I AM NUMBER 10: BOOK I

By hissotto

328K 7.6K 425

Sa gitna ng normal na takbo ng mundo ay biglang may kakaibang pagsabog ang nangyari sa kalangitan. Isang araw... More

NUMBER 001
NUMBER 002
NUMBER 003
NUMBER 004
NUMBER 005
NUMBER 006
NUMBER 007
NUMBER 008
NUMBER 009
NUMBER 010
NUMBER 011
NUMBER 012
NUMBER 013
NUMBER 014
NUMBER 015
NUMBER 016
NUMBER 017
NUMBER 018
NUMBER 019
NUMBER 020
NUMBER 021
NUMBER 022
NUMBER 023
NUMBER 024
NUMBER 025
NUMBER 026
NUMBER 027
NUMBER 028
NUMBER 029
NUMBER 030
NUMBER 031
NUMBER 032
NUMBER 033
NUMBER 034
NUMBER 035
NUMBER 036
NUMBER 037
NUMBER 038
NUMBER 039
NUMBER 040
NUMBER 041
NUMBER 042

NUMBER 000

22.6K 519 45
By hissotto

YEAR 2025... 

"We're done here." 

Mahinahong binulsa ng isang lalaki ang bitbit nitong telepono, seryoso nitong sinenyasan ang mga kasamahan dahilan upang agad na kumilos ang lahat at binitbit ang isang walang malay na bata.

Payapang nakapikit lamang ang batang babae, taliwas sa kalagayan ng buong lugar.

Marahang umihip sa hangin ang isang lalaki dahilan upang lumabas mula sa bibig nito ang usok na dala ng yosing hawak.

It's snowing 

Napatingin ito sa madilim na kalangitan ng mapansin ang unti-unting pagbaba ng maliliit na puting mga nyebe.

"Sordi... sordidum bastardis!"

Mahinahong napalingon ang lalaking nagyoyosi sa kanyang likuran, maloko itong napangiti at nilapitan ang taong nagsalita.

Duguan ang katawan ng lalaki habang nakadapa, may malaking haligi na nakadagan sa buong paanan nito dahilan upang lubhang malimitahan ang galaw ng kanyang buong katawan.

Marahang lumuhod ang lalaking may hawak na yosi sa harapan ng taong nakahandusay, dahan-dahan nitong idinikit sa kamay ng kaharap ang mainit na bagay na hawak dahilan upang malakas itong mapasigaw sa sakit.

"You should've pretended that you're dead, idiot." Demonyong ngiti nito at marahang inikot at mas idiniin ang yosing hawak.

Sa bawat pagdiin na ginagawa nito sa kanyang yosi ay mas lalo lamang humiyaw sa sakit ang naghihingalong lalaki. Mula sa nakakagambalang katahimikan sa buong paligid ay isang nakakahindik na sigaw ang paulit-ulit na bumasag dito.

"Everything has been prepared." Seryosong saad ng kararating lang na lalaki.

May bitbit itong iba't ibang klase ng armas habang nakasuot ng itim na sando, kapansin-pansin din ang malaking tattoo sa buong braso nito na simbulo ng isang malaking organisasyon.

Malumanay na tumayo naman ang lalaki mula sa pagkakaluhod nito at tiningnan ang paligid.

Wala na ang dating matanyag na mansyon na nakatayo sa lugar, tanging sira-sirang pader at wasak na kagamitan na lamang ang natira. 

Puno ng marka ng mga bala ang buong paligid, idagdag pa rito ang napakaraming katawang nakakalat at halos lahat sa mga ito ay suot suot pa ang kani-kanilang mamahaling kasuotan, na halatang may isang magarbong pagdiriwang ang nangyari bago ang lahat.

Walang emosyong tumalikod ang isang lalaki at bagot na tinapon ang gamit na yosi dahilang upang agad na sumiklab ang apoy sa lugar, demonyong napangisi na lamang ang lalaki at pumasok sa loob ng itim na sasakyang naghihintay dito.

"Let's go"

Isa-isang umalis ang limang sasakya, rinig na rinig ang isang malakas at nakakatakot na sigaw mula sa isang taong ngayon ay unti-unti nang nilalamon ng mainit na apoy.

Napatingin na lamang sa labas ng bintana ng kotse ang lalaki, kitang kita nito ang mahinahong pagpatak ng nyebe sa mga punong kanilang nadadaanan.

Gaano man kagandang pagmasdan ang unang pagpatak ng nyebe sa paligid ay kabaliktaran naman nito ang mararamdaman mo oras na makita ang unti-unting pag tupok ng apoy sa buong mansyon.

Maya maya pa ay rinig na ang papalapit na sirena ng mga pulisya at bumbero papunta sa mansyon, agad na umaksyon sa sunog ang mga ito ngunit sa bawat tubig na itatapon sa lugar ay mas lalo lamang lumalakas ang apoy hanggang sa tuluyan na ngang maubos at maging abo ang lahat sa ilalim mismo ng mga mata ng mga awtoridad na rumiresponde sa lugar.

Wala nang magawa pa ang mga ito kundi ang tahimik na manood sa nangyayari sa kanilang harapan. Nang gabing yun ay samo't saring reporters ang dumating upang ibalita ang nangyayari.

Walang kahit na isa ang nakaligtas mula sa sunog at wala ring maisip na posibleng salarin ang mga awtoridad dahil na rin sa kawalan ng ebidensya.

Itinuring na lamang ang pangyayaring ito na isang napakasaklap na panaginip, dahil matapos ang ilang buwang paghahanap ng ebidensya ng mga awtoridad ay agad rin itong nabasura hanggang sa unti-unti nang nakalimutan ng lahat ang nangyari.




Matalim na tinignan ng lalaki ang batang katabi na ngayon ay wala nang malay, nasa limang taong gulang pa lamang ang babae ngunit halata sa kinis ng kutis at sa suot nito na galing ito sa isang marangyang pamilya.

Biglang napatigil ang lalaki sa pagkilatis sa batang babae nang maagaw ng isang kwintas ang kanyang atensyon dahilan upang mabilis nitong kunin mula sa leeg ng bata ang makinang at pulang dyamanteng suot.

"Too much knowledge is dangerous." Tiningnan nitong mabuti ang hawak at mabilis na tinapon sa labas ng bintana.

Continue Reading

You'll Also Like

549K 20.3K 40
(Highest rank achieved #1 in Science Fiction!) Akala mo isa kang normal na teenager na naninirahan sa mundong ito. Akala mo kilala mo na ang buong pa...
5.1M 195K 44
Akala ni Jill Morie ay tapos na ang laban, matapos nilang matalo ang Memoire ay payapa na silang namumuhay ngayon sa Isla Ingrata. Subalit biglang ma...
241K 15.7K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH After an unexpected apocalypse, Amira and her friends found themselves trapped inside the border of Luzon, in which the vir...
823K 44.1K 88
VRMMORPG | TAGLISH | Unedited A Sci-fi/Fantasy Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ The life of a gamer is perfectly ordinary. Eat, game, sleep a...