I AM NUMBER 10: BOOK I

By hissotto

328K 7.6K 425

Sa gitna ng normal na takbo ng mundo ay biglang may kakaibang pagsabog ang nangyari sa kalangitan. Isang araw... More

NUMBER 000
NUMBER 001
NUMBER 002
NUMBER 003
NUMBER 004
NUMBER 005
NUMBER 006
NUMBER 007
NUMBER 008
NUMBER 010
NUMBER 011
NUMBER 012
NUMBER 013
NUMBER 014
NUMBER 015
NUMBER 016
NUMBER 017
NUMBER 018
NUMBER 019
NUMBER 020
NUMBER 021
NUMBER 022
NUMBER 023
NUMBER 024
NUMBER 025
NUMBER 026
NUMBER 027
NUMBER 028
NUMBER 029
NUMBER 030
NUMBER 031
NUMBER 032
NUMBER 033
NUMBER 034
NUMBER 035
NUMBER 036
NUMBER 037
NUMBER 038
NUMBER 039
NUMBER 040
NUMBER 041
NUMBER 042

NUMBER 009

6.4K 211 8
By hissotto

Buong gabing nag inuman ang lahat. Ni hindi nga nila alam kung saan nanggagaling ang mga boteng binibigay sa kanila ni Recka.

Tuwing mauubos na kasi ang iniinom nilang bote, nabibigla na lamang ang apat nang makitang may bagong bote na naman ng alak ang nakapatong sa mesa, dahilan upang tuluyan na ngang tamaan ng pagkalasing ang apat na kabataan.

"Teka! ...nau-- naubos... haha, ubos na... 'to kanina," pasuray-suray na wika rito ni Sean.

Masaya nitong itinaas sa ere ang bagong bukas na alak habang sinusubukang ibalanse ang sarili upang di matumba. 

Biglang lumapit dito si Kent at natatawang inakbayan si Sean, sabay kuha ng hawak nitong alak.

"Lasing ka lang eh! Anong ubos?! kita mo? Puno pa!" Agad na tinungga ni Kent ang buong bote at malakas na sumigaw.

Maya maya pa ay nakisabay na sa malakas na musika ang kanyang katawan, agad namang nagsigawan ang lahat at nakisabay na rin sa pagkakalat ni Kent sa sahig.



"May sasabihin ako." Papikit-pikit na sabi ni Ara at biglang tumawa.

"Alam niyo nung bata ako... may... may isang tao ang napatay... sigaw siya ng sigaw." Bigla itong bumungisngis. Inakbayan naman ito ni Kent at lumapit sa tenga ng dalaga.

"Dapat kasi pinatay mo agad," nakangiting wika rito ng binata, pulang pula ang buong mukha at papikit-pikit na rin ang kanyang mga mata.

Biglang tumahimik ang lahat ng ilang segundo at seryosong nagtitigan, maya maya pa ay bigla nakarinig ang mga ito ng malakas na pagbagsak. Paglingon nila ay nakadapa na si Lucy habang sumusuka. Agad na pinagtawanan ito ng tatlo.

Habang tumatawa ay nagtatakang napalingon sa gilid si Sean ng mapansin nito ang isang dalagang tahimik na nakaupo.

Pasuray-suray itong lumapit sa puwesto ni Recka bago nilaro ang mahaba at itim na buhok ng dalaga.

Hindi ito pinansin ni Recka, sa halip ay nagpatuloy lamang ito sa paginom ng alak.

Parang baliw namang tumatawa magisa si Sean, hanggang sa makaramdam ito ng pagkahilo at tuluyan na ngang nawalan ng malay.




Bagot na nakatingin lamang si Recka sa mga pinanggagawa ng kanyang mga kasama habang marahang iniinom ang laman ng kanyang baso. Nakita nito ang mahinang pagbulong ni Ara sa kawalan, hanggang sa unti-unti na itong napapikit.

"Cassandra, send them to their room."

Nagsidatingan naman ang apat na helper bots. Nakalutang ang mga ito mula sa sahig at sa tansya ni Recka ay nasa five inches ang taas ng pagkalutang nga mga ito sa ere.

Marahas na kinuha ng mga helper bots ang paa at kamay ni Kent tsaka hinila papunta sa hagdan upang dalhin sa ikatlong palapag.

Nang matapos ay agad na bumalik ang mga ito upang kunin ang mga natira.

Nakatingin lamang sa kanila si Recka at pumihit patalikod. Pumunta ito sa sala kung saan kitang-kita ang marangyang hagdan ng mansyon.

Marahan itong umupo sa itim na sofa habang patuloy na tinitingnan ang marahas na paghila ng mga helper bots sa kawawang katawan ng kanyang mga kasama.

Pabagsak na tumatama pa ang ulo ni Lucy sa bawat steps ng hagdanan dahilan upang mapahawak si Recka sa kanyang noo at umiling.

Di na ako magtataka kung mas lalong sasakit ang katawan ng apat pag gising.

Patuloy lang ito sa pag inom ng alak ngunit hindi parin ito tinatamaan ng pagkalasing.

Marahang tiningnan na lamang ng dalaga ang yelo sa loob ng baso na unti-unting natutunaw, inikot-ikot nito ang laman dahilan upang mas lalong mag halo-halo ang alak at ang natutunaw na yelo sa loob.

Pagod na napasandal na lamang ang dalaga at bagot na napatingin sa kisame.

This shit is so annoying.

Marahan itong pumikit ngunit agad ding napamulat nang maramdaman ang mahinang pagtunog ng telepono.

Tiningnan nito ang maliit na mesa na nasa kanyang harapan. 

May pabilog na bagay ang nakapatong dito. Isa itong holographic phone kung saan kalimitang ginagamit ng karamihan upang magparating ng mensahe.

Nang pindutin ng dalaga ang buton ay agad na lumabas sa kanyang harapan ang isang hologram ng babaeng AI.

Nakasuot ito ng pormal na damit habang seryosong nakatingin ng diretso, wala ring makikitang emosyon sa mukha nito.

|Magkakaroon kayo ng pagsasanay eksaktong o' five hundred. Ugaliin ang pag gamit ng maayos sa oras at pag kain ayon sa ibinigay na kakainin.|

|Magtatapos ang pagsasanay oras na lumubog na ng tuluyan ang araw. Nandiyan ang listahan ng inyong gagawin.|

Bigla namang nawala ang hologram na nasa harapan ni Recka.

Nang tingnan nito ang relo, agad itong naawa sa kanyang mga kasama

"Two hours left before the training huh."

Alas tres na ng madaling araw ngunit kakatulog lamang ng apat at ang mas malala pa, lasing na lasing ang mga ito kaya imposibleng makakagising ang mga ito ng maaga.

Mahinang napabuntong hininga si Recka at tamad na tumayo mula sa kinauupuan nito, pumunta ito sa harap ng nakasaradong bintana at marahang binuksan, pumasok naman mula rito ang isang paniki.

"Anong balita."

Gumawa ng maliit na ingay ang paniki, kung pakikinggan ay para lamang itong gumagawa ng normal na tunog ng paniki at imposibleng malaman o maintindihan ang gusto nitong sabihin, ngunit kung titingnan naman ang dalaga, tila alam na alam nito ang sinasabi ng kanyang maliit na kausap.

Biglang sumilay ang sarkastikong ngiti sa kanyang mga labi bago inilagay sa kanyang ulo ang maliit na kasama. Tiningnan nito ang kalangitan na ngayon ay punong puno na ng bituin.

"The earth becomes crueler, they actually want to send us this soon?..."

"... Bastards."

Agad na tumalikod sa bintana si Recka, lumabas mula sa nakabukas na bintana ang paniki na parang walang nangyari. Hinayaan na lamang ito ng dalaga at bumalik sa malambot na sofa.

Ipinikit nito ang kanyang mga mata habang tamad na nakasandal at dinadama ang malamig na simoy ng hangin.

I can't even enjoy this kind of things now.

Nang mabagot sa ginagawa ay mahinang kinuha ni Recka ang isang papel na nasa gilid ng telepono.

Nakalaan dito ang lahat ng gagawin nilang lima mamaya. Muling naalala ni Recka ang kalagayan ng apat. Hindi na ito magtataka kung biglang mawalan ng malay ang mga ito sa gitna ng kanilang pagsasanay.





Mabilis na tumalon si Sean sa isang puno habang hawak hawak ang isang napakalaking ginto.

Demonyo itong tumatawa at tiningnan ulit ang hawak nitong bagay. Matamis nito itong hinalik-halikan na parang wala nang bukas.

Habang abala sa paghalik ang binata ay bigla namang naputol ng walang dahilan ang sanga ng kinalalagyan nitong puno, dahilan upang agad na mahulog ito mula sa kanyang kinalalagyan. 

Nang silipin ng binata ang kanyang babagsakan ay agad na nanlaki ang mga mata nito nang makita ang napakalalim na kawalan.

Agad na napabalikwas si Sean habang malamig na pinagpapawisan. Saglit nitong naramdaman ang biglang paghiwalay ng kanyang kaluluwa mula sa kanyang katawan.

Wala sa sariling napalunok ang binata habang rinig na rinig ang lalong pagbilis ng pintig ng kanyang puso.

Tulalang inikot nito ang paningin sa paligid. Para itong tangang nakatayo habang may dalawang robot na nakahawak sa kanyang magkabilang kamay.

Tumutulo pa ang laway nito habag sabog ang buong pagmumukha. Litaw na litaw din sa kanya ang labis na pagtataka sa nangyayari.

Bigla kasing itinayo ng mga helper bots ang binata mula sa kanyang pagkakahiga, dahilan upang saglit na tumigil ang kanyang utak sa pagproseso sa nangyayari.

Nang maalis ang kaba mula sa kanya ay muling bumalik sa tamang pag-iisip ang binata, bigla itong nakaramdam ng panghihina.

What the fuck was that!

Pabagsak itong napaupo sa kama at napatingin sa paligid, hindi pamilyar sa kanya ang buong lugar, napasapo na lamang ito sa kanyang ulo nang makaramdam ng labis na sakit.

Inis na napamura rito ang binata at hinang-hina na pumunta sa pintuan. Pagbukas nito ay bumungad sa kanya ang gulat na mukha ni Lucy.

"Great, first thing in the morning." Sarkastikong wika rito ng dalaga.

Ba't ba lagi nalang ang mukha ng buwisit na 'to ang nakikita ko tuwing may hindi magandang nangyayari?

Basang-basa ang buong katawan ng dalaga na parang sumisid sa napakalalim na dagat.

Magsasalita pa sana si Sean nang biglang bumukas ng napakalakas ang pintuan sa gilid ni Lucy, agad namang bumungad dito si Ara, na ngayon ay napakagulo na ng buhok.

"How dare you do that to my hair?!" Galit nitong sinipa ang ulo ng isang sirang helper bot, na tanging ginawa lang naman ay ang gisingin siya.

Malakas na tumilapon papunta sa kaharap na pinto ang sinipa nitong robot at agad na nawasak.

Nabigla naman sa nakita sina Lucy at Sean dahil ibang-iba mula sa natatandaan nila ang mukha ni Ara, wala na kasi ang normal na 'mabait' na awra nito.

"What?" Inis na tiningnan nito sina Sean at Lucy, ngunit walang sumagot sa mga ito.

Biglang bumukas ang kaharap na pintuan ni Ara, bumungad dito ang gulat na gulat na mukha ni Kent.

Madapa-dapa itong lumabas mula sa pinto, rinig na rinig mula sa kanyang kwarto ang isang nakakabinging tunog ng iba't ibang instrumento.

Pabagsak itong sinarado ng binata at gulat na napatingin sa kanilang tatlo. Nakita nito ang basang-basang kalagayan ni Lucy at ang namumutlang si Sean.

Agad itong napaatras nang makita ang napakagulong buhok ni Ara na nasa kanyang harapan, bagot na tumango lamang sa kanya ang dalaga.

"Yeah, we know what you think."

Biglang nakaramdam si Kent na parang bumaliktad ang kanyang sikmura dahilan upang mahigpit na hinawakan ng binata ang kanyang bibig at pilit na pinigilan ang pag suka.

"At 5:00 am to 5:15 am, you need to get ready for your training."

Napalingon ang lahat sa nagsalita, nakita ng mga ito si Recka, seryoso itong nakatayo habang hawak ang isang papel.

Nakahanda na ito para simulan ang araw na parang walang nangyaring inuman kagabi, may mga robot pang nakasunod sa kanya.

Marahang tiningnan ni Recka ang sirang robot na nakakalat sa sahig.

"Clean it." Bigla namang inalis ng ibang helper bots ang kalat sa hallway.

"What is the meaning of this?" Seryosong wika rito ni Ara.

Hindi maganda ang kanyang gising at halatang wala ito sa kundisyon upang makipag biruan.

"May iniwang papel ang instructor, gusto niyang sundan natin ang mga nakalagay dito para sa araw na ito, at dahil wala kayong lahat sa kundisyon para gawin 'to ng kusa, ako na ang hahawak nito pansamantala."

May inabot naman ang mga robot na mga tabletas sa apat na kabataan,

"Inumin niyo 'yan, paniguradong may mga hangover pa kayo, lalo ka na Lucy, sa dami ng nasuka mo kagabi, kaylangan mo ring kumain ng madami."

"Tch,"

"Get ready, it's already 4:48 am. We'll start the training at excactly 5:16."

Walang pagdadalawang isip na tumalikod dito si Recka at naglakad, ramdam nito ang matatalim na tingin sa kanya ng mga kasama ngunit wala itong pakealam.

Continue Reading

You'll Also Like

56.4M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
594K 17.9K 58
Reese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damdamin, pati panlasa ay nawala na dahil sa...
762K 30.7K 112
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 MINT ACADEMY SERIES #3 After a month they finally found their peace bu...
247K 16K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH After an unexpected apocalypse, Amira and her friends found themselves trapped inside the border of Luzon, in which the vir...