-44- Blue Vs Red

4.4K 131 6
                                    

Yoona's pov




"Ay! Natapon!" Nagulat kaming lahat at napatingin kay Leej. Natapon sakanya yung juice na iniinum nya. Nabaling ang lahat ng atensyon sakanya. Tumingin sya sakin. Tinging nag aalala. Pinunasan ko ang luha galing sa mata ko.




"Ang dumi ko na. Teka palit lang ako ha. Yeej! " Sabi ni Leej. Tumayo ako at sumama kay Leej. Inakbayan nya ako at alam ko. Alam kong ginawa nya yun para isalba ako. Para hindi nila makita na mahina ako.




"Salamat Leej. Nadumihan ka pa tuloy ng dahil saakin. Sorry ha?" Sinabi ko nung malayo na kami. Iniharap nya naman ako sakanya.




"Ayokong nakikitang umiiyak at nasasaktan ka Yeej. Para sayo gagawin ko ang lahat. Kaya wag kanang mag emote dyan! Lalo kang papangit sige ka!" Pabiro nyang sabi at natawa naman ako dun. Kinurot nya ako sa ilong. Pumunta naman sya sa locker room at nagpalit habang ako pumasok na sa classroom. Maya maya maya ay dumating na si Leej. Tumabi sya saakin.




"Nandito rin pala si Ezzy and Renzo." Sabi nya at oo nga no? Bat hindi ko napansin? Siguro sa sobrang pag iisip ko. Maya maya rin ay dumating na yung teacher namin sa p.e




"Okay class. So ang next topic natin ay basketball and volleyball. Hahatiin ko ang boys  sa dalawang grupo at ganun din ang girls. Okay bayun. Now, kelangan nyong bumunot kung saang team kayo mapupunta. Kung sa Red team ba o sa Blue team." Ano bayan si sir. Andaming alam na ka ek ekan sa mundo. Nakakainis. So ayun nga isa isa kaming bumunot.




"Psst! Anong nabunot mo?" Tanong saakin ni Leej. Mukhang patapos narin pala bumunot ang iba naming kaklase.




"Blue team ako eh." Sabi ko kay Leej at nalaman kong blue team din pala sya. Pinaupo na kaming lahat ni sir.




"Mas mauunang lalaruin ang basketball bago ang volleyball. Kung sinong team ang manalo dito ay perfect na sa quiz natin. Bukas na ito magaganap so mag practice na ang magkakateam--" Hindi ko na pinakinggan pa ang sinasabi ni sir. Bukas pala yun mangyayari. Narinig kong tinanong ni Ezzy si Renzo kung anong team nya at Red team pala sila pareho. Magkakalaban kami. Hanggang sa marinig ko nalamang na nag paalam na si sir.




'Gosh! Excited na ako para bukas!'




'Sana ka team ko manlang ang isa sa mga prince natin!'




'Red team ako! Ikaw pre?'




'Blue eh! Magkalaban tayo pre!'




Hanggang sa mag uwian na. Hinatid ako ni Leej sa bahay. Nagpasalamat naman ako sakanya. Pag bukas ko ng pinto ay naabutan kong nag aayos ng lamesa sina Lex at Gluriang.




"Kumain kana. Tara! Sabay sabay na tayo." Aya saakin nila Gluriang. Tumango naman ako kasi nahihiya na ako sa kanilang dalawa. Palagi ko nalang silang natatanggihan nitong mga nakaraang araw.




"Niluto namin yan pareho! Sige! Kumain ka ng madami ha? Nangangayayat kana tignan mo." Sabi saakin ni Lex. Sumang ayon naman si Gluriang sa sinabi ni Lex kung kayat kumain ako ng kumain.




"Bati na kayo?" Tanong ko habang ngumunguya ng pagkain. Nagkatinginan naman sila pareho. Saka tumango tango.




"Yes! Bati na kami. Eh ikaw? Kamusta ka naman?" Tanong nila saakin. Napayuko naman ako sa tanong nila. Hay. Tumayo sila at niyakap ako pareho. Umiyak naman ako ng umiyak.




Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now