I AM NUMBER 10: BOOK I

By hissotto

328K 7.6K 425

Sa gitna ng normal na takbo ng mundo ay biglang may kakaibang pagsabog ang nangyari sa kalangitan. Isang araw... More

NUMBER 000
NUMBER 001
NUMBER 002
NUMBER 004
NUMBER 005
NUMBER 006
NUMBER 007
NUMBER 008
NUMBER 009
NUMBER 010
NUMBER 011
NUMBER 012
NUMBER 013
NUMBER 014
NUMBER 015
NUMBER 016
NUMBER 017
NUMBER 018
NUMBER 019
NUMBER 020
NUMBER 021
NUMBER 022
NUMBER 023
NUMBER 024
NUMBER 025
NUMBER 026
NUMBER 027
NUMBER 028
NUMBER 029
NUMBER 030
NUMBER 031
NUMBER 032
NUMBER 033
NUMBER 034
NUMBER 035
NUMBER 036
NUMBER 037
NUMBER 038
NUMBER 039
NUMBER 040
NUMBER 041
NUMBER 042

NUMBER 003

9.8K 299 15
By hissotto

Sa loob ng isang restaurant ay may anim na magkakaibigang masayang nagkukuwentuhan sa isa't isa, nakahain sa harapan ng mga ito ang iba't ibang klase ng mga pagkain.

"Guys, selfie." Agad na inilabas ng isa sa kanila ang hawak nitong smartphone dahilan upang agad na magsiksikan ang anim upang magkasya sa frame ng camera bago masayang ngumiti.

Matapos makakuha ng disenteng litrato ay muling bumalik sa masayang pag-uusap ang mga ito.

Sa kalapit na mesa naman ay may magkasintahang nagaaway, maya-maya pa ay malakas na sinampal ng babae ang kaharap bago mabilis na tumalikod.

"Babe, wait!" Malakas na wika ng kanyang kasintahan ngunit patuloy lamang ang babae sa paghakbang.

Ramdam man ang mga matang nakatingin sa kanilang dalawa ay wala itong pake alam. Isa lang ang nasa isip ng babae ng mga oras na iyon, 'yon ay ang makaalis sa lugar sa lalong madaling panahon.

Galit na binuksan nito ang pintuan ng restaurant palabas, di na nito hinintay ang gwardya na pagbuksan pa ito ng pintuan. 

"Fucking bastard." Mahinang bulong nito at agad na hinanap ang susi ng sasakyan mula sa kanyang pulang bag.

Nang mahanap ang susi ay agad nitong itinaas ang kanyang paningin upang tingnan ang paligid.

Ganun na lamang ang pagkunot ng noo ng babae nang makitang lahat ng mga tao ay tumigil na sa kani-kanilang ginagawa at parang tangang nakatingin sa kalangitan.

Wala sa sariling napatingin din ito sa kalangitan. Agad na bumagsak mula sa kamay nito ang bitbit na susi nang makita ang mga paparating.

"What the fuck babe, it was just a mistake!"  

Rinig nito ang malakas na pagbukas ng pinto sa kanyang likuran at ang galit na boses ng kanyang kasintahan ngunit walang pakealam dito ang babae.

Agad na rumehistro ang pagtataka sa mukha ng lalaki ng makitang wala sa kanya ang buong atensyon ng dalaga. 

Wala sa sariling sinundan din nito ang kung ano mang tinitingnan ng babae dahilan upang agad na manlaki ang kanyang mga mata.

Sa kalagitnaan ng napakatahimik na kalsada ay isang malakas na sigaw ang gumising sa lahat ng mga taong naroroon.

Nagmumula ang napakatinis na boses na iyon sa mismong likuran ng babae, kung saan nanginginig na nakatayo ang kanyang kasintahan habang sumisigaw at nakaturo sa mga bagay na paparating.

Bilang resulta, mabilis na nagpanic ang lahat, ngunit huli na dahil maraming tao nang natamaan ng kakaibang mga bagay na nahuhulog mula sa kalangitan.

Isa sa mga tinamaan ay ang babaeng kanina lamang ay nakikipag away sa kasintahan nito sa loob ng restaurant.

Malakas itong napasigaw ng maramdaman ang labis na sakit sa buong katawan, bigla itong napaluhod habang malakas na sumisigaw.

Takot na tiningnan lamang ito ng lalaking kasama. Gulat itong napaatras at wala sa sariling napadapa sa sahig. Dahil sa sobrang takot ay mabilis na sumuko ang kanyang dalawang paa.

"B-Babe... help."

Pinilit nitong inabot ang lalaki ngunit malakas itong sinipa ng kasama at takot na tumakbo palayo.

Hindi pa man tuluyang nakakalayo ang lalaki ay agad itong bumagsak. Nagtatakang lumingon ito sa kanyang likuran upang malaman ang dahilan ng kanyang pagbagsak.

Agad na nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang dalawang paa na naiwan sa daan. Nasa loob ito ng isang kahon na gawa sa salamin.

Muling napasigaw ang lalaki sa nakita.

Bigla nitong naramdaman ang unti-unting pag balot ng salamin sa kanyang dalawang kamay. Nang sa wakas ay tuluyan na itong mabalot, marahang humiwalay ang kanyang dalawang kamay mula sa mga braso nito.

Takot na napasigaw dito ang lalaki, di na nito pinansin ang tuloy-tuloy na pagtulo ng laway mula sa kanyang bibig.

Kitang-kita rin nito ang pilit na paggapang ng kasintahan papunta sa kanya.

Nakakadiring pagmasdan ang dalaga ng mga sandaling iyon dahil punong puno na ito ng umaagos na dugo, mula sa kanyang matingkad na kulay bughaw na mga mata hanggang sa kanyang ilong, bibig at tainga.

Agad na naningkit ang nagdurugong mata nito nang makita ang matinding pag-iwas sa kanya ng lalaki.

"I told you to help me, you cheating bastard!!!"

Ganoon na lamang ang panlalaki at takot na makikita sa mga mata ng lalaki ng maramdaman ang pamilyar na bagay na unti-unting gumagapang papunta sa pinakaiingatan nitong parte ng katawan.

Mas lalo itong kinabahan at matinding umiling.

"No, please. Babe, babe!"

Isang malakas at nakakatakot na sigaw ang narinig nung araw na iyon sa harapan ng isang restaurant pero walang pumapansin dito dahil halos lahat ng taong, nang mga oras na iyon, ay nagkakagulo na rin.

Lahat ng mga tinamaan ay nagkaroon ng kakaibang kakayahan, binago ng kemikal ang kanilang natural na DNA sa katawan.

Ang ilang hindi kinaya ay parang bombang sumabog, ang iba naman ay nagkaroon ng buntot at pangil, pati na ng mahahabang kuko.

Bumuga naman ng apoy ang iba. Para sa ilan ay nagkaroon sila ng kakayahang lumipad.

May isang bayan ding tinamaan ng napakalaking bagay dahilan upang lumubog ito sa tubig at tuluyan nang mawala sa mapa. Ngunit naging dahilan din ito upang ang lahat ng taong nakatira roon ay magkaroon ng kakayahang makahinga sa ilalim ng tubig.

Sa loob ng isang araw ay biglang nagbago ang lahat.

Sunod sunod ang pagbabalita ng iba't ibang estasyon sa bawat bansa.

Agad na umaksyon ang mga military ngunit nahihirapan din ang mga ito na kontrolin ang sitwasyon lalong lalo pa at ang ilan sa kanila ay tinamaan din ng bagay na bumabagsak mula sa kalangitan.

Nasira na rin ang ilang kulungan dahilan upang makatakas ang halos lahat ng malalaking kriminal sa mundo, ilan sa mga pulisya ay namatay sa kamay ng mga kriminal na iyon.

Mas madaling sabihing nawala na ang nakasanayang balanse sa mundo dahilan upang masira ang tamang daloy ng lahat ng bagay.

Sa kabila ng nangyayaring kaguluhan sa buong mundo ay may isang napakatahimik na isla sa gitna ng malawak na dagat ng Pasipiko.

Kitang kita rito ang napakalaking gusali, na hanggang ngayon ay umuusok pa dahil sa pagsabog na nangyari.

Hindi kalayuan sa lugar ay may isang nakahandusay na batang babae at wala nang malay.

Madaming nakakalat na debris sa paligid nito mula sa sumbog na gusali.

Sunog ang kalahati ng katawan ng bata at kitang kita na ang buto, ngunit nakakamanghang pagmasdan ang unti-unting paghilom ng sugat nito sa katawan.

Ilang minutong inaayos ng kanyang katawan ang sarili, hanggang sa wakas ay kusang bumalik sa dati nitong anyo ang bata.

Wala nang sugat ang makikita rito. Makinis at mapayapa ang mukha ng batang babae at wala nang bakas ng pagkasunog ang naiwan.

Muling umilaw ang daliri nito at nagkaroon ng maliit na kristal na bumalot sa kanyang mga kamay, umabot ito sa braso, hanggang sa tuluyan na ngang binalot ang buong katawan ng batang babae.

Nagsimula na ring kumalat ang matigas na kristal sa kanyang paligid, binalot nito lahat ng madadaanan, mula sa halaman, sa mga hayop, at sa mga bundok na nakapalibot.

Matapos ang dalawang oras ay tuluyan na ngang nabalot ng isang napakakapal na kristal ang buong isla.

Parang nasa loob ng isang malaking snow globe kung titingnan ang buong lugar, kaya lang matatalim ang kristal na bumabalot dito, dahilan upang hindi basta basta makakaapak ang sino man.

Nagsimula namang lumakas ang alon sa karagatan na nakapaligid, unti-unti itong bumuo ng isang napakalaking alon at lumayo ng tatlong-daang kilometro mula sa isla upang magsilbing harang at maprotektahan ang isla laban sa labas.

Mula sa katawan ng dalaga ay may makapal na hamog ang namuo at unti unting kumalat sa buong paligid. Umabot ito hanggang sa kalangitan, nagkaroon naman ng ilang malalaking buhawi sa karagatan.

Nagsimulang magkaroon ng malakas na pagkulob at pagkidlat hanggang sa ang buong lugar ay tuluyan na ngang nakatago mula sa labas.

Walang sino man ang makakalapit sa isla dahil sa makakapal na hamog na pilit itong tinatago ito mula sa labas.




Year 2035...

Limang taon na ang lumipas ng umulan ng kakaibang bagay ang kalangitan, tinawag ng mga ito ang bagay na iyon na To dóro na ang ibig sabihin ay 'Ang regalo.'

Madami man ang nagkaroon ng kakaibang kakayahan ngunit hindi lahat ng mga tao ay natamaan sa nangyaring pagsabog,

Karamihan pa rin dito ay nakailag o kaya naman ay  sadyang hindi lang talaga pinalad na tamaan nung panahong iyon.

Dahil na rin sa biglang pagbago ay napilitang mag adjust ang mundo at bumuo ng panibagong mga batas upang mapanatili ang kaayusan.

Nahati sa dalawang klase ang mga tao sa mundo, ang mga 'Mahistiya' at 'Glosya'.

Ang mga Mahistiya ay ang mga taong nagkaroon ng kakaibang kakayahan matapos ang pagsabog, samantalang ang mga Glosya naman ay ang mga taong walang kahit na anong espesyal sa kanila.

Dahil na rin sa pagkahati ng mga tao ay nagkaroon ng diskremenasyon sa pagitan ng dalawa, patuloy na lumalaki ang ulo ng karamihan sa mga Mahistiya.

Dahil sa nakuhang kapangyarihan ng mga ito ay mas inisip nilang sila ang nakakaangat sa lahat, ang mga magagaling at ang perpektong mga nilalang.

May isang sikat na panukso ang mga ito sa mga Glosya tuwing magkakaroon ng duelo ang dalawa.

"Nung umulan ng kapangyarihan, wala ka, pero nung umulan ng katangahan ay sinalo mong lahat"

Dahil dito ay desperadong naghanap ng paraan ang mga Glosya upang malabanan ng patas ang mga Mahistiya,

Nagkaroon ng mga makabagong kagamitan, mga sasakyan at mga bagay-bagay na mas nakakapagpadali sa buhay ng lahat.

Dahil na rin sa biglaang pagbabago ay nagkaroon ng iisang lingwahe ang lahat, tinawag itong Esperanto.

Ginawa ito upang mapigilan ang hindi pagkakaunawaan ng mga tao dahil sa pagkakaiba-iba ng lingwaheng ginagamit.

Ang mga lingwaheng kinagisnan noon ay unti-unti nang nakakalimutan ng mundo.

Nakakatakot kung iisipin ang masyadong mabilis na pagbabago ngunit walang nakakasagot sa matagal nang katanungan ng sangkatauhan.

Saan nga ba nagmula ang lahat?

Madaming haka-haka tungkol dito pero walang nakakaalam kung totoo nga ba ito o hindi.

At ang nag-iisang taong may alam sa nangyari ay walang iba kundi ang batang nakakulong sa isang makapal na kristal.

Sa limang taong lumipas ay unti-unting nawala ang kristal na bumalot sa buong isla, tanging ang katawan na lamang batang babae ang bukod-tanging nababalutan nito.

Hindi nagbago ang batang babae, ni hindi nga ito tumanda sa loob ng limang taong lumipas, nanatiling sampung taong gulang ang katawan nito.

Sa unang pagkakataon ay nagsimula nang magkaroon ng biyak ang makapal na kristal, maya maya pa ay padami ng padami ito hanggang sa tuluyan na ngang nabasag ang lahat.

Biglang tumahimik ang paligid, walang huni ng ibon o ng kulob sa kalangitan, na normal namang maririnig noon.

Unti-unting gumalaw ang daliri ng batang babae, nagsimula na ring tumibok ang puso nito at dahan-dahang dumaloy ang dugo nito sa katawan, isa-isa ring nabuhay ang lamang loob ng bata.

Biglang bumukas ang mga mata nito at napabalikwas habang hinihingal, para itong nalunod sa isang napakalalim na tubig.

Kitang kita ang matingkad na dilaw nitong mga mata. Ilang sigundo ring hinihingal ang batang babae habang sapo-sapo nito ang kanyang dibdib. Nang huminahon ay muling bumalik sa dating kulay abo ang mga mata nito.

Tiningnan nito ang mga kamay, walang nagbago dito dahilan upang mas lalong magtaka ang batang babae sa nangyari, naaalala pa nito ang isang malakas na bagay na tumama sa kanya bago nawalan ng malay.

"Quod factum est?" Mahinang tanong nito sa sarili at tiningnan ang paligid.

Nakita nito ang madilim na paligid, dahan dahan namang tumayo ang batang babae ngunit mabilis itong bumagsak ng makaramdam ng panghihina.

What in the world happened?

Mahigpit itong pumikit, naramdaman nito ang paglutang ng sarili, sa muling pag mulat nito ay bumalik sa matingkad na kulay dilaw ang kanyang mga mata. Seryoso nitong tiningnan ang nagiisang lugar na naging dahilan ng lahat.

Tahimik itong lumutang papunta sa kinalalagyan ng sirang gusali, dahan dahan namang tumigil ang batang babae ng makarating sa pupuntahan.

Kitang kita nito ang wasak na wasak na laboratoryo, kung saan ginugol nito ang mahigit limang taon upang maging isang eskperimento sa mga baliw na doktor sa loob ng gusali.

Lima hanggang anim na anyos pa lamang ang sampung mga bata noon nang dukutin ang mga ito mula sa kani-kanilang mapayapang buhay.

Pilit silang sinasanay ng mga doktor sa mga bagay na ginagawa lamang ng beteranong mga sundalo sa loob ng limang taon, bago sinimulan ang aktwal na eksperimento.

Sa loob lamang ng dalawang araw ay isa-isang naubos ang kasamahan ng batang babae dahil sa lintik na layunin ng mga baliw na tao.

Dahan-dahang inabot ng batang babae ang kwintas na nakakabit sa leeg nito, kitang kita rito ang pamilyar na mga numero.

12025010.

Galit na hinatak ito ng bata babae at tinapon kung saan. Tandang tanda pa nito ang ibig sabihin ng bawat numerong nakalagay roon.

Group number 12 in the year 2025, experiment number 10.

Agad na sinapo ng batang babae ang kanyang noo, dahan-dahang lumabas ang isang sarkastikong tawa mula sa kanyang bibig. Palakas ng palakas ang tawa nito, at habang tumatagal ay para na itong isang baliw.

Bigla itong tumigil at matalim na tiningnan ang buong gusali.

"What should I do now?" Seryosong wika nito.

Tahimik na nakatingin lamang ito sa gusali at hindi alam ang gagawin.

"BRING BACK EVERYTHING!!!" Galit na ikinumpas nito ang mga kamay dahilan upang tuluyan nang mawasak ang natitirang mga bahagi ng gusal.

"After everything you've done! You can't be killed that easily, you didn't pay enough!!" Galit na sumigaw ang batang babae at patuloy na sinisira ang gusaling nakatayo ngunit hindi ito naging sapat para sa kanya.

Ikinumpas nito ang mga kamay at isang malaking alon ang tumangay sa lahat ng natira sa gusali.

Mahinang napaluhod na lamang ito sa lupa at galit na iniyukom ang kanyang mga kamay.

"You..."

"... didn't pay enough."




YEAR 2043...

Nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan ang isang dalaga, litaw na litaw dito ang napakagandang itim na buhok, makapal na pilikmata at pulang labi.

Mula sa kanyang kotse ay kitang-kita ang laki ng buong akademya.

Bumalik ang tingin nito sa mga estudyanteng nakikipagbangayan sa taglay na kakayahan, may roon ding mga kabataang ibinibida ang makabagong armas na meron ang mga ito.

It's been thirteen years since that day. 

Napailing na lamang ito ng makitang kinakain ng lalaki ang apoy na lumalabas sa kamay ng kaibigan.

It wasn't supposed to happen, but why do people become dumber and dumber as time goes by?

Nang makarating sa loob ng parking lot ng paaralan ay walang emosyong bumaba dito ang dalaga.

Rinig na rinig ng matalas na tainga nito ang bulung bulungan ng paligid tungkol sa mga walang kwentang bagay.

Tch.

Walang emosyong nagpatuloy lamang sa paglakad ang dalaga hanggang sa makita nito ang dalawang hallway na magdedesisyon sa buhay nito bilang estudyante.

Tumigil ito sa gitna ng dalawang hallway at paulit-ulit na tiningnan ang dalawang daanan. Napakamot ito sa kanyang ulo, inis na napabuntong hininga na lamang ang dalaga at mahinang pumihit pakanan.

Kitang-kita ang isang napakalaking mga letra, na gawa sa ginto, na nakapaskil sa itaas na bahagi ng hallway na tinatahak ng kanyang dalawang paa.

"Campus for Glosya."

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.1K 58
A girl comes to destroy his world. A boy vulnerable for her existence. Their worlds collide and their fates are chained. Her existence is his destr...
32.4M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...
446K 39.3K 139
Rogue Wars Online (RWO) is an all-out action-adventure game that invites the top streamers, pro-gamers, and even newbies in their official beta-testi...
5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...