BOYS TO SEEK (JK and Armina S...

由 fedejik

34.3K 2.2K 196

Being a renowned celebrity, JK find it hard to enjoy his private life. Maging ang lovelife ay naging napakahi... 更多

Boys to Seek (JK and Armina Story)
An Open Letter to my Co-ARMY
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue

Chapter 26

515 47 4
由 fedejik

CHAPTER 26

Armina

Buong araw kaming magkasama ni JK at masasabi kong ito na rin ang aking pinakamasaya. Kahit pa wala naman kaming ginawa kundi ang kumain, humiga at manood ng TV ay hindi ko pa rin ipagpapalit ito sa kahit na ano.

"Nasaan na sila? Baka pauwi na ang mga iyon?" nag-aalala kong tanong.

Magkatabi kaming nakahiga sa sofa habang nakapuwesto siya sa likuran ko at nakayakap sa aking baywang. Habang ako naman ay komportableng nakaunan sa kanyang braso.

"They're having dinner. Don't worry too much."

Tumango ako at humugot ng malalim na buntonghininga. Kung puwede lang na hindi matapos ang araw na ito. Kung puwede lang.

Pumaling ako para maayos na makita ang gwapo niyang mukha.

Malamlam ang mga mata niyang tumitig sa akin bago banayad na hinaplos ang aking pisngi.

"You're so beautiful..." bulong pa niya.

Tipid akong ngumiti. "Ikaw din naman..."

"Well, matagal ko nang alam," nagyayabang pang himig niya na nagpatawa sa akin.

"Hindi na ako kokontra. Totoo naman..."

Banayad niya akong kinabig palapit at pinatakan ng halik ang aking noo. "Let's take a nap for a while."

"Baka dumating na sila..."

"Mamaya pa 'yon. Wala pang message si Jay."

Tumango ako at pumikit na rin. Sa totoo lang ay kanina pa rin ako hinihila ng antok kahit pa wala naman kaming gaanong ginawa.

At hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa ganoong posisyon.

"JK, ano'ng oras na?" Marahan kong idinilat ang aking mga mata at ganoon na lang ang gulat ko nang makita siyang nakadilat na at nakatitig nang diretso sa kung anoman na nasa aking likuran.

"Um..." Makahulugan siyang sumulyap sa akin bago muling itinutok ang tingin kung saan.

At noon ko na lang na-realize na may ibang tao sa kwarto!

Shit!

Inalalayan niya akong bumangon. Kulang na lang ay hindi ko itaas ang aking mukha sa sobrang kahihiyan nang makita ang ilang pares ng mga paa.

Shit! Shit! Shit!

"I was trying to call you." Hindi man ako mag-angat ng tingin ay alam kong si Jay iyon.

Nang maupo si Jay sa katapat na sofa ay saka sumunod ang ilan pang miyembro ng banda na titig na titig sa aming dalawa.

Kulang na lang ay lumubog ako sa aking kinauupuan. Pakiwari ko'y hindi ko magagawang tumingin sa mga ito.

"A-alis na ako..." tarantang paalam ko pa, pero mabilis na naagapan ni JK ang kamay ko at umiling.

"This is your room, babe..." paalala pa niya na lalong nagpainit ng aking mukha.

Yumuko ako at pilit na ikinubli ang mukha. Hindi ko inaasahang mabubuking nila kami sa ganitong paraan!

"Sabi ko na nga bang may itinatago itong si Jay, e." Si Jin na abot-tainga ang ngisi.

Kabisado ko na ang boses nila kahit pa hindi ako direktang tumingin sa mga ito.

"Guys, look..." tangkang paliwanag ni JK.

"So, umamin ka rin pala?" Si Jimin na naningkit ang mga mata. "Akala ko, e, kami pa ni Vince ang mauuna. Siraulo ka talaga, bunso."

"She's obviously taken," masungit na sagot ni JK dito.

Mahinang humalakhak si Jimin pati na rin ang iba.

"Alam naman naming gusto mo si Armi," sabat ni Vince. "Not that we don't like Armi... We do like her a lot. But we decided to give way for you. Kung naglalapit man kami noon, gusto lang naming gumawa ka ng aksyon. Ang bagal mo kasi!"

"W-w-what?"

Noon na ako lakas-loob na nag-angat ng tingin sa mga ito. Lahat naman sila ay nakangiti sa amin.

"At least your strategy works." Si Jin na mapupunit na yata ang labi kakangisi.

Humugot ng malalim na buntonghininga si JK. "How long have you known?"

"It's been a while now."

"Si Jin lang din ang nagkuwento sa amin." Si Yogi na ngumisi pa. "Kulang kayo sa pag-iingat."

"I saw JK sneaking all the time." Si Jin na lalong lumapad ang ngiti. "And my poor eyes, saw you two kissed like lovey-dovey birds."

Kulang na lang ay lumubog ako sa sobrang kahihiyan. Sa dami nang makikita, ang ganoong eksena pa talaga namin ang masasaksihan niya!

Umismid si JK. "Inggit ka lang."

Nagtawanan sila. Para bang hindi na talaga bago ang nalaman nila.

"Ganito pala ma-in love si bunso... Kaya pala sobrang blooming lately." Si Yogi na umiling-iling pa rito.

Muli silang nagtawanan.

"But bunso..." Si Rapmon na medyo mas seryoso ang mukha kumpara sa iba. "We can't disclose this. Alam mo na ang magiging reaction ng manager natin at lalo nang management. They would be against it."

Seryosong tumango si JK. "I know..."

Alam naman naming parehas na bawal talaga sa kanila na maglantad ng relasyon.

"I am not against it at all, but I want you, guys, to be more careful. Mananagot din ako nito kapag may nakaalam na iba. I hope you understand."

Sabay kaming tumango ni JK. Pero ganoon pa man, natutuwa akong payag sila sa relasyon namin. Kahit pa sila-sila lang ang nakakaalam, sapat na iyon.

"So, I hope that you're careful, JK. You know what I mean..."

Agad akong yumuko upang ikubli ang pag-iinit ng mukha. Kuhang-kuha ko na ang ibig niyang sabihin.

"Ehermmm..." Si Jin na makahulugan pang tumingin kay Jay na nakangiting umiling-iling lang.

"Daig pa tayo ni bunso, a," maktol ni Vince. "Dapat allowed din kaming makipag-date!"

"Bakit? May nakita ka na bang ide-date?" Si Jimin na umismid pa.

Sumimangot si Vince. "Sabi ko nga. Ang hirap naman din kasi. Palaging may nakasunod na reporters."

"Sinabi mo pa," segunda ni Yogi. "Kaya kahit makipag-party sa dating mga kaibigan, sobrang hirap. Kailangan pang alamin kung exclusive lang ba ang party or what."

"May makausap nga lang akong kapwa celebrity na babae, nili-link na agad sa akin." Dismayadong umismid si Jin.

"Ang dami mo namang kaibigan na babae. Sila na ang sasawaan sa pagre-report tungkol sa 'yo." Si Jay na nagkibit-balikat pa. "Parang si Vince lang 'yan. Ang dami ring kaibigang babae sa industry."

Umismid si Vince.  "Yeah. Magsawa sila katsi-tsismis. Wala akong pakialam." 

"Ako nga na-tsismis na may anak. Saan pa kayo?" Si Rapmon na natatawa pang umiling-iling.

"Baka naman nga mayroon?" nang-uuyam pang singit ni Jin.

"How I wish!" 

"Ako rin, a. Gusto kong maging daddy someday." Si Vince na tila ba nangangarap ngumisi.

"Unahin mo muna ang girlfriend bago ang anak." Si Jin na nangingiting umiling.

"Kaya nga. Someday. Magiging kagaya rin ako ni JK. Mai-in love rin ako gaya niya... hopefully with the right woman."

"I think I found mine," makahulugang singit ni Jimin.

Gulat naming ibinaling ang tingin kay Jimin na ngumisi lang.

"No way!" Si Vince na nanlaki pa ang mga mata. "Don't tell me, 'yong umiiyak na fan?" 

Pero sa halip na sumagot si Jimin ay nagkibit-balikat lang ito at nakakalokong ngumiti.

Matapos ang maikling pag-uusap ay nagpasya ang grupo na lumipat sa suite ni JK. Agad silang pumunta sa bar counter at masayang nag-inuman habang kami ni JK ay nakaupo nang medyo nakadistansya sa mga ito.

Sobrang laking pasalamat ko na wala ni isa sa kanila ang kumontra sa relasyon namin. Sa tingin ko pa nga ay suportado nila kami. Hindi man kami ganoon kalaya ay nandoon pa rin ang kaluwagan sa pakiramdam.

"Hindi ka na ba magbabago ng isip, Armi?" Si Vince na agad pang nakaupo sa tabi ko.

Mabilis namang gumalaw si JK at kinabig ako palapit sa kanya.

Humalakhak si Vince at umiling-iling. "Ang seloso naman!"

Umismid lang si JK at inakbayan pa ako.

"So possesive!" Si Jimin na noo'y nakalapit na rin at umupo sa tabi ni JK.

"Are you fucking kidding me? Doon nga kayo!" pagtataboy pa ni JK sa mga ito.

Nagtawanan naman ang dalawa at nag-apir pa.

"Sabi ko na nga ba, e. Hindi ako nagkamali ng basa rito kay bunso, e." Si Jimin na kumindat at umakbay pa kay JK.

Pero maagap na inalis ni JK ang kamay nito at sinamaan ito ng tingin. "Ang kamay mo... Kung saan-saan pa naglalakbay."

Malakas na humalakhak si Jimin. Nalaglag pa ito sa upuan dahil sa sobrang tawa.

"I can't believe you! Naramdaman mo pa 'yon?! Seriously?!"

"You're so fucking whipped!" naiiling pang sabi ni Vince habang titig na titig sa aming dalawa.

"What do you fucking care, huh?"

"Hoy, hoy, bunso! Mas matanda pa rin sa 'yo 'yan!" paalala ni Jimin na noo'y umayos na ulit ng upo sa tabi nito.

Hindi naman umimik si JK at umismid lang.

"For the record," seryosong panimula ulit ni Vince, "we support you, okay? Just please be careful. Hindi natin alam ang puwedeng mangyari once your relationship revealed."

"Yeah," sang-ayon ni Jimin. "Basta nandito lang kami para sa inyo."

Tumango si JK sa mga ito.

Wala man siyang sabihin, alam kong masayang-masaya siya sa suportang ibinigay sa kanya ng kanyang mga kagrupo.

"But Armi"—umusad palapit sa akin si Vince—"kung wala si JK, sino sa tingin mo ang mas gwapo? Ako o si Jimin?"

"What the hell, dude?!" maktol ni Jimin. "Gwapo na rin ako, a!"

"Cute ka lang," natatawang sagot ni JK.

Naiiling na sumimangot si Jimin at inismiran ang mga ito. "Ang yayabang n'yo!"

"So, Armi? Sino?" pag-uulit ni Vince.

Nakangiti akong sumulyap sa aking boyfriend bago salitang tiningnan ang dalawa. "Si JK pa rin."

"Mas gwapo kaya ako riyan kay JK. 'World's Most Handsome Face' kaya ito!" nagmamayabang pang himig ni Vince at nagpa-cute pa.

"Worldwide Handsome here!" singit ni Jin na nagpatawa sa iba pang miyembro.

"Oh, come on! Cutest here!" Si Jimin na sumayaw-sayaw pa sa harap namin.

Naiiling na niyakap lang ako ni JK at binulungan. "I love you so much, baby..."

Nilingon ko siya at malagkit na tinitigan. Sapat na ang mga salita niyang iyon para hindi ko na marinig pa ang ibang ingay maliban sa malakas na tibok ng puso ko.

继续阅读

You'll Also Like

694K 2.1K 7
A S H L E Y G R E N D L Y L E R W I C K Nang dahil tumakas ang ate niya pumayag siyang pakasalan pakasalan ang isang Gwapo, Mayaman, Matalino...
803K 9.8K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.3M 41.4K 27
SAN DIEGO SIBLINGS SERIES #3 (MATIAS' STORY) Inspired by the movie, MAGIC MIKE starring Channing Tatum! ********** Maliit pa lamang sila ay pinangara...
1.9M 6.5K 8
He is an actor. She's a brat. COMPLETED