I AM NUMBER 10: BOOK I

By hissotto

328K 7.6K 425

Sa gitna ng normal na takbo ng mundo ay biglang may kakaibang pagsabog ang nangyari sa kalangitan. Isang araw... More

NUMBER 000
NUMBER 001
NUMBER 002
NUMBER 003
NUMBER 004
NUMBER 005
NUMBER 006
NUMBER 007
NUMBER 008
NUMBER 009
NUMBER 010
NUMBER 011
NUMBER 012
NUMBER 013
NUMBER 014
NUMBER 016
NUMBER 017
NUMBER 018
NUMBER 019
NUMBER 020
NUMBER 021
NUMBER 022
NUMBER 023
NUMBER 024
NUMBER 025
NUMBER 026
NUMBER 027
NUMBER 028
NUMBER 029
NUMBER 030
NUMBER 031
NUMBER 032
NUMBER 033
NUMBER 034
NUMBER 035
NUMBER 036
NUMBER 037
NUMBER 038
NUMBER 039
NUMBER 040
NUMBER 041
NUMBER 042

NUMBER 015

5K 178 2
By hissotto

Dahan dahang pumasok ang apat sa loob ng silid.

Mahinang lumapit ang paru-paru kay Den, bahagyang itinaas ng binata ang kanyang kanang kamay dahilan upang pumasok sa palad nito ang Paru-paru, pansamantala itong naging isang napakagandang tattoo sa kamay ni Den.

"Woah," manghang kinuha ni Blue ang isang maliit na kulay bughaw na designer's bag, nakakalat lamang ito sa itaas ng malaking kama.

"Hey, don't touch anything remember." Agad na ibinalik ni Rie ang hawak ni Blue kung saan man nito ito nakuha, inis na napasinghal na lamang sa kanya ang dalaga at mataray na umalis.

"Dude relax. No one's gonna know if no one's gonna snitch." Pabirong inakbayan na lamang ni Den ang kabadong binata at ginulo ang kanyang buhok.

"This room is the most extravagant room I've ever seen in my entire life."

Di makapaniwalang inikot ni Rain ang kanyang mga mata sa paligid ng kwarto, sumisigaw ang karangyaan saang sulok man ito tumingin. Mula sa mga mamahalin at kilalang paintings na nakakabit sa pader, na tanging sa internet lang nito nakikita, hanggang sa mga make-up kit na tanging mga mayayaman lamang ang nakakabili.

"Kaninong silid to?" Nagtatakang tiningnan ni Rain ang kalapit na binata na may hawak na maliit na papel.

"Probably someone who has the initial of L.M."

Maingat na ibinalik ni Den ang hawak nitong papel sa study table malapit sa kama, naglalaman ito ng isang mensahe.

"Anong nakasulat diyan?"

"Give me some gold, I need to buy some things around here. By the way, this school is kind of okay, oh and please do tell those bastards, 'Fuck you!'..."

"...Love L.M."

Nagkatinginan na lamang sina Den at Rain bago inis na napatawa ang dalaga.

"Tangina, sana ganun din ako noh, tamang hingi lang ng gold tapos mumurahin kung sino man ang tinutukoy sa mensahe. Pag ako siguro gumawa niyan baka sa labas na ako ng capital nakatira. Pucha, ni pera nga wala ako, why the heck is this Glosya so rich?"

"Woah! This is huge!" Agad na napalingon ang dalawa sa pinagmulan ng boses ni Blue.

Pumasok ang mga ito sa isang pinto, bumungad sa kanila ang napakalawak na walk-in closet. Kalahati sa mga damit na nandito ay puro mga training uniform, pero agaw pansin parin ang ilang designer's dress na nakakalat sa iba't ibang parte ng malawak na closet.

"Fuck, those are the bags that I've always wanted!" Nanlalaking mga matang bulalas ni Blue habang nakatingin sa isang shelf.

Halos mapuno na ito ng koleksyon ng iba't ibang uri ng mamahaling mga bag. Nakakandado ang glass door na nakakabit sa mismong shelf dahilan upang hindi ito basta-basta mabubuksan ng sino man.

"Tara na, pakiramdam ko mas lalo lang akong minamaliit ng silid na 'to pag nagtagal pa ako rito."

"Finally!" Masayang tinapik na lamang ni Rie ang balikat ni Blue at nauna nang naglakad palabas sa malawak na closet.

Sumunod naman dito ang tatlo, pagkalabas ng mga ito sa closet ay bumungad ulit sa kanila ang marangyang silid.

Akmang aalis na sana ang apat mula rito ng aksidenteng dumapo ang mga mata ni Blue sa isang may kalakihang pinto. Di madaling makita ang pintuan dahil halos matabunan na ito ng makakapal na dahon ng isang may kalakihang halaman, maingat na nakalagay ito sa gilid ng pinto.

"Hey let's check that door there." Napalingon naman ang lahat sa pintuang tinuro ni Blue.

Inis na sumunod na lamang sa kanila si Rie.

What the heck, can't we just get the fuck out of here!

"Is it lock?"

Dahan dahang inikot ni Den ang doorknob.

"It's open, tara."

Kabadong humakbang papasok ang apat na kabataan, may iba't ibang armas na nandoon sa loob ng silid, kabilang na ang ilang baril, palaso, darts, at kung anu-ano pang armas na
Ginagamit sa malayuang pag atake.

"What the hell is this room?" Hindi makapaniwalang tanong ni Den, inikot nito ang kanyang mga mata sa paligid.

Napalunok naman ang lahat ng tumama ang kanilang paningin sa kanang bahagi ng silid, napakaraming AI robots ang nandoon.

Para silang mga tunay na tao dahil gawa sa silicon ang ilang parte ng katawan ng mga ito, ang mas nakakatakot dito ay may mga tama ang mga ito ng palaso at bala sa iba't ibang parte ng kani-kanilang katawan, lalong lalo na sa kanilang mga ulo.

Ilan sa mga AI robots na nasa loob ng silid ay patiwarik na nakasabit sa kisame na parang ilang beses nakaranas ng pagpapahirap. Napakagulo ng ayos ng buhok at damit ng mga ito, tipong halos mapunit na ang ilang part ng kanilang katawa.

Kung totoong tao lang ang kawawang mga AI robots, walang pagdadalawang isip na iisipin ng apat na dumaan sa isang napakasakit na torture ang mga ito mula sa may ari ng silid.

May ilang salita ring nakasulat sa pader gamit ang iba't ibang uri ng pintura.

Lahat ng mga ito ay nakakagambala at masyadong brutal para sa mga mata ng apat na kabataan.

Napalunok na lamang si Rie sa nakikita, malamig na pinagpapawisan ang buong kalamnan nito.

Nakikita na nito ang sarili na nakasabit sa kisame kagaya ng sinapit ng mga kawawang AI robots oras na malaman ng may ari ng silid na pumasok ang mga ito sa silid ng walang pahintulot.

Ito na nga ba ang sinasabi kong hindi na dapat kami nangialam pa eh

"L-let's just get out of here." Kabadong wika rito ni Rie.

Walang pagdadalawang isip na nagsilabasan ang mga ito sa buong silid habang nagtutulakan, naapakan pa ng mga paa ni Blue ang isang mamahaling jacket na gawa sa malambot na tela na nakakalat lamang sa sahig malapit sa kama.

Nang tuluyan ng makalabas ay pabagsak na sinara ng mga ito ang pinto.

"Aray ko naman!" Inis na sigaw ni Blue ng may umapak sa kanyang mga paa. Aksidenteng napasandal ito sa pintuan na nasa harapan.

Malakas itong bumagsak ng biglang bumukas ang pinto pagkasandal na pagkasandal pa lamang nito rito.

Inis itong tumayo at pinagpagan ang sarili tsaka inikot ang tingin sa loob ng silid.

Napataas ito ng kilay ng makitang simple lang ang lahat. Hindi pa ganoon ka ayos ang silid at may ilang bagahe pang nagkumpulan sa harapan ng pintuan ng walk-in closet.

Halatang di pa nakapag ayos ng silid ang sino mang may ari nito.

Wala namang bago o kahit na anong kakaiba kung titingnan.

Agad na nagtinginan ang apat ng makita ang isang pamilyar na pintuan. Nangungusap ang tingin ng mga ito sa isa't isa.

"No! Nakita niyo naman kung anong meron sa likod ng pinto na 'yan sa kabilang kwarto diba?" Bulalas ni Rie.

"Y-yeah, baka di nga magandang ideya yun." Kinakabahang wika naman ni Den ngunit tinaasan lang ito ng kilay ni Rain tsaka mataray na pinihit ang pintuan.

Sabay sabay na nagsibukas ang ilaw sa loob ng silid.

Kulay puti ang buong silid, at sa apat na sulok nito ay may mga lampara na nakakabit dahilan upang mas lalong lumiwanag ang paligid.

May isang napakalaking mapa ng buong mundo ang nakalagay sa gitnang bahagi ng silid. Naakapatong ito sa isang malawak na mesa, maya maya pa ay lumitaw na ang hologram ng mga maliliit na bayan sa ilang piling lugar sa mapa, detalyado ang pagkakalagay ng lugar dahilan upang mas lalong mamangha ang apat.

"Para san kaya yan?"

"Don't know, pinag aaralan ata nila ang buong mundo."

Napakibit balikat na lamang sa isa't isa sina Den at Blue tsaka inikot ang mga mata sa paligid.

"Tara na, mukhang wala namang makikita rito." Walang ganang wika ni Rain dahilan upang isa-isang lumabas ang apat."

Marahang sinarado naman ni Blue ang pinto, nakaligtaan ng mga ito na makita ang pagbukas ng gitnang bahagi ng mesa, lumabas mula rito ang isang napakaliit na baril ngunit napaka delikado.

Kaya nitong burahin ang buong bayan sa isang kalabit lamang ng gatilyo nito.




"Kaninong kwarto kaya yun?" Nagtatakang tanong naman dito ni Rain ngunit napakibit balikat na lamang ang tatlo.

Mahinang pinihit ni Den at binuksan ang katabing pinti ng kwartong pinasok nila kanina.

"Woah," manghang saad ni Rie ng makita ang napakaraming aklat sa silid.

May ilan pang natira sa mga kahon na nasa sahig at halatang hindi pa ito tapos sa pag aayos. Lahat ng pwedeng lagyan ng aklat ay nilagyan na ng sino mang may ari ng silid.

"Bookworm,"

"Yeah," manghang napatingin sa paligid ang lahat.

Di lang kasi ito basta bastang mga libro, halos lahat dito ay mga encyclopedia, kasaysayan ng iba't ibang bansa, biology at iba pang uri ng pang matalinong libro.

"Tingnan niyo rito." Napalingon ang lahat kay Blue ng buksan nito ang isang pamilyar na pinto.

Agad na kinilabutan ang apat, may iba't ibang klase ng mga hayop na nakalagay sa loob ng mga bote.

Meron ding mga halimaw na napapaloob sa malalaking glass tube, nakalutang ang mga ito mula sa isang espesyal na likido upang hindi mabilis mabulok.

Dahil sa nangyaring pagsabog noon, hindi lamang ang mga tao ang naapektuhan, nagkaroon din ng bagong uri ng mga hayop kung saan mas delikado at mas malakas kumpara sa mga nakagisnang nilalang.

"What the fuck," wala sa sariling bulong ni Den ng tingnan nito ang malaking utak ng isang halimaw na nasa loob ng garapon.

"This room is creepy yet fascinating."

Hindi makapaniwalang nakatingin si Rain sa kalapit na tube, nakalagay dito ang buong katawan ng isang halimaw. Kasing laki ito ng isang normal na tao dahilan upang bahagyang tumingala ang dalaga upang makita ang nakapikit na mga mata ng halimaw.

"Lipat na tayo, baka dumating pa ang may ari ng kwarto na 'to. Pag nagkataon, baka sa susunod makita na natin ang isa't isa na nasa loob ng isa mga tube na nandito." Sumang ayon naman ang lahat sa sinabi ni Rie at pumunta sa katapat na silid.



"Bata ba ang may ari nito?" Nagtatakang wika ni Den ng makita ang disenyo ng buong silid.

Kulay rosas ang paligid, pati ang kama ay kulay rosas din. May ilang makukulay na bulaklak naman ang naka disenyo sa palibot ng isang salamin.

May mga stuff toys ding nasa itaas ng kama. Napakarami ng mga ito na tipong aakalain ng sino mang makakakita na isang batang babae ang may ari ng silid.

Halatang alagang-alaga ito dahil na rin sa mabangong halimuyak ng bulaklak, sobrang linis ng buong silid, tipong walang alikabok na makikita kahit saang sulok man tumingin ang apat.

Sa lahat ng kanilang napuntahan, ito na ata ang may pinaka magandang silid sa lahat.

"Sa natutunan ko simula kanina, everything will change when we open this door." Nagtinginan naman sila, mahigpit na hinawakan ni Blue ang doorknob ng isang kulay rosas na pintuan.

Marahan nito itong pinihit na siyang pinagsisihan ng lahat.

Bumungad sa kanila ang isang silid na punong-puno ng malalaking mga manika, kasing laki ang mga ito ng normal na tao.

Nakaupo ang mga magagandang mga manika sa kulay puting upuan. May pabilog na mesa sa kanilang harapan kung saan nakahain ang ilang makukulay na tea set at pekeng mga pagkain. Kung tutuusin ay napakagandang tingnan nito kung kakaligtaan ang lagay ng mga manika.

Parang nasa isang masayang picnic ang mga ito habang nakaupo sa ilalim ng magandang araw. Ngunit taliwas sa masayang awra na pinapakita ng paligid, halos di na maipinta ang mukha ng apat na kabataang nakatingin sa loob ng silid.

Ilan kasi sa mga manika ay wala nang ulo, ang iba naman ay may mga saksak sa katawan o kaya naman putol na ang mga kamay.

Masyado ring magulo ang kanilang mamahaling gown. Sa unang tingin ay parang nagkaroon ng murder scene sa lugar, dalawa sa ulo ng mga manika ay nakakalat sa sahig at ang isang ulo naman ay nasa pinakagitnang bahagi ng mesa.

Nakatingin sa apat ang ulo na nasa mesa habang matamis na nakangiti. Wala sa sariling napahakbang patalikod si Rie.

"How to unsee. How to unsee. How to unsee." Paulit ulit nitong pinahiran ang kanyang mga mata tsaka tumalikod.

"This will give me anxiety the next time I see a doll." Inis na wika naman ni Rain tsaka dahan dahang sinarhan ang pinto.

"Should we go to the last room?"

Gulat naman na napatingin kay Blue si Rie.

"Oh, come on! Di pa ba kayo nadadala. Privacy, haven't you heard that word?"

Napaikot na lamang ng mga mata si Rain tsaka lumabas na ng silid.

Sa dulo ng hallway ay nandoon ang huling silid.

"Tara na nga ng matapos ang lahat ng ito." Inis na wika ni Rie at binuksan ang silid.

"The hell," wala sa sariling napabulong na lamang si Den, dahan dahan itong pumasok sa loob ng silid.

Madilim ang paligid at sarado rin ang mga kurtina sa kwarto, walang kahit na anong kagamitan na makikita maliban sa isang bagay na nasa gitnang bahagi ng silid.

"Is... is that a coffin?"

Wala sa sariling inikot ng lahat ang buong silid ngunit maliban sa iilang damit na nasa loob ng walk-in closet ay wala na silang makita pang ibang kagamitan.

"Ano kayang meron dito."

Maingat lumapit si Rain sa isang pamilyar na pintuan, marahan nitong inikot ang doorknob ngunit bigla itong natigilan ng may kamay na humawak sa kanyang balikat.

"Anong ginagawa niyo rito?"

Dala ng magkahalong gulat sa taong nagsalita at sa takot na nahuli sila, hindi na inalam ng mga ito kung sino ang taong iyon, mabilis na umalis sa loob ng silid ang apat habang nagtutulakan sa isa't isa.

Seryoso lamang na tiningnan ni Recka ang mga estudyanteng kumakaripas ng takbo papuntang hagdan.

Ibinalik nito ang tingin sa isang pamilyar na pintuan, marahan itong umalis sa kanyang silid at sinarado ang pinto.

"Kaylangan ko na atang palitan ng fingerprint doorknob ang pinto para hindi na maulit pa ang ganitong pangyayari."

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 266K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN
32.4M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...
182K 7.3K 51
Codes. Mystery. Adventure. And a lost city. Curious teenagers venture to the uncertainty. Pack your bags and prepare your travel suits. Buckle your t...
2025 By boss ni wawie

Science Fiction

593K 38.5K 55
⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill t...