 014
NUMBER 015
NUMBER 016
NUMBER 017
NUMBER 018
NUMBER 019
NUMBER 020
NUMBER 022
NUMBER 023
NUMBER 024
NUMBER 025
NUMBER 026
NUMBER 027
NUMBER 028
NUMBER 029
NUMBER 030
NUMBER 031
NUMBER 032
NUMBER 033
NUMBER 034
NUMBER 035
NUMBER 036
NUMBER 037
NUMBER 038
NUMBER 039
NUMBER 040
NUMBER 041
NUMBER 042

NUMBER 021

4.3K 161 0
By hissotto

Nang makuha na ng dalaga ang bagay na kinakailangan nito ay agad itong lumabas sa gusali, matapos ang ilang metrong paglalakad ay agad itong napahinto.

Matalim na tiningnan ni Recka ang ilang kalalakihang nasa harapan nito.

Nakasuot ang mga ito ng itim na tuxedo habang may iba't ibang klase ng maskara sa kanilang mukha.

Mahinang napatawa na lamang ang dalaga ng makita nito ang pamilyar na maskara na suot ng isa sa mga lalaki, ito kasi ang nakalaban nito sa bidding sa loob ng auction house.

"Siguro naman alam mo kung bakit kami nandito?" 

"Can't win in the bidding thus you can only hire those people to get it from me huh?"

"Shut up!"

"Stultus, pinapahamak mo lang angsarili mo." Napailing na lamang si Recka.

Walang gana itong napatingin sa kanyang relo.

It's almost time.

Marahang inikot ng dalaga ang tingin sa paligid, halos lahat ng mga tao sa paligid ay tahimik lamang na nakatingin sa kanilang direksyon.

Nakaupo o di kaya ay nakahiga ang mga ito sa lupa, walang suot na damit ang iian sa mga ito, mapapayat rin ang hubog ng kani-kanilang katawan na halatang kulang sa pagkain ang lugar. Kung magkakaroon man ng gulo ay pikit-mata lamang ang mga ito na mananatili sa kanilang posisyon.

Napakamot na lamang si Recka sa kanyang ulo at napailing.

Di na nakapagtatakang malakas ang loob ng hayop na gawin 'to sa publiko.

Dahan-dahan nitong inalis sa lalagyan ang isang pamilyar na dagger.

Agad na tumalim ang mata ng lalaking kaharap ni Recka nang makita nito ang bagay na hawak ng dalaga.

My family heirloom!

"Kunin niyo ang hawak niya!"

Di na nagawa pang makakilos ng mga armadong mga lalaki nang biglang mawala sa kanilang harapan si Recka.

Isa isang sinaksak ng dalaga ang mga ito sa pinaka kritikal na mga parte ng kani-kanilang katawan gamit ang dagger.

Hindi na nagawa pang magsisi ng mga ito na tinanggap nila ang utos ng lalaki, sa sobrang bilis ng pangyayari ay agad na binawian ng buhay ang mga ito na hindi man lang nalalaman ang nangyari sa kanila.

Sa ilang kisap-mata lamang ay tanging ang lalaking nag-utos na kunin ang dagger mula sa kamay ni Recka na lamang ang mag-isang nakatayo sa lugar.

Lahat ng mga kasama nito ay may mga tama na sa maseselang bahagi ng kanilang mga katawan dahilan upang humantong sa agarang kamatayan.

Nanlalaking mga matang tiningnan ng lalaki ang mga kasama nito na nakahandusay sa malamig na lupa.

Agad na nanlamig ang kanyang buong katawan, nanginginig na napaupo ito sa lupa habang takot na tiningnan si Recka na nakatayo sa kanyang harapan.

Napanganga ngunit walang boses na lumabas mula sa lalamunan nito. Sa isang iglap lang ay hindi na nito nagawa pang makapagsalita ng lalaki. 

Hindi nito mawari ang dapat na mararamdaman, naghalo-halo na sa kanya ang galit, takot, gulat, pagkalito, at ang kagustuhang mabuhay dahilan upang mablanko ang pag-iisip ng lalaki. 

Malakas na iwinasiwas ng dalaga ang dagger sa ere dahilan upang tumalsik ang ilang dugo mula sa dagger papunta sa mukha ng lalaki.

Napataas naman ng kilay si Recka ng makita nito ang unti-unting pagkakaroon ng basa sa pantalon ng lalaki dahil sa sobrang takot.

"Alam mo, dapat malaman mo ang ibig sabihin ng sportsmanship."

Parang biglang tumigil ang lahat sa mga oras na iyon. Ni hindi na nagawa pang kumurap ng lalaki ng muling iwinasiwas ng dalaga ang sandata nito.

Kitang kita sa mukha nito ang halo-halong emosyon habang nasa ere ang kanya ulo. Kagaya ng sinapit ng kanyang mga kasamahan, hindi na nagawa pang malaman ng lalaki ang sanhi ng kanyang kamatayan dahil huli na nang mapagtanto nitong hindi basta basta ang taong kanyang kinalaban.

Parang isang tunog ng malakas na drum ang pagbagsak ng ulo nito sa lupa dahilan upang gulat na napatingin ang lahat ng taong nagkalat sa daan sa nakatayong pigura ni Recka, walang nakakakilala sa dalaga dahil suot pa rin nito hanggang ngayon ang puting maskara.

Biglang tumalim ang mga mata ng mga taong nasa paligid ng makitang pugot na ang ulo ng pinaka huling kalaban ng taong tahimik na nakatayo sa gitna ng naguumapaw na dugo mula sa bangkay ng mga namatay.

Dahan dahang kinuha ng dalaga ang puting panyo nito bago maingat na nilinis ang hawak na dagger, na ngayon ay punong puno na ng pulang likido

Inikot nito ang paningin sa paligid, nakita nito ang matatalim na mga matang nakatingin sa kanya mula sa mga taong nakahandusay sa daan.

Parang mababangis na mga hayop sa gubat ang mga ito na matyagang naghihintay sa kanyang pag alis sa lugar bago tuluyang lapitan ang iniwan nitong mga bangkay.

Nang makitang wala nang bahid ng nakakadirig pulang likido ang sandatang hawak ay di na ito nagdadalawang isip pang itinapon sa gitna ng mga bangkay ang maruming panyo bago umalis.

Nagmistulang mga hayop na nag uunahan ang mga tao sa paligid papunta sa mga bangkay na nakahandusay sa daan.

Mabilis na kinuha ng mga ito ang kanilang kagamitan kagaya ng damit, sapatos, relo at ilang bagay na mapapakinabangan.

Ilang sandali pa ay wala nang mga saplot ang mga bangkay. Ilang parte rin ng kanilang katawan ang nawawala lalong lalo na ang kanilang lamang loob kayaga ng atay at mata.

"Isn't it too much?" Napalingon naman si Recka sa lalaking nasa likuran nito.

Suot pa rin nito ang kanyang gintong maskara.

"Too much? Pag nagkataon, ako ang nakahandusay sa daan na 'yan at hindi sila. First of all, they're the ones that come to me first. Sigurado rin akong hindi aalis ng walang dumadaloy na dugo sa kalya ang mga 'yan kahit pa ibigay ko ng mapayapa ang gusto nila." 

Sinundan naman ng lalaki ang papaalis na pigura ni Recka hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin. Muling nilingon nito ang daan kung saan nakatayo ang illegal na auction house na pinuntahan nito kani-kanina lang.

To think that this kind of place operates in this type of environment. Should I report this to the government?

Napailing na lamang ang lalaki sa naisip nito.

"Mukhang masaya naman dito, wag na nga lang."




"Asan na ba kasi si Recka." Bagod na napaupo na lamang sa gilid ng fountain si Kent.

"Woah, di ko alam na ganito pala rito tuwing gabi." Manghang napatingin sa paligid si Sean.

Kung kaninang umaga ay walang gaanong tao na makikita sa shopping district, ngayon ay unti-unti nang dumarami ang mga tao sa paligid.

Madaming nagsibukasang gusali kagaya ng mga bar, night club at ilang mga tindahan ng iba't ibang parte ng mga robot oras na kumagat ang dilim, ito rin ang dahilan upang mas lalo itong dayuhin ng mga taong baliktad ang takbo ng oras.

"Kanina pa kayo?" Napalingon naman ang lahat sa nag salita.

"Recka, sa wakas!" Masayang kumaway sa paparating na dalaga si Ara.

Nang makalapit na sa kanila si Recka ay agad na rumehistro ang pagtataka sa muka ng apat.

"Bakit amoy dugo ka?" Nagtatakang inamoy ni Ara ang kaharap.

"May pinatay ka ba o napaaway?" Walang ganang saad naman dito ni Lucy.

Napakibit-balikat na lamang si Recka bago inilabas ang telepono nito.

Akmang tatawagan na sana nito ang kotse nila kanina kaya lang agad itong pinigilan ni Sean.

Tinaasan na lamang ni Recka ng kilay ang binata. Matalim na tiningnan ni Recka ang braso nitong mahigpit na hinahawakan ni Sean.

Nang mapansin ang matalim na tingin nang dalaga ay mabilis na inilayo ng binata ang katawan nito.

"Y-you know, di pa naman ganon ka gabi diba? Bakit di muna tayo mag ikot sa paligid?"

"Bobo ka ba, Anong gagawin ko sa mga pinamili ko? Okay lang naman kung ikaw ang bibitbit." Sarkastikong tiningnan na lamang ni Lucy si Sean habang itinataas ang hawak nitong shopping bags.

"Mas bobo ka, pwede mo namang ipadala yan sa mga helper bots, tanga."

"F.Y.I. Idiot. These things will cost all your fortune. Hindi ko 'to ipagkakatiwala sa mga helper bots, no way!"

"Edi umuwi ka mag isa mo. So sinong sasama?" Nilingon naman ng binata sina Ara at Kent.

"Mukhang masaya nga 'yon."

Masayang pumalakpag naman si Sean matapos makita ang pagtango ng dalawa.

"Baka nakakalimutan niyo, may training pa tayo bukas." Seryosong saad ni Recka dahilan upang mapatigil ang lahat.

"Di naman tayo maglalasing buong gabi eh, magiikot ikot lang naman tayo, di naman siguro makakaapekto 'yon bukas."




"Shit."

Agad na nawalan ng malay si Sean bago pa ito masuntok ng tulyan ni Lucy sa mukha.

Mabilis na tumigil ang lahat sa pagsasanay at lumingon sa direksyon nina Lucy at Sean.

"Anong ginawa mo?!"

Agad na napalingon sa nagsalita si Lucy.

"Ni wala pa nga akong ginawa, bigla nalang siyang natumba."

 Nagtatakang nilapitan ni Ara ang nakahandusay na binata at tiningnan ang kalagayan nito.

"Oh, wala namang problema sa kanya, kulang lang siguro sa tulog ang hayop."

"Di nga natulog kagabi 'yan. Nakita ko pang umalis yan ng hating gabi papunta sa Capital. Parang tanga."

Agad na inalala ni Kent ang nangyari kagabi.

Pagkauwi kasi ng mga ito ay agad na natulog ang lahat maliban kay Sean.

Bahagyang nagising si Kent ng may marinig itong ingay mula sa labas ng silid.

Nakita nitong palihim na tumatakas mag isa si Sean papunta sa bayan, para mamasyal.

Nung oras kasi na inaya nito ang lahat na mamasyal bago umuwi ay agad na tumanggi ang lahat sa kadahilanang buong araw na ang mga ito na palakad-lakad sa shopping district kaya mas minabuti na lamang ng lahat na magpahinga.

"Bobo nga talaga." Mahinang kumento rito ni Lucy.

"Magpatuloy na kayo sa ginagawa niyo."

Marahang nilapitan ni Recka ang nakahandusay na binata.

"Someone whose dumb at managing their time was actually able to enter here." Nang iinsultong tiningnan ito ni Recka bago tumawag sa telepono.

Maya maya pa ay nagsidatingan na ang ilang helper bot.

Nang tuluyan ng maalis ang katawan ni Sean sa lugar ay agad na hinarap ni Recka ang iba pa nitong mga kasama.

"Mag patuloy na tayo, Lucy ako muna ang makakalaban mo."

Continue Reading

You'll Also Like

56.4M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
1.7M 72.1K 58
A girl comes to destroy his world. A boy vulnerable for her existence. Their worlds collide and their fates are chained. Her existence is his destr...
32.4M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...
146K 5.1K 52
Fight for your life. Yourself is your only ally.