Loving The Cold Blue (GxG)

By leonloves_blue

763K 21.7K 2.6K

All rights reserved More

Intro
CHAPTER -1
CHAPTER-2
CHAPTER-3
CHAPTER-4
CHAPTER-5
CHAPTER-6
CHAPTER-7
CHAPTER-8
CHAPTER-9
CHAPTER-10
Chapter-11
Chapter-12
Chapter-13
Chapter-14
Chapter-15
Chapter-16
Chapter-17
Chapter-18
Chapter-19
Chapter-20
Chapter-21
Chapter-22
Chapter-23
Chapter-24
Chapter-25
Chapter-26
Chapter-27
note :)
Chapter-28
Chapter-29
Chapter-30
Chapter-31
Chapter-32
Chapter-33
Chapter-34
Chapter-35
Chapter-36
Chapter-37
Chapter-38
Chapter-39
Chapter-40
Chapter-41
Chapter-42
Chapter-43
Chapter-44
Chapter-45
Chapter-46
Chapter-47
Chapter - 48
Chapter - 49
Chapter - 50
Chapter - 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62⚠️
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 66

Chapter 65

519 27 1
By leonloves_blue

Alexa

"Ellise and Alexa, may gusto ba kayo sabihin before blowing the cake?" agad akong napatingin kay Blue habang may suot itong kulay asul na party hat.

"Aah.." pag-aalinlangan pero nangingiti niya ring sabi and took the mic.

"Baka maiyak ako, pag ako ang nagthankyou sa kanila" bulong ko rito and held her waist.

Agad na tumikhim naman siya and gaze on the people around us bago nilapit ang mic sa bibig niya. "I just want to thank all the people who came here and celebrated this day with us. Muli salamat po" medyo nahihiya niyang sabi. She then took a deep breath as she look at the table where our parents and his grandpa are. "Popsy and Papa... i'm sorry if I gave nothing but trouble this past years pero kahit gano'n, you let me have and love this woman beside me. For that, I'll forever be grateful" she stopped for a moment, trying to hold back her tears from falling pero natawa rin when Lilac screamed.

"Marry her already!"

The room filled with laughter and cheers from every table kaya pati kami ay natawa and kinikilig at the same but that stopped when Blue get the attention of my parents to thank them too and promised to take care of me.

"I love you, Blue" naluluha kong sabi habang hawak ang cake namin.

We both blew the candles for our first anniversary and sealed our promises to each other with a kiss.

It's our anniversary and double celebration na rin since their basketball team won the championship last month. Hindi lang namin nacelebrate agad dahil naging busy kami parehas.

"What are you thinking love?" I asked while sitting in the front porch of their luxurious villa by the beach.

"Wala naman. I just can't believe we would have this party for our day"

"Silly. Syempre gusto ko special 'tong day natin. Buti your dad initiated to have this party. Akala ko nga lang simple get to together lang ng fam natin. I didn't know Laurels and his other kumpare would be here as well"

"That's why you shouldn't believe that old man. He's a sucker for parties" we both chuckled at what she said. Tama nga rin naman dahil gano'n rin ang ginawa nito sa birthday niya.

Makailang saglit lang ay nagkakayayaan kami ni Blue magswimming sa kanilang infinity pool. Animo'y nakadugtong ito sa dagat kapag tiningnan. Kung iisipin ay para kaming nasa Bali dito sa resort nila. Ang pagkakaalam ko'y ang mga Laurel ang nagdesign nito. They seem to be competitors in industry but truth is investors ang mga Williams sa ilang projects ng mga Laurel.

"Who's that man, Blue?" I asked when I've seen a familiar yet unknown person na kasama ng dad ni Blue.

"That's Architect Ali, James' dad"

"Ah kaya pala magkamukha sila" tukoy ko sa dad ng new friend ni Blue. I met James once at mabait ito.

"Alangan kayo ang magkamukha love" asar nito sa 'kin.

"Sige Blue, ipagpatuloy mo 'yan nang walkoutan kita dito" pananakot ko pa pero mukhang di naman nag-effect dahil panay pa rin ang pagtawa nito. Parang naiimagine niya na kamukha ko talaga ang dad ni James.

Mukhang seryoso ang usapan ng dad nila pareho dahil lumabas pa ang mga ito sa villa. Hindi tuloy ako makalambing kay Blue sa pool dahil baka maistorbo sila.

"Love, ang sexy mo talaga" panlalandi niya pa't di nakuntento at hinapit ang bewang ko kahit na nga ba nand'yan ang dad niya't friend nito.

"Tumigil ka nga, nakailan ka na before the party started" pabulong na saway ko rito pero tinawanan lang ako.

"Nakakainis naman. Wala pa nga akong sinasabi" malanding reklamo niya na kala niya hindi ko narinig. Naku napakakulit.

Natigil lang ang paglalambing niya sa 'kin when our friends decided to join us sa pool.

"Akala namin sabay-sabay tayong maliligo. Nauna na pala ang lovers"

"Para raw makarami" segunda ni Janice kay Ericka at sabay silang humagikgik.

"Palibhasa Janice, hindi ka makachance kay Mayumi"

"Ano Blue? sino nagsabi sa 'yong makisali sa usapan ng matatanda?"

"Sorry na Lola Janice"

"Ah lola pala ha? Halika rito, gagawin kitang violet!" sindak ni Janice saka nilangoy ang pagitan nila ni Blue.

"Hindi naman kasi ako bata! Almost two years lang agwat niyo sa 'kin!" reklamo naman ni Blue habang si Janice ay nagpapabigat para malumos silang dalawa.

"Ang isip bata talaga ni Janice kahit gurang na!" sabi ni Lei sa gilid ng pool.

Tumawa na lang kami ni Ericka sa kulitan nila. Lately, nagiging kasama namin ang friends ko o kapag nasa trabaho naman ako ay si Blue at Lei ang isinasama nila para gumimik o mag-gym.

It's been a couple of months since mag-usap kami ni Blue about sa pagbabalik ko sa pagmomodelo. Akala ko hindi siya sasang-ayon dahil ayaw na nito mapunta ulit sa limelight kung hindi basketball ang dahilan but she still chose to support me.

Nahihirapan nga lang siya minsan dahil sa paghatid at sundo niya sa 'kin sa trabaho pero nakikita kong tinatatagan niya ang loob niya.

"Nga pala nasaan si Lei? Nakita ko 'yon kanina eh" sabi ni Janice matapos nilang magkulitan ni Blue. Kawawa naman ang mahal ko, parang napasukan ng tubig ang tainga niya dahil inaalog-alog pa nito ang ulo niya nang makalapit sa 'kin.

Luminga naman kami sa paligid at nakita si Lei na hinubad ang suot na shirt saka bumwelo ng takbo papuntang pool.

"Coming thru!!!"

Lahat kami ay tinry umiwas sa pagdive ni Lei at sa tubig na umapaw nang magdive siya. Buti na lang at mabilis si Blue, agad niya akong nahila palayo para hindi matalsikan ng tubig dahil sa ginawa ni Lei.

"Ano ba 'yan Lei, nabasa mukha ko!" reklamo ni Ericka habang pinupunasan ang mukha.

"Para saan pa nagdip ka dito sa pool?" pambabara ni Lei.

"Oo dip lang talaga pakay ko rito. Ikaw napakaraskal mo, mamaya may matamaan ng mahabang katawan mo!"

"Pero mas tinamaan yata ako sa 'yo Ms. Ericka" malanding sabi ni Lei at ngumiti sa huli nang nakakaakit. Lahat naman kami ay napacheer sa sinabi ni Lei, crush na crush niya kasi ngayon si Ericka at lagi itong inaasar para magpapansin.

"Asus! Si Ms. Ericka naman pala ang target, tara na guys umahon na tayo nang sila ang makarami" tatawa-tawang sabi ni Janice. Kinikilig pa habang kunwari'y pinapaalis kami ni Blue sa pool.

Maya-maya pa ay napatingin kami kila Lei at Ericka na nag-aaway na naman.

"Do'n ka nga Lei, napakakulit mo" sita ni Ericka habang pilit siyang niyayakap ni Lei sa likod.

"Eto naman si Ms. Ericka napaka-arte. Huwag ka ngang pakipot para may partner rin ako. Tingnan mo si Kean at Clarise oh, ang sarap punpunin ng langgam" turo naman ni Lei sa kapatid ko at kay Kean na nasa baluster ng bahay habang nakaupo't may pinapanuod sa cellphone.

"Oh edi makisali ka ro'n, total mukha ka namang langgam eh"

"Naku nag-aaway na naman 'yong gatas at kape natin"

"Brewed coffee, Asungot edition" sabi rin ni Blue saka sila humagikgik ni Janice. Maputi naman talaga si Lei kaso nang bumalik galing probinsiya nila ay nangitim ito. Habang si Ericka naman ay parang gatas talaga ang kutis, no wonder why marami itong manliligaw.

"Sayang Blue, hindi mo niyaya si Grace para may bebe at kinukulit rin ako rito"

"Busy daw siya ate Janice"

"Asus baka naman takot magselos kasi anniversary niyo. Balita ko crush ka daw no'n eh, hindi ba Sapphire" tumingin nang nakakaasar sa 'kin si Janice saka tumawa. Si Blue naman ay hindi maipaliwanag ang mukha bago busalan ng kamay niya ang bibig ng kaibigan ko bago lunurin.

"Ikaw na bata ka nakakarami ka na sa 'kin!" reklamo ni Janice saka ginantihan ang mahal ko.

"Ikaw naman kasi kung anu-anong sinasabi mo" saway ko kay Janice saka inikutan ng mata.

Nakakaasar, tama ba namang ipapaalala niya kung pa'no ako magselos noon sa Grace na 'yon. Kahit hindi niya sinabi ay alam kong iyon ang pinupunto niya dahil sila lang naman ni Ericka ang napagsasabihan ko ng mga babaeng umaaligid kay Blue.

"Oo nga ate Janice kung ano-ano kasing sinasabi mo. May Mayumi ka na nga eh"

"Naku Blue, she's not my type. Pinapababysit lang 'yon sa 'kin ng Dad niya"

"Not my type daw, hinahatid sundo mo nga"

Janice eyes grew wide and before Blue knew it, malapit na si Janice sa kan'ya. "Saan mo naman nakuha 'yan? Halika rito dalawa tayong matutulog ngayong gabi na nakainom ng tubig sa swimming pool!"

"I have source" huling sabi ni Blue at tumingin muna sa 'kin bago sila maglunuran ni Janice.

Natatawa na lang ako sa kanila, i've never thought they would be this close. Buti na nga lang at hindi sinasama ni Janice si Blue kapag nambababae ito. Subukan niya lang at talagang mayayari siya sa 'kin.
—-

"Good morning" bati ni Blue nang maramdamang gising na ako.

Hindi ko muna minulat muli ang mga mata ko dahil nararamdaman ko ang sinag ng araw sa direksyon ko.

"Love, gising na" inalog niya pa ang balikat ko kaya tumalikod ako't iminulat ang mga mata ko.

"Oo, Blue wait lang" pupungas-pungas ko pang sabi at dahan-dahang bumangon papuntang banyo.

"Kanina ka pa gising?" I asked matapos kong maligo. Ngayon ang uwi namin from resort dahil may photoshoot pa ako para sa release ng collection ni Aster for January.

It's my second project sa kaniya and I can say madali siyang kawork kahit medyo strikta ito.

"Are you sure, hindi tayo mageextend dito?" malungkot niyang tanong habang nakahalumbaba ito sa gilid ng kama.

Ito na nga ba ang kinalulungkot ko lagi kapag may tinatanggap akong project. Kahit ilang buwan na akong bumalik sa pagmomodelo ay mukhang hindi pa rin siya sanay tuwing aalis ako sa tabi niya. Hindi gaya noon na volleyball game or training ang dahilan.

"Hey, babawi ako later okay? or gusto mo ba sumama na lang sa 'kin since wala ka namang pasok?" sa sinabi ko'y parang lumiwanag ang mukha niya.

"Pwede ba 'yon?"

"Yep. I used to bring Clarise before. Basta hindi ka magpipicture at magpopost"

"Hindi naman ako mahilig magpost" natawa naman ako sa sinabi niya nang maalalang last IG post niya yata ay 4 months ago pa.

Umalis na nga kami ng resort kasama ang mga kaibigan namin. It was a two and a half ride kaya pagdating ko ng studio ay napakahaggard ko.

"You're late" bungad sa 'kin ni Aster nang makapasok kami ni Blue. Hindi rin maganda ang ibinigay niyang tingin kay Blue, well hanggang ngayon naman ay tila may cold war pa rin sa kanilang dalawa. Hindi na yata mawawala iyon. "Nagdala ka pa talaga ng batang alagain" tukoy pa nito kay Blue.

"Want me to break all the cameras and screens here?" Blue threatened at nakipagsukatan pa ng tingin kay Aster.

"I'm late na hindi ba? Let's start" I nonchalantly said and went to the makeup artist matapos iguide si Blue na maupo sa kung saan ay hindi siya maiistorbo.

Hindi lang ako ang model na nandito pero ang iba ay tapos na para sa kanilang single shoot. Tatapusin na lang 'yong akin para makapagproceed na kami sa group photos.

"Ready?" sabi ng photographer sa kan'yang digital tech and when the latter signed "okay" ay inayos ko na rin ang posture ko, held the strap of my bikini and looked at the camera, ready to be blinded by its flash.

After couple of shots and a lot of changing pair of bikinis ay inalis ng assistant ang backdrop and signed other people to get the clear big tank filled with water and flowers. Once I got their cue na safe na ay inilubog ko ang katawan ko rito at hinawi ang ilang bulaklak palapit sa 'kin para sa camera. I even posted for underwater shots, hindi naman talaga kasama iyon but Aster and the producers agreed to do that nang mapansing parang bagay sa 'kin ang shots na iyon. Excited naman ako kaya pinaunlakan ko rin ang gusto nila.

"Nice Alexa, walang kupas" bati sa 'kin ng photographer while i'm with my towel on.

"Thanks po, sir" magalang kong sabi rito.

Kakatapos lang ng photoshoot at alam kong gutom na si Blue kaya agad ko itong hinanap matapos kong magbihis.

"Alexa, I'll call your manager kung kailan ulit may project. Baka next year pa since I'll be in Milan this December"

"Alright, Aster. Just message her earlier, I have other brands lining up" I casually answered.

"I see. Anyways, the food is here already. Kumain muna kayo ng batang iyon bago umalis. Happy first anniversary nga pala sa inyo" sabi nito bago ako iwan at pumunta sa digital tech ng studio to see the pictures taken kanina.

Hindi ko alam pero napansin kong ang light ng mood nito at walang bitterness sa pagbati niya sa 'min ni Blue. These days ay nagiging close naman kami, we sometimes see each other sa ibang photoshoot ko dahil siya rin ang kinukuhang wardrobe stylist ng malalaking brand na ineendorse ko. Iyon din ang way na nakakapagkita sila ni Blue at dahilan bakit hindi na gano'n kapangit ang tension sa kanilang dalawa.

I cupped Blue's cheeks and kissed her forehead as soon as I went to her. Tulog na tulog ito at nakakumot pa ang robe na gamit ko kanina nang minimake-upan ako.

"Love, wake up" gising ko sa kaniya at ilang saglit lang ay nagmulat rin ito ng mga mata.

"I'm hungry" sabi nito at parang pusa na mas idiniin ang mukha sa palad ko.

"Let's eat. May pacater si Aster na hinanda"

"Oh.. why?" takang tanong ni Blue as soon as she seated, nakabalot pa rin ng robe ko.

"I don't know. Maybe because she hired a famous photographer" sagot ko na lang saka siya hinila papunta kung saan 'yong mga pagkain.

"Love, bakit pala basa buhok mo? Ang lagkit" reklamo niya nang mabandian ng buhok ko ang braso niya habang kumukuha kami ng pizza at drinks.

"Galing kasi ako do'n" turo ko naman sa parang aquarium na tank.

"Ha? Kala ko si Aster client niyo?"

Napatingin naman kay Blue ang ilang models na malapit sa table kung saan ang ilang pagkain, pati si Sir Fred na photographer ay hindi nakaligtas sa mata ko pero si Blue ay parang hindi napansin ang mga titig ng nakapalibot sa 'min. Nagulat yata sila dahil tinawag lang nito ng casual ang pangalan ni Aster. Usually kasi ang tawag kay Aster ay may kasamang madam.

"Si Aster nga" sagot ko naman sa kaniya. Pansin ko ring tumahimik bigla ang paligid at hinihintay ang isasagot ni Blue sa 'kin nang luminga ito sa tank ng water.

"Aah kala ko nickolodean. 'Yong Spongebob" inosenteng sabi niya at kakamot kamot pa habang nakatingin sa malaking tank ng tubig. Sukat rin sa sinabi niya ay nagtawanan ang mga kasama namin sa loob ng studio. Pati tuloy siya ay natawa na rin, mukhang nakagising na nga sa diwa ang mahal ko.

"Your girlfriend's funny ate Alexa ha" tuya ni Lindsay sa 'kin, kasamahan ko for today's shoot. Hindi rin nakalagpas sa 'kin how she checked out my love habang kumukuha ng salad niya.

"Kakagising lang kasi" sagot ko at hinila si Blue matapos namin kumuha ng pagkain. Lindsay is known to be leech. Mahilig mang-agaw ng partner.

"Oo nga ate, ang cute pa"

"Hi, baka may kapatid ka?"

"Or kuya?"

Sunod-sunod na intriga kay Blue ng mga kasamahan ko habang nakangiti.

"May mga jowa na po sila" sagot naman ni Blue at alangang tumingin sa 'kin.

"Aah sayang naman. Anyways pag single ka na.."

"Hmm do'n na nga kayo. Stop pestering my love" pabirong sita ko sa kanila pero sa totoo lang ay medyo naiinis na ako sa mga haliparot na 'to. Malakas ang loob nila dahil this is not the first time na magkasama kami sa shoot.

"Makabakod naman" asar sa 'kin ni Blue as soon as we seated.

"Tuwang tuwa ka naman sa mga babaeng 'yon" pambabara ko rito and rolled my eyes.

"Never"

"Siguraduhin mo Blue, kung 'di, pagsasamahin ko kayo sa tank ng tubig na 'yan" banta ko rito, kita ko naman ang paglunok niya laway at ni tumingin sa mga kasamahan kong model ay hindi niya ginawa.

———

Continue Reading

You'll Also Like

412K 21.7K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2M 25.2K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...