I AM NUMBER 10: BOOK I

By hissotto

328K 7.6K 425

Sa gitna ng normal na takbo ng mundo ay biglang may kakaibang pagsabog ang nangyari sa kalangitan. Isang araw... More

NUMBER 000
NUMBER 001
NUMBER 002
NUMBER 003
NUMBER 004
NUMBER 005
NUMBER 006
NUMBER 008
NUMBER 009
NUMBER 010
NUMBER 011
NUMBER 012
NUMBER 013
NUMBER 014
NUMBER 015
NUMBER 016
NUMBER 017
NUMBER 018
NUMBER 019
NUMBER 020
NUMBER 021
NUMBER 022
NUMBER 023
NUMBER 024
NUMBER 025
NUMBER 026
NUMBER 027
NUMBER 028
NUMBER 029
NUMBER 030
NUMBER 031
NUMBER 032
NUMBER 033
NUMBER 034
NUMBER 035
NUMBER 036
NUMBER 037
NUMBER 038
NUMBER 039
NUMBER 040
NUMBER 041
NUMBER 042

NUMBER 007

6.7K 237 4
By hissotto

Nang makita ang sariling pangalan sa kalangitan ay napatingin ito sa kanyang mga kamay na ngayon ay parang salaming nababasag.

Bawat piraso ng nabasag na katawan nito ay parang isang bula na lumulutang sa ere at naglalaho. 

Sayang wala man lang akong nakasalubong na ibang estudyante maliban sa walang kwentang lalaking 'to.

Napapikit na lamang ang dalaga nang biglang nagliwanag ang kanyang buong katawan.

Pagmulat nito ay wala na ang malalaking mga puno at ligaw na mga damo sa paligid, sa halip napalitan na ito ng napakalawak na training field, dapit-hapon na rin ng mga oras na iyon. 

"Bullshit!!"  

Nagtatakang napalingon naman ang dalaga sa pinanggalingan ng malakas na sigaw, nagkumpulan doon ang ilang kabataan ngunit wala itong ideya sa nangyayari. 

Sa likuran nito ay may isang lalaking tahimik na nakaupo, hindi ito makapaniwala sa nakikita, sabik na hinahawak-hawakan ng lalaki ang iba't ibang parte ng kanyang katawan na parang matagal nang nawawala ang mga ito. 

"Heh~ your alive?" Manghang wika ng babae dahilan upang kabadong mapalingon sa kanya ang lalaki at wala sa sariling mapaatras. 

"A-ara."  

Matamis lamang na nginitian ni Ara ang kaharap ngunit mas lalong nanginig ang lalaki.

Ito rin ang mismong lalaking hila-hila ng dalaga sa gubat. Kaya lang, hindi kagaya sa kalagayan nito nung nasa loob pa sila ng ilusyon, wala nang makikitang dugo o ano mang sugat sa kanyang buong katawan. 

"What? You can't accept that you lost?"  

Muling napalingon si Ara sa nagsalita. 

Nagtataka ito dahil galit na galit ang ekspresyong pinapakita ng isang babae habang mahigpit na nakatutok ang kanyang baril sa ulo ng kanilang instructor. 

"You tried to kill us!" Dagdag pa ng isang lalaking may hawak ng pamilyar na spear. 

"This is unfair! I will tell this to my father!"

Dahil sa mga sinabi nila ay malakas na napatawa ang kanilang instructor. Malalim ang boses nito dahilan upang ang tawang lumalabas sa kanyang bibig ay nakakatakot kung pakikinggan. 

Nagtatakang tiningnan ito ng halos lahat ng mga nandoon, walang may alam kung ano ang tinatawanan nito dahil ng mga oras na iyon, walang kahit na isang bagay ang nakakatawa. 

Nang mapagod sa kakatawa ay demonyo itong ngumisi at matalim na tumingin sa kanila.

"You are here to be a soldier. Ano sa tingin niyo, magiging madali lang ang pagsusulit ninyo? Tandaan niyo, sasabak kayo sa totoong laban para maglingkod sa bansa..."

"... Wala akong pakealam kung nagmula kayo sa sikat na pamilya o matatalino kayong estudyante, balewala lahat ng 'yon sa mata ng mga kalaban..."

"... Ang kaylangan namin ay ang mga estudyanteng malakas, matalino, matapang at higit sa lahat, kayang gamitin ang mga bagay na iyon sa gitna ng laban..."

"... Kaylangan namin ang mga taong kayang makapag isip ng mabilis sa ano mang sitwasyon para hindi mahila pababa o mapahamak ang buong grupo, pero sa nakikita ko, puro lang kayo pakitang-gilas...." 

"... We even let some powerful Mahistiya just to make those realistic illusions and give you some real battle experiences. You ungrateful swines." Umiiling na saad nito at tumalikod. 

"Those who passed, come with me. Those who aren't, well better luck next five years. Oh, and please leave your weapons." 

Isa-isang tinapon ng limang estudyante ang kanilang armas at agad na sumunod ang mga ito sa instructor, ni hindi nga lumingon ang mga ito sa lima pang natira.

Galit na napamura naman ang kalaban ni Lucy kanina, hanggang ngayon parin kasi ay di pa nito matanggap ang pagkatalo. Mabilis itong lumingon sa apat na natira. 

"Bakit hindi man lang kayo pumalag? That rule was so dumb in the first place you know! Matatalo naman natin sila pag maayos lang na sinabi ang rules at binigyan tayo ng sapat na briefing!" 

Mas lalo lamang nag init ang kanyang ulo ng makitang walang reklamo ang mga kasama nito tungkol sa naging resulta. 

May sari-sariling mundo ang mga ito at ni isa ay walang sumiseryoso sa kanyang pinag sasabi. 

Dalawa sa mga lalaking nandoon ay nanatiling nakaupo at tulala, nanginginig parin ang mga katawan dahil sariwa pa sa kanila ang sinapit sa loob ng illusion, ngunit walang alam ang babaeng kaharap sa kanilang naranasan at higit sa lahat, wala itong pakealam.

Inis na napasipa sa lupa ang babae at marahas na ginulo ang kanyang buhok. 

"I can't accept this!" 

"Shut up!" Biglang saad ng lalaking nakalaban ni Sean na ngayon ay tahimik na napasapo sa kanyang batok. 

Bigla nitong naalala kung papaano ito agad na natalo ng binata at ang mahigpit na pagtutok ng matalim na Clawed Gauntlet sa kanyang leeg.

How did he disappear right in front of me? 

"What? This is so dumb! I can't accept this, ipapa-ulit ko ang test!" Pagkasabi na pagkasabi ng dalaga ay biglang tumayo ang lalaking nakalaban ni Ara. 

"Don't you dare you fucking--"  

Biglang may isang malakas na sarkastikong tawa ang bumasag sa lahat, nag mula ito sa isang lalaking tahimik na nakaupo. 

Malaki ang katawan nito, sa unang tingin ay makikita mong sanay na sanay ito sa pakikipaglaban dahil na rin sa laki ng mga muscles ng lalaki.

Sa kanilang lahat, siya malamang ang may pinaka perpektong larawan sa pagiging isang sundalo kaya malaking katanungn kung bakit hindi ito nakapasa sa pagsusulit.

"I bet you died instantly, lucky you, you didn't experience some fucked up things." Pagtukoy nito sa babaeng kanina pa nagrereklamo.

Tiningnan nito ang kanyang mga kamay, di na ito nabigla pa na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga ito. 

Dahan dahang tumulo ang luha sa kanyang mga mata at masayang ngumiti ng makitang walang kahit na anong sugat na makikta sa kanyang katawan.

Parang nawalan ito ng napakalaking tinik nang makitang walang kahit na anong nangyari sa kanya. 

Tiningnan nito ng diretso sa mata ang babae. 

"Shut your mouth if you still want to have the ability to talk."

Bumalik na naman ang tingin nito sa kanyang nanginginig na mga kamay.

"I'm just thankful that the test was over. I-I'm still alive." 

Ramdam na ramdam pa nito ang sakit na naranasan sa loob ng illusion barrier na iyon. Parang nakamarka na ang mga ito sa kanyang kaluluwa at hindi na maaalis pa kahit anong limot ang gawin nito.

Pabagsak na umupo naman ang binatang nakalaban ni Ara matapos marinig ang sinabi ng lalaki at napasapo sa kanyang ulo. 

"S-sa tingin ko, hindi ko na kayang humawak pa ng kahit na anong armas sa buong buhay ko..."  

"... I think I'm gonna quit." 

Nanatiling tahimik at wala ng nagsalita sa kanilang dalawa. 

"Just what heck did you experience?" Nagtatakang tanong sa kanila ng isang lalaking nakalaban ni Kent. 

Sa kanilang lahat, siya ang pinakamahinahon, siguro ay dahil na rin sa tanggap na nito ang pagkatalo lalo pa at alam nito sa sariling naisahan ito ni Kent, laking pasasalamat na lamang nito at hindi totoong kamatayan ang kanyang naranasan. 

Nanginginig na binuka ng lalaking nakalaban ni Ara ang bibig nito bago mag salita. 

"M-Masyadong maamo ang kanyang mukha nung una, ni hindi ko nga sineryoso ang kalagayan naming nung una ko siyang makita, inakala ko pa noon na madali kong maipapanalo ang lahat..." 

"... Everything started when she suddenly laugh. That fucking laugh that will hunt me forever, kahit ngumiti lang ang babaeng yun ay di ko mapigilang hindi manginig."

Nanginginig na napasapo sa lamang ito sa kanyang noo at hindi na nagsalita pa.

Matapos ang ilang sigundong katahimikan ay nilingon ng lahat ang isa pang lalaki para marinig ang parte nito ngunit tahimik lamang itong nakayuko.

"You all should be wary of this girl." Biglang sabi nito habang nanatili pa ring nakayuko, ramdam na ramdam mo kung gaano ito sa seryoso sa mga salitang binitawan. 

"What do you mean?" 

"I'm not belittling you or insulting what you've experienced there, but I think the most dangerous of them all is that person."  

"Who?" 

"Recka... Recka Tuazon." 

"What did she do?" 

"P-please, don't make me remember that again..." 

"But... But one thing for sure, I am lucky to not be in the same place as her, masaya na ako kahit di ako nasali sa Special Section , I'm not gonna let myself get involved with her again."

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
2025 By boss ni wawie

Science Fiction

593K 38.5K 55
⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill t...
850K 25.9K 68
Si Stella Franz ay isang typical na unemployed fresh graduate ng Advance Information Technology sa taong 473 G.E.. Due to her frustration to find a...
56.4M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...