I AM NUMBER 10: BOOK I

By hissotto

328K 7.6K 425

Sa gitna ng normal na takbo ng mundo ay biglang may kakaibang pagsabog ang nangyari sa kalangitan. Isang araw... More

NUMBER 000
NUMBER 001
NUMBER 002
NUMBER 003
NUMBER 004
NUMBER 005
NUMBER 006
NUMBER 007
NUMBER 008
NUMBER 009
NUMBER 010
NUMBER 011
NUMBER 012
NUMBER 014
NUMBER 015
NUMBER 016
NUMBER 017
NUMBER 018
NUMBER 019
NUMBER 020
NUMBER 021
NUMBER 022
NUMBER 023
NUMBER 024
NUMBER 025
NUMBER 026
NUMBER 027
NUMBER 028
NUMBER 029
NUMBER 030
NUMBER 031
NUMBER 032
NUMBER 033
NUMBER 034
NUMBER 035
NUMBER 036
NUMBER 037
NUMBER 038
NUMBER 039
NUMBER 040
NUMBER 041
NUMBER 042

NUMBER 013

5.4K 185 35
By hissotto

Nakarinig ng marahas na pagbukas ng pintuan mula sa labas si Kent, napailing lamang ito tsaka binalik ang tingin sa fighter bot na nasa kanyang harapan.

"Namaste,"marahang nitong dinikit ang kanyang mga palad sa isa't isa.

Mahinahong itong yumuko sa harapan ng fighter bot, agad na ginaya ng makina ang kanyang galaw at yumuko rin sa harapan ni Kent upang magbigay ng respeto.

Napapanood ko to sa TV, pag nakumpleto ko 'to, kayang kaya ko nang makipag One v' five sa mga makakalaban ko sa virtual games.

Matamis na ngumiti si Kent at agad na naghanda sa pakikipaglaban.




"Oh, shit!"

Takot na yumuko si Sean habang nakapikit, agad na tinakpan ng binata ang kanyang ulo gamit ang dalawang palad nito.

Nakaligtaan nitong maalala na hanggang ngayon ay naka activate pa ang weapon control sa singsing nito, dahilan upang malakas na bumulusok papunta sa kanya ang limampung mga Kunai.

Malutong na napamura ang binata nang matamaan ito ng sariling sandata sa iba't ibang parte ng kanyang katawan..

Halos masabi na nito sa isipan ang lahat na mga murang alam nito sa iba't ibang paraan.

Walang may nag sabi saking mahirap palang kontrolin ang mga 'to, parang sinapian ng limampung hangal na mga demonyo, bwiset.


"Woah! Okay ka lang?"

Mahinang lumingon naman si Sean sa pinanggalingan ng boses na 'yon.

"Lucy," mapait na wika nito.

Inis nitong tiningnan ang dalaga, halatang-halata kasi sa tingin ni Lucy na natutuwa ito sa kanyang sinapit.

"Nangyari sayo?" Natatawang wika naman ni Ara, pinagpawisan ito pero buhay na buhay parin ang mukha ng dalaga, halatang naaaliw ito sa kanyang ginagawa.

"Hindi man lang ako sinabihan ni Recka na mahirap pala kontrolin ang isang 'to."

Inis na tumayo si Sean at bahagyang hinawakan, gamit ang hinlalaki nito, ang mga singsing, marahan nitong pinindot ang singsing na nasa kanyang hinlalaki gamit ang kanyang hintuturo.

"Bumalik na kayo sa pagsasanay ninyo," napalingon naman ang lahat sa babaeng nakasandal sa harap ng nakasaradong pinto.

"Recka, baka pwedeng magpahinga?" Pilit na ngumiti rito si Sean.

"Ilang minuto palang kayo rito, bumalik na kayo sa mga silid ninyo. Hindi niyo alam kung kaylan kayo ipapatawag ng akademya para sa unang misyon, mas mabuti na yung handa kayo."

"Teka bakit 'kayo' lang? Di ka ba kasali?" Nagtatakang tanong naman ni Lucy sa kanya.

"Nakahanda na ako. Kung ayaw niyong ipagpatuloy ang pagsasanay ay baka gusto niyong bumaba at umakyat ulit sa bundo--"

"Ano ka ba naman Recka, ok na, papasok  nga kami oh." Nakangiting wika rito ni Sean habang malamig na pinagpawisan.

"Sean, teka lang,"

"Bakit?"

"Why don't you learn first how to throw those weapons without activating the weapon control?"

Mahinang tumango lang dito ang binata at pumasok na sa loob ng kanyang silid.

|Battle ground activated|

Agad na naghanda si Sean, hawak ng dalawang kamay nito ang dalawa sa mga kunai.

Nagkaroon ng ilang mga puno at itim na mga pigura sa paligid, sabay-sabay na sumugod ang mga ito papunta sa binata. Bigla namang tumalim ang paningin ni Sean at mabilis na sumugod sa mga pigura na makikita nito.

Wala pang isang oras ay natapos na ng binata ang laban gamit lamang ang hawak na dalawang kunai.

"See, alam ko kung paano gamitin ang mga ito ng maayos, kaya lang sobrang dami naman ata ng limampu, pano ko gagamitin ang mga ito ng sabay sabay?"

Nagtatakang tiningnan naman ni Sean ang pigura ng kulay itim na puno sa di kalayuan, pabalik balik ang tingin ng binata sa puno at sa hawak nitong kunai.

"Should I throw this?"

Pagtapon nito ay agad na napatawa sa sarili si Sean, para lang kasi itong nagtapon ng papel sa puno, ni hindi nga tumama ang sandata nito sa sanga.

"Langya, nasanay ako sa paggamit ng mga melee weapons."

Napabuntong hininga na lamang si Sean at kinuha ang malaking kahon malapit sa pintuan, agad nitong tinapon sa sahig ang laman nito. Nagkalat sa malinis na sahig ang mga Kunai na gawa sa kahoy.

Binalik naman ni Sean sa maliit na itim na lalagyan ang mga singsing na nasa kanyang mga daliri.

"Cassandra, activate the shooting ground,"

|Shooting ground activated|

Nagkaroon naman ng ilang mga shooting target sa paligid ni Sean, malalim na huminga ito at matalim na tiningnan ang shooting target na nasa kanyang harapan.

Mabilis na tinapon ito ng binata ngunit lumagpas lang ito doon.

"Shit!"

Naiinis na tinapon nito ang hawak ngunit tumalsik lang ito na parang isang laruan.

"Bwiset!"

Ilang beses nitong tinapon ang mga Kunai na mahawakan ng kanyang dalawang kamay, pero wala man lang tumama. Sa bawat pagtapon nito ay palakas nang palakas ang mura ng binata.





"Sean! Pwede bang tumahimik ka!" Galit na sigaw ni Kent mula sa kabilang silid.

Matapos itong sumigaw ay napailing na lamang ang binata at malalim na huminga, maya maya pa ay muli nitong ipinikit ang kanyang mga mata.

Pag mulat nito ay malakas itong sumigaw at sumugod sa Fighter bot na kaharap.

Isang sipa lamang ng robot ay malakas na tumilapon papuntang pader si Kent.

Malakas na napaubo ang binata at pinilit na huminga, biglang sumikip ang daloy ng hangin sa baga nito dahilan upang disperadong huminga ng malalim ang binata, nanghihinang nakaluhod ito sa sahig habang sapo-sapo ang kanyang naninikip na dibdib.

Agad na pumasok sa silid ang ilang helper bots at maingat na tinulungang makatayo ang binata, agad na nilagyan ng mga ito nang oxygen mask si Kent.

Nang umayos na ang kanyang pakiramdam ay galit nitong tiningnan ang fighter bot na hanggang ngayon ay naka posisyon pa rin para umatake.

"Tulad ng inaasahan ko sa robot ng SSA, nakaprogram nga rito ang lahat ng martial arts na alam ng isang tao." Mayabang itong ngumiti.

Muli itong sumugod sa robot ngunit isang suntok lamang mula sa fighter bot ang kinailangan ni Kent bago matumba sa pangalawang pagkakataon.

Galit na napasigaw na lamang si Kent habang sapo sapo ang ilong nito na ngayon ay malakas na nagdurugo, pinanood lamang ito ng mga helper bot bago mabilis na nagsilabasan sa loob ng silid na parang walang nangyri.





"Kung makasigaw, parang siya hindi rin maingay ah," mahinang bulong ni Ara nang marinig ang malakas na sigaw ni Kent mula sa kabilang silid.

Seryosong nakatingin ang dalaga sa itim na pigura na nasa kanyang harapan.

Kasalukuyan nitong sinasanay ang sarili sa paggamit ng espada, magaling man ito sa larangan ng latigo pero ibang usapan naman ang espada.

Iwinasiwas nito ang hawak ngunit hindi man lang tinamaan ang kanyang kalaban, kung matamaan man ay hindi naman ganoon kalaki ang pinsala.

"Napipikon na ako sa isang 'to," inis na tinapon ni Ara ang hawak at mabilis na sumugod na kalaban.

Malakas nito itong sinuntok at tinulak, nang matumba ay agad itong dinaganan ni Ara tsaka patuloy na sinuntok hanggang sa mapagod ito.

Bigla namang nawala na parang bula ang pigura ng taong nasa sahig.

Samantalang sa kabilang silid naman ay marahang naka upo si Lucy habang iniinspiksyon ang kanyang pana.

"Ang galing ng pagkakagawa nito," manghang wika ni Lucy.

Hinila ulit nito ang string ng pana, unti-unti namang may nabubuong palaso mula rito, nang bitawan ng dalaga ang pana ay mabilis na bumulusok papunta sa kung saan ang palaso.

"Napaka sensitive rin nang isang 'to. Well it's a good thing, pero malaking problema rin pag nagkataon."

Napailing na lamang si Lucy at muling hinawakan ang lazer-string ng pana.





Anim na oras na nagpatuloy ang lahat sa kani-kanilang pagsasanay hanggang sa marinig nila ang boses ni Recka sa labas ng pintuan.

"Tapos na ang pagsasanay ninyo para sa araw na ito,"

Isa isang lumabas ang mga ito sa kanilang mga pinto.

"Nangyari sayo Sean?" Nagtatakang tanong dito ni Ara ng makitang pawis na pawis ang binata.

Marami itong galos sa kamay at napaka gulo rin ng buhok nito.

Malamang ay dahil ito sa mga pagkakataong sobrang nanggigigil na ang binata dahil wala man lang itong matinong natatamaan na nagresulta sa pagsuntok nito sa pader o kaya naman ang sabunutan ang sarili.

"Wag ako ang tanungin mo, siya." Tiningnan nito si Kent na may malaking pasa sa kanyang  kaliwang mata at ilong.

Napaka gulo rin ang ayos ng damit nito na parang ilang beses na ginawang lampaso sa sahig.

Bigla namang umubo si Recka dahilan upang mapalingon ang lahat sa kanya.

"May darating na bisita, kaya mag ayos kayo kung ayaw niyong mapahiya sa harapan nila dahil alam kong sila ang mga taong ayaw niyong makitang ganyan ang kalagayan niyo."

"Sino naman?"

"Malalaman niyo mamaya,"

Nagtinginan na lamang ang apat bago sumunod kay Recka upang sumakay sa elevator.




"What happened to your arms?" Insultong tanong ni Lucy kay Sean.

"What happened to your hands?" Walang ganang sagot naman dito ng binata habang tiningnan ang ilang marka ng pagkapaso sa kamay ni Lucy.

"What about your hair?" Inis na sagot naman dito ng dalaga.

"You burned your lips,"

"You have bruises on your head,"

Galit na nagtitigan na lamang ang dalawa tsaka inis na inilihis ng mga tingin papunta sa ibang bagay.

Agad namang hinawakan ni Lucy ang maliit na paso sa labi nito.

Di ko akalaing pati ang lazer string ng pana ay isa rin pala sa inupgrade para maging isang lazer-induced plasma, akala ko ay ang mga palaso lang nito, nasanay pa naman akong idikit ang string sa mukha ko. Bwiset ansakit parin hanggang ngayon.

Habang nakatingin sa kawalan si Sean ay napasapo ito sa kanyang noo.

Tanginang Kunai yun ah, bumalik pa sakin, gustong maging boomerang ng kupal.

Naalala na naman nito kanina ang nangyari. Dahil sa galit ay malakas nitong tinapon ang kunai na nagresulta ng malakas na pagtama nito sa pader at bumalik patungo sa noo ni Sean.

Nang huminto ang elevator at bumukas, agad na lumabas ang lima upang magtungo sa kani-kanilang mga silid upang mag ayos ng kanilang mga sarili.






Kasalukuyang nagpapahinga ang lima sa entertainment room ng mansyon.

Naglalaro sina Sean at Kent ng VR sa kani kanilang gaming chair habang pahilig na nakahiga, di na nila kaylangan pang gumalaw dahil naka konekta na sa kanilang mga utak ang nerve gear na suot.

Isang bagay din ang hindi maiistorbo sa paglalaro ang mga players maliban nalang kapag sila mismo ang lalabas sa laro o mawawalan ng kuryente.

Nanonood naman sa kabilang banda ng palabas ang dalawang babae habang may inaayos sa laptop nito si Recka.

"Ano ba yang pinagkakaabalahan mo?" Walang ganang tiningnan ito ni Lucy habang ngumunguya ng paborito nitong bubblegum, bagot nitong inilipat ang pahina sa binabasa nitong libro.

"My small company."

"Wait, may kompanya ka? Anong klaseng kompanya yun?"

"Ang klase ng kompanya na pinagkakaguluhan sa larangan ng makabagong technology and gadgets."

"Wait, huh?" Nagtatakang binaba naman ni Lucy ang binabasa tsaka tumingin kay Recka.

"Exousía. Does it ring any bells?"

Agad namang napatingin dito si Ara na kanina lamang ay abala sa panonood sa telebisyon.

"The fuck!"

"Wait sayo ang kumpanya na 'yon?!" Gulat na napatayo rito ang dalawa.

"You mean, yung mismong laruan na nilalaro ng dalawang nasa upuan na 'yan ay galing sayo?!"

Gulat na tinuro ni Lucy ang dalawang kabataan na abala sa paglalaro at walang kamalay-malay sa nangyayari sa labas ng laro.

Di na sumagot si Recka, pinagpatuloy lamang nito ang pag ta-type sa kulay puting laptop nito.

Nag unahang lumapit sa kanya ang dalawa ngunit biglang tumunog ang doorbell ng mansyon.

"Cassandra, open the door."

Bigla namang nakarinig ng paparating na yabag at tawanan sina Lucy at Ara.

Tumayo mula sa pagkaka upo si Recka at kinuha sa saksakan ang nerve gear nina Kent at Sean.

Gulat na napatayo ang dalawa at tiningnan si Recka.

"SSA-Glosya, meet the SSA-Mahistiya."

Walang ganang tiningnan naman ni Recka ang paparating na apat na kabataan habang ginagabayan ng mga helper bots.

May bitbit na mga bagahe ang mga ito habang nagbibiruan, agad na napatigil sila nang makitang seryosong nakatingin sa kanila ang mga tao sa silid.

Nagsukatan ng titig ang siyam na mga kabataan ng ilang segundo at mas lalong bumibigat ang aura sa paligid.

"Relax guys, I am Rain by the way. I can manipulate the Soundwave so please make some noise because it's so uncomfortable, lalo na pag nasanay kang may nakikitang soundwaves sa paligid, you know what I mean right? Those wave thingy that all Mahistiya can relate..."

Napasapo naman ito ng bibig gamit ang kulay dilaw na pamaypay nito.

"... Opps sorry, di nga pala kayo nakakarelate." Painsulto itong tumawa ng malakas dahilan upang taasan ito ng kilay ni Lucy.

Pag 'to pinana ko sa ulo, labas utak nito.

Napahilot na lamang ng sintido si Recka at napa buntong hininga.

Kaya ayaw kong nandito ang mga Mahistiya eh.

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 266K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN
1.7M 72.1K 58
A girl comes to destroy his world. A boy vulnerable for her existence. Their worlds collide and their fates are chained. Her existence is his destr...
247K 16K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH After an unexpected apocalypse, Amira and her friends found themselves trapped inside the border of Luzon, in which the vir...
850K 25.9K 68
Si Stella Franz ay isang typical na unemployed fresh graduate ng Advance Information Technology sa taong 473 G.E.. Due to her frustration to find a...